Share

23

=AZRAEL POV=

 

 

"Whoa!" Namangha ako sa ganda ng gate na pinasukan namin. Lalo na nang makita ko ang isang bahay na sa palabas sa tv ko lang nakikita. Ang laki at ang ganda ng paligid. Halatang yayamin ang mga nakatira dito. "Sigurado ba kayo na bahay 'to ni Alexa?" tanong ko nang makababa na kami.

 

Nilibot ko ang tingin sa labas ng bahay. Napakalawak at napakalinis pero hindi kagaya ng mga napapanood ko sa tv na may garden at pool. Dito kasi literal lang siyang malawak at tanging mga upuan lang ang narito at mga puno sa tabi ng mismong bahay. 

 

Ang bahay naman ay may second floor pero puro salamin ang dingding sa second floor pero hindi kita ang loob. Ang angas dito. Ilan kaya kaming nakatira dito?

 

"Azrael, tara na at baka naghihintay na si ma--si Alexa."

 

Kinuha ni John Paul ang bag ko at naunang naglakad. Ako naman panay lang sipat sa paligid hanggang sa makapasok kami sa loob.

 

"Your ten minutes late, what took you so long?" Napasipol si John Paul bago sumagot. Ang ganda dito sa loob. Bakante ang gitna na may malaking chandelier tapos yong hagdanan parang palasyo sa mga fairy tale movies na magkabilaan ang steps.

 

"Si Azrael kasi may nakalimutan kaya bumalik pa kami sa bahay nila para kunin ulit ang naiwan niya." Teka! wala naman akong nakalimutan ah. Siya nga 'tong late na dumating eh.

 

"Nadala mo ba?" tanong ni Alex sa akin.

 

"H-huh, ah, hindi eh, hindi ko alam saan ko nalapag." Pagsisinungaling ko nang makita kong napatingin si John Paul sa akin. Lintek na buhay 'to, nagiging sinungaling ako simula nang makilala ko ang mga 'to. Mukhang tuwang-tuwa na sa akin si sanatas nito at konti na lang magiging kanang kamay na ako.

 

"What are you waiting, Ross? You may go." Makataboy naman 'to akala mo hindi humingi nang pabor doon sa tao.

 

"Sige, ah Azrael" tawag niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. "Damihan ha?" 

 

"Ross!" pigil galit na tawag ni Alexa at mabilis na kumaripas nang takbo si John Paul. "How are you?" Bakit yong tanong niya parang ang lambing. Nakakakilig pakinggan.

 

"Ayos lang."

 

"Follow me upstair, I'll show you your room." Sumunod ako sa paglalakad habang nakatingin sa bawat dinadaanan namin. Sa gilid nang hagdanan ay may mga painting na naka-display. 

 

"Whoo!" Mas maganda pala dito sa taas. Bawat dingding na naging dibisyon sa bawat kwarto ay may malalaking painting. "Ang ganda dito Alex, bahay mo ba talaga 'to?"

 

"Hindi,"

 

"Hindi?"

 

"Dahil bahay natin 'to." Lihim na naman akong napangiti dahil sa sinabi niya. Talagang tinanggap na niya akong asawa dahil pati bahay niya ay bahay raw namin. 

 

"Ang laki naman nito," sabi ko.

 

"Nah! mas malaki ang resthouse natin sa Italy, so far ýon ang pinakamalaki." Nabitawan ko naman ang maleta na bitbit ko. Gaano ba kayaman ang babaeng ito?

 

"Pinakalamaki? Ilan ba resthouse mo?" 

 

"I don't know. More than 50 I think, I'll check it later so I can give you the list."

 

Fifty, singkwenta? Ganoon siya kayaman.

 

"Bakit ang dami?" tanong ko.

 

"Don't asks too much. Come," Aya niya sa akin at tumigil kami sa isang pintuan. May katapat din itong malaking pinto at iilan pang pinto.

 

"That's a library, that's my office, the other one are music room, then guest room." Turo niya isa-isa sa mga kwarto. "Come over here." Naglakad ulit kami sa kabilang side na may dalawang malaking pintuan.

 

"That one is my room, the other one is yours,"

 

"Teka, magkaiba tayo ng kwarto?" Nakakunot noo kong tanong.

 

"What do you think?"

 

"Anong what do you think? Dinala mo pa ako dito para magkasama tayo. Kung magkaiba pala tayo ng kwarto ay sana sa amin na lang ako dahil wala rin naman pinagkaiba, magkahiwalay tayo ng kwarto." Bakit pa ako nandito 'di ba? Eh di sana hindi na lang ako lumipat kung hindi rin lang pala kami magkasama.

 

"Fine,"

 

"Anong fine? uuwi na ako?"

