Share

24

Penulis: Red Auza
last update Terakhir Diperbarui: 2021-12-04 23:57:08

=SABRINA POV=

 

 

Kanina pa ako nakatulala at wala na akong halos maintindihan sa mga turo ng mga professor. Iniiisip ko si Azrael at ang babaeng nakita ko kagabi. Mahal ko si Azrael at totoo ang pagmamahal ko sa kanya. Alam ko rin naman na mahal niya ako kaya nga naging kampante ako kahit hindi ko pa siya sinasagot.

 

Pero hindi ko akalain na ganoon kabilis siyang mawawala sa akin. Hindi ko matanggap na napunta siya sa iba nang ganoon kadali. Akin dapat siya at akin lang siya. Kung may paraan lang na mabawi siya ay gagawin ko. Kung kasing yaman lang ako nang babaeng 'yon ay babawiin ko si Azrael sa kanya. Siguro tinakot niya si Azrael kaya hindi na nakatanggi sa kanya.

 

Habang umiinom ako nang juice dito sa canteen ay iniisip ko kung paano ko kaya mababawi si Azrael sa babaeng ýon. Kung itatakas ko siya ay paniguradong mabilis kaming mahahanap ng babaeng yon. Mayaman siya at madali lang niya kaming mahahanap. 

 

"May problema ka ba miss Ramirez?" Napatingin ako sa nagtanong at agad na tumayo. Isa sa mga professor ko ang nasa harap ko. "Kanina pa kita napapansin sa klase ko na tulala ka."

 

"Pasensya na sir, may problema lang po." Tumango siya sa akin at umupo at sinenyasan akong maupo rin.

 

"Lalaki ba?" tanong niya.

 

"Ho? hindi ho sir." Pagtanggi ko nang makaupo na ako.

 

"I know everything, Sab," Nakita ko ang pag ngisi niya na nagdala ng kilabot sa akin. Bakit ganoon, bakit parang iba ang aura ni Mr, Seth Cowell ngayon? Alam kong malikot na talaga si sir sa mga studyanteng babae. Jolly kasi siya kaya ang daming nagkakagusto sa kanya pero hindi ako kabilang doon dahil loyal ako kay Azrael. Bata pa si sir, siguro nga ilang taon lang ang tanda niya sa akin. Matalino lang talaga siya kaya hindi alangan sa edad niya ang propesyon niya.

 

"Anong ibig mong sabihin?"

 

"I know that someone stole your love ones from you,"

 

"Hindi ko ho alam ang sinasabi mo." Tumayo ako at hahakbang na sana ako dahil para akong kinilabutan dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay hindi basta-bastang tao si sir Seth. Parang sa kabila ng kanyang pagiging jolly at propesyonal ay may lihim sa kanyang pagkatao.

 

"That Azrael, Alexa Lestrange husband is your suitor, right?" Napatigil ako at tiningnan siya na ngayon ay nakangisi na sa akin.

 

"Paano mo nalaman ang tungkol doon?"

 

"Alexa is the owner of this university," sagot niya saka tumayo at naglakad palapit sa akin saka huminto sa tapat ko. "I can help you to take back your lover if you want. Meet me at this address tonight at 7:00 PM." Saka niya nilagay ang note sa lamesa at umalis.

 

Lestrange Hotel.

 

 

 

=SETH POV=

 

 

"Are you sure she will come?" tanong ni Vladimir sa akin habang umiinom. Nakakandong naman sa kanya ang kapatid kong si Lileth na girlfriend niya.

 

"Not sure," Honest lang ako sa tanong niya dahil hindi naman talaga ako sigurado kung darating siya.

 

"Do you think we can used her, kuya?" tanong ni Lileth sa akin.

 

"Based on her action, I can see yes."

 

"Sino ba talaga ang target natin, si Alexa o ang asawa niya?" tanong ulit ng kapatid ko.

 

"Jacob said we have to kill Alexa's husband. Pero syempre hindi natin sasabihin kay Sabrina ýon, her mission is to get rich and to get closer back on that Azrael so we can kill that shit easily." Tumango-tango sila pareho sa sinabi ko.

 

"But you have be careful bro, Lestrange ang binabangga mo, hindi mo alam kung sino ang mata at tenga nila sa paligid." Vlad warned me na nginitian ko lang.

 

"Alam ko, kaya nga hindi ako nagtitiwala kahit kanino, well not to both you and Arven." Sabay inom ko ng whiskey. "Teka, nasaan na naman ýon tarantado ýon?" Kahit gago ang Arven na iyon na nawawala na lang bigla at lagi kong kaaway ay may tiwala pa rin ako sa tarantadong iyon.

 

"Wag mo na hanapin ang nognog na ýon," sagot ni Lileth nang biglang mag ring ang cellphone ko. Si Arven pala ang tumawag.

 

"Nasaan ka?" tanong ko agad.

 

"Secret, pero nakikita kita mula dito kasama yang haliparot mong kapatid at pa-cool niyang bf." Napakunot naman ang noo ko dahil kung nakikita niya kami ibig sabihin kaya noon ay nasa kabilang building siya. Pero saan? Ang daming building sa tapat namin. "Wag ka na maghanap at masasaktan ka lang." 

 

Shit, hindi kaya nagtanim na naman ng camera ang gagong yon dito?

 

"Anyway gusto ko lang sabihin sayo na parating na ang isa pang haliparot mong bisita mo. Palayasin mo yang dalawa kung ayaw mong mabuko. Yon lang, k bye." At tanging mahabang toot na lang mula sa kabila ang narinig ko. 

