Gabi na ng makarating si Nicka sa mansyon ng mga Dela Cerna. Pagbaba pa lang niya sa taxi na sinakyan niya ay nakasalubong na sa kanya ang tiyahin niya sa labas ng gate.
"Sakto ang pagdating mo Nicka, dahil paparating pa lang si sir Arnel. Pumasok na tayo sa loob at magpalit ka na muna ng damit mo, magpahinga ka na rin muna sa quarters at tatawagin ka na lamang namin kapag narito na siya." aning wika ni Tinay sa pamangkin."Siya ba ang anak ni Chris, Tinay? aba ay napakaganda naman palang dalaga ng pamangkin mo! anak ba talaga yan ni Chris? Hindi ata nababagay na maging kasambahay at driver dito sa mansyon ang pamangkin mo, mas bagay sa kanya maging senyorita." turan at komento naman ng guard sa mansyon ng makita nito si Nicka."Maganda talaga yang pamangkin ko dahil maganda ang lahi namin Loreto. Huwag kang magtaka kung anak siya ni Chris, dahil kamukha si Nicka ng kapatid ko at hindi ng ama niya. Nicka, si Loreto pala ang security guard namin dito sa mansyon. Mapagbiro yan pero mabait naman. Ingat ka lang sa matatamis na dila niyan, maraming girlfriend na kasambahay yan dito sa buong subdivision kaya ingat ka pa rin sa kanya." babala ng tiyahin niya na ikinakamot sa ulo ng guwardiya."Siniraan mo pa ko sa pamangkin mo, hindi ako pumapatol sa parang anak ko na rin Tinay. Kaibigan ko ang ama niyan kaya kahit nagagandahan ako sa kanya ay hindi ko papatusin ang pamangkin mo. Mas type ko ang mga katulad mo, yung matagal ng hiwalay sa asawa." aning pahayag ni mang Loreto sa kanila na ikinangiti ni Nicka sa matanda."Gagu! tigilan mo ko Loreto sa pangbubwiset mo. Tara na sa loob Nicka, baka abutan pa tayo ni sir Arnel dito sa labas." pikong saad pa ng tiya niya sa lalaki na nginitian silang mag tiya."Sige po tiyang! Nice meeting you po mang Loreto, pasok na po kami sa loob ng bahay." aning wika ni Nicka sa guwardiya."Nice meeting you rin Nicka, sundan mo na ang tiya mo at baka pagalitan ka pa nun!"Pagpasok nila ay dumiretso na sila sa quarters maid. Malaki ang buong silid, parang isang buong bahay may sarili silang sala at mini kitchen, may toilet sa loob at dalawang kwarto. Ang isang room ay para sa tiya niya at ang isa raw ay sa dalawang kasambahay pa na makikilala niya mamaya."Ang laki po pala tiyang nitong mansyon! bukod po ba kay sir Arnel tiyang, sinu sino pa po ba ang amo sa bahay na 'to? laging si sir Arnel lang po kase naririnig kong bukambibig ninyo ni itay." pag uusisa niya."Ulila na sa mga magulang si sir Arnel, may madrasta siya si senyora Mirasol, ang pangalawang asawa ni Senyor Alfredo at may kapatid siya sa ama na si Allyson at Allen, pero hindi sila dito nakatira sa mansyon. Si sir Allen ang madalas nag i stay rito kapag umuuwi galing ibang bansa. May asawa na si sir Arnel si ma'am Romary, pero hiwalay na sila ngayon. Nasa ibang bansa yata ngayon si ma'am Romary." bigay impormasyon ng tiya Tinay niya."Saklap naman po pala ng buhay ni sir Arnel parang mag isa lang siya ngayon sa buhay niya. Wala po ba silang anak ng asawa niya?" usisa pa ni Nicka sa tiyahin."Ang pagkamatay nga ng anak nila ang dahilan kung bakit hiniwalayan si sir Arnel ng asawa niya. Mahabang kwento Nicka, saka na natin pag usapan ang tungkol sa buhay ng mga amo natin!""Hindi pala dito ang magiging kwarto mo, doon ka sa dating kwarto ng iyong ama, katabi lang nitong quarters pagkalabas mo. Naroon pa ang gamit ng iyong ama na naiwan, ikaw na ang bahalang maglinis non mamaya ha! yung gamit mo nasa kwarto ko kunin mo na lang. Maiwan na muna kita rito at may gagawin pa ako sa kusina. Ipapatawag na lang kita kay Lenny o kaya kay Jane para sabay sabay na tayong kumain at para makaharap mo na rin ang amo natin mamaya.""Sige po tiyang, salamat!" aniya bago siya maiwan sa silid ng mga katulong.Naghalfbath na muna siya at nagpalit ng damit pambahay. Habang hinihintay ang pagtawag sa kanya ng tiya niya.Nag chat siya sa kapatid para ipaalam na nasa mansyon na siya. Nabasa niya ang send message sa kanya ng mga kapatid at ni Emman na rin na nangungumusta. Nireplyan niya ang kaibigan para hindi na rin mag alala pa ito sa kanya.Naalala niya ng ihatid siya kanina ni Emman sa