Share

25

ZION's POV

 

 

Isang malakas na suntok mula sa makinis kong kamao ang binigay ko sa lalaking nakaupo habang nakatali. Bugbog sarado na ang mukong pero hindi pa rin umaamin sa gusto namin malaman. Nandito kami sa underground ng building ni Nath. May misyon kasing binigay si Master sa amin dalawa. 

 

"Patayin na lang kaya natin? Mukhang wala naman pakinabang dahil ayaw kumanta." Pikon na sabi ni Nath sabay kasa ng baril. Tamo ang hayop, masyadong mainipin. Hindi marunong magpasensya.

 

"Gago pag namatay yan nang hindi natin napakanta tayo ang pakakantahin ni master," sagot ko sabay awat sa kanya dahil  natutok na niya ang baril sa ulo ng lalaki.

 

"Sa hitsura niyan? Baka nga hindi na yan abutin ng kinabukasan mamatay na yan ng kusa." Tiningnan ko ang lalaki na lupaypa na at puno ng dugo ang mukha papunta sa katawan. Tangina naman kasi, bakit ba kasi namin nagulpi ng husto.

 

"Kahit na, ang sabi ni---------putang ina bakit mo binaril!" sigaw ko nang umalingawngaw ang isang malakas na putok. Tumalsik pa sa mukha ko ang dugo dahil katabi ko lang ang lalaki. Hinawakan ko ito sa ulo ang na may butas na ang sentido at pilit na inaangat ang ulo. "Hoy, putangina mo, hindi ka pwedeng mamatay gago ka. Sabihin mo muna sinong nag-utos sayo." Pero nang bitawan ko ang ulo ng lalaki ay tumagas lang sa kamay ang dugo na mula sa kanya. Tangina talaga.

 

"Relax 'tol, wala na rin naman tayong mapapala r'yan eh. Nag-aaksaya lang tayo ng oras," Pagkasabi niya noon ay saka niya kinuha ang selpon niya saka may tinawagan. "May tatawagan ako na mas magaling diyan." Putang ina. Parang kilala ko na kung sino ang tatawagan niya.

 

Tumalikod siya at naglakad sa 'di kalayuan saka tumingin sa akin ng seryoso. Sa hitsura niyang yan ay alam ko na kung sino tinawagan niya. Wala naman siyang ibang source kundi ang pinsan niya na kahit anong gawing ligo ng pabango amoy araw pa rin kahit gabi na.

 

Wag niya sabihin naniniwala sa mga kalokohan ng niño'ng gala niyang pinsan na daig pa propeta sa dami ng alam. Hitsura nang mukhang perang ýon na kapag hiningian mo ng pabor at impormasyon laging may kapalit. Kahit baliw hindi maniniwala doon.

 

Nakita ko na lang na nanlaki ang mga mata niya at parang hindi makapaniwala. Tumititig siya sa akin at tumango-tango. Anong naman kaya pinagsasabi ng gagong niyang pinsan na amoy lupa kahit bagong ligo. Hindi ako nakatiis kaya nilapitan ko siya sakto naman na natapos ang usapan nila.

 

"Hoy, pinsan mo kausap mo no?" Pero ngumiti lang siya. "Ano sabi ng pinsan mong propetang gala amoy araw?" 

 

Tumingin siya sa akin saka nilagay ang selpon sa bulsa. 

 

"Putangina nandito na sa Pilipinas si Jacob at nalaman na niyang kasal sina master sa Azrael at ang putang ina, siya ang nagpadala nang mga tao niya sa bahay ng magulang ni Azrael."

 

"Putangina nga." Pero ano naman pakialam ni Jacob kung may asawa na si Master? Siya pa nga umatras sa kasal nila. Ito na nga ba sinasabi ni John Paul ee. Madadamay ang pamilya ni Azrael nito pag nagkataon. 

 

"Sasabihin mo ba kay master?" tanong ni Nath sa akin.

 

"Bakit ako? Dalawa tayong nautusan tanga ka." Bahala siya sa buhay niya. Hindi pa ako handa na makita ang parents ko kaya hindi ako magpepresenta na magsabi kay master tungkol sa sinabi ng pinsan niyang gala. Isa pa, pag hindi tinatanong dapat quite lang lagi. Sa kanya naman tumawag si master kaya siya dapat kumausap.

 

Pero totoo nga kaya sinasabi ng galang yon? Wala talaga akong tiwala sa dugyot na yon. Kulay nga hindi paputiin tapos pagtitiwalaan niya?

 

Sabagay, kahit tarantado ang hayop na yon ay hindi naman yon sinungaling. Kahit wala agad nakukuhang kapalit yon pero nagsasabi pa rin yon ng totoo. Yon nga lang naniningil talaga at pag hindi ka nagbayad, kusa nang nagnanakaw sa mga ari-arian mo nang hindi mo namamalayan.

 

"Kay Penelope ko na lang sasabihin." Good idea yang naisip niya, pero mas good ang idea ko.

 

"Kay Hades na lang 'pre, kahit paano mas madali kausap ýon. Si Pen, nakakatakot din minsan," suhestyon ko sa kanya.

 

"Ok, tapon mo na yan para may silbi ka." Saka naman siya naglakad habang nakapamulsa.

 

"Hoy! ikaw dumali sa gagong yan tapos ako maglilinis?!"

 

"Mismo, ako na dumali ikaw na magtapon."

 

Gago ba ako para maglinis? Asa siya. Building naman niya 'to kaya kahit mapanis yan dito sila naman mangagamoy. Pero since mabait ako at may mabuting puso. Tumawag ako ng isa sa mga tauhan namin para ipatapon ang lalaking ito.

 

Kawawang nilalang. Nasayang ang buhay sa walang kwentang paraan. Ang hina kasi tumakbo kaya ayan tuloy siya ang naabutan.

