Share

Deep Within Miss Cold-hearted CEO's Heart
Deep Within Miss Cold-hearted CEO's Heart
Author: buenaobraelisea

DEEP WITHIN MISS COLD-HEARTED CEO'S HEART

CHAPTER 1

“Excuse me, ma’am. Is there anything wrong?” nag-aalalang tanong ng stewardess. Marahan nitong tinapik ang balikat ni Samantha na hindi pa rin tumitinag sa kinatatayuan habang nakapila palabas ng eroplano.

            Napansin kasi nito na parang wala siya sa sarili, dahilan upang magpakita ng pagkayamot ang mga kapwa pasaherong nasa likuran niya dahil sa pagkaka-antala sa pagbaba. Kapansin-pansin din ang kawalan niya ng kasiglahan samantalang ang karamihan sa mga pasahero ay sobra ang excitement hindi pa man ganap na nakakalapag ang eroplano sa NAIA.

            “H-Ha? Ah, no, no! I’m so sorry. Everything is fine. Or should I say, I sincerely hope that everything would turn out just fine,” matamlay na sabi niya bago nagpatuloy sa paglalakad upang sumunod sa agos ng mga taong nagmamadali. Nagtatakang napasunod lang ang tingin ng babae sa kaniya.

            Ilang saglit pa ay nasamyo na muli ni Samantha ang pamilyar na hangin sa Pilipinas. Buong kasabikang iginala niya ang paningin sa paligid at awtomatikong nangislap ang kaniyang mga mata sa kasiyahan dahil sa muling pagkakatapak sa bansang sinilangan.

            Subali’t agad ding naglaho ang tuwang nadama nang bumalik sa kaniyang isip ang eksenang halos dumurog sa kaniyang puso…dito rin mismo sa lugar na kaniyang kinatatayuan, ilang taon na ngayon ang nakakalipas…when she decided to leave the country at magtungo sa kanyang Auntie Lorena na nakabase sa New York.

            “Hija, anak…do you really have to leave? Hindi na ba talaga magbabago ang pasya mo? It pains me so much knowing that this will be the first time na magkakalayo tayo, lalo na’t ayaw mong sabihin sa akin kung bakit ka aalis. Nararamdaman kong may itinatago ka sa akin, kaya’t hindi mo maiaalis sa akin ang mag-alala.”

            “P-papa, hindi ba’t nasabi ko na sa iyong—”

            “Yeah, I know! But why do I have the feeling that you only told me what you need to tell me when what I am dying to hear from you is what you have to tell me. Those two are different, Hija,” makahulugang sabi ni Don Hernando.

            “P-papa…hindi ko…I-I mean I don’t…” Hindi na nasundan pa ng dalaga ang sasabihin dahil narinig nila ang announcement regarding the flight details bound to New York.

            “T-That’s my flight, Papa. Please do take care of yourself.” Iyon lang at walang lingong tumalikod ito. She tried her best not to look back to where her father is standing, because if she does, she knows that she might not be able to leave at all.

            Malalim na bumuntung hininga si Samantha at pagkatapos ay pilit itinaboy sa  isip ang eksenang iyon. Hindi maitatangging totoong nagulat at labis na nalungkot ang matanda sa biglaan niyang pagdedesisyon noon na magtungo sa ibang bansa.

            And that was six years ago. Sa loob ng mahabang panahon na iyon ay tiniis ni Samantha ang kalungkutan at matinding pangungulila bunga ng pagkakalayo sa pinakamamahal na ama. Sa tuwing tumatawag ito at pinauuwi siya ay hindi siya nauubusan ng dahilan nang sa gayon ay hindi na ito magpumilit pa.

            Malaki ang dapat niyang ipagpasalamat sa matandang tiyahin. It was Auntie Lorena who had been with her during those times when she was trying to pacify her father. Ito rin ang sa tuwina’y nagdi-discourage sa kaniyang papa in a very subtle way, sa tuwing nagbibigay ng hint ang matandang lalaki na gusto nitong bumisita sa kanila sa New York.

            Sinasabi nito sa kapatid na hindi makabubuti para sa kalusugan nito ang matagal na byahe, na mabuti ang kalagayan nilang mag-tiyahin so there’s nothing to worry. Ginagawa na rin nilang dahilan ang Sevilla Group of Companies o SGC, ang kumpanyang pinamamahalaan ng kapatid sa Pilipinas at kung ano-ano pang random reasons huwag na lang itong magpumilit pa na magtungo roon.

            Although maganda ang kanilang intensiyon ay hindi naman maiwasan ng dalawang babae na makadama ng sobrang guilt lalo na si Samantha dahil batid nilang nagsisinungaling sila sa kaniyang papa. Ang mga pagkakataong gaya noon ang malimit na makapagpabigat sa dibdib ni Samantha but she had no other choice, dahil alam niyang kung hindi niya gagawin iyon ay baka kung ano ang mangyari kay Don Hernando sa oras na malaman nito ang isang lihim na pinakatatago niya.

            And during those difficult times when she wanted to give up already, ang tiyahin din ang nagsilbing lakas niya upang ipagpatuloy niya ang buhay. Auntie Lorena stood beside her every step of the way, otherwise, her life would have been so miserable.

            At unti-unti ay nagagawa niyang isantabi ang kalungkutan at pangungulila, gayundin ang guilt dahil sa pinakatatagong lihim, sa pamamagitan ng pagiging abala sa negosyong itinayo nilang magtiyahin.

            Matagal na pala nitong gustong magtayo ng boutique o fashion house, lamang ay hindi ganoong kalakas ang loob nito na mag-venture sa ganoong business. At ang pagdating doon ni Samantha ay blessing in disguise diumano ayon pa rito.

            Ilang buwan din siyang nag-aral sa isang pamosong fashion school sa New York at nag-attend ng ibat - ibang workshops and seminars, enrolled in crashed courses to gain sufficient knowledge about arts and fashion.

            And from that day on, unti unting nakilala ang SALORÉ House of Fashion. Auntie Lorena made some variation on their names para makabuo ng magandang pangalan ng kanilang boutique na matatagpuan sa pinakasentro ng New York.

            Pagkatapos ng napakahabang panahon, inakala niyang panatag na ang kaniyang isip at kalooban dahil sa panibagong buhay na nagawa na rin niyang i-establish sa lugar na iyon. Subalit bigla-bigla ay nagkaroon ito ng lambong dahil sa isang tawag na kanilang tinanggap mula sa Pilipinas kamakailan lamang.

            Inatake sa puso ang kaniyang ama at isinugod sa ospital. At kailangan niyang umuwi upang masiguro ang tunay na kalagayan ng matanda.

            “SEŇORITA SAMANTHA, welcome back po,” anang tinig na nagpabalik sa kaniyang kamalayan.

            Ganoon na lamang ang tuwa niya nang makilala ang nagmamay-ari ng tinig. Nakatayo ito sa harapan niya habang nangingislap ang mga mata sa pagkakatingin sa kaniya. Nginitian niya ang matagal na nilang driver na si Mang Gusting.

            “Kumusta na po kayo, Manong?”

            “Mabuti naman po! Mukhang nahiyang kayo sa malayo, ah. Sa tingin ko’y lalo po kayong gumanda, senyorita.”