airport, mayroong ibinigay na sulat sa kanya ang kaibigan na ipinasok niya sa kanyang bagpack bago siya mag check in sa airport.Balak na sana niyang basahin ang sulat ng ipatawag naman na siya ng tiya niya."Hi! ikaw si Nicka, ang pamangkin ni manang Tinay di ba!? ako pala si Jane kasambahay din dito sa mansyon. Pinatatawag ka na ng tiya mo." wika ng isang babae na sa tingin niya ay katulong din sa mansyon."Ah oo ako si Nicka, sige Jane, susunod na lamang ako sayo.""Mamaya ililibot kita sa buong bahay para masanay ka na rito."" Sige Jane, thank you nga pala!""Para saan?" tanong nito sa kanya."Sa magandang pagtanggap mo sa akin dito!""Ah yun pala! wala yun, natural lang naman na maging maganda ang pakikitungo natin sa bawat isa rito. Ayaw ni sir na nag aaway at di nagkakasundo ang mga katulong niya. Kapag nalaman niya na nagkakagulo mga kasambahay niya pinapaalis niya pareho. Si manang Tinay at ako, pati ang tatay mo lang ang nagtagal dito. Si Lenny ang bago pa lang dito sa amin." daldal pa sa kanya ni Jane habang magkasabay silang tinutungo ang kusina."Jane, Lenny, mauna na kayong kumain at mamaya na kami ni Nicka. Sasamahan ko na muna ang pamangkin ko kay sir Arnel." utos ng tiyahin ni Nicka sa dalawang kasambahay ng makapasok na sila ni Jane sa kusina."Hi, Nicka! welcome sa mansyon ng mga dela Cerna. Ako pala si Lenny, baguhan lang din ako dito, sana magkasundo tayo." bati sa kanya ni Lenny na mukha naman talagang friendly."Oo naman Lenny, salamat sa pag welcome!" nagagalak niyang saad."O siya tama na muna ang pag uusap ninyo at si sir Arnel na muna Nicka ang harapin mo, tara na sa library at doon ka raw ni sir kakausapin."Sumunod si Nicka sa tiyahin niya at nakita niya ang lawak ng loob ng buong bahay. Sa likod kase sila kanina dumaan ng tiya niya kaya ngayon lang niya nasilayan ang pinakaloob ng mansyon.Namangha siya sa interior ng buong bahay pati sa mga gamit at display halatang mga mamahalin. Masasabi mong napakayaman talaga ng may ari ng mansyon sa isip isip niya.Nakita niya ang ilang mga picture frame na naroon sa may sala pero hindi niya natitigan ng malapitan dahil tuloy-tuloy sa paglalakad ang tiya niya.Ang umagaw sa kanyang pansin talaga ay ang malaking frame ng isang napakaganda at sopistikadang babae.Makalipas ang mahigit isang taon na katatapos lang din ng bonggang kaarawan ng kambal nila Arnel at Nicka. Na ngayon naman ay magaganap na ang araw ng kanilang pag iisang dibdib.Sa loob ng simbahan ay naroon na ang groom at ang mga abay, naroon na rin ang pamilya ni Nicka at mga ninong at ninang nila sa kasal. Marami na ring bisita ang mga naghihintay sa pagdating ng bride. Ngunit lagpas na ng ilang minuto sa nakatakdang oras ng kasal ay wala pa rin si Nicka." Pare, ano ka ba? lakad ka ng lakad d'yan kanina pa, nahihilo na kami sayo nila Marvin." sitang wika ni Rodjun kay Arnel." Kinakabahan ako, Buenaflor. Bakit wala pa rin si Nicka?" pag amin niya sa mga kaibigan na pinagtawanan s'ya ng mga ito." Ngayon ka pa talaga kakabahan, Sisipot si Nicka sa kasal ninyo, darating s'ya kaya relax ka lang pare!" pagpapakalma ni Jasper kay Arnel." Baka kase natrapik lang o kaya na late ng alis sa bahay ninyo, kaya hanggang ngayon ay wala pa. Importanteng araw ito para sa inyo ni Nicka kaya si
Sa sementeryo kung saan nakalibing ang katawan ni Kyline ay nagtungo si Arnel at Nicka upang dalawin ang puntod ng namayapang panganay na anak ni Arnel. Hindi na muna nila isinama ang kambal at iniwan na muna ang kanilang anak sa yaya ng mga ito na si Annalyn. Ang kasambahay ni Nicka noon sa bahay sa Antipolo na tinirahan niya nung buntis pa siya, dahil sa kilala at malapit na rin kay Nicka ang babae ay ito na ang kinuha nilang yaya ng mga anak nila.Kaarawan ni Kyline, kaya nagpasamang dumalaw sa puntod ng anak niya si Arnel kay Nicka. Sa kauna- unahang pagkakataon ay naisama na rin ni Arnel si Nicka sa pagbisita sa libingan ng kanyang anak.Pagkarating nila roon ay agad na nilinis ni Arnel ang lapida sa puntod. Inilapag ang dala nilang bulaklak at sinindihan ang dalawang kandila. Tahimik na umusal ng dasal para sa kaluluwa ng panganay niyang anak, ganoon rin si Nicka na umusal din ng panalangin para sa kaluluwa ni Kyline na anak ng lalaking mahal n'ya at kapatid ng kanilang kambal
