Share

21

=SETH's POV=

 

 

"Alam mo na ba ang balita?" tanong ko kay Jacob saka tinira ang dart na tumama sa gitna sabay upo sa lamesa ng bilyaran at muling nagpakawala ng isang dart.

 

"What news?" tanong niya pabalik pero hindi nakatingin sa akin kundi sa laptop.

 

"Alexa is married." Mabilis niyang sinara ang laptop at matalim akong tiningnan. Iyong titig na para akong lalamunin ng buhay.

 

"Stop making fun of me, or I will kill right away."

"I'm not, you can ask your goons."

 

"How did it happen?" Tiimbagang niyang tanong.

 

"There is no impossible when it comes to your ex. You know her, she's always unpredictable."

 

"Who the fuck is the guy?"

 

"My informant said his name is Azrael Rivera, his just an ordinary guy came from an ordinary family," 

 

"Rivera? are they a part of any group?"

 

"Nah, nothing, their just a simple, useless citizen,"

 

"Then why him?" he asked annoyed.

 

"Why not? Alexa can marry anyone she wants using her money and power."

 

"Fuck!" Napangiti na lang ako sa reaction niya nang itaob niya ang lamesa. Halata kasi na may gusto pa rin siya kay Alexa. Malas niya lang dahil pinanganak siya mula sa mortal na kaaway ng shadow.

 

"Ano nga pala sabi ng pekeng Queen?" agaw ko sa atensyon niya bago pa siyang tuluyan mawala sa sarili.

 

"Wala akong pakialam sa plano niya," saka niya sinipa ang lamesa ng bilyaran na inuupan ko. "I have a plan, are you in or no?" Ngumiti ako dahil sa tanong niya.

 

"Sigurado ka kakalabanin mo ang pekeng Queen?"

 

"Do you think im joking?"

 

"Count me in."

 

 

 

 

=AZRAEL's POV=

 

 

"I will give you one night to pack your things, tomorrow morning Ross will come to pick you." Nandito kami ni Alexa sa loob ng kwarto ko para makapag-usap daw kami ng maayos sabi ni mommy. Nakatayo kami pareho sa tabi ng kabinet habang tinitingnan niya ang kabuohan ng kwarto ko. "Just bring your personal things and leave the nonsense." Tumingin siya sa mga picture na nakadisplay. Karamihan kasi ay mga litrato namin ni bebelabs.

 

Nonsense ba ýang mga ýan?

 

Childhood Memories ko ang mga 'yan kasama si Sabrina. Isa yan sa mga masasayang ala-ala ng buhay ko na hindi ko makakalimutan. Tss, parang noong isang araw lang tuwang-tuwa akong kinakausap ang mga yan habang inspired na inspired sa love ko kay bebelabs. Tapos ngayon ay kasal na ako sa ibang babae na hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang tunay na katauhan dahil tatlong araw pa lang simula nang makilala ko.

 

"Hey." Nagulat ako sa sumunod na nangyari.

 

Nakasandal ako kabinet at si Alexa ay nakatukod ang kamay na nakadungaw sa akin. Ako dapat gumagawa nito ah!

 

"A-anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya dahil halos magkadikit na ang mukha namin dalawa.

 

"Who give you the authority to think another woman in front of me?" tanong niya sa akin.

 

"A-anong other woman? Wala naman akong ini-isip na ibang babae." Sinalubong ko ang tingin niya at nakita ko ang pagpula ng pisngi niya. Ako naman pakiramdam ko ang init ng mukha ko. Whoa! mahe-heat stroke yata ako nito kahit gabi na.

 

Hindi ako gumalaw at nanlaki ang mata ko nang mas inilapit ni Alexa ang mukha niya sa mukha ko. Pakiramdam ko isang galaw pa at lalapat na ang labi namin dahil magkadikit na ang mukha namin.

 

"Goodnight," bulong niya at pakiramdam ko nanigas lahat pwedeng tumigas sa akin dahil lang doon. Wew, mga madudumi isip, syempre tuhod at leeg ang tinutukoy ko.

 

"G-go-good n-night," sabi ko nang hindi gumagalaw.

 

Umalis siya at agad na tumalikod kaya napahinga ako nang malalim at saka pa lang nanlambot ang tuhod kaya napaluhod ako. Bigla siyang tumingin sa akin kaya mabilis akong tumayo.

 

"Hindi mo ba ako ihahatid?" 

 

"Huh? Ihahatid syempre," sabi ko habang nakasunod sa kanya.

 

Paglabas namin ng kwarto ay nasa sala sina mommy at daddy. Wala naman dito ang mga kasama niya at mukhang nauna na sa kotse.

 

"Mommy, Daddy, hatid ko lang si Alexa." Yumuko lang si Alex sa kanila at ganoon si daddy.