            “A-Ang Papa…k-kumusta na po ang lagay niya?”

            “Nasa bahay na po si Don Hernando at doon na nagpapahinga.” Sa narinig ay medyo nakampante ang dalaga. Bagaman sa isip ay alam niyang mapapanatag lamang siya sa sandaling makaharap ang ama at makita mismo ng kaniyang dalawang mata na maayos na nga ang kalagayan nito.

“Tayo na po, Manong at gusto ko ng makita ang papa.”

Agad namang tumalima ang driver at mabilis siyang ipinagbukas ng pinto.

Maya-maya pa’y narinig ng dalaga na muling nagsalita ang kanilang driver. “Alam nyo po ba senyorita na pinagalitan kaming lahat ng inyong papa. Matitigas daw po ang aming mga ulo at hindi marunong sumunod sa kaniyang utos. Hindi naman daw grabe ang nangyari sa kaniya kaya bakit daw dinala pa namin siya sa ospital.”

            Napangiti si Samantha sa narinig. Batid niya ang katotohanan sa sinabi ni Mang Gusting hinggil sa pag-ayaw ng ama sa ospital. Bukod sa hindi nito gusto ang amoy ng sari-saring gamot na nalalanghap doon ay gastos lamang iyon at aksaya sa pera diumano.

“W-What? Ikaw ba talaga ang naririnig kong nagsabi niyan Papa? What are you going to do with your money kung hindi mo gagamitin? naalala niyang sabi niya rito minsang pilitin niya itong magpa-executive check-up sa ospital.

“Those are for you at sa mga magiging apo ko.”

“You have a lot of money, old man. I wouldn’t be able to spend those even for a lifetime kaya go, huwag matigas ang ulo mo. Run an executive check-up sa ospital. Remember, you are not that young Papa. At ano bang apo ang pinagsasasabi mo. I’m still young.”

Marahan siyang napailing nang maalala ang tagpong iyon sa pagitan nilang mag-ama. Nang bigla siyang matigilan….sa magiging apo ko…parang may bahagyang kudlit na naramdaman sa kaniyang dibdib si Samantha, pero hindi niya hinayaang magtagal iyon. Agad niyang ipinilig ang ulo at umayos sa pagkakasandal sa upuan habang inaayos ni Mang Gusting ang kaniyang mga bagahe.

“Pero alam ninyo, Senyorita, ang duda namin ay talagang na-miss lang kayo ng husto ng inyong papa. Ngayon pong nandito na kayo, may palagay po akong mapapabilis ang pagbuti ng kaniyang pakiramdam,”

Bahagya na namang nginatngat ng guilt ang dibdib ng dalaga pagkarinig sa sinabi ng matanda. Alam niyang may bahid ng katotohanan ang sinabi nito pero pinili niyang hindi na magkomento tungkol doon.

“Wala na po ba tayong nalilimutan sa lahat ng bagahe ninyo?” maya-maya ay tanong ng matanda. Makaraang marinig ang, “wala na po”, mula sa kaniya ay lumulan na ito sa driver seat at nagmaniobra palabas ng NAIA.

            Nasa kahabaan na sila ng expressway ng makaramdam ng antok si Samantha. Inayos niya ang pagkakasandal sa upuan at ang balak ay umidlip muna kahit sandali ngunit bago pa man niya maipikit ang mga mata ay may narinig siyang tila mahinang pagsabog sa bandang likuran ng sasakyan. Ilang saglit pa’t naramdaman niya ang unti-unting paghinto ni Mang Gusting.

            “B-Bakit po, Mang Gusting? A-Anong nangyari?”

            “Sandali lamang po at titingnan ko, pero may palagay po akong na-flat-an tayo ng gulong.”

            “Ho! Naku, malayo pa naman tayo sa bahay,” aniya at iginala ang paningin sa paligid.

            “Saglit lamang po at aalamin ko kung ano talaga ang nangyari.”

            Pagkaraan ng ilang saglit ay nagbalik ang matanda at kinuha ang tool-box sa lalagyan nito.

            “Maaantala po tayo ng saglit senyorita. Mukhang napako po ang gulong natin sa likuran. Pero huwag po kayong mag-alala dahil bibilisan ko po ang pagpapalit noon.” Bababa sana ang dalaga pero pinigilan siya nito. “Huwag na po kayong bumaba, mainit po dito sa labas.”

            Naisip ni Samantha na may katwiran ang matanda kaya naman sa halip na bumaba ay isinandal na lamang niyang muli ang katawan sa upuan. Itutuloy na lamang niya ang naudlot na pag-idlip habang hinihintay na matapos ni Mang Gusting ang ginagawa.

            Dala marahil ng matinding pagod sa byahe ay agad namang napaidlip ang dalaga. Dahil hindi naman ganoong kalalim ang pagtulog ay agad siyang naalimpungatan sa naririnig na mahinang pag-uusap sa gawing likuran ng sasakyan.

            Pagsilip sa bintana ay nakita niyang may nakahimpil na isang magarang sasakyan di-kalayuan sa kinapaparadahan nila. Out of curiosity ay bumaba siya ng kotse.

            “Mang Gusting, sino po ang –” Hindi niya nagawang tapusin ang sasabihin dahil ganoon na lamang ang pagsikdo ng kaniyang dibdib nang magtama ang mga mata nila ng kausap ng driver.

CHAPTER 2

Kulang ang sabihing huminto ang pagtibok ng puso ni Samantha nang magtama ang mga mata nila ng lalaking hindi niya sukat akalaing makakaharap kaagad ilang oras pa lamang pagkababa niya ng eroplano. He is the very last person that she would ever want to see, at that moment.

Pag-alis niya ng Pilipinas, she swore never to see this man ever again kahit pa nga ba ganoong kahigpit ang pagtutol ng kaniyang puso dahil bagaman ang lalaki ang dahilan sa likod ng kaniyang mabigat na alalahanin, hindi maitatangging deep within her this man occupies a very special place in her heart at alam niyang hindi na iyon mababago pa. Pero mamamatay muna siya bago niya aminin iyon sa lalaki.

            At ngayong nasa harap niya ang lalaki ay hindi niya hahayaang mabasa nito mula sa kaniyang mga mata ang tunay niyang saloobin. Kaya naman nagmamadali niyang iniiwas ang tingin sa lalaki. Sa ginawa niyang iyon ay hindi sinasadyang napadako ang kaniyang mata sa kabuuan nito, mula sa ulo, sa mukha hanggang sa pangangatawan ng lalaki. Halos walang binago ang matagal na panahon nilang pagkakalayo. Ito pa rin ang lalaking pinapantasya ng hindi iilang babae sa kanilang eskwelahan noon.

            At kahit pa nga kunot na kunot ang noo nito ng mga sandaling iyon habang nakatingin sa kaniya ay hindi man lang nabawasan ang kaguwapuhan nitong taglay.

            “S-Sam? I-Ikaw ba talaga iyan?” di-makapaniwalang sabi nito bago nagmamadaling lumapit sa kinatatayuan niya.

            “Oh God, Sweetheart…it’s really you! I missed you a lot!” sabi nito na nangingislap ang mga mata sabay yakap sa kaniya bago pa man siya makaiwas. “B-Bakit ang tagal mong nawala?”

