Share

11

=BETHANY's POV=

 

 

Sa likod ako ng kotse nakaupo dahil si mommy at daddy ang nasa harap. Gusto ko lang sumabay sa kanila dahil---- wala lang trip ko lang pagurin si daddy. Out of his way ang building ng mga Riggs sa pupuntahan nila kaya gusto ko siyang mapagod. Hindi uso sa parents ko ang bodyguards, unlike other VVIP. Ang iba may mga minions pa na nakabuntot na akala mo naman may pakinabang dahil mas magaling pa sila makipaglaban.

 

Napahinto kami sa isang traffic light nang biglang may sumagi sa isip ko na hindi ko alam kung dapat ko ba pag-aksyahan ng oras sa pag-iisip ko. Pero since sumagi na sa isip ko, eh di isipin ko na lang para may silbi naman ang isip ko 'di ba? Para hindi lang pang-aparasyon ang utak.

 

Alexa's so so so weird today. First, doon sa traffic light na bigla siyang naging madaldal na alam kong lahat ay nagulat. Second, she agreed to get married? Like--- what the f 'di ba? Anong klaseng cockroach naka-pasok sa mind niya at pumayag siya without any hesitation?

 

"If you want to say something daughter, just spill it out, or you want to me explode your brain, so you have no reason to think."

 

"Mom," Inis kong sabi saka umayos ng upo.

 

"Mukha ka kasing tanga anak na nag-iisip at hindi mapakali," sabi ni daddy. "Wag ganoon, pag magaganda dapat hindi ini-stressed ang sarili sa pag-iisip."

 

"Naisip ko lang si Alexa," sabi ko at sabay naman sila napatingin sa akin. Peor binalik din ni daddy ang tingin sa daan.

 

"What about her?" sabay nilang tanong sa akin.

 

"Ehh, meant to be talaga kayo?" Kinikilig kong sabi nang makarinig ako ng pagkasa ng baril at for sure si mommy ýon. Ganoon ba talaga pag nasa fourty's na? Nagiging highblood.

 

"Relax hon, baka sumabog utak ng anak mo dito ayaw ko maglinis ng kalat." Natatawang sabi ni dad.

 

"Wow, akala ko pa naman concern ka sa akin, mas nag-aalala ka pa pala sa kalat."

 

"Isa,"

 

"Eto na nga mom, ito na, hb masyado," sabi ko saka umayos. "Nagtataka kasi ako sa desisyon niya eh, ang bilis niyang umu-oo sa sinabi ni master," dugtong ko.

 

"Bakit hindi niyo ba expected ýon? Aba wag mo sabihin anak kong maganda na hindi ýon na-predict ni Penelope o sumablay siya?"

 

"She predicted it but not exactly, she said that maybe master will find her a partner, but we did not expect it as a husband," sagot ko. "Pero nagtataka pa rin talaga ako bakit pumayag si Alexa."

 

"Tigilan mo kakapanood ng porn para hindi ka maging bobo, puro landi kasi inaatupag kaya hindi ka marunong mag-isip," sagot ni mommy na agad nagpatawa kay daddy.

 

"Bakit mom, you know something?" tanong ko sabay umusog para matapat ang mukha ko sa upuan niya.

 

"IF Alexa can't find husband, one of the VIP's gentlemen will be her partner." Nagtinginan kami ni daddy dahil hindi namin makuha ang konek doon. Well, ako ýon ang ini-isip ko, ewan ko lang kay daddy.

 

"And?" si dad na nagtanong.

 

"Anong and? isa ka pa, manang-mana sayo yang anak mo. Walang mawawala kay Alexa kapag nangyari ýon, dahil malalapit naman sa kanya ang VIP, pabor nga pag nagkataon." Well may point naman kahit paano. But nah, I doubt that. Parang may ibang rason si Alexa kaya siya pumayag.

 

"Anong ini-isip mong babae ka?" tanong mommy.

 

"Parang hindi ako agree saýo mom, bakit naman hahayaan ni Alexa na mangyari ýon kung kaya naman niya hawakan mag-isa ang titolo?"

 

"Anak kung maganda na mana sa akin, baka naman ayaw lang ni Alexa ng gulo, hindi naman kabigatan ýong gusto mangyari ni master at hindi rin naman iba ang makakasama niya kung sakaling wala siyang makita sa labas, kaya wag ka na mag-isip ng kung anu-ano." 

 

"Nah, may iba talaga dad." I'll gonna pushed my instinct.

 

"Hoy babae, sinasabi mo ba na may napupusuan si Alexa?" 

 

Ting! Yan ang tunog ng light bulb na biglang nag-appear sa aking mind.

 

"Oo nga mommy, ang galing mo mag-isip," puri ko kay mommy.

 

"Gaga, malandot ka na bobo ka pa, hindi ako nag-isip, tinatanong kita kung may nagugustuhan ba si Alexa?" 

