Share

8

Author: Red Auza
last update Last Updated: 2021-09-03 03:36:23

=GABRIEL's POV=

 

 

Hindi ko alam kung anong nangyaring kababalaghan kanina dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita ng pagkahaba-haba si master Alexa. Hindi ko alam kung excited siya sa meeting o kinakabahan o sadyang nagmamadali lang talaga kami kaya ganoon ang naging reaksyon niya. 

 

Pero hindi ee, hindi naman siya ganoon dati.

 

Tumingin ako sa side mirror para silipin si master para makilatis lang kung sakaling may nabago sa kanya. Nakatingin siya sa labas ng bintana na mukhang nag-iisip ng malalim. Pero mukha rin dahil hindi naman siya ganyan pag nag-iisip nang malalim. Sa tagal namin magkasama ay halos kabisado na namin ang kilos at pananalita niya. Kaya nga hinanap ko ang diwa ko kanina nang magsalita siya ng mahaba na puro fvcking lang naman ang naintindihan ko.

 

"Do you want to say something, Riggs?" Nagulat ako nang magtanong siya pero hindi siya sa akin nakatingin.

 

Hindi naman siya nakakatakot, pero nagulat lang ako kaya muntik na akong mapatalon.

Wala lang, bakit masama ba magulat? Lalo na kung master ang nasa harap.

 

"Riggs,"

 

"H-huh?" Hindi rin ako kinakabahan ha! Nagulat lang ulit ako kasi pabigla-bigla siya ng tawag. Narinig ko naman na sumipol si santo papa.

 

"How about you Ross?" Napa-tikhim ako nang siya ang balingan ni master. Gusto ko matawa dahil sa reaksyon niya.

 

"H-huh, wala master. Ano naman sasabihin ko? Hehe," sagot ni ogag saka tumingin sa akin. "Si anghel yata meron dahil nakanganga." Aba ang gago at talagang tinuro ulit ako.

 

"What now, Riggs?" balik tanong niya sa akin.

 

"W-wala, a-ano ba meron?" 

 

Nakita ko naman na tumingin siya kay Bethany na nagkibit-balikat lang sabay tingin sa labas.

 

Ang totoo, wala naman sana akong paki-alam maliban sa nagtaka lang ako kanina dahil sa puro fvcking niyang sinabi. Pero ngayon mas naging curious tuloy dahil pinag-aksyahan niya kami nang oras na tanungin kung ano ang nasa isip namin.

 

Aba, concern na kaya siya sa thoughts namin? Naks, pwede na ba akong kiligin?

 

Assuming ako masyado. HAHAHAHA.

 

Baka kasi nakita niya akong nakatingin sa kanya sa side mirror?

 

"You're wondering, Riggs, if there is something bothering you, spill it."

 

"Wala master, sure ang kaguapuhan ko na wala." 

 

Takte, hindi pa nga siya nakaka-upo bilang leader mapapatay na agad ako. Sayang naman lahi ko kung magkataon.

 

Wala na nagsalita sa amin hanggang sa makarating kami ancestral place.

 

 

 

=BETHANY's POV=

 

Tahimik lang kaming lima na nakasunod kina Alexa na katabi sa kaliwa si Hades at sa kanan si Penelope. Habang nakapila naman sa gilid ang ibang member ng Shadow na mukhang mga MIB sa mga suot nilang overall tuxedo. 

 

Duh, dapat lang na presentable lahat ng members no, kahit janitor pa yan, sayang naman ang milyones na pinapasok namin kong magiging dugyot sila. 

 

Pinagbuksan kami ng dalawang bodyguards na nakatayo sa gilid ng pinto habang nakayuko. Dumiretso na kami sa loob ng meeting hall kung saan may mga nauna na sa amin.

 

Ang meeting hall ay katulad ng korte na pinaglilitisan. Sa harap si master at Alexa, kaharap ang VVIP na mga magulang namin, at sa likod ng VVIP ay ang VIP which is kami na ýon at pinalikod na ang mga walang silbing ordinaryong members. 