 

Tatlong araw na simula nang makasal si master kay Azrael at sa loob nang tatlong araw na 'yon ay tahimik pa ang buhay namin. Siguro bakbakan to the max na ang dalawang 'yon. Pero mukha hindi rin dahil sa hitsura nang Azrael na yon kung hindi mo uunahan hindi ka rin tutuklawin.

 

Normal na guapong boss muna ako sa sarili kong kompanya. Gaya ng dati, kapag nasa opisina ko ay panay ang pa-cute sa akin ng mga empleyadong babae. Wala eh, ikaw ba naman magkaboss ng guapo at umaariba sa karisma.

 

Kakatapos ko lang pumirma ng mga papeles kaya nagpaalam ako sa sekretarya ko na uuwi muna. Gusto ko sana bisitahin ang puntod nang mga magulang ko dahil matagal-tagal ko na silang hindi nabibisita. Mahirap na at baka ipasundo ako at magkita kami.

 

Nang makababa ako sa parking ay may humintong sasakyan sa tapat ko na agad kong nakilala. Bumukas ang bintana ng driver na may malapad na ngiti. Ang hayop lamang lang pantay sa ngipin. Mas cute pa rin ang akin dahil may sungki ako magkabilaan.

 

"Gala tayo?" Si Nathaniel ang mahilig sa party na wala man lang kalambing-lambing sa katawan at akala mo laging pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi ba nakaramdam ng pagmamahal?

 

"Bibisita ako sa puntod ng magulang ko," sagot habang nakatayo lang sa labas ng sasakyan niya.

 

"Saka mo na sila dalawin, hindi naman aalis mga 'yon." Gago talaga, palibhasa kasi gawain niya idadamay pa ako.

 

"Wala ba pinapagawa sayo si master?" tanong ko nang biglang tumunog ang selpon niya at agad kumunot nang makita sino ang tumawag.

 

"Bastos talaga yang bunganga mong sa maligno," sabi niya saka sinagot ang tawag kaya natawa ako. Puro 'ok lang master, ok master' ang narinig ko at narinig ko rin na binanggit niya ang pangalan ko at nag ok ulit bago binaba ang selpon.

 

"May misyon tayo," sabi niya sabay paandar ng sasakyan at umalis. "Hayop talaga yang bibig mo." Ang hayop talaga, may misyon daw kami pero iniwan ako.

 

Sumunod na lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang bar. Akala ko ba may misyon kami? Bakit kami nasa isang bar? Saka alas tres pa lang kaya sarado pa ang bar. Pumarada lang siya sa tabi nang biglang may humintong motor sa tapat niya at may inabot saka umalis. Nang makalayo ang motor ay nag-signal siya sa akin kaya sinundan ko siya.

 

Dahil wala naman akong ibang ginawa kundi sumunod nang sumunod ay tinawagan ko na siya. Pachicks ang p**a, gusto hinahabol.

 

"Bakit?" 

 

"Anong bakit? kanina ka pa pa-chicks ah, sabihin mo lang na gusto mo hinahabol ka at ipapahabol kita sa aso."

 

"Sumunod ka na lang, kung gusto mo naman malintekan eh di umuwi ka." Sabay patay niya ng tawag ko.

 

Bastos talaga, kakagigil.

 

Kakasunod ko sa kanya ay napadpad kami sa isang eskinita. Nang tumigil siya ay tumigil rin ako saka bumaba at nilapitan ang sasakyan niya.

 

"Ano ba ginagawa natin dito?" tanong ko.

 

"May gustong pumatay sa pamilya ng asawa ni master," sabi niya saka may inabot na papel sa akin. "Napatay ang dalawa pero nakatakas ang isa at base sa plate number ng sasakyan na dala nila ay dito nakatira ang isa."

 

May gustong pumatay sa pamilya ng asawa ni master? Pero sino naman kaya ang gagawa noon?

 

Kinuha ko ang papel na may pangalan at address. 

 

"Ako na kukuha, ikaw na lang magpakanta," sabi ko.

 

"K," sagot niya. Kk niya mukha mo.

 

Sinumulan ko ng hanapin ang lalaking may kapangalan nang nasa listahan hanggang sa matunton ko ang bahay niya. Nang pasukin ko siya ay agad siyang tumakbo kaya naman naghabulan kami sa eskinita nila. Kaso nagkamali siya nang ginawang taya dahil champion sa track and field mula elementarya at highschool ang pinahabol niya kaya naabutan ko siya.

 

Dumami rin ang tao sa paligid kaya nagpakilala kaming pulis ni Nath. Total naman ay mga baril rin kami. Nakumbinsi namin ang mga tao doon dahil kilala pa lang magnanakaw ang dinampot namin. Nang makuha siya ay dinala namin siya dito sa building ni Nath para paaminin pero ang hayop, masyadong matigas. Mas gusto pa yatang mamatay kaysa makauwi nang buhay.

 

Nasa tapat na ako ng building ng tinitirhan kong condo nang mapansin ko ang sasakyan ni Bethany sa 'di kalayuan. Nang mapatingin ako sa condo ko ay nakita kong bukas na ang ilaw. Paano na naman nakapasok ang babaeng 'yon doon?

 

Oo nga pala hindi ko pala napalitan ang password ng lock ko. Ano naman kailangan ng mapanakit na 'to sa akin? Alam ba niya ang ibig sabihin ng move on o sadyang masarap lang talaga akong magmahal kaya siya habol nang habol sa akin?

 

Tss! Sige pagbigyan na nga at baka kasalanan ko naman pag nasaktan siya.

 

 

 

Red Auza

Thank you for reading everyone. Salamat sa mga naghintay ng update.

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status