Pagkabayad ni Nicka ng bill sa ospital ay hinintay pa nila ang discharge paper na pinapirmahan sa doctor ng ama.
Hindi nagtagal ang tiya niya sa ospital kanina dahil may trabaho pa raw ito. Nakipagkita lang ang tiyahin niya sa kanya para makausap siya ng personal at maiabot sa kanya ang pera na pinabibigay ng amo. Saglit lang din itong nagpakita sa kanyang ama para pagbilinan at paalalahanan.Gabi na ng makalabas sila ng ospital dahil bukod sa pirma ng doctor ay hinintay din nila ang sasakyan na inirequest nila para maghatid sa kanilang mag ama sa probinsiya.Nang makarating sila sa bahay nila ay nakaayos na ang silid ng kanilang ama. Naipaalam niya naman kase sa mga kapatid na pauwi silang mag ama.Pagkatapos ng kamustahan nila ay kinausap niya uli ang mga kapatid habang ang kanilang ama ay natutulog naman na."Bukas na bukas din ay babalik din ako ng maynila. Nangako ako kay tiyang na itutuloy ko ang trabaho ni itay sa mansyon. Makakapag-aral pa rin naman daw ako kaya okay na ko dun, may sweldo pa monthly! Nakausap ko na rin si ate Grace sa cellphone kanina, pupunta-punta na lang si ate Grace dito sa bahay para matignan-tignan kayo rito. Nabilinan ko naman na siya kaya wala ng magiging problema." aniya."Kailangan mo ba ng tulong ate para makuha ang mga records mo sa school? madali lang naman yun pag nakuha ko ipapadala ko na lang sayo." aning wika ni Andrea sa kanya."Pupunta ako bukas ng umaga sa unibersidad. Aasikasuhin ko muna ang mga dapat kong asikasuhin bago ako umalis. Mag eeroplano naman ako bukas para makaabot ako sa ibinigay na oras sa akin ni tiyang Tinay. Kung sakali na hindi ko pa makumpleto bago ako umalis ay makikisuyo na lang ako sa'yo Andrea." turan niya sa kapatid."Walang problema ate Nicka, itawag mo lang!""Salamat!" at matipid siyang ngumiti sa kapatid."Ate Nicka, kanina si kuya Emman naparito hinahanap ka!? sinabi kong lumuwas ka ng maynila. Tinanong ako kung bakit, pero hindi ako nagkwento. Ang sabi ko, ikaw na lang ang tanungin niya." sabat naman ni Kristoff sa kanila ni Andrea."Tumatawag at nag chat nga sa akin kanina pero hindi ko pa nireplyan, mangungulit lang yun eh! wala pati ako sa mood makipaghuntahan sa kanya, marami akong iniisip ngayon. Hindi naman biro ang pagkakasakit ni itay! mabuti na lang at mabait ang amo nila itay at tiyang kaya hindi tayo masyadong nahihirapan ngayon sa gastusin." seryoso niyang turan sa kapatid na hindi naman na nagsalita pa.Kinabukasan pagkalabas ni Nicka ng bahay nila ay hindi niya inaasahan na may naghihintay pala sa kanya. Napapalatak pa siya ng ngitian siya ng kaibigan. "Ang aga mong tumambay ah! kanina ka pa dito sa labas ng bakuran namin ano!?" tanong niya kay Emman."Grabe ka sa tumambay Niks! wala akong magawa sa loob ng bahay kaya dito ako sa labas nagkape." pagtatama ng lalaki sa kanya."Utot mo! dito talaga sa harap ng bahay namin, bistado ka na magdideny ka pa! dalawang bahay ang pagitan ng mga bahay natin Emman. May kailangan ka?" paasik niyang turan sa kaibigan."Tinatawagan kita kahapon, nag chat din ako sayo, pero dinededma mo lang ako! May problema ka?" tanong ni Emman sa kanya."Okay lang ako! Nga pala, baka pwede mo naman minsan bantayan ang mga kapatid ko, aalis kase ako, pupunta ako ng maynila doon na ko mag aaral at magtatrabaho." pakikisuyo niya sa kaibigan."Ano!? kailan ka aalis? bakit naman ngayon mo lang sinabi sa akin Niks." eksaheradong saad ng lalaki sa