Share

Chapter 2

Sakay ng bus mula Naga, Camarines Sur ay nakarating din si Nicka Mae sa bus terminal ng maynila pagkatapos ng siyam na oras na mahabang byahe. At dahil hindi pa niya alam ang pasikot sikot sa lugar ay naisipan niyang sumakay na ng taxi patungong ospital kung saan nakaconfine pa rin ang kanyang ama.

Pagkapasok niya sa ospital ay lumapit siya sa nurse station at nagtanong sa nurse kung saan ang way papunta sa room ng kanyang itay. Hiningi ng nurse sa kanya ang patient name at tinignan sa record ang pangalan ng ama niya at pagkatapos ay itinuro na nito ang daan patungo sa ward kung saan naroroon ang kanyang ama.

Tinahak niya ang daan papunta sa ward at bago siya pinapasok sa room ay hinarang siya ng isang nurse at inexamined muna siya at pinasuotan siya ng face mask at pinaghand sanitize.

Nang makapasok siya sa loob ng room, ay nakita niya agad ang kanyang ama dahil nasa bungad lang naman ang pwesto nito.

"Tay!? Tay, kumusta po kayo rito?" naluluhang tanong niya sa ama ng malapitan niya ito. Biglang bumagsak kase ang katawan ng ama niya, huli nilang nakita ang ama ay may nakausli pang taba sa tiyan ang itay niya, ngayon ay ang laki na ng ipinayat nito humumpak ang pisngi at lumalim ang mata.

"Nicka, anak! kanina ka pa ba dito sa ospital? mabuti at dumating ka na! gusto ko ng umuwi sa atin, anak. Ikaw lang ang hinihintay ng mga doctor para payagan akong makauwi. Ayokong magtagal rito, pakiramdam ko lalo lang akong manghihina." mahihimigan ng lungkot ang boses ng ama niya habang kinakausap siya nito.

"Kadarating ko lang po itay! pasensiya na po ngayon lang ako. Ano pong sabi ng doctor sa inyo tay?" aniya sa ama na pilit pinapanormal ang boses niya dahil ayaw niyang makita ng itay niya na naaawa siyang talaga rito.

"Ang sabi ng doctor acute tuberculosis raw, kaya pang mapagaling ng gamot basta hindi papalya sa pag inom ng mga gamot araw araw ay madali naman raw akong gagaling." seryosong saad ni mang Chris kay Nicka.

"Pwede na raw ho kayang idischarged agad!?" tanong niya sa ama.

"Yun ang sabi ng doctor kagabi sa tiya Tinay mo. Nga pala anak, pasensiya ka na kung ikaw na muna ang papalit sa akin sa mansion ha! madali lang naman ang trabaho mo don at naroon ang tiya Tinay mo kaya panatag ako na hindi ka mapapahamak rito sa maynila, basta makikinig ka lang sa tiyahin mo anak." hinging paumanhin ni mang Chris sa kanya.

"Tay, pumayag na po ba ang amo ninyo na ako ang maging kapalit mo?" tanong niya sa ama na ikinatango nito.

"Bago ako iwan ng tiya mo rito kagabi ay nakausap ko sa cellphone si Sir Arnel, nakiusap ako at ang tiya mo at pumayag naman siya. Napakabait ng amo kong iyon kaya wala kang magiging problema. Madalas naman din na sa bahay ka lang dahil hindi naman nagpapamaneho si sir Arnel pagpumapasok ng opisina. Nagdadala siya ng sarili niyang sasakyan. Nagpapahatid lang siya o sundo madalas sa airport kapag mag a out of town o lalabas siya ng bansa. Ikaw ang magdadrive kapag mamimili ang tiya mo sa palengke o grocery o kapag nautusan ka lang na magdala ng kung ano kay sir Arnel sa opisina o may ipapasuyo sa iyo. Kapag wala ka naman ginagawa linisan mo ang mga sasakyan at icheck mo ang makina at break ng mga kotse. Marunong ka naman nun di ba! dahil nag aral ka ng automotive." litanya ni mang Chris sa anak.

"Opo tay! tambay ako sa talyer nila Emman di po ba!? kaya naman maalam ako sa sasakyan, bukod sa nakapag aral pa ko ng automotive. Mabuti na lang at nahikayat ako ng kaibigan ko noon na mag aral ng pagmemekaniko kasabay niya!" nakangiting pagyayabang niya sa ama.

Si Emman ay ang bestfriend niya, na kababata din niya, na kapitbahay nila sa Naga. Na may sariling talyer ang pamilya.

"Nicka, patawad kung kailangan na mag stop ka muna sa pag aaral mo ng dahil sa akin! ayoko sana na malayo ka sa mga kapatid mo, pero paano tayo? wala naman akong ipon anak. Lahat ng sinasahod ko sa pag aaral at gastos ninyo sa bahay napupunta. Ang tiya Tinay mo ang nakaisip na kunin kang kasambahay sa mansyon, pero maliit lang ang sahod ng kasambahay kaya sinabi kong ikaw na lang ang maging driver tutal marunong ka naman sa mga sasakyan. Hayaan mo anak kapag gumaling na ko at pwede na uli akong magtrabaho ay papatigilin na kita sa trabaho sa mansyon, pangako ko yan sayo Nicka!"

"Huwag n'yo na po munang isipin yan itay! ang gumaling kayo ay sapat na sa akin. Okay lang po ako tay! nauunawaan ko po ang sitwasyon natin ngayon. Hindi n'yo naman ginustong magkasakit kayo di ba! pagsubok lang po ito sa atin at malalagpasan natin ito 'tay." seryoso niyang turan sa ama.