            Parang itinulos sa kaniyang kinatatayuan si Samantha. Hindi niya alam kung ano ba ang kaniyang dapat na ikilos ng mga oras na iyon. Gusto niya itong itulak dahil tila pangangapusan  siya ng hininga sa higpit ng pagkakayakap sa kaniya ng lalaki. Pero ang lalong higit na nakapagpasikdo ng kaniyang dibdib ay ang mga itinawag nito sa kaniya.

            “Will you please stop calling me Sam? Pangalan ng lalaki yun, I’d rather be called Samantha!”

            “Why? What’s wrong with that? Mas gusto kong gamitin ang Sam, it’s an endearment. At ayokong may ibang tatawag sa iyo ng Sam. Exclusive lamang yan para sa akin.”

            “Tell us the truth, Samantha. What’s the real score between you and Marco? And please, don’t ever say it that you’re just best friend!  May mag-best friend bang ang tawagan ay sweetheart?”

            “M-Marco,” bulong niya at pilit iwinaksi ang nasa isip bago mabilis na nanulak. Ayaw niyang maramdaman ng lalaki ang panginginig ng kaniyang katawan gayundin ang eratikong pintig ng puso dahil sa pagkakadikit nilang iyon. Ngunit sa malas ay tila wala itong balak na bitiwan siya.

            Bahagyang nakaramdam ng pagkahilo si Samantha. Hindi niya tiyak kung dahil ba iyon sa matinding tensiyon sa muli nilang pagkikita ni Marco o dala lamang ng matinding pagod sa mahabang byahe at pag-aalala sa maysakit na ama.

            “S-Sam!” Iyon ang huling narinig ng dalaga bago tuluyang nagdilim ang kaniyang paligid. Hindi na niya naramdaman ang matitipunong bisig na sumalo sa kaniyang katawan bago pa man iyon tuluyang lumapat sa lupa.

            MAHINANG UMUNGOL si Samantha bago dahan-dahang iminulat ang mga mata. Ang nag-aalalang mukha ni Marco ang tumambad sa kaniya.

            “Sam, thank God you’re awake! Dadalhin na sana kita sa pinakamalapit na ospital dito kung hindi ka pa magkakamalay. How are you feeling? May masakit ba sa iyo?”

            Sa halip na sumagot ay iginala niya ang tingin sa loob ng sasakyan na kaniyang kinaroroonan. Hindi iyon ang kotse nila kaya nahulaan niyang sa lalaki iyon.

            “W-What are you…I mean…w-why are you here?” tanong niya na hindi tumitingin dito.

            “May imi-meet sana akong kliyente, pero paglampas ko ay natanawan ko ang bulto ni Mang Gusting at ang kotse ni Tito Hernando kaya huminto ako agad. Hindi ko akalain na ikaw pala ang nasa loob ng sasakyan. Nasabi sa akin ng matanda na kasusundo pa lamang niya sa iyo sa airport. Kaya nga ganoon na lamang ang reaksiyon ko nang bumaba ka ng sasakyan,” excited na sabi nito, ngunit binale-wala niya iyon.

            “I-I…I think…I’m okay now. Marahil ay tapos na si Mang Gusting sa pagpapalit ng gulong. Siyanga pala, maraming salamat sa tulong mo.” Umakma na siyang lalabas ng sasakyan subalit pinigilan siya ng lalaki.

            “Just a moment, Sam! What’s got into you? Hindi iyan ang reaksiyong inaasahan kong makikita mula sa iyo. Sa tono ng pananalita mo ay para bang hindi ka man lamang natutuwa na magkaharap tayong muli after so many years of being apart.”

            “S-Siyempre ay…natutuwa ako. A-After all, it’s really been a long time…”

            Tumiim ang mga bagang nito. “Six long years to be exact, Sam! Anim na taong ni ha ni ho ay wala akong narinig mula sa iyo. At ang mas masakit pa ni wala akong  ideya kung nasaan ka at kung bakit ka umalis noon. Tama ba ang hinala kong ako ang dahilan ng pag-alis mo that time?”

            “O-Of course not! Bakit mo—"

            “At sinadya mo rin bang ilihim sa akin ang iyong kinaroroonan sa New York?” dugtong nito sa mapanganib na tono na wari’y hindi narinig ang sinasabi niya.

            “L-look…I don’t k-know what you’re saying."

            Inilapit nito ang mukha sa kaniya. ”Don’t deny it, Sam! Sinadya mong itago sa akin ang lahat! Bakit pati ang papa mo ay tumatangging ibigay sa akin ang address ng tinutuluyan mo roon? Hindi ka naman dating ganiyan! We’ve never had secrets before kaya naman malakas ang kutob kong may mabigat na dahilan kung bakit ka naglahong parang bula.”

            “P-pwede ba, h-hindi ko alam kung ano’ng ikinagagalit mo. A-at saka hindi ko obligasyon na ipaalam sa iyo ang lahat ng bagay tungkol sa akin. H-hindi ko rin alam kung bakit hindi ibinibigay sa iyo ng Papa ang address namin doon—"

            “Don’t pull my leg, Sam! Hindi iyon itatago sa akin ni Tito Hernando kung hindi mo ipinagbilin sa kaniya.”

            “A-at bakit ko naman gagawin ‘yon? At saka, ano bang pakialam mo kung umalis ako noon? Do I have to report to you where I would be going or what I am going to do?”

            “Alam mong hindi iyan ang ibig kong sabihin, so cut the sarcasm! What I intend to find out is the truth, even if it is the last thing I do. At ngayong naririto ka na, you wouldn’t have any other choice Pero bago iyon ay sagutin mo muna ang itinatanong ko sa iyo kanina. Ako ba ang dahilan kung bakit bigla-bigla ang iyong naging pasya na magpunta sa ibang bansa? Does it have something to do with what happened sa resort? Tell me! Is that the reason why you went into hiding?” sunod-sunod  na tanong nito sa marahas na tinig at puno ng panunumbat.

            Sa tagal ng kanilang pagiging magkaibigan ay ngayon lamang nakita ni Samantha na nagalit nang ganoon ang lalaki kaya naman napuno ang dibdib niya ng pangamba. Bagaman si Marco pa rin ang itinuturing niyang best friend noong araw, sa estado ng galit nito ngayon ay natatakot siyang baka kung ano ang magawa nito sa kaniya.

            Bahagya siyang napaatras palayo ngunit mahigpit siya nitong hinawakan sa magkabila niyang braso.

            “Answer me, Sam! Why did you leave? Tama ba akong isipin na…p-pinagsisisihan mo ang nangyari sa atin ng gabing iyon?”

            Hindi makapagsalita si Samantha. Bukod sa nararamdaman niyang mas humihigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa mga braso niya ay lubos niyang pinagtatakhan ang nakikita niya sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. Is it pain? Is it insecurity? Hindi ba’t siya dapat ang nakakaramdam ng mga iyon?

Hindi niya tuloy napigilan ang paglalakbay ng diwa sa nakaraan…

CHAPTER 3

Six years ago…

Malakas na napatili si Samantha ng sa paglabas niya galing sa banyo ay madatnan niya ang best friend na si Marco na prenteng nakahiga sa ibabaw ng kaniyang kama at sa malas ay mukhang hinihintay siya talaga.