kanya lalo na ng hawakan nito ang isa niyang kamay."Ay ang over acting ha! hindi bagay sa'yo Emman. Mamaya may makakitang syota mo sa paligid ay pagselosan na naman ako. Bitiwan mo nga ang kamay ko." aniya sa lalaki."Wala akong syota Niks, sila lang ang nag iisip na syota ko sila. Kung may gusto man akong maging girlfriend ikaw lang, walang iba!" palipad hangin sa kanya ng kaibigan."Tigilan mo ko Emman, mga bata pa lang tayo alam ko na mga kalokohan mo, kaya wag ako ang pinagloloko mo! May gagawin ka ba ngayon?""Ayaw mo talaga akong seryosohin!" bagsak ang balikat na saad ni Emman na ikinahampas ni Nicka sa braso ng matalik niyang kaibigan."Puro ka kalokohan! May gagawin ka ba mamaya?" muli niyang tanong sa lalaki."Wala naman! bakit?""Hatid mo ko sa airport mamayang hapon.""Airport!? bakit anong gagawin mo dun?"Inirapan muna ni Nicka si Emman bago sinagot ang tanong. "Tatambay o magbibilang ng mga pasahero siguro mamaya!?" papilosopo niyang sagot."Seryoso ako Niks!" saad ni Emman."Sasakay ng eroplano patungong manila nga!" seryoso na niyang sagot."Ngayong araw ka na aalis!? pero kakabalik n'yo lang kagabi Niks, ng tatay mo di ba, galing maynila tapos aalis ka na naman!""Mukhang nakasagap ka na ng tsismis ah! sino nagsabi sa iyo Emman?""Si aling Salve, kanina nakausap ko siya! Sabi niya umuwi ka kagabi na kasama ang itay ninyo. May sakit raw ata si mang Chris kaya sinundo mo sa maynila kahapon." pagtatapat ni Emman na ikinatango niya.Hindi naman na nagulat si Nicka sa nalaman dahil si aling Salve na kapitbahay nila ay isa sa mga tsismosa sa kanilang lugar."Inihatid ko lang talaga si itay dito, dahil hindi siya pwedeng manatili sa mansyon at sa ospital. Pwede naman daw siyang magpagaling sa bahay, ang sabi ng doctor. Kailangan kong bumalik ng maynila dahil ako na ang papalit sa trabaho ni itay sa mansyon, sa amo niya bilang katulong slash driver. Doon ko na rin ipagpapatuloy ang pag-aaral ko, kaya ngayon pupunta ako sa university para kunin ang mga records ko at magpaalam na rin sa mga kaibigan ko sa school." mahabang litanya niya kay Emman."Bakit naman biglaan Niks?""Kahit naman ako, pati mga kapatid ko ay nabigla rin Emman.Hindi sila sanay na wala ako sa tabi nila, ganoon rin ako! pero kailangan kong i grab ang opportunity Emman dahil hindi pwedeng lahat kami ay walang pagkakakitaan. May sakit ang itay namin, kung mananatili ako rito paano na kami sa mga susunod na mga araw. Hindi ako papayag na mahinto sa pag aaral ang mga kapatid ko, lalo na kung may magagawa naman ako para sa kanila. Pati si itay hindi siya pwedeng pumalya sa gamot dahil may posibilidad na lumala pa ang sakit niya kung hindi dirediretso ang pag take niya ng gamot.""Ano bang sakit ni mang Chris?" tanong ni Emman."May tuberculosis si itay, Emman. Hindi naman ganoon kalala ang sakit niya, pero kung mapapabayaan ay maaari niya ring ikamatay 'yon." malungkot niyang pahayag na napansin naman ni Emman."Sure ka na ba sa desisyon mong mamasukan sa amo ng itay ninyo?""Nakapagdesisyon na ko Emman at nasabi ko na kay tiyang na darating ako ngayong araw kaya wala ng atrasan 'to.""Paano na tayo, Niks? magkakalayo na tayo sa isa't isa, hindi na kita mababantayan.""Anong paano tayo? pinagsasabi mong lalaki ka!? may sira na naman ang ulo mo, lumuwag na naman ata ang turnilyo ng kukote mo, Emman. Makaalis na nga at nagmamadali ako. Hatid mo 'ko mamaya sa airport ha!" angil niya pang