 

"Arven called and said Sabrina is coming. Leave now both of you." Tumayo agad sila at naglakad palabas ng kwarto.

 

Sino kami? Membro kami ng Night Syndicate na kumakalaban sa Shadow. But unlike shadow hindi kami ganoon kahigpit at sa membro naman ay nang rerecruit kami ng kahit sino unlike shadow na pasapasa ang membro. Kami ay walang pili, mahirap, mayaman, may ibubuga o wala. As long as pwedeng pakinabangan, at kapag hindi na eh di idispatcha.

 

Our goal is to be powerful and to take down the shadow. Jacob Knight is the current leader of Night. Alexa's ex. 

 

Ako? Isa lang akong kanang kamay na nagpapatupad ng kahit ano basta para sa night. Wala akong pakialam kung sino ang masagasaan namin. Beside night has no proper plan, basta ang goal lang talaga ay yumaman. Simple as that. Pero hindi namin ýon magagawa kung nandiyan ang shadow na laging pa-epal.

 

Sabrina is nothing at hindi ako interesado sa buhay niya at wala akong plano na masama siya sa grupo dahil nakikita kong weak siya. Well, I like her before dahil sa pagiging hard to get niya and I tried to catch her attention but I failed. Until I found out that her suitor is Alexa's husband. And that makes me think to use her. Kung papayag siya, akin siya, if not, wala rin mawawala sa akin.

 

I heard three knocks, at nang buksan ko ay nakita ko si Sabrina na nakatayo.

 

Soon, I will take your innocence from you. Physically, emotionally, and even your virginity. You will be my slave Sabrina Ramirez.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Deck Of Cards (Filipino)   25

    ZION's POV

  • Deck Of Cards (Filipino)   24

    =SABRINA POV=Kanina pa ako nakatulala at wala na akong halos maintindihan sa mga turo ng mga professor. Iniiisip ko si Azrael at ang babaeng nakita ko kagabi. Mahal ko si Azrael at totoo ang pagmamahal ko sa kanya. Alam ko rin naman na mahal niya ako kaya nga naging kampante ako kahit hindi ko pa siya sinasagot.Pero hindi ko akalain na ganoon kabilis siyang mawawala sa akin. Hindi ko matanggap na napunta siya sa iba nang ganoon kadali. Akin dapat siya at akin lang siya. Kung may paraan lang na mabawi siya ay gagawin ko. Kung kasing yaman lang ako nang babaeng 'yon ay babawiin ko si Azrael sa kanya. Siguro tinakot niya si Azrael kaya hindi na nakatanggi sa kanya.Habang umiinom ako nang juice dito sa canteen ay iniisip ko kung paano ko kaya mababawi si Azrael sa babaeng &ya

  • Deck Of Cards (Filipino)   23

    =AZRAEL POV="Whoa!" Namangha ako sa ganda ng gate na pinasukan namin. Lalo na nang makita ko ang isang bahay na sa palabas sa tv ko lang nakikita. Ang laki at ang ganda ng paligid. Halatang yayamin ang mga nakatira dito. "Sigurado ba kayo na bahay 'to ni Alexa?" tanong ko nang makababa na kami.Nilibot ko ang tingin sa labas ng bahay. Napakalawak at napakalinis pero hindi kagaya ng mga napapanood ko sa tv na may garden at pool. Dito kasi literal lang siyang malawak at tanging mga upuan lang ang narito at mga puno sa tabi ng mismong bahay.Ang bahay naman ay may seco

  • Deck Of Cards (Filipino)   22

    "Matutulog na kami, Sab." Pero hindi siya nakinig at pumasok pa rin siya sa loob at agad na umupo sa tabi ko. "Anong nangyari, kailan mo pa ako niloloko?" tanong niya at nakita ko ang pamumula ng mata niya. "Hindi kita niloko Sab, ang totoo niyan---" bumuntong hininga muna ako. Kailangan ko sabihin sa kanya ang totoo, pasensya na Alexa pero kailangan kong magpaka-honest ngayon, total ikaw rin naman makakasama ko. "----napikot ako." "Ano?" Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya. "Nalasing ako at nagising na magkatabi kami sa kama kaya wala akong choice kundi pakasalan siya sa mismong araw na ýon dahil kailangan ko siyang panagutan." Binaliktad ko na lang ang sitwasyon para hindi na siya manguli

  • Deck Of Cards (Filipino)   21

    =SETH's POV="Alam mo na ba ang balita?" tanong ko kay Jacob saka tinira ang dart na tumama sa gitna sabay upo sa lamesa ng bilyaran at muling nagpakawala ng isang dart."What news?" tanong niya pabalik pero hindi nakatingin sa akin kundi sa laptop."Alexa is married." Mabilis niyang sinara ang laptop at matalim akong tiningnan. Iyong titig na para akong lalamunin ng buhay."Stop making fun of me, or I will kill right away.""I'm not, you can ask your goons."

  • Deck Of Cards (Filipino)   20

    =AZRAEL's POV= Kalmadong naka-upo sina Alexa at ang dalawa niyang kaibigan na sina Hades at Penelope katapat nang pwesto namin nina mommy at daddy. Kakarating lang nila at pare-parehong tahimik. Tunog lang ng electric fan at ingay sa labas ng bahay ang maririnig dito. Nakita ko na medyo hindi komportable sina mommy at daddy dahil mukhang kanina pa sila asiwa. Hindi ko sila masisi dahilperstaym namin makisalumuha sa mga totoong mayayaman.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status