공유

Chapter 12

Raven's POV

PAREHO kaming napatigil ni Lux sa aming ginagawa. Pareho kaming nagulat dahil sa hindi namin inaasahan ang panauhin na ngayon ay masamang nakatingin sa amin. Ano ang ginagawa niya rito?

Hindi ako nagsalita at hindi din ako tumayo. Imbes na magpatuloy sa pagkagulat ay tumingin na lang ako sa pancake at kumain.

Pakialam ko kung nandito siya. Tinanggal na niya ako hindi ba? Ano pa ang ginagawa niya dito?

"Mr. Cambridge." Dinig ko naman na bati ni Lux at tumayo ito.

Nagpanggap na lamang ako na walang pakialam at walang naririnig.

"Can I talk to Ms. Haust?" Dinig kong tanong ni Vander. Alam ko na talim ang tono nito at hindi ko alam kung para saan pa iyon.

I almost rolled my eyes. Ano pa ba ang pag-uusapan namin? Tungkol ba kay Harriette? Ako ba ang magbabayad sa pampa-ospital nito?

"Raven." Untag naman sa akin ni Kiera.

Walang ganang napatingin ako kay Vander tsaka ako tumayo.

"Follow me." Naglakad na ako palabas ng bahay. Papunta ako sa likod kung saan nandoon ang isang gazeb
잠긴 챕터
앱에서 이 책을 계속 읽으세요.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status