“Sa tingin mo ay alam na kaya ni Luisana ang totoo?” Sandaling nag-isip si Guada. Narito kami ngayon sa kwarto ko at sinabi ko sa kaniya iyong nangyari noong gabing nakausap ko si Luisana. Kahit na in-assure na ako ni Angelina ay hindi ko pa rin maiwasang mangamba tungkol doon. Nararamdaman ko kasi na may alam na talaga si Luisana kasi hindi naman niya bibitawan ang mga salitang ‘yon kung wala, ‘di ba? At malaking problema iyon kung sakaling may alam nga siya. Kung totoo ang hinala ko na alam niyang nagpapanggap lang ako bilang si Angelina Smith ay paniguradong gagamitin niya ang kaalamang iyon upang sirain ako. Desperada siya at handang gawin ang lahat makuha lang si Damon. “Baka naman nagsisinungaling lang siya para pag-isipin ka?” hindi rin sigurado si Guada sa sagot niya. “Paano kung hindi? Paano kung alam niya na talagang nagpapanggap lang ako?” Itinikom ko ang nanginginig sa kabang kamay. Lumapit sa akin si Guada at marahang hinaplos ang aking buhok, “Hindi ko rin alam, Fr
“Tapos na!” Iminulat ko ang aking mga mata nang sabihin iyon ni Guada. Agad na bumungad sa paningin ko ang repleksiyon ng aking mukha mula sa salamin. “Kahit anong ayos ang gawin sa ‘yo ay ang ganda-ganda mo pa rin!” papuri ni Guadalupe. Hindi ko nga lang alam kong nagsasabi ba siya ng totoo o sinabi niya lang iyon dahil siya ang nag-ayos sa akin ngayon. Pero hindi ko maipagkakaila. Magaling siyang mag-make up at mag-ayos ng buhok, maganda rin ang taste ni Guada sa mga damit kaya siya ang madalas na namimili ng mga isinusuot ko rito. Tumayo ako at pinagmasdan sa salamin ang aking kabuohan. Kinulot ng kaonti ni Guada ang buhok ko kaya naman mistula iyong umaalon, may kung ano rin siyang inilagay rito kanina kaya pansin ko ang pagkintab nito. Hindi naman makapal ang make-up ko ngayon, ayaw ko rin kasi ng ganoon at ayon naman kay Guada ay mas bagay talaga sa akin ang natural look dahil may natural contour na raw ang mukha ko at natural ding mapupula ang labi. Nang pasadahan ko ng
“Hindi ka ba bababa?” takhang tanong sa akin ni Guada. Binalingan ko siya saglit at umiling bago muling ibinalik ang atensyon sa pag-aayos ng damit sa closet. Nagpatay-malisya ako pero ramdam na ramdam kong nakatitig pa rin sa akin si Guadalupe at maaaring nagtatataka sa mga ikinikilos ko. “Magtapat ka nga. Bakit pakiramdam ko ay iniiwasan mo si Sir Damon?” pagdududa niya. “Hindi ko siya iniiwasan ah!” Lumapit sa akin si Guada, nakataas ang isang kilay, “Talaga? Bakit noong breakfast ay nagkunwari ka pang tulog noong sabihin kong hinihintay ka niya? Noong lunch naman ay hindi mo sinasagot ang tawag niya? Noong meryenda ay hindi ka rin bumaba at nagkunwari kang antok at pagod kahit halos wala ka namang ginawa buong maghapon. At ngayon namang dinner ay ayaw mong bumaba dahil…abala ka sa pagtutupi ng mga damit kahit gabi na?” Napanguso ako. Kilalang-kilala na ako ni Guada kaya alam kong wala ng silbi para magsinungaling ako sa kaniya, pero mas lalo namang hindi ko kayang sabihin sa
“Did I disturb your sleep?” tanong sa akin ni Damon matapos niyang maibaba ang tawag at makitang gising na ako. Umiling lang ako sapagkat hindi ko pa rin kayang makapagsalita dahil sa kabang nararamdaman. Tumawag si Nanay Isang at si Damon ang nakasagot! Mabuti na lang talaga at inalis ko na muna pansamantala ang pangalan ni Nanay sa contacts ko dahil iniisip ko rin ang ganitong sitwasyon pero hindi ko naman inaasahan na mangyayari ngang talaga ‘to! “Someone called so I answered it because you were sleeping. I thought it was important, mukhang wrong number lang pala,” Inilapag niya na sa bedside table ang cellphone ko. “Masakit pa ba ang puson mo?” Umiling ulit ako sa tanong niya. “It’s glad to know that but you should rest more. May gusto ka bang kainin? Ipagluluto kita.” Hindi naman ako nagugutom pero nagpaluto ako kay Damon ng sopas. Nang makalabas na siya sa kwarto ay kinuha ko ang cellphone para matawagan kaagad si Nanay Isang. Nagsinungaling ako sa kaniya, sinabi ko lang na