 

"Fine, sa iisang kwarto na tayo." Binuksan niya ang kwarto at pumasok sa loob kaya sumunod rin ako.

 

"Whoaaaa!" Ang laki ng kwarto niya. Mas malaki pa sa buong bahay namin. Kitang-kita naman ang labas mula rito at talagang nakakamangha.

 

Wala siyang masyadong gamit, dahil bukod sa malaking kama ay may malaking upuan, isang lamesita at isang matangkad na lamesa ang narito. Walang appliances at walang kabinet. Tanging painting lang ang dekorasyon.

 

"That door is a walk-in closet, you can put your things over there." Tumingin ako sa pintuan na tinuro niya saka tumingin sa taas.

 

"Bakit walang ilaw dito sa loob, pero may ilaw sa labas?" tanong ko dahil napansin kong walang kahit isang ilaw dito sa loob. Pero sa labas ay may ilaw na nakahilera sa taas pero dito nakaharap sa loob. Pabaliktad kumbaga ang posisyon.

 

"That glass is a one way vision reflected light. Hindi ka kita sa loob kapag umaga. Pero kapag gabi at may ilaw dito ay nakikita ka sa labas. Light reflected, meaning kapag may ilaw na mula sa labas ay makikita mo ang paligid dito sa loob pero hindi ka pa rin kita sa labas kahit gabi. Magsisilbing ilaw dito sa loob ang repleksyon ng ilaw sa labas. Pinasadya ko yan para kahit gabi ay hindi pa rin kita ang tao dito sa loob pero kita pa rin ang labas."

 

"Wow, ang angas naman. Sino-sino pala mga kasama natin dito?"

 

"Tayo lang,"

 

"Ha? sa laki nito dalawa lang tayong nakatira?"

 

"Mag-isa nga lang ako noong wala ka pa."

 

"Anak nang---paano siya nakakatiis na mag-isa lang siya dito? Anong ginagawa niya dito?"

 

"By the way, do you want to say something?"

 

"Huh? ano naman sasabihin ko?"

 

"Anything that happened last night when I go, a confession perhaps,"

 

"W-wala naman nangyari kahapon, ano naman naisip mo at nasabi mo yan?"

 

"A lot of things that might happen within a minute, So it's just a thought that maybe something important happens to you and you want to share it."

 

"W-wala, natulog nga lang ako nang umalis ka."

 

"Ok, did you eat already?" Bumuntong hininga naman ako saka umupo sa sofa. Nagsinungaling na nga ako kanina, magsisinungaling na naman ba ako? 

 

Saka nandito na ako kaya mas mabuti pa magsabi na nang totoo. Mamaya matuluyan na akong maging kanang kamay ni satanas. Galit nga ako sa mga sinungaling tapos magsisinungaling ako.

 

"Sorry,"

 

"Sorry? saan?"

 

"Nag kissed kami ni Sabrina at------" Bumuntong hininga muna ako. "Muntik na ako makalimot."

 

Hindi ko naman nakita sa ekspresyon niya na galit siya.

 

"Do you really love her?" Nakita ko ang lungkot sa mata niya kahit pa pasarkastiko ang tanong na iyon. 

 

"Oo, pero hindi na mahalaga iyon dahil ikaw na ang asawa ko. Kaya nga ako nandito para-----para pag-aralan na ibaleng sa'yo ang pagmamahal ko."

 

"I'll give you a week to think, with-in a week, kung hindi mo talaga makalimutan ang babaeng yon at siya pa rin ang mahal mo. I'll file an annulment for you."

 

"Huh?"

 

"I like you and I really do. Pero hindi naman kita pwedeng pilitin na habang buhay akong makasama kundi hindi ka naman masaya sa akin 'di ba?" Bakit parang may sakit 'yong sinabi niya. Bakit nasasaktan akong isipin na ganoon lang kadali sa kanya ang sabihin 'yon.

 

"Bakit week?"

 

"A week is enough para masabi ng isang tao kung masaya ba siya sa presensya ng kasama niya o hindi." Bumuntong hininga ako.

 

"Paano 'yong honeymoon? paano kung may nabuo?"

 

"I have my period last night, so you don't have to worry about that. Kung dumating nga lang ng maaga, baka hindi ko na pinatuloy ang pagpaparehistro sa kasal natin." Parang mas masakit pa ýon na marinig kaysa sa mga sinabi niya kanina.

 

"Sige," sabi ko.

 

"Come, I cook something at sabay na tayo mag-almusal." Pero hindi na ako masaya kasi parang ang dali lang sa kanya na bitawan ako. Habang ako ay-----napatingin ako sa kanya at napabuntong hininga. Ewan, bahala na nga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status