“Oh my, you’ll wake all the dead with that scream sweetheart. What was that for?” medyo may pagkapikon na tanong nito pagkatapos mapabalikwas mula sa pagkakahiga dahil sa gulat.

Umirap siya rito. “You startled me! Ano ba kasi ang ginagawa mo rito? Bakit wala ka man lang pasabi na you’ll come this early, nang sa gayon ay maaga sana akong nakapag – shower? Paano pala kung hindi ko man lang naisipan na magtapi ng tuwalya, eh di, nakita mo  sana ako in my most embarrassing situation?” pagalit ding sabi ng dalaga sabay tingin sa kaniyang anyo na nababalutan lamang ng maikling tuwalya.

Hindi napigilan ni Marco na mapangiti, lalo’t napansin nito ang bahagyang pamumula ng mukha ng dalaga. Naisipan tuloy nito na lalo pa itong biruin nang husto.

“Don’t you worry. Kung nagkataong ganoon nga, rest assured that your chastity and virtue is safe dahil ipipikit ko naman ang aking mga mata. As it is, huwag mong sabihing nahihiya kang humarap sa akin ng ganyan? Kung sabagay, dapat ka ngang mahiya dahil…” Sinadyang hindi tapusin ng lalaki ang sinasabi bago pagkuwa’y pinaraanan siya ng tingin na tila ba may kasamang pang-iinsulto kaya naman nagdikit  ang kilay ng dalaga.

“At ano naman ang ibig mong sabihin sa mga tingin mong iyan?” singhal niya rito.

“It only means na mabuti’t ako lang ang nakakita sa hitsura mo ngayon. Dahil kung nagkataon ay baka…” at muli itong nagtatawa.

“Aba’t… hoy! Marami ang nagsasabi na pang-Miss Universe ang katawang ito kaya’t huwag kang tatawa-tawa diyan. At saka baka nakakalimutan mo kung sino ang itinanghal na campus belle sa aming department,” aniya na pinamaywangan pa ang kaibigan.

 Dahil sa kaniyang ginawa ay bahagyang lumuwag ang pagkakabuhol ng tuwalya. Kung hindi sa maagap na pagkakahawak doon ng binata ay baka tuluyan na iyong humulagpos.

“O, ingat ka sa mga kilos mo. Baka mamaya niyan ay mademanda ka pa ng indecent exposure,” tila bale-walang sabi nito gayung nang mga oras na iyon ay kulang na lamang na himatayin siya dahil sa panghihina ng mga tuhod.

Hindi kasi sinasadyang dumaiti ang mga daliri ni Marco sa kaniyang mayamang dibdib nang hawakan nito ang tuwalya upang mapigilan ang pagbagsak noon. Nagdulot iyon sa kaniya ng kakaibang pakiramdam. Pero nang pasimple niyang pag-aralan kung ano ang naging reaksiyon ng lalaki ay parang wala naman iyong anumang epekto sa lalaki.

“At saka pakiulit nga ng sinabi mo! Marami ang nagsasabi na pang-Miss Universe ang katawan mo? Campus belle? Kung hindi ko pa alam na si Paulo lang naman ang masugid mong tagahanga sa school. He could have pulled so many strings for you to be crowned as such. Ewan ko ba naman sa lalaking iyon. Sa dinami-dami ng magaganda sa ating eskwelahan ay ikaw pa ang pinagtitiyagaan,” sabi pa nito gayung batid naman ng dalaga na hindi rin biro ang naging effort nito during the pageant para siya manalo.

Kaya lamang ay mukhang walang planong itigil ng lalaki ang panunukso sa kaniya nang mga oras na iyon. Kahit sino ay imposibleng hindi mapipikon sa patuloy na paghalakhak nito habang nagpapagulong gulong sa ibabaw ng kaniyang kama. Dahil sa matinding pagkayamot ay dinampot ni Samantha ang isang figurine sa ibabaw ng tokador at akmang ibabato iyon sa kaibigan.

“O, o! Napipikon na ang ale! Don’t you dare throw that to me, sweetheart. Mahal ang pagkakabili ko niyan. Baka nakakalimutan mong sa ibang bansa ko pa binili yan. Sige ka, magtatampo ako sa iyo niyan kapag binasag mo iyan,” banta nito bagaman nangingislap pa rin ang mga mata dahil sa kapilyuhan.

Natilihan naman ang dalaga nang maalalang pasalubong nga pala sa kaniya iyon ng kaibigan. Maingat niyang ibinalik ang figurine sa ibabaw ng kaniyang tokador. Subalit nang muli siyang sumulyap sa gawi ng lalaki ay matalim pa rin ang tinging ibinigay niya rito.

Magbibiro pa sana si Marco pero nang makitang hindi na talaga maipinta ang mukha ng kaibigan ay bahagya itong natigilan.

“Uy, mukhang totoo na ang pagtatampo ng ale. Oo na, pang-Miss Universe nga ang katawan ng aming campus belle. Hindi ka na mabiro eh. Kung tutuusin nga, ako dapat ang mapikon sa iyo dahil mukhang nakalimutan mo na ang usapan natin ngayon.”

“Anong usapan?” pairap na tanong niya rito kasabay ng pangungunot ng noo.

“O. kitam! Talaga nga palang kinalimutan mo na ang usapan nating manonood tayo ng movie ngayon,” sagot nito, sabay tingin sa malaking television set na nasa kaliwang bahagi ng kuwarto ng dalaga.

Paglingon ni Samantha ay nakita niyang nakapatong sa kaniyang study table ang DVD tape ng movie na gusto nitong panoorin.

Nanlaki ang kaniyang mata bago pagkuwa’y napatutop sa bibig. Apologetic na tumingin siya sa gawi ng kaibigan, ngunit bago pa man niya maisatinig ang nais sabihin ay umayos na uli sa kaniyang pagkakaupo si Marco sa ibabaw ng kaniyang kama.

“Sige na, magbihis ka na at kanina ko pa gustong panoorin ang pelikulang iyan.”

“I-I’m sorry kung…”

“Yeah, nagtatampo na nga ako eh. Just imagine, hindi ako sumama sa mga kabarkada ko nang pinanood nila iyang movie dahil gusto kong magkasama tayo sa panonood, only to find out that you forgot all about it.”

Tiningnan ng dalaga kung seryoso ba ang pagtatampo ng kaibigan at nang makita niya ang mischief sa mukha nito ay napangiti na rin siya.

Alam niyang kailanman ay hindi mangyayaring magtampo talaga sa kaniya ang lalaki. Nagkukunwari lang ito ngayon, kung paanong nagkukunwari din siya na napipikon sa pang-aasar nito kanina pa. Ang totoo ay cover up lang niya iyon dahil nga magpahanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya maipaliwanag kung bakit eratiko pa rin ang tibok ng kaniyang puso sa bahagyang pagkakadikit ng balat nila kanina.

“Huwag ka nang magpaawa riyan. Hayaan mo at ipahahanda ko kay Aling Bining ang paborito mong merienda, ng sa gayon ay maalis na ang tampo mo sa akin,” biro niya bago mabilis na pumasok sa kaniyang walk-in closet upang magbihis.