 

"Ingat," sabi ni mommy pero hindi nakangiti.

 

Mabagal kaming naglalakad papunta sa labas ng gate kung saan nakaparada ang kotse nila. 

 

"Alex," mahina kong tawag sa pangalan niya kaya napahinto siya. 

 

"Hmp?" 

 

"'Di ba mag-asawa na 'tayo?" 

 

"So?"

 

"Pwede ba tayong magkaroon ng call sign?" Uso yon, saka gusto ko may ganoon at wag niyang sabihin sa akin na hindi siya papayag?

 

"Call sign?" takang tanong niya sa akin. Hindi niya alam ang call sign? Ang bobo naman nito.

 

"Oo, parang tawagan ganoon," paliwanag ko.

 

"Endearment you mean?" pinasosyal pa eh pareho lang naman ibig sabihin.

 

"Oo," syempre kailangan may konting galit-galitan.

 

"What us, a pet?" Tamo 'tong babaeng 'to, walang katamis-tamis sa buhay. Alaga lang ba pwedeng may tawagan?

 

"Anong pet, cute nga ýon eh." Kung ayaw niya eh di wag.

 

"Bahala ka," Ýon, kunwari pa na ayaw, gusto rin pala. 

 

"Ahmp, sweetheart," suggestion ko.

 

"I'm not sweet." Oo nga, parang hindi bagay.

 

"Honey," 

 

"Nah, too old," Oo nga common na rin.

 

"Wife and Hubby?"

 

"Nah," 

 

"Bakit?"

 

"Ayaw ko lang," Wag pilitin, iba na lang.

 

"Darling,"

 

"I don't like it,"

 

"Mine,"

 

"OA,"

 

"Babe,"

 

"I'm not a baby," pero pwede na kami gumawa ng baby eh.

 

"Ah alam ko na, naalala ko tinawag mo akong love noong pinakasalan kita, sabi mo time for the honeymoon, love." Bigla naman akong ginapangan ng kuryente dahil sa na-alala ko. 

 

"Shut up, fine." Pumayag din.

 

"So, ok ka na sa love?" 

 

"Whatever,"

 

"Pero mas maganda, kung ako si Love at ikaw si mahal,"

 

"Eh kung murahin kaya kita?" Natawa naman ako sa tanong niya. "Did I throw a joke?"

 

"Hindi, kinilig lang ako."

 

"Tss, bakit may nakakakilig ba?"

 

"Oo, ikaw." Akala niya siya na lang lagi pagpapatahimik sa akin, dapat ako rin. Anong akala niya hindi ako marunong magpakilig? Hindi lang ako makaporma sa kanya kasi nauunahan niya ako. Hintayin niyang tumira ako sa bahay niya at araw-araw ko siyang pakikiligin.

 

Nang makarating kami sa kotse ay pinagbuksan ko siya ng pinto. 

 

"Go inside," sabi niya sa akin.

 

"Pag naka-alis na kayo saka na ako papasok."

 

"Go inside," ulit niya.

 

"Goodnight." Sabay sara ko ng pinto at mabilis na pumasok sa gate at kumaripas ng takbo. Nang makapasok na ako sa loob ng bahay ay kumaway ako para ipakitang nasa loob na ako ng bahay. Saka naman umandar ang kotse nila paalis.

 

"Anak," tawag ni mommy sa akin kaya nilapitan ko sila ni daddy na nakaupo. Sigurado ka na ba na doon titira sa bahay ng asawa mo?"

 

"Yes po," sagot ko.

 

"Iiwan mo na kami anak?" Lakas makakonsensya nito ni daddy.

 

"Dadalaw naman po ako sa inyo lagi-lagi, pasensya na po at hindi ko na kayo matutulungan sa pagtitinda?"

 

"Wag mo kami intindihin at malakas pa kami." 

 

"Mommy, Daddy, ma-mi-miss ko po kayo at ang kwarto ko, sorry po sa nangyari." Nakayuko kong hingi nang paumanhin sa mga magulang ko.

 

Hindi naman sa nagsisi ako, kasi kahit magsisi ako ay nangyari na eh. Pero syempre nabigla ako sa nangyari at alam ko na nabigla rin sina mommy. Pwede ko naman bawiin pero ayoko naman makapanakit ng feelings. Isa pa, kahit ilang beses pa kami nagkasama ni Alexa ay napalapit na rin siya sa akin.

 

"Wag ka mag-alala, dadalaw din kami sa'yo."

 

"Azrael!" Nagulat kaming tatlo nang biglang sumulpot si Sabrina sa harap ng pintuan. "Pwede ba tayo mag-usap?" Tumingin muna ako kina mommy at daddy. Sabay naman sila tumayo at pumasok sa kwarto nila.

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status