Share

Deep Within Miss Cold-Hearted CEO's Heart

CHAPTER 5

            Napabalikwas ng bangon si Samantha. Kasunod noon ay muling nanakit ang kaniyang ulo dahil sa biglaan niyang pagkilos. Ngunit sa halip na indahin ang sakit na nararamdaman ay ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang makita ang malaking bulto ng kaibigan sa tabi niya.

            Himbing na himbing pa rin ang lalaki. Kagaya niya, wala rin itong anumang saplot sa katawan. Realization dawned at her, she doesn’t need to ask what happened. Ang pananakit ng bahaging iyon sa pagitan ng kaniyang mga hita ay patunay lamang na may nangyari sa kanila ni Marco.

            She tried to stand up but decided to pay the man beside her one last look. Nang mapagmasdan niya ang kabuuan ng mukha ng lalaki ay biglang nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata.

            Marco is a handsome guy, no doubt about it…with a physique that both men and women would be drooling on. Hindi nga ba’t ang mga kaibigan nilang lalaki ay hindi maiwasang managhili sa magandang pangangatawan nito? Para naman sa mga babaeng kagaya niya, hindi na mabilang ang mga nahuhumaling dito at nagpapantasyang kahit saglit ay pansinin naman nito.

            And what’s so embarrassing is kabilang siya doon, kahit pa nga ba ang turingan nila ay sa magkaibigan lamang dapat. Masakit man sa dibdib, pero sa nangyari ngayon ay hindi na siya nakatitiyak kung marapat pa bang ipagpatuloy nila ang pagiging mabuting magkaibigan.

            Sa bahagi niya ay alam niyang hindi na siya maaaring sumama pa sa lalaki dahil tiyak niyang bistado na nito ang pinakalilihim niyang damdamin para dito. Hindi niya makakaya sakaling sumbatan siya nito o pagtawanan dahil sa kaniyang kahibangan.

            Nahigit ni Samantha ang paghinga ng bahagyang gumalaw ang lalaki. Hindi maaaring magisnan siya nito. She needs to act fast. Hindi niya alam kung paano ito pakikiharapan pagkatapos ng naganap sa kanila. Kailangan na niyang umalis ngayon bago pa man ito magising.

            Napatingin siya sa orasang nakasabit sa dingding, alas cuatro ng madaling araw. Marahil ay may masasakyan na siya pabalik ng Maynila sa ganitong oras. Nahiling niyang sana’y wala pang gising sa mga kaibigan ng sa gayon ay hindi na rin magkaroon ng kumplikasyon ang gagawin niyang pag-alis.

            Kung pinangangambahan niya ang magiging reaksiyon ng lalaki, lalong higit ang sasabihin sa kaniya ng mga kaibigan. At si Chelsea, kakayanin ba niya kung sakaling paratangan siya nitong mang-aagaw? May palagay siyang alam ng babae na dito sa kaniyang cottage nagpalipas ng magdamag si Marco.

            Dali dali siyang nag-ayos ng sarili. Nang akma na niyang pipihitin ang doorknob ay napatda siya, narinig niya ang tinig ni Marco. Kinakabahang nilingon niya ang kinaroroonan nito. The man was talking in his sleep

 “C-Chelsea? N-no! I’m sorry, I didn’t mean it to happen…h-hindi…Sam…oh, ikaw talaga ang mahal ko. I just don’t know how to tell her this na hindi siya masasaktan. Promise, I will do my best para maayos ang gusot na ito…don’t worry, everything will be all right…”

            Iyon ang malinaw na narinig ni Samantha mula sa nakapikit na lalaki. Sa paputol putol na salita nito ay naisip niyang nananaginip ito. Kausap nito marahil si Chelsea and they were talking about her. At kahit hindi ipaliwanag sa kaniya ay alam niya ang kahulugan ng lahat ng sinabi nito.

            She was already a nuisance sa pagmamahalan ng mga ito. At nahihirapan na si Marco because he was torn between his best friend and his true love. Hindi niya sukat akalaing darating sila sa puntong ito.

            Hindi na niya hihintayin pang sumbatan siya ng kaibigan sa ginawa niyang pang-aakit rito ng nagdaang gabi. Tiyak niyang sasabihin nito sa kaniya na ang ginawa niya ay lalo lamang magpapagulo sa sitwasyon nito at ng babaing pinakamamahal.Lalo lang madaragdagan ang nararamdaman niyang bigat ng kalooban kaya ngayon pa lamang ay lalayo na siya. Mahirap man ay kakayanin niya.

            Nasa bahay na siya at kasalukuyang nagpapahinga nang marinig niya ang pakikipagtalo ni Marco sa kaniyang papa. He was insisting na magkausap silang dalawa, pero mahigpit ang kaniyang pakiusap na kahit anong mangyari ay ayaw niyang makaharap ang lalaki sa kabila ng labis na pagtataka ng ama. Ilang beses ding nagpabalik-balik sa kanila si Marco pero pinangatawanan niya na iwasang magkausap silang dalawa.