Habang nagbibihis ay napailing si Samantha. Palagi kasing ganoon silang dalawa ni Marco…tampuhan, biruan, kulitan, asaran…pero in the end ay bale-wala lang ang lahat ng iyon. Very close sila, dala na marahil ng pagiging malapit rin ng kanilang mga magulang lalo na ng nabubuhay pa ang kaniyang mama.

Nanatili ang closeness ng dalawang pamilya kahit sumakabilang buhay na ang kaniyang mama apat na taon na ang nakakaraan. At lalo pa silang naging close ni Marco nang magtungo sa Amerika ang mga magulang nito at makapagtayo ng negosyo roon. Kung hindi siya ang nagpupunta sa bahay nito, ay ang lalaki ang nagsasadya sa kanila kagaya ngayon.

Sila ang nagsisilbing alarm clock na gumigising sa isa’t isa. Kaya naman hindi niya masisisi ang kaibigan kung ikinagulat nito ang kaniyang naging reaksiyon nang madatnan niya ito sa loob ng kaniyang silid.

Totoong nawala sa isip niya ang usapan nilang dalawa. Mabuti na nga lamang at lubusan na nilang kilala ang isa’t isa. Malimit silang mag-asaran at magkatampuhan, pero hanggang doon na lamang iyon. Agad nilang inaayos ang hindi nila pagkakaunawaan dahil ayaw nilang masira ang kanilang friendship because of petty things.

“Sam, ano ba! What’s taking you so long?” narinig niyang tawag ni Marco.

“Oo na, lalabas na po!” malakas niyang sagot bago nagmamadaling lumabas. Nakita niyang nakakunot ang noo ng lalaki, tanda ng matinding pagkainip. Pero hindi niya alam kung namalikmata lamang ba siya ng makita niya ang admiration mula sa mga mata nito ng ganap na siyang makalabas ng dressing room. Dagli rin kasi iyong nawala.

“Ang tagal mo naman, sisimulan ko na sana kahit wala ka pa. Kaso alam kong iyakin ka so…”

Itinaas ng dalaga ang isang kilay. “Excuse me, ‘no! Hindi po ako iyakin. Sige, i-play mo na at tatawagin ko lamang si Aling Bining.”

“Lasagna ang gusto ko, iyong maraming cheese. Pakisamahan na rin ng chocolate cake at fresh orange juice.”

Napangiti siya. “Mr. San Sebastian, hindi ko hinihingi ang order mo. Anong akala mo sa bahay namin…restaurant?  Umiral na naman ang katakawan mo.”

“Sam naman…sige na, minsan lang naman ako maglambing sa iyo kaya huwag ka ng magreklamo pa. Sa school naman ay laging ako ang nagbabayad ng kinakain mo. Lugi ako noon dahil ang lakas mong kumain.”

“Aba’t…!”

“O, o, bawal ang pikon. Biro lang po iyon. Alam mo namang kahit ubusin mo pa ang allowance ko ay okay lang sa akin. Love yata kita. Kaya sige na, go at nang makapanood na tayo,” putol nito sa sasabihin sana ng dalaga, sabay tulak sa kaniya nang marahan.

Walang kamalay-malay ang lalaki sa impact ng sinabi nito kay Samantha.

“Love yata kita…” paulit-ulit na nag-echo iyon sa kaniyang pandinig habang palabas siya ng silid at kahit ng makabalik siya roon matapos magbilin sa kasambahay.

Naroroon ang pagkalito sa isip ng dalaga. Nahiling niya tuloy na sana ay totoo nga ang sinabing iyon ni Marco.

Love ka naman niya talaga diba? ‘Yun nga lang, bilang kaibigan, buska ng tinig mula sa kubling bahagi ng isip niya.

Ah, kailan kaya siya nito makikita bilang isang babae at hindi bilang isang matalik na kaibigan?

Napapitlag si Samantha nang maramdaman ang kamay ng lalaki sa kaniyang balikat.

“Hayan, natahimik ka na naman. Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin nasasanay sa pagiging alaskador ko? Hindi ba’t ang sabi ko naman sa iyo noon pa, lahat ng pang-aasar ko, pangungulit ay bahagi ng paglalambing ko sa iyo.” untag nito habang inaayos ang pagkakapuwesto sa kama.

“A-ako pa! Siyempre nama’y sanay na ako sa iyo, ‘no!” sagot niya bago pasimpleng nginitian ito.

Ilang saglit pa ay nakatutok na ang tingin ni Marco sa TV screen. Ganoon rin ang ginawa ng dalaga. Mayamaya pa ay nahiga ang lalaki. Subalit sa halip na kuhanin ang isa sa mga unan na nasa kama ay pumuwesto ito sa kandungan niya. Kung hindi niiya napigilan ang sarili ay baka nahigit niya ang paghinga.

Hanggang kailan pa kaya niya maitatago sa binata ang tunay na nilalaman ng kaniyang kalooban?

Sa totoo lang ay hindi niya matukoy kung ano ang dahilan, paano at kailan  nagkaroon ng pagbabago sa damdamin niya para sa kaibigan. Noong una naman kasi talaga ay best friend lang ang turing niya sa binata at wala ng iba pa. Pero dahil sa sobrang pagmamalasakit nito sa kaniya, sa mga pag-aalala at pagpoprotekta sa kaniya ay unti-unting umusbong sa kaniyang puso ang ligaw na damdamin na bukod sa hindi niya mabigyan ng kahulugan ay hindi rin niya kayang kontrolin.

Ang mga simpleng gestures nito ay naghahatid ng di-maipaliwanag na saya sa puso niya kaya nagsimula ng malito ang kaniyang damdamin. Pero hindi niya maiwasan ang masaktan dahil alam niyang ang mga iyon ay ginagawa nito dahil nga sa kanilang pagiging mag-best friend.

“Sam, why are you always spacing out? Nakikinig ka ba sa akin?” narinig niyang tanong ni Marco na sa kaniya na pala nakatingin habang marahang ikinukumpas ang kamay sa harapan niya. Bigla siyang napakislot.

“H-ha? B-bakit? Ano ba ang itinatanong mo? KJ ka talaga eh,’no! Nakikita mo ng nanonood ang tao, iniistorbo mo,” pagkakaila niya.

“Tinatanong ko kung sasama ka sa night swimming ng barkada this coming Saturday,” anito.

“Naku…baka hindi –”

“Bakit hindi? Kung ang inaalala mo ay si Tito Hernando, ako ang bahala. Tiyak na papayagan ka niya kapag ako ang nagpaalam para sa iyo.”

Umiling siya. “No, hindi iyon. Alam mo namang tinuturuan ako ng Papa sa opisina tungkol sa kompanya…”

“Gabi naman iyon, sweetheart, kaya hindi makakaabala sa pagte-train sa iyo ng papa mo. At promise, hindi ko hahayaang mapuyat ka. Maaga pa lamang ay patutulugin na kita. I would even tell our friends to let you sleep early kaya please, sumama ka na,” pangungulit pa rin nito.

“P-pero…”

“Wala ng pero, pero…kapag hindi ka sumama ay sige ka…kikilitiin kita,” anupa’t pagkasabi noon ay hindi na siya hinayaang makapag-react pa ng binata. Agad siya nitong hinawakan sa baywang kasabay ng sunod-sunod na sundot sa kaniyang tagiliran gamit ang dalawa nitong hintuturo.