saad sa kaibigan."Hatid na kita sa university, hintayin mo ko magpapalit lang ako ng damit!""Hindi na, baka matagalan ako sa school. Mamayang hapon na lang, hatid mo ko sa airport ha! alis na ko, kita na lang tayo mamaya." paalam na niya kay Emman.Malungkot na sinundan siya ng tingin ni Emman papalayo. Napabuga ng hangin ang lalaki at napailing na lamang ng ulo.Mga bata pa lang sila gusto na ni Emman si Nicka. Alam niyang mahal siya ni Nicka bilang kaibigan, pero siya mahal niya ang dalaga ng higit pa sa kaibigan. Natatakot siyang umamin dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nilang dalawa kapag nalaman ni Nicka ang tunay niyang nararamdaman. Ayaw niyang layuan siya ni Nicka kaya idinadaan niya lagi sa biro ang gusto niyang sabihin sa dalaga na palagi naman hindi rin sineseryoso ni Nicka.Makalipas ang mahigit isang taon na katatapos lang din ng bonggang kaarawan ng kambal nila Arnel at Nicka. Na ngayon naman ay magaganap na ang araw ng kanilang pag iisang dibdib.Sa loob ng simbahan ay naroon na ang groom at ang mga abay, naroon na rin ang pamilya ni Nicka at mga ninong at ninang nila sa kasal. Marami na ring bisita ang mga naghihintay sa pagdating ng bride. Ngunit lagpas na ng ilang minuto sa nakatakdang oras ng kasal ay wala pa rin si Nicka." Pare, ano ka ba? lakad ka ng lakad d'yan kanina pa, nahihilo na kami sayo nila Marvin." sitang wika ni Rodjun kay Arnel." Kinakabahan ako, Buenaflor. Bakit wala pa rin si Nicka?" pag amin niya sa mga kaibigan na pinagtawanan s'ya ng mga ito." Ngayon ka pa talaga kakabahan, Sisipot si Nicka sa kasal ninyo, darating s'ya kaya relax ka lang pare!" pagpapakalma ni Jasper kay Arnel." Baka kase natrapik lang o kaya na late ng alis sa bahay ninyo, kaya hanggang ngayon ay wala pa. Importanteng araw ito para sa inyo ni Nicka kaya si
Sa sementeryo kung saan nakalibing ang katawan ni Kyline ay nagtungo si Arnel at Nicka upang dalawin ang puntod ng namayapang panganay na anak ni Arnel. Hindi na muna nila isinama ang kambal at iniwan na muna ang kanilang anak sa yaya ng mga ito na si Annalyn. Ang kasambahay ni Nicka noon sa bahay sa Antipolo na tinirahan niya nung buntis pa siya, dahil sa kilala at malapit na rin kay Nicka ang babae ay ito na ang kinuha nilang yaya ng mga anak nila.Kaarawan ni Kyline, kaya nagpasamang dumalaw sa puntod ng anak niya si Arnel kay Nicka. Sa kauna- unahang pagkakataon ay naisama na rin ni Arnel si Nicka sa pagbisita sa libingan ng kanyang anak.Pagkarating nila roon ay agad na nilinis ni Arnel ang lapida sa puntod. Inilapag ang dala nilang bulaklak at sinindihan ang dalawang kandila. Tahimik na umusal ng dasal para sa kaluluwa ng panganay niyang anak, ganoon rin si Nicka na umusal din ng panalangin para sa kaluluwa ni Kyline na anak ng lalaking mahal n'ya at kapatid ng kanilang kambal
Mabilis na lumipas ang araw, nakalabas na ng ospital si Nicka at ang kambal. Hindi na sila umuwi ng mansyon dahil sa bagong ipinagawang bahay ni Arnel sila nito itinuloy. Surprised gift ni Arnel para kay Nicka at pasasalamat sa pagsasakripisyo ng dalaga ng dahil sa kanya at sa kambal nila.Ang sabi ni Arnel kay Nicka ay pinasimulan nito ang pagpapagawa ng bahay malapit lang sa kumpanya nung malaman nito na buntis siya. Dahil gusto ni Arnel na iwanan na sa mansyon ang mga hindi magagandang ala-ala na kasama pa nito ang unang naging pamilya. Naisip ni Arnel na hindi maganda ang vibes ng mansyon nila dahil noon pa man ay hindi na maganda ang naging pagsasama ng magulang niya nung bata pa siya.Binatilyo pa lang si Arnel noon ng mamatay ang mommy n'ya at hindi pa man sila nakakapagbabang luksa ng magdesisyon ang kanyang daddy na iuwi sa mansyon nila ang babaeng ipinalit nito sa kanyang mommy at doon niya rin nalaman na may dalawa na pala itong anak sa labas sa naging madrasta niya na si M