Halos dalawang linggo din siyang nagkulong sa loob ng kanilang bahay pero kahit anong pilit ang gawin ni Don Hernando upang malaman kung ano ang nangyari ay tikom ang kaniyang bibig.

Maging si Shiela na pinakamalapit sa kaniya sa lahat ng kaniyang mga kaibigan ay gusto na ring panghinaan ng loob dahil sa pananahimik ni Samantha. Dumalaw ito sa  bahay nina Samantha upang kausapin ang kaibigan at alamin ang tunay na dahilan.

“Samantha, tell me…ano ba talaga ang nangyari? Ang sabi ni Marco ay ayaw mong makipag-usap sa kaniya o kahit kanino. Hindi ka na rin pumapasok sa school. Alalahanin mong ilang linggo na lamang at graduation na. Kung anuman ang gumugulo sa iyo ay narito lamang ako.I am very much willing to lend you my ears,” naiiyak na sabi sa kaniya ng kaibigan subali’t nanatili lamang na nakatingin dito si Samantha. Kaya’t sa bandang huli ay malungkot din itong nagpaalam kay Don Hernando.

“Samantha anak, I’m starting to get worried. Kapag nagpatuloy ito ay nangangamba akong maapektuhan pati kalusugan mo. At hindi maaaring wala akong gagawin para matigil na itong pag-eermitanya mo dito sa bahay. Whether you like it or not ay isa-isa kong kakausapin ang mga kaibigan mo at kaklase, and I will start with Marco.” ultimatum na sabi ni Don Hernando.

Sa narinig ay biglang kinabahan si Samantha. Kilala niya ang ama, kapag sinabi ay talagang gagawin nito. Bagama’t hindi siya nakatitiyak kung may ideya ang lahat ng kasama nila sa resort sa kung ano ang nangyari ay baka makabuo ng sariling konklusyon ang ama after nitong makipag-usap sa mga ito.

“P-papa…I’m so sorry. Hindi ko gustong mag-alala ka sa akin, pero hayaan mo muna ako, please. Just give me enough time, para masabi ko sa iyo ang lahat ng gusto mong marinig. B-but for now, what I want you to know is that…I love you so much, papa.”

Pagkasabi noon ay mahigpit na yumakap si Samantha sa ama bago pinakawalan ang mga luhang kanina pa pinipigil. Gumanti naman ng mahigpit ding yakap si Don Hernando. Hindi na rin niya mapigilan ang mapaiyak. Sa sarili ay nasabing hahayaan na muna niya ang anak sa pakiusap nito. She is starting to open-up, so this is a good sign. Kung anuman ang gumugulo sa kalooban nito ay ipadarama na lamang niya ang kaniyang suporta rito.

“H-hush…stop crying Hija. Narito ang papa, whatever is troubling you, always remember that you are not alone. Love na love ka rin ng papa. Whatever your pain is, let me help you in easing it. Always keep in mind that I’m here for you.”

KINABUKASAN ay ikinatuwa ni Don Hernando nang magisnang nag-aalmusal ang anak. Nakabihis na rin ito at kung hindi siya nagkakamali ay papasok na ito sa unibersidad kung saan malapit na itong magtapos sa kursong Business Management.

 Kung tutuusin ay formality na lamang talaga ang pagre-report nila sa unibersidad dahil nga in two weeks-time ay graduation na. May mga clearances pa na kailangang papirmahan at mga papers at documents na kailangang maipasa nang sa gayon ay hindi na magka-aberya pa pagsapit ng tinatawag nilang “big day” na siyang pinakahihintay ng lahat, hindi lamang ng mga estudyante kung hindi pati na rin ng mga magulang.

“Paalis ka na ba, Hija? Gusto mo bang ipahatid kita kay Manong Gusting mo?” tanong ni Don Hernando nang tumayo na ang dalaga at kuhanin ang mga gamit nito.

“Hindi na po, papa. May usapan kasi kami ni Shiela na magkikita kaya baka mainip si Mang Gusting. Dadalhin ko na lamang ang sasakyan.”

“Are you sure, Hija, na kaya mong mag-drive?”

“Don’t worry Papa, I’m okay now. Pagkatapos nating mag-usap kagabi ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Nagi-guilty nga ako dahil pinag-alala ko kayong lahat. Pasasaan ba’t…oh never mind. Sige po, papa, aalis na ako.”

Wala ng nagawa si Don Hernando kung hindi ihatid na lang ng tanaw ang anak. Bagama’t banaag pa ang lungkot sa mga mata ng dalaga ay nagawa na rin nitong ngumiti kahit tipid na tipid. Para sa kaniya ay malaki ng improvement iyon kung babalikan niya ang ilang linggong pananahimik ng anak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status