“A-ay! M-Marco, ano ba! Stop it, n-nakikiliti ako,” sa kaiiwas ng dalaga ay nawalan siya ng panimbang at dahil hawak siya ng lalaki ay sabay sila nitong natumba sa ibabaw ng malambot na kama.

Biglang nanigas ang buong katawan ng dalaga. Agad ding nahinto ang malakas niyang pagsigaw pagkatapos ma-realize ang posisyon nilang dalawa—nakahiga siya sa kama habang ang binata ay nasa ibabaw niya. At hindi niya alam kung paano nangyari pero magkalapit na magkalapit ang kanilang mga mukha.

Kapwa sila hindi makapagsalita, hindi rin nila alam pareho kung ano ang susunod nilang ikikilos upang kahit papaano ay makapaglagay ng distansiya sa pagitan nila. Basta’t nanatili lamang magkahinang ang kanilang mga mata.

“S-Sam…I-I’m…h-hindi ko…” ang anumang sasabihin ng lalaki ay hindi na nito naituloy dahil sa mahinang katok na kanilang narinig mula sa labas ng silid ng dalaga.

Sabay silang napalingon sa nakapinid na pintuan.

“Senyorita Samantha, narito na po ‘yung ipinahanda ninyong merienda.”

Nang makilala ang tinig ng matandang kasambahay ay agad na nanulak ang dalaga, at dahil nabigla ay agad napahiga ang lalaki sa kabilang gilid ng kama.

Mabilis namang tumayo si Samantha at tinungo ang pintuan. Nang mga oras na iyon ay hindi niya alam kung dapat ba niyang ipagpasalamat o ikagalit ang pagdating ni Aling Bining. Samu’t saring emosyon kasi ang naghahalinhinan sa kaniyang dibdib na hindi niya mabigyan ng pangalan dahil sa katatapos na eksena sa pagitan nila ni Marco.

Ano kaya ang gusto nitong sabihin kanina? At tama ba ang nakita ko sa mga mata niya habang nakatingin sa akin? Is it…desire? But that’s impossible! And she really couldn’t tell dahil in a span of seconds ay agad din iyong nawala.

            Samantala si Marco ng mga sandaling iyon ay nakasunod lamang ang tingin sa kaniya. Maya-maya pa’y bahagyang umangat ang sulok ng mga labi nito. Kung ano man ang ibig sabihin ng ginawa niyang iyon ay siya lamang ang nakakaalam.

Pero kung nilingon lang sana ni Samantha kahit saglit ang lalaki ay nakita sana niya ulit iyong nakita niya sa mga mata nito kanina habang magkahinang ang kanilang mga paningin.

Maya-maya pa’y tahimik na pinagsaluhan ng dalawa ang pagkaing inihatid ni Aling Bining. Para sa kanila’y blessing in disguise  ang pagdating ng kasambahay dahil binasag niyon ang sana’y namumuo ng tensiyon sa pagitan nila dahil sa intimate position nila a while ago sa ibabaw ng kama.

Pagkatapos kumain ay ipinagpatuloy na ng dalawa ang panonood na tila ba walang anuman ang nangyari. Balik sila ulit pareho sa kanilang pwesto kanina.

“Wait! Hindi ka pa nga pala sumasagot kung sasama ka sa night swimming o hindi,” maya-maya’y narinig niyang sabi ng lalaki sabay lingon sa kaniya.

Bahagya pang nagulat si Samantha pero mabilis din naman ang kaniyang naging reaksiyon.

“Hmph! Kung hindi ko pa alam…” Inirapan niya ito. “Kaya mo ako pinipilit na sumama ay dahil alam mong hindi sasama si Chelsea kapag hindi ako sumama.”

Masuyong pinindot nito ang ilong niya. “That’s where you’re wrong, sweetheart. Umoo na si Chelsea. Sinabi niyang sasama siya kahit hindi pa niya tiyak kung sasama ka.”

Namilog ang mga mata niya. “Totoo? Kung gayon ay okay lang na hindi na ako sumama. Makakasama mo pala si Chelsea, so it’s no big deal if I join the swim or not.”

“Of course I want you to be there! It’s as simple as that. Kaya huwag ka ng magpakipot pa. Kung kinakailangang buhatin kita para lamang sumama ka ay gagawin ko so don’t argue anymore, maliwanag?”

Pagkatapos noon ay hindi na muli pang nagsalita si Marco. Inayos nitong muli ang pagkakahiga sa kaniyang kandungan at itinutok ang mga mata sa screen ng TV.

Napansin ng dalaga ang malimit nitong pagbuntong hininga sa tuwing tumitingin sa direksiyon niya. Nagtataka man ay hindi na niya pinagkaabalahan pang alamin kung anuman ang ibig sabihin niyon.

CHAPTER 4

            Hindi pa man ganap na dumidilim ay nagkakasayahan na ang magkakabarkada. Naroon sila sa isang malaking beach resort sa Pangasinan. Nakita ni Samantha na ilang pareha na sa kanilang magkakabarkada ang enjoy na enjoy na sa pagsu-swimming habang ang iba naman ay abala sa paghahanda ng kanilang kakainin sa hapunan. Ang ilan pa sa grupo ay hindi magkanda-ugaga sa pag-aayos ng mesa.

            May pakiramdam ang dalaga na hindi siya masisiyahan kung maglulunoy siya sa tubig lalo na at ayaw siyang hiwalayan ng makulit niyang manliligaw na si Paulo kaya naisipan niyang tumulong na lang sa mga nag-iihaw-ihaw.

            At kagaya ng kaniyang inaasahan ay kasunod pa rin niya ang lalaki. Kanina pa niya hinahanap si Marco, at dahil hindi rin niya nakikita si Chelsea ay may palagay siyang magkasama ang dalawa.

            Alam niyang wala siyang karapatang magselos, pero iyon ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Hindi niya ma-appreciate ang mga pag-aalala sa kaniya ni Paulo.

            “Bakit ayaw mong mag-swimming? Tingnan mo sila, mukhang enjoy na enjoy,” narinig niyang sabi ng lalaki na nakatanaw sa mga kabarkada nilang nagsasabuyan ng tubig sa may dalampasigan habang naghahabulan.

            “Mamaya na lang siguro. Tutulungan ko muna sina Billy at Shiela sa pag-iihaw,” walang siglang sagot niya na ang tinutukoy ay ang dalawa nilang kabarkada na nagkakatuwaan kahit ang mga ito ang napatoka sa gawaing iyon.

            “Kung ganoon ay tutulong na rin ako. Sasabayan kita mamaya sa pagsu-swimming. Ano naman ang gagawin ko sa dagat kung naandito ka, kaya mamaya na lang din ako lulusong sa tubig,” sabi pa nito, sabay kuha sa ilang tuhog ng isda at karne bago inilagay sa ibabaw ng nagbabagang mga uling.

            “No! Okay lang sa akin kung gusto mo ng mauna sa dagat. Pakiramdam ko kasi ay sisipunin ako kaya baka hindi na talaga ako mag-swimming.”

            “H-ha! Naku, dapat siguro eh uminom ka muna ng gamot at ng hindi tumuloy iyan.”