 

"Hindi ko sure, pero-----ewan, magulo pa ýon sa bulbol mag-isip eh."

 

"Bakit 'nak, nakakita ka ng bulbol na hindi magulo?" Natatawang tanong ni daddy. Well, hindi naman kami mga salauha, sadyang close lang talaga kami at openminded at open sa isa't isa kaya hindi big deal o big issue sa amin ang mga usapang ganito na kung sa iba ay itinuturing na kababuyan. 

 

My parents are my first friend, first best friend, first teacher, first diary. Mas gusto nga nila na nag-oopen ako sa kanila sa kahit ano, which gusto ko din kasi mas nagagabayan at mabibigyan nila ako ng magandang advice dahil friend ko na sila, parents ko pa. Highblood lang talaga yan si mommy pero love kami niyan.

 

"Sa landi ng anak mo'ng ýan na mana sayo na ginawang past time panonood ng porn, malamang iba-ibang bulbol na nakita niyan." Natawa naman si daddy sa sagot ni mommy. Ito kasi si daddy sumingit pa sa sinabi ko. Nauwi tuloy sa bulbol ang usapan.

 

"Teka nga, bakit ba nauwi sa bulbol ang usapan?" tanong ko. "Pero to answer your question mom, baka nga meron." Napatingin naman sila sa akin pareho.

 

"Naku, hindi talaga nadala sa katangahan niya noon na muntik nang magpabagsak sa Shadow, gusto yata talaga matuluyan na eh," reklamo ni mommy. "Gusto talagang sumunod sa mga magulang niya sa hukay."

 

"Pero hindi pa naman tayo sure dýan 'di ba?" tanong ni daddy saka nag-park sa labas ng building dahil nandito na kami.

 

"Ewan, pero pag may nalaman na ako, sasabihin ko sa inyo. For now, bye na muna at hindi ko alam kung para saan na naman ang meeting na ito." 

 

 

 

=ZION's POV=

 

 

Tutok kaming lahat habang naghihintay ng sasabihin ni Alexa. Lahat naka-upo at lahat din ay walang nagsasalita. Pero ako, hindi talaga kikibo hangga't hindi ako kina-usap mahirap na masabihan pa tayong feeling close. Guapo lang tayo pero hindi madaldal, kapagod mag-aksaya ng laway.

 

"Wala naman siguro mawawala kung mag-uusap tayo 'di ba?" Napaka-talaga nitong babaeng maarte na 'to. Epal na, mapanira pa ng puso. "Siguro naman kaya tayo nag-titipon ngayon para dahil may pag-uusapan tayo?" talagang dinugtungan pa kadaldalan niya.

 

"I guess, Bethany is right, do we need to know something?" Second the motion din 'tong isa sa kambal.

 

"Master, gusto ko lang sana malaman bakit ka pumayag sa sinabi ni king kanina?" Natuon ang tingin ni master kay Gabriel na agad napatikhim. Sumipol naman si santo papa sa gilid ko sabay bulong.

 

"Sagot ko na buong lamay, pasakla tayo para more money." Nagtawanan kaming dalawa ng biglang tumikhim si Hades.

 

"I agreed for the best, grandpa's decision is fine for me, it's easy." Easy? 

 

"Bakit may napili ka na ba'ng papakasalan?" tanong naman nang tanong 'to si Gabriela. Pero ang angas talaga ng mga babaeng 'to, bukod sa yakang-yaka nila  sagutin at kausapin si master ay hindi pa uso sa kanila na tawagin siyang master. Sabagay, close silang lahat ee.

 

"Master Damon is expected that one of you will be Alexa's partner." Siniko ako ni John Paul dahil doon sa sinabi ni Penelope, kaya siniko ko din siya pabalik. "And yes, Alexa already found her matched." 

 

"Talaga, who?" tanong ng maarteng si Bethany.

 

"Him," sagot ni master.

 

Bawat isa nagkatinginan nang makita namin si master na nakatingin kay Hades na nagtataka rin. Pero mukhang hindi naman talaga si Hades ang tinitingnan niya dahil tumagos sa likod ang tingin niya. Kaya lahat kami ay napatingin sa likod ni Hades na maging siya ay napalingon rin.

 

"That guy outside," dugtong ni master habang nakatingin sa lalaking may bitbit na malaking box at namimigay ng styro sa mga empleyado sa labas ng opisina ni Gabriela.

 

"Who the fuck is him?" Hindi napigilang tanong ni Gabriela?

 

"soon to be Alexa's king," sagot ni Penelope.

 

"Is this a fucking joke?" Iritadong tanong ni Bethany. "Ýang sidewalk vendor slash ewan na ýan, so lokohan 'to?"

 

"At kailan kami nagloloko, Bethany?" sagot ni Pen.

 

"So, legit nga?" tanong ulit ni Gabriela.

 

"Yes," sagot ni master at binalik sa amin ang tingin. "He will be my soon to be partner, my soon to husband."

 

 

 

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status