Paulit-ulit kong pinapaalalahanan ang sarili ko. Hindi dapat ako nagpapaapekto sa kung anuman ang mga sasabihin ni Damon. Kung anuman ang mararamdaman niya. Kung mahulog man siya sa akin ay hindi ko na kasalanan ‘yon. Wala na dapat akong pakialam kasi nandito lang naman ako para kumita ng pera. Pero kahit ilang ulit na pagpapaalala pa ang ginagawa ko ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko. Kahit ilang ulit kong balewalain ay hindi ko magawa kasi ang totoo ay mayroon akong pakialam sa nararamdaman ni Damon. May pakialam ako kasi sa palagay ko ay nagugustuhan ko na rin siya… “What is making you upset?” nagising ako mula sa malalim na pag-iisip ng dahil sa malamabing na boses ni Damon. “Hindi naman. May iniisip lang,” sagot ko sa kaniya at umiwas ng tingin. We are here in the library slash his office. Aniya ay kaonting trabaho lang naman daw ang gagawin niya kaya rito niya na lang iyon sa mansiyon gagawin. Hindi ko nga alam kung bakit kailangang nandito pa ako habang nagtatra
Labis ang pasasalamat ko at naagapan agad ng mga doktor ang kalagayan ni Tatay. Pero hindi pa rin ako napapanatag dahil kung anuman ang ginawa ng mga doktor ay pansamantala lamang iyon, kailangan na talagang maoperahan ni Tatay sa lalong madaling panahon. Nakausap ko nga siya noong nakaraang araw. Sobra-sobra talaga ang pagpipigil ko ng hikbi habang kausap si Tatay Isko sa cellphone. Bukod sa sobrang nag-alala ako sa kaniya ay doon ko lang din napagtanto kung gaano ko siya nami-miss, silang dalawa ni Nanay Isang. Dumagdag ang gastusin sa ospital dahil may mga bagong gamot na kailangang inumin si Tatay. Naisangla na rin ni Nanay Isang ang lupa ng dahil doon ngunit hindi pa namin iyon ipinapaalam kay Tatay Isko dahil alam naming malulungkot siya at hindi iyon makabubuti sa estado ng puso niya. Kakausapin ko rin si Angelina kapag nakahanap ako ng tiyempo, papakiusapan ko siya na kung pwede ay makuha ko na ang kalahati ng napag-usapan naming pera para maipa-opera ko na si Tatay. Sana
Ilang araw ko ng sinusubukang kausapin si Angelina ngunit hindi siya nagri-reply sa mga text ko at hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ko. Nagtataka ako dahil hindi naman siya ganito noon. Nag-alala na rin ako kasi hindi niya na rin ako tinatawagan kagaya ng madalas na ginagawa niya. Sana naman ay walang nangyari sa kaniya. Hindi ko pa naman alam kung may kasama ba iyon ngayon. Ngayong umaga ay sinubukan ko ulit na tawagan si Angelina ngunit kagaya ng mga naunang subok ko ay hindi niya iyon sinasagot. Napabuntong-hininga na lamang ako at pinagkatitigan ng ilang sandali ang cellphone ko bago napagpasiyahang magtipa ng mensahe sa kaniya kahit na hindi naman niya iyon niri-replyan. Kailangang-kailangan ko talaga kasing makausap si Angelina. Makikiusap ako sa kaniya na kung maaari ay makuha ko na kahit man lang ang kalahati muna sa ibabayad niya para naman maipa-opera ko na si Tatay Isko sa lalong madaling panahon. “Nandito na ang mga designer,” imporma sa akin ni Guada pagsapit ng
Wala ako sa sarili buong oras ng party. Kahit pa noong ipakilala ako ni Damon sa kaniyang mga kakilala ay tanging isang tipid na ngiti lang ang naigaganti ko. Naging balisa rin ako dahil pakiramdam ko ay nasa malapit lang si Luisana, pinagmamasdan ako, at pakiramdam ko ay anumang oras ay pupunta siya sa lamesa namin para sabihin kay Damon ang lahat ng nalalaman niya. Natatakot ako. Natatakot ako ng sobra. Naiisip ko pa lang na magagalit sa akin si Damon ay para ng sinasaksak ang puso ko sa sakit. Pero, kahit na anuman ang gawin ko ay doon pa rin naman mauuwi iyon, ‘di ba? Malalaman at malalaman niya rin naman iyon, it is just a matter of time. “Hindi ka pa ba bababa? Hindi ka kumain ng agahan at kaonti lang ang kinain mo kaninang tanghalian. Hinihintay ka na ni Sir Damon sa baba,” nag-aalala ang boses ni Guada noong muli niya akong pasukin sa kwarto. Hindi ako gumalaw sa pagkakaupo sa kama. Tulala lang ako habang iniisip ang mga posibleng mangyari. Hindi na ako mapakali ng dahil s