            “Sino ang iinom ng gamot?” narinig nilang tanong ni Julius na may bitbit na anim na beer in can. Sa kabilang kamay nito ay may hawak din itong plastic bag na may lamang bote din ng beer. Palapit ito sa kinaroroonan nina Billy at Shiela.

            “Itong si Samantha. Para daw siyang sisipunin kaya ayaw mag-swimming,” nag-aalalang sagot ni Paulo. Tinanggap nito ang iniaabot ni Julius na inumin.

            “Sus! Hindi gamot ang kailangan mo Samantha. Heto, o, ilang bote lang at tiyak na magiging ayos na ang pakiramdam mo,” nakangiting sabi ni Billy at iniabot sa kaniya ang isang hawak na bote ng beer bago pa man ito mapigilan ng katabing si Shiela.

            Tatanggi sana si Samantha pero ng maalalang magkasama sina Marco at Chelsea ay agad niyang tinanggap iyon. At sa pagkamangha ng mga kaharap niya ay tuloy-tuloy niyang tinungga ang laman noon.

Hindi niya alam kung bakit biglang nawala ang pait ng beer. Kilala siya ng mga kabarkada na ayaw niya sa lasa noon. In fact, amoy pa lamang ng beer ay tila nasusuka na siya. Ano’t ng mga sandaling iyon ay tila wala siyang pakialam, animo tubig lang ang nilalagok niya nang sunod-sunod.

Hindi pinansin ni Samantha ang pag-aalala sa mukha ni Shiela habang nakatingin sa kaniya. Sa isip ay gusto lang niya na mamanhid ang pakiramdam upang hindi niya madama ang wari ay mumunting karayom na tumutusok sa kaniyang dibdib dahil sa pangambang baka nagkakamabutihan na sina Chelsea at Marco.

Nagtataka man ay hindi na kumibo ang tatlong lalaki na nasa harapan niya. Sa kabila ng mahinang pagtutol mula kay Shiela ay tila nasisiyahan pa ang mga ito dahil sa tuwing inaabutan nila si Samantha ng panibagong bote ay hindi siya tumatanggi.

Dahil hindi naman sanay uminom, maliban pa sa sinunod-sunod niya ang pagtungga ng alak, ilang saglit pa’t umiikot na ang tingin ni Samantha. Naging madulas na din ang kaniyang dila. Wala siyang kamalay-malay na iba na rin ang mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig. Nabubulol na siya at panay din ang hagikhik.

“Tama na Samantha,” hindi na napigilang awat ni Shiela. Pinandilatan na rin niya ng mata ang mga kasamang lalaki lalo na si Paulo nang tangkain nitong abutan pa ulit ng alak ang dalaga.

Parang wala sa sariling diniinan ni Samantha ng daliri ang kaniyang sentido bago tumungo sa mesa. Hindi na niya alam ang sumunod na nangyari.

PARA SIYANG idinuduyan…Iyon ang pakiramdam ni Samantha kaya lalo pa niyang inihilig ang ulo sa tila matigas na pader na sinasandalan.

Gustuhin man niyang magmulat ng mata ay hindi niya magawa dahil muling iikot lamang ang kaniyang paningin. Sa katunayan ay parang babaligtad ang kaniyang sikmura anumang sandali dahil sa matinding pagkahilo.

Hindi nagtagal ay naramdaman niya ang pagsayad ng kaniyang likod sa ibabaw ng malambot na higaan. Tila may kung anong malakas na pwersa na humihila sa kaniya upang lalo niyang idiin ang pagkakapikit ng mga mata.

Nang maramdaman niya ang masuyong pagdampi ng basang tuwalya sa kaniyang mukha ay nakaramdam siya ng bahagyang kaginhawahan. In her subconscious, alam niyang may nagpapala sa kaniya at pinipilit nitong ibsan ang kaniyang kalasingan.

Mayamaya pa ay naroroon na naman ang pakiramdam na umiikot muli ang paligid niya, kaya’t gustong bumaligtad ng kaniyang sikmura. Dagli siyang bumangon sabay tutop sa kaniyang bibig.

“C’mon…There’s the…” hindi na pinatapos ni Samantha ang sasabihin sana ng kung sinumang naka-alalay sa kaniya. Agad niyang tinakbo ang pintuang itinuro nito kahit pa nga ba tila bibigay ang kaniyang mga tuhod. Mabuti na nga lamang at naka-alalay pa rin ito hanggang sa makapasok siya sa loob. Lamang ay hindi na siya umabot sa maliit na sink na naroroon dahil nailabas na niya lahat ang laman ng kaniyang tiyan.

“Sige, ilabas mong lahat. Gagaan lamang ang pakiramdam mo kapag nailabas mo lahat ng nainom mo. Sukat ba namang mag-inom ka ng ganoong kadami gayong hindi ka naman sanay uminom ng alak,” anang tinig na pamilyar sa kaniya.

Dahan-dahan siyang lumingon at tumambad sa kaniya ang galit na mukha ng kaibigan.

“M-Marco…” hindi niya ito nabosesan kanina. Kung sabagay ay hilong-hilo siya talaga kanina.

“Ako nga! Bakit, ang inaasahan mo ba ay si Paulo? Iyon ba ang dahilan kung bakit ka naglasing? Dahil nais mong mapagsolo kayong dalawa dito sa loob ng cottage mo?” marahas nitong tanong na ikinagulat niya.

“S-si Paulo? At bakit mo na—” Subalit hindi niya natapos ang sasabihin dahil muling umikot ang kaniyang tingin at bumalik ang pakiramdam na parang hinahalukay ang loob ng kaniyang tiyan.

Sa pagkakataong iyon ay ang suot niyang t-shirt at walking shorts ang sumalo ng lahat ng isinuka niya.

Mabilis ang naging kilos ni Marco. Tinanggal nito ang kaniyang mga kasuotan hanggang sa matira na lamang ang two-piece bikini na suot niya sa loob.

“A-Ano bang ginagawa mo? Kaya ko ang sarili ko,” malakas niyang sabi sabay tabig sa mga kamay nito ng matukoy niyang itatapat siya nito sa malakas na shower.

Pero ang anumang pagpupumiglas niya ay nawalan ng saysay dahil nagawa siya nitong paliguan nang mabilis. Marahil ay nais nitong alisin ang maasim na amoy na dumikit sa kaniyang balat.

Ilang saglit pa, iniabot na nito sa kaniya ang tuwalya. “Here, dry yourself and remove your wet undergarments. Ikukuha kita ng pantulog mo.”

“W-what!” bulalas niya. “Hey! If you’re thinking that I will strip naked in front of you, you better think again, Marco. I may be drunk pero hindi ko magagawa ang sinasabi mo.”

“Ikaw na rin ang nagsabi, lasing ka kaya gawin mo na lamang ang iniuutos ko. The fact that you puked twice is enough para makaramdam ka ng matinding panlalambot so I’m just wondering kung saan galing ang energy mo para makipagtalo pa sa akin. Just keep quiet and do as I say, okay?” Tumalikod na ito at naghanap ng pajamas sa overnight bag niya.

“Ano ba ang ipinag-aalala mo? Don’t worry, your virtue is safe with me,” patuloy nito.