 

May silbi naman kahit konti dahil kung wala sila, walang VIP at VVIP. Minsan talaga nakakatulong ang mga mahihina para magkaroon ng malakas. Parang sa hitsura, pasalamat na lang kaming mga magaganda na may pangit dahil kung wala magpapatayan kaming mga dyosa kung sino pinakamaganda.

 

Oh! wag ma trigger, dahil may kasabihan na aanhin mo ang ganda kung ang ugali ay masama?

 

Pero hindi uso sa akin yon. Dahil kung panget ka, panget ka talaga. Oh, wag ulit ma-trigger.

 

Nang makapasok na kami ng tuluyan sa loob ay dumiretso na si Alexa sa pwesto niya. Umupo na rim kami sa likod ng VVIP na nandito na rin at si master na lang ang hinihintay.

 

Tahimik sa loob habang naghihintay sa pagdating ni master. Parang pag may dumighay iisipin mo na bomba na ang sumabog.

 

Pero wala sa meeting ang isip ko ngayon dahil ano man ang sabihin ni master ay desisyon pa rin ni Alexa ang masusunod sa aming VIP gaya nang napag-usapan. 

 

Yes to agree to master's order,

 

No to shoot all the members,

 

Simple as that. At dahil madali lang naman kaming kausap lalo na ako, kaya go lang nang go. Echos, kung hindi lang ako tinakot ng nanay ko hindi ako mag-gogo sa desisyon.

 

But honestly, may iba pa naglalaro nasa isip ko ngayon. Ýon ay ang nakita at narinig ko kanina habang nakatingin kay Alexa. Ito ang nangyari sa traffic light.

 

She' acting so weird when she order to take that turorot. Wala rin naman kumain at naiwanan lang sa kotse pero ang pinagtataka ko ay bakit siya nag-aksaya ng segundo para doon. Like, what the heck! Wala naman siya paki-alam sa mga nangyayari basta hindi tungkol sa sindikato.

 

Isa pa, if I am not mistaken, if lang naman, she looked at those idiot vendor. Yes, tiningnan niya at nakita ko na tumingin sa mukha noong tindero. Isang pangyayari na minsan ay hindi niya ginawa sa amin. Maliban kay Penelope na bff niya of course at kay Hades na rin.

 

I know hindi lang ako ang nakapansin noon, dahil kahit si Gabriel nakita kong nakatingin sa kanya pero hindi lang magawang magtanong. Even JP ay napansin ko na palihim na nakatingin sa rearview mirror.

 

Easy lang din naman sa akin magtanong kanina pero sýempre hindi ko gagawin ýon, not unless sawa na ako sa buhay ko at gusto ko na silang unahan sa impyerno para mag organize ng party doon.

 

I am not afraid of Alexa, I am an assasin and a sniper after all. Kaya ko rin makipagsabayan sa kanya if ever, suntok sa buwan nga lang kung manalo ako, and if ever na mangyari ýon, for sure baldado ako at mas gugustuhin ko na lang din mamatay.

 

Argh! I'm thinking too much nonsense because of that. Baka naman naawa lang siya dahil mainit ang panahon kaya siya napatingin doon.

 

Awa?

 

Should I laugh of what I am thinking?

 

Awa, amp. Kanino? 

 

Ee pumapatay nga siya ng bata na anak ng mga traydor sa shadow.

 

Nakaka-inis na mag-isip ha bakit ba kasi ang tagal ni master?

 

Tiningnan ako ni Alexa kaya agad akong ngumiti pero nakatitig lang siya sa akin na walang emosyon. Kaya I diverted my gaze para iwasan ang tingin niya.

 

Duh! 

 

Hindi ako takot sa kanya no!

