"Narito na tayo sa labas ng library ni sir Arnel. Dito siya namamalagi kapag naririto siya sa bahay, dahil ito ang parang pinakaopisina niya sa loob ng bahay. Kinakabahan ka ba?" aning turan ng tiya niya.
"Medyo po tiyang!" pag aming sagot n'ya."Kasama mo naman ako sa loob kaya wag ka ng kabahan. Pasok na tayo!" aning turan ng tiya niya at kumatok na sa pinto."Come in!" sagot ng amo nila na nasa loob ng library.Binuksan ng tiya niya ang pinto at pinauna siyang pumasok. Malaki rin ang kabuuan ng library kaya medyo malayo sa pwesto nila ang among lalaki."Sir Arnel, kasama ko na po si Nicka ang anak po ni Chris na pamangkin ko naman!" wika ni Tinay sa amo na busy sa ginagawa nito sa harap ng laptop."Maupo muna kayo ng pamangkin mo manang, tapusin ko lang itong ginagawa ko." ani ng baritonong boses ng amo nila.Naupo muna sila sa mahabang sofa na naroon habang hinihintay na matapos ang amo sa ginagawa nito. Hindi pa masipat ni Nicka ang kabuuang mukha ng sir Arnel nila dahil nakayuko ang lalaki pero kahit na side pa lang ng mukha ang nakikita ni Nicka ay nagagwapuhan na siya sa amo. Ang akala niya ay nasa edad 40 pataas na ang amo nila pero mukha pa itong bata na sa hinuha niya ay nasa early 30's pa lamang ito."Tiyang, ilang taon na po si sir Arnel?" pabulong niyang tanong sa tiyahin."Mag 34 pa lang siya sa september, bakit nabigla ka ba sa nakita mo!? inisip mong may edad na ang amo natin?" pabulong ding wika ng tiyahin sa kanya."Opo tiyang! ang buong akala ko po kaedaran n'yo na ni itay si Sir Arnel." pagsasabi niya ng totoo."Mamaya na natin pag usapan yan! wag ka na munang maingay!" pagsaway na sa kanya ng tiyahin."Manang Tinay, lumapit po kayo at dito kayo maupo ng pamangkin mo." utos ng among lalaki sa kanila. At sinulyapan ang babaeng kasama ng mayordoma habang papalapit ang mga ito sa lamesa at doon naupo sa magkabilaang silya."Sigurado po ba kayong marunong magdrive ng sasakyan ang pamangkin mo manang!?""Ang sabi po sa akin ng pamangkin ko ay marunong siya at nag aral din siya ng automotive kaya maalam din siya sa mga makina ng kotse at motor." sagot ni aling Tinay sa amo pero sumusulyap din ng tingin sa pamangkin."Sir, kahit naman po babae ako marunong po akong magmaneho ng motor at kotse kahit maliit na truck po ay kaya ko rin. Laking talyer po ako at may certificate po ako na katunayan na nagtapos ako ng automotive." dagdag na sagot ni Nicka sa sinabi ng kanyang tiya."Nicka, Nicka right!?" tanong sa kanya ng lalaking amo."Y-yes po sir, im Nicka Mae Romero po 22 years old, nursing student po, bukod po sa driving skills at pagmemekaniko kung hindi n'yo po maitatanong marunong at masarap din po akong magluto at mag bake sir." aniyang kinakabahan pero confident naman."Okay!, May drivers licensed ka?"Mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo ang dalaga at dinukot niya ang lisensya sa likurang bulsa ng suot niyang maong short at inilapag sa lamesa ng amo ang id niya upang maipakita ang kanyang lisensya.Nakatingin naman si Arnel sa anak ni mang Chris na hindi niya inaasahan na maganda pala ang dalaga lalo na sa malapitan at makinis at maputi ang mahaba nitong binti na sa tingin niya ay nasa 5'4 o 5'5 ang taas. Inabot niya ang lisensiya ng dalaga at sinuri niya iyon at ibinalik rin naman agad ang drivers license nito ng masiguro niyang hindi fake ang lisensiya ni Nicka. Ibinalik ng dalaga ang lisensya sa bulsa ng short. Muli na naman napatingin si Arnel sa magandang hubog ng binti ni Nicka na ikinapagpabuntong hininga niya dahil sa may kakaibang dating sa kanya ang legs ni Nicka."Ang sabi sa akin ni Manang ay gusto mong ipagpatuloy pa rin ang pag aaral mo rito kahit sa gabi ang pasok mo. Naiintindihan ko na may pangarap kang nais na maabot at para kay manang at kay mang Chris ay pinapayagan kita na mag aral sa gabi. But, kung mapapabayaan mo ang trabaho mo rito ay mapipilitan akong palitan ka, Nagkakaintindihan ba tayo Nicka?" istriktong