“Rest assured that I am only doing this as your friend and nothing more. I am not interested with your so – called human anatomy. Gusto ko lamang na makapagpalit ka agad ng damit or you’ll be sick. So move, do it quick at magpapaakyat ako dito ng mainit na sabaw.”

Bagamat nahihilo ay hindi maiwasan ng dalaga ang magdamdam at mapahiya dahil sa mga binitiwan nitong salita. I’m not interested in you… Iyon ang nag-register sa kaniyang utak at hindi ‘yung mahaba nitong litanya. Masakit pero bakit nga ba siya nag-iisip ng kung ano-ano? Kanina lamang ay kasama nito ang babaeng espesyal sa puso nito. At marahil kaya siya nito minamadali ay upang makabalik agad sa piling ni Chelsea.

The thought hurt her even more. Hindi ba’t iyon nga ang dahilan kung bakit siya naglasing? Masama ang loob niya knowing na magkasama ang dalawa.

Kahit marahil maghubad siya sa harap nito ngayon ay walang epekto sa binata, dahil kaibigan lang siya nito. May iba itong mahal.

Dahil sa alalahaning iyon ay nawala ang inhibisyon ni Samantha.Idagdag pang wala sa katinuan ang isip niya dahil sa kalasingan. Tutal ay bale wala lang sa lalaking ito makita man ang katawan niya, so ano ba ang dapat niyang ipag-alala?

Walang anumang tinanggal ni Samantha ang two-piece bikini niyang suot. Ni hindi niya pinagka-abalahang takpan ang kaniyang kahubaran ng tuwalyang iniabot sa kaniya ng lalaki.

Ang ipinagtataka niya, kung talagang wala siyang epekto kay Marco, bakit ganoon na lamang ang pagkakapatda nito sa kinatatayuan pagharap nito sa kaniya?

Hindi rin nakaligtas sa kaniyang paningin ang ginawa nitong sunod-sunod na paglunok at ang tila paghahabol nito sa hininga habang nakatingin sa kaniyang kahubdan. Ni hindi rin yata nito napansin na nahulog na sa sahig ang pajamas na hawak nito.

“W-why are you looking at me like that? Hindi ba’t wala naman akong epekto o dating sa iyo dahil kaibigan mo lang ako? You are not interested with my virtue, hindi ba Marco?” sardonic na ulit niya sa sinabi nito kanina.

S-stop it, Sam! Lasing ka nga talaga. Hindi mo na alam ang sinasabi mo pati na ang ginagawa mo.”

Marahas ang tinig na ginamit ng lalaki, subalit hindi man lamang natigatig si Samantha. Hindi rin niya alam kung ang alak ba o ang masasakit na salitang binitiwan nito kanina ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob kaya nagawa niyang sabihin ang nilalaman ng dibdib.

“Hmmm…bakit, Marco? Natatakot ka bang aminin sa sarili mo that you are not really immune with your best friend’s charm?” malambing niyang tanong bago mabuway na naglakad papalapit sa kinatatayuan ng binata.

“S-Sam, kapag hindi ka tumigil—”

“Ay ano, Marco?” mabilis na putol niya bago pilyang pinasadahan ito ng tingin. “Oh my! The very popular Marco San Sebastian—campus heartthrob, boyfriend material para sa maraming kababaihan, every woman’s dream man, my very best friend! I just wonder what is it about you that makes almost all women come running after you? Tell me, Marco, masarap ka bang humalik? Are you, by any chance , good in bed?”

Hindi niya mapaniwalaan ang sarili na masasabi niya sa kaibigan ang mga bagay na iyon. Ngunit pinanindigan na ni Samantha ang lahat ng sinabi. Maybe it was because of the beer? She’s drunk, isn’t she?”

Kung hindi ba naman, magagawa ba niyang idikit sa lalaki ang kaniyang hubad na katawan? She was very sure that if she were sober, she would not be able to act so strange.

Makakaya ba niyang haplusin ang matipunong dibdib ng best friend, na matagal na niyang nais gawin?

“S-Sam, I said stop! Kapag hindi mo pa itinigil ang kalokohang ito ay—ummph!”

Ang anumang sasabihin ng lalaki ay pinutol ng biglaang pagtawid ng dalaga sa maliit na distansiya na naghihiwalay sa kanilang mga labi. She hungrily kissed him and aggressively possessed his lips. Passionately, she explored the inside of his mouth with her tongue.

Dahil sa kabiglaanan ay hindi kaagad nakapag-react si Marco. He just stood there with his eyes wide open.

Dahil sa nakitang reaksiyon ng lalaki ay gustong pukpukin ni Samantha ang sarili dahil sa pagkapahiyang nararamdaman. Just imagine, she swallowed her pride and bared her feelings in front of this man…subalit sa malas ay mukhang hindi man lamang ito naapektuhan. The man totally ignored all her attempts to seduce him. Ano pang mukha ang ihaharap niya rito?

“You better stop Samantha! Just give up, hangga’t iniisip ng lalaki na lasing ka lamang kaya mo ito ginagawa,” dikta ng isip niya kaya naman unti-unti niyang niluwagan ang pagkakayakap sa lalaki.

Dahan-dahan din niyang itinigil ang ginagawang paghalik dito. Subalit nang tuluyan na niyang ilalayo ang mga labi ay ganoon na lamang ang gulat niya. Marahas siyang kinabig ng lalaki at niyakap nang mahigpit. At kung kanina ay hindi nito tinutugon ang halik niya, this time he took control. He kissed her hungrily and with so much passion.

The kiss is literally taking her breath away and she really enjoyed every minute of it. She savored the sweetness of his lips as his tongue continued exploring the depth of her mouth. Now she knew, the man is a good kisser, an expert, she should say.

 Hindi nagtagal ay naramdaman ni Samantha na iginigiya siya ni Marco patungo sa kinaroroonan ng pang-isahang kama. May mahinang bulong na nag-uutos sa kaniya na pigilin ang lalaki sa ginagawa nito subalit hindi niya iyon pinansin.

Ito na ang katuparan ng isang bagay na matagal na niyang pinapangarap -- ang makulong sa bisig ng  lalaki at madama ang pagmamahal nito kahit pa nga ba napatangay lamang ito sa ginawa niyang panunukso o pang-aakit. Kung anuman ang magiging consequence ng kaniyang kapangahasan ay saka na lamang niya aalalahanin. Sa isip ay mas nanaig ang tawag ng pag-ibig para sa lalaking matagal ng itinatangi.

“S-Sam, p-please tell me to stop while I still can. K-Kung magtatagal pa’y baka hindi ko na magawang pigilan pa ang sarili ko,” tila nanghihinang pakiusap nito sa pagitan ng ginagawa nitong paghalik sa magkabila niyang dibdib.

Lalong nag-alab ang pakiramdam ng dalaga dahil sa ginagawa nito. Hindi niya napigilan ang magpakawala ng mahihinang daing habang masuyong dinadama ang balikat nito.

“N-no! I-I won’t Marco! Just go on. I’ve waited so long for this moment to happen so please…oh! T-take me now.”

Itinaas nito ang mukha at tinitigan ang mga mata niya.

“Oh, Sam, I want you so much! I don’t know how to say this but please remember, whatever happens now, I just hope you won’t regret it in the morning. If that happens, I don’t think I can bear it. I swear I’ll hate myself forever.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status