 

Panget kasi siyang tingnan kaya ayaw ko siyang makita.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Deck Of Cards (Filipino)   25

    ZION's POV

  • Deck Of Cards (Filipino)   24

    =SABRINA POV=Kanina pa ako nakatulala at wala na akong halos maintindihan sa mga turo ng mga professor. Iniiisip ko si Azrael at ang babaeng nakita ko kagabi. Mahal ko si Azrael at totoo ang pagmamahal ko sa kanya. Alam ko rin naman na mahal niya ako kaya nga naging kampante ako kahit hindi ko pa siya sinasagot.Pero hindi ko akalain na ganoon kabilis siyang mawawala sa akin. Hindi ko matanggap na napunta siya sa iba nang ganoon kadali. Akin dapat siya at akin lang siya. Kung may paraan lang na mabawi siya ay gagawin ko. Kung kasing yaman lang ako nang babaeng 'yon ay babawiin ko si Azrael sa kanya. Siguro tinakot niya si Azrael kaya hindi na nakatanggi sa kanya.Habang umiinom ako nang juice dito sa canteen ay iniisip ko kung paano ko kaya mababawi si Azrael sa babaeng &ya

  • Deck Of Cards (Filipino)   23

    =AZRAEL POV="Whoa!" Namangha ako sa ganda ng gate na pinasukan namin. Lalo na nang makita ko ang isang bahay na sa palabas sa tv ko lang nakikita. Ang laki at ang ganda ng paligid. Halatang yayamin ang mga nakatira dito. "Sigurado ba kayo na bahay 'to ni Alexa?" tanong ko nang makababa na kami.Nilibot ko ang tingin sa labas ng bahay. Napakalawak at napakalinis pero hindi kagaya ng mga napapanood ko sa tv na may garden at pool. Dito kasi literal lang siyang malawak at tanging mga upuan lang ang narito at mga puno sa tabi ng mismong bahay.Ang bahay naman ay may seco

  • Deck Of Cards (Filipino)   22

    "Matutulog na kami, Sab." Pero hindi siya nakinig at pumasok pa rin siya sa loob at agad na umupo sa tabi ko. "Anong nangyari, kailan mo pa ako niloloko?" tanong niya at nakita ko ang pamumula ng mata niya. "Hindi kita niloko Sab, ang totoo niyan---" bumuntong hininga muna ako. Kailangan ko sabihin sa kanya ang totoo, pasensya na Alexa pero kailangan kong magpaka-honest ngayon, total ikaw rin naman makakasama ko. "----napikot ako." "Ano?" Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya. "Nalasing ako at nagising na magkatabi kami sa kama kaya wala akong choice kundi pakasalan siya sa mismong araw na ýon dahil kailangan ko siyang panagutan." Binaliktad ko na lang ang sitwasyon para hindi na siya manguli

  • Deck Of Cards (Filipino)   21

    =SETH's POV="Alam mo na ba ang balita?" tanong ko kay Jacob saka tinira ang dart na tumama sa gitna sabay upo sa lamesa ng bilyaran at muling nagpakawala ng isang dart."What news?" tanong niya pabalik pero hindi nakatingin sa akin kundi sa laptop."Alexa is married." Mabilis niyang sinara ang laptop at matalim akong tiningnan. Iyong titig na para akong lalamunin ng buhay."Stop making fun of me, or I will kill right away.""I'm not, you can ask your goons."

  • Deck Of Cards (Filipino)   20

    =AZRAEL's POV= Kalmadong naka-upo sina Alexa at ang dalawa niyang kaibigan na sina Hades at Penelope katapat nang pwesto namin nina mommy at daddy. Kakarating lang nila at pare-parehong tahimik. Tunog lang ng electric fan at ingay sa labas ng bahay ang maririnig dito. Nakita ko na medyo hindi komportable sina mommy at daddy dahil mukhang kanina pa sila asiwa. Hindi ko sila masisi dahilperstaym namin makisalumuha sa mga totoong mayayaman.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status