Mabilis na lumipas ang araw, nakalabas na ng ospital si Nicka at ang kambal. Hindi na sila umuwi ng mansyon dahil sa bagong ipinagawang bahay ni Arnel sila nito itinuloy. Surprised gift ni Arnel para kay Nicka at pasasalamat sa pagsasakripisyo ng dalaga ng dahil sa kanya at sa kambal nila.Ang sabi ni Arnel kay Nicka ay pinasimulan nito ang pagpapagawa ng bahay malapit lang sa kumpanya nung malaman nito na buntis siya. Dahil gusto ni Arnel na iwanan na sa mansyon ang mga hindi magagandang ala-ala na kasama pa nito ang unang naging pamilya. Naisip ni Arnel na hindi maganda ang vibes ng mansyon nila dahil noon pa man ay hindi na maganda ang naging pagsasama ng magulang niya nung bata pa siya.Binatilyo pa lang si Arnel noon ng mamatay ang mommy n'ya at hindi pa man sila nakakapagbabang luksa ng magdesisyon ang kanyang daddy na iuwi sa mansyon nila ang babaeng ipinalit nito sa kanyang mommy at doon niya rin nalaman na may dalawa na pala itong anak sa labas sa naging madrasta niya na si M
Samantala sa malaking bahay bakasyunan ni Gabriel sa Batangas, kung saan niya itinago si Romary. Kakagising lang ng babae at kalalabas lang din ng banyo ng mapasukan niya itong nakasuot pa rin ng pantulog.Sa loob ng ilang buwan na pagpapatherapy ni Romary ay maayos na muli ang kanyang paglalakad at nakabalik na sa dating pananamit, sa kung paano siya noon pumustura, pero hindi pa rin bumabalik ang kanyang alaalang nawala. Nung una ay nahirapan din sa Gabriel kay Romary Gail na papaniwalain ito na may mutual understanding na nga silang dalawa, bago pa man ito biglang nawala. Hindi kase mapaniwalaan ni Romary ang mga sinasabi at ipinapakitang proof sa kanya ni Gabriel na mga photos at videos na magkasama silang dalawa, pero alam ni Romary sa kanyang sarili na may kakaiba siyang nararamdaman para kay Gabriel nung makita pa lang niya ito sa mansyon nila Arnel.Naging maalaga naman kay Romary si Gabriel at nararamdaman ni Romary na may malalim na pagkagusto talaga sa kanya ang lalaki na
Nagising si Nicka na dahan- dahang iminulat ang mga mata. Bahagya siyang umayos ng higa upang makomportable siya.Inilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng silid at napadako ang tingin niya sa taong nakadukmo ang ulo sa kanyang higaan, habang ito ay nakaupo sa upuang katabi ng kinahihigaan n'ya, na hawak pa ang isa niyang kamay.Napangiti si Nicka sa pag aakalang si Mike ang lalaking natutulog.Gigisingin na sana niya ito ng bumukas ang pintuan at pumasok roon si Mike kasama ang yaya ni Alessia.Nagulat si Nicka habang papalapit si Mike na malapad ang pagkakangiti sa kanya.Ibinalik niya ang tingin niya sa lalaking mahimbing pa rin ang tulog at hawak ang kanyang isang kamay.Hindi niya kita ang mukha ng lalaki dahil sa nakayuko ito. Bigla siyang nakaramdam ng takot at kaba ng muling masulyapan ang bulto ng lalaking nakahawak sa kanyang kamay.Inalis n'ya ang kamay niya sa pagkakahawak ng lalaki na naalimpungatan sa kanyang ginawa, kaya agad nag dilat ito ng mata at humarap sa kany
" Malapit ka ng manganak, Nicka. Nasa 9 cm na ang bata. Kakayanin mo naman ang normal delivery pero ipipainless kita para hindi ka gaanong mahirapan." wika ng OB-Gyne ni Nicka.Dinala siya ni Mike sa hospital kung saan siya nagpapacheck up monthly. Nataranta na kase ito ng makita siyang nasasaktan sa paghilab ng kanyang tiyan.Dis oras na ng gabi ng lumabas si Mike sa kwarto para kumuha sana ng maiinum ng makita niya si Nicka na nasa labas ng pintuan ng silid nito at halatang nasasaktan.Agad na binuhat ni Mike si Nicka at pasigaw na tinawag ang kasambahay para tulungan siya na kuhanin ang mga gamit ng baby ni Nicka sa kwarto nito at samahan sila sa ospital.Hindi naman kalayuan ang ospital sa lugar nila Mike at hindi rin trapik sa daan dahil nga sa gabing gabi na.Pagkarating nila sa ospital ay agad na inasikaso si Nicka at sinabi nga ng doktora na manganganak na siya ano mang oras.Samantala sa ospital kung saan dinala ni Mike si Nicka ay naroon din pala si Doc. Aileen, na nakaduty