"Anong oras po ba ang rounds ng doctor ninyo?" pag iiba na niya ng usapan.

"Hindi ko alam, baka mamaya lang mag iikot na 'yon. Nga pala natawagan mo na ba ang mga kapatid mo? nasabi mo bang narito ka na?" pagpapaalala sa kanya ng ama.

"Natawagan ko na po kanina pagkababa ko ng bus sa terminal. Mamaya po tatawagan ko uli, sasabihin ko na iayos ang kwarto ninyo sa bahay at ilipat ang tv sa loob ng silid n'yo, para maging komportable kayo dun sa bahay!" aniya naman.

"Tay, alam naman po ninyo na nakakahawa ang sakit n'yo di po ba!? sana po makinig kayo kina Andrea at Kristoff kapag nandoon na kayo sa bahay ha. Hindi n'yo naman po siguro gusto na magkahawaan kayo sa bahay ng mga kapatid ko di po ba!?" seryoso niyang pakikipag-usap sa ama.

"Anak, hindi ako pasaway na katulad ng ate Grace ninyo na matigas ang ulo." tatawa tawang turan naman ni mang Chris sa kanya.

"Ikaw talaga 'tay! pinaalalahanan ko lang po kayo." nakangiti ng wika ni Nicka sa ama. Pagkatapos nilang makapag-usap ay gumaan na ang pakiramdam niya.

Ilang minuto ang hinintay nilang mag ama ng dumating ang doctor. Ipinakilala siya ng itay niya at ipinaliwanag ng doctor kay Nicka ang sakit ng kanyang ama. Tinanong niya ang doctor kung pwede ng ilabas ng ospital ang kanyang itay at kung maaring sa bahay na lamang magpagaling ang ama. Pumayag naman ang doctor na maidischarge si mang Chris sa araw ding iyon.

Itinawag ni Nicka sa tiyahin ang sinabi ng doctor at binilinan siya nito na hintayin ito sa ospital.

Mag aala una na ng tanghali ng dumating ang tiya niya. Kanina ay pansamantala niyang iniwan sa ward ang itay niya, dahil may oras ang dalaw sa pasyente at kailangan din naman niyang kumain. Nagpaalam siya sa ama niya na sa labas na lang din niya hihintayin ang tiya Tinay n'ya.

Sa canteen ng ospital sila ng tiyahin niya nagkita at doon na rin sila nag usap ng makarating ito sa ospital.

"Tiyang, paano po ang bill ni itay rito sa ospital? nagpatotal na po ako kanina sa registrars office. Masyado po palang malaki ang bill ni itay, hindi po sapat ang perang hawak ko." namumuroblemang wika niya sa tiyahin.

"Huwag mo ng intindihin ang bill Nicka, nag abot si sir Arnel ng pera para may pambayad kayo sa ospital at ito ipinabibigay niya sa ama mo." aning wika ng tiya Tinay niya at iniabot ang isang puting sobre na may lamang pera.

Tinanggap niya iyon at tinignan ang laman. Pera iyon, na tig-iisang libo. Napasulyap siya sa tiyahin dahil malaking halaga ang ibinigay ng amo ng ama niya.

"100 Thousand pesos yan! retirement fee ng ama mo. Ipinabibigay 'yan ni sir Arnel, dahil alam niyang kailangan yan ng ama mo at ninyong magkakapatid." paliwanag ng tiya niya sa kanya.

"Pwede na ninyong panimula yan! pero isipin mo Nicka na mabilis lang din mauubos yan, na hindi yan magiging pangmatagalan. Kinausap ko na ang amo ko at pumayag siya na maaari kang magpatuloy ng pag aaral mo sa gabi." dugtong pang saad ng tiya niya.

"Mag isip ka ngayon Nicka, kung papasok ka pa rin ba sa mansyon o hindi na!. Magdesisyon ka agad dahil kailangan namin ng driver sa bahay. Kung ayaw mo namang mamasukan sa mansyon ay hindi ka namin pipilitin ng ama mo. Maghahanap na lang si sir Arnel siguro ng iba." wika pa nito sa kanya. Saglit siyang natahimik at nag isip. Binigyan naman siya ng oras ng tiyahin niya na pag isipang mabuti ang sinabi nito sa kanya.

"Tama po kayo, tiyang Tinay! madali lang mauubos ang perang ito at kailangan pa rin namin ng pagkakakitaan monthly, kung payag naman po ang amo ninyo na mag aral pa rin ako ay iga-grab ko na po ang opportunity na 'to. Ihahatid ko lang po si itay sa amin at babalik din po ako agad para makapagsimula na sa trabaho." aniyang sagot sa kanyang tiya Tinay na natutuwa sa naging desisyon niya.

"Kung ganun ay iwan mo na sa akin ang ibang gamit mong dala at bibitbitin ko na pauwi sa mansyon at mamaya ay mailalabas mo na ang ama mo. Magpa-assist na lang kayo na maihatid kayo ng ama mo sa Naga. At bukas bago mag gabi ay aasahan ka namin sa mansyon. Alam kong kailangan mo pang kuhanin ang mga records mo sa univiersity para makapagtransfer ka rito. Mag eroplano ka na lang bukas para hindi ka matagalan sa byahe mo pabalik rito." litanya ng tiya niya at nagbilin na rin upang hindi siya magahol sa pagbalik niya ng maynila.

"Sige po tiyang, pakisabi po kay sir Arnel na salamat po sa lahat. Darating po ako sa mansyon bukas." turan pa niya na ikinatango ng tiyahin sa kanya.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Nerissa Mendoza
ganda tlaga
goodnovel comment avatar
Anna Mernilo
Ang bait nmn ni sir arnel
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status