Samantala sa malaking bahay bakasyunan ni Gabriel sa Batangas, kung saan niya itinago si Romary. Kakagising lang ng babae at kalalabas lang din ng banyo ng mapasukan niya itong nakasuot pa rin ng pantulog.Sa loob ng ilang buwan na pagpapatherapy ni Romary ay maayos na muli ang kanyang paglalakad at nakabalik na sa dating pananamit, sa kung paano siya noon pumustura, pero hindi pa rin bumabalik ang kanyang alaalang nawala. Nung una ay nahirapan din sa Gabriel kay Romary Gail na papaniwalain ito na may mutual understanding na nga silang dalawa, bago pa man ito biglang nawala. Hindi kase mapaniwalaan ni Romary ang mga sinasabi at ipinapakitang proof sa kanya ni Gabriel na mga photos at videos na magkasama silang dalawa, pero alam ni Romary sa kanyang sarili na may kakaiba siyang nararamdaman para kay Gabriel nung makita pa lang niya ito sa mansyon nila Arnel.Naging maalaga naman kay Romary si Gabriel at nararamdaman ni Romary na may malalim na pagkagusto talaga sa kanya ang lalaki na
Nagising si Nicka na dahan- dahang iminulat ang mga mata. Bahagya siyang umayos ng higa upang makomportable siya.Inilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng silid at napadako ang tingin niya sa taong nakadukmo ang ulo sa kanyang higaan, habang ito ay nakaupo sa upuang katabi ng kinahihigaan n'ya, na hawak pa ang isa niyang kamay.Napangiti si Nicka sa pag aakalang si Mike ang lalaking natutulog.Gigisingin na sana niya ito ng bumukas ang pintuan at pumasok roon si Mike kasama ang yaya ni Alessia.Nagulat si Nicka habang papalapit si Mike na malapad ang pagkakangiti sa kanya.Ibinalik niya ang tingin niya sa lalaking mahimbing pa rin ang tulog at hawak ang kanyang isang kamay.Hindi niya kita ang mukha ng lalaki dahil sa nakayuko ito. Bigla siyang nakaramdam ng takot at kaba ng muling masulyapan ang bulto ng lalaking nakahawak sa kanyang kamay.Inalis n'ya ang kamay niya sa pagkakahawak ng lalaki na naalimpungatan sa kanyang ginawa, kaya agad nag dilat ito ng mata at humarap sa kany
" Malapit ka ng manganak, Nicka. Nasa 9 cm na ang bata. Kakayanin mo naman ang normal delivery pero ipipainless kita para hindi ka gaanong mahirapan." wika ng OB-Gyne ni Nicka.Dinala siya ni Mike sa hospital kung saan siya nagpapacheck up monthly. Nataranta na kase ito ng makita siyang nasasaktan sa paghilab ng kanyang tiyan.Dis oras na ng gabi ng lumabas si Mike sa kwarto para kumuha sana ng maiinum ng makita niya si Nicka na nasa labas ng pintuan ng silid nito at halatang nasasaktan.Agad na binuhat ni Mike si Nicka at pasigaw na tinawag ang kasambahay para tulungan siya na kuhanin ang mga gamit ng baby ni Nicka sa kwarto nito at samahan sila sa ospital.Hindi naman kalayuan ang ospital sa lugar nila Mike at hindi rin trapik sa daan dahil nga sa gabing gabi na.Pagkarating nila sa ospital ay agad na inasikaso si Nicka at sinabi nga ng doktora na manganganak na siya ano mang oras.Samantala sa ospital kung saan dinala ni Mike si Nicka ay naroon din pala si Doc. Aileen, na nakaduty