saad ni Arnel sa dalaga."Maraming salamat po sir Arnel! pangako ko po na hindi po ako magpapabaya at pahahalagahan ko po ang trabaho ko rito sa inyo.""Okay! here is the information sheet, fill up-an mo yan ngayon at bukas magsisimula ka na." saad pa ng among lalaki na naglapag sa harap ni Nicka ng isang bio data.Sinagutan ni Nicka ang information sheet at pagkatapos ay ibinalik sa among lalaki."Ang sweldo mo monthly ay 20 thousand pesos dahil bukod sa pagiging driver mo dito ay tutulong tulong ka rin sa gawaing bahay, iyon ang napag usapan namin ni manang Tinay kahapon kaya tinaasan ko ang sahod mo. Sa mga bayarin ninyo sa gobyerno ay si manang na ang bahala doon, siya ang nag aasikaso nun monthly para sigurado kayo na naibibigay sa inyo ang karapatan ninyong benefits.""Ang laki pala ng sahod ko!" naibulalas na wika ni Nicka."Yes Nicka, kaya umaasa akong pag iigihan mo ang trabaho mo. And one more thing, ayokong nagsusuot ka ng short dito sa bahay kapag oras pa ng trabaho. Manang bilhan mo ng maayos na uniform ang pamangkin mo."Napatingin si Nicka sa suot niya pati ang tiyahin niya. Nakablack shirt siya at short na maong na hindi naman maiksi talaga."Ah sir, pwede pong mag request? driver naman po ako di po ba!? okay lang naman po sa akin na laging nakapantalon pero sana maong na lang at plain color shirt na lang po white or black mas okay o kaya any colors basta plain para naman po alam ninyo kung nagpapalit ako ng t-shirt o hindi!" nakangiti niyang saad sa amo niya na pasimpleng ikinakurot ni aling Tinay sa tagiliran niya."Aray naman tiyang masakit yun ha! kung hindi naman pupwede ay okay lang! mas komportable lang ako sa ganoong suot kaya ako nagsuggest at nagrequest. Sorry po sir Arnel!" aniya ng samaan pa siya ng tingin ng tiyahin niya.Napailing si Arnel sa inasta ng bago niyang driver. "Manang, ibili mo siya ng mga pantalon na maong at plain na t shirt. Kayo na ang bahalang pumili para sa kanya. Pwede na kayong bumalik sa quarters ninyo at magpahinga." seryosong utos ni Arnel sa mayordoma niya."Sige sir Arnel, ibibili ko siya bukas na bukas rin." aning wika ni manang Tinay."Thank you po sir! maraming, maraming thank you po talaga!" nakangiting pasasalamat naman ni Nicka sa amo."Tara na tiyang sa kusina, okay naman na ako kay sir Arnel eh! gutom na ako kanina pa, baka pwede na siguro tayong kumain, hindi ako nakapagmeryenda sa byahe kanina kaya nag aalburuto na ang mga anaconda ko sa tiyan." aning wika ni Nicka na narinig pa ni Arnel kaya napangiti siya sa sinabi ng dalaga at nang papalabas na ang mga ito ay muli niyang narinig na umaray ito. Naisip niyang may pagkapasayaw ang dalaga kaya nakatikim na naman sigurado ng kurot kay manang Tinay.Makalipas ang mahigit isang taon na katatapos lang din ng bonggang kaarawan ng kambal nila Arnel at Nicka. Na ngayon naman ay magaganap na ang araw ng kanilang pag iisang dibdib.Sa loob ng simbahan ay naroon na ang groom at ang mga abay, naroon na rin ang pamilya ni Nicka at mga ninong at ninang nila sa kasal. Marami na ring bisita ang mga naghihintay sa pagdating ng bride. Ngunit lagpas na ng ilang minuto sa nakatakdang oras ng kasal ay wala pa rin si Nicka." Pare, ano ka ba? lakad ka ng lakad d'yan kanina pa, nahihilo na kami sayo nila Marvin." sitang wika ni Rodjun kay Arnel." Kinakabahan ako, Buenaflor. Bakit wala pa rin si Nicka?" pag amin niya sa mga kaibigan na pinagtawanan s'ya ng mga ito." Ngayon ka pa talaga kakabahan, Sisipot si Nicka sa kasal ninyo, darating s'ya kaya relax ka lang pare!" pagpapakalma ni Jasper kay Arnel." Baka kase natrapik lang o kaya na late ng alis sa bahay ninyo, kaya hanggang ngayon ay wala pa. Importanteng araw ito para sa inyo ni Nicka kaya si
Sa sementeryo kung saan nakalibing ang katawan ni Kyline ay nagtungo si Arnel at Nicka upang dalawin ang puntod ng namayapang panganay na anak ni Arnel. Hindi na muna nila isinama ang kambal at iniwan na muna ang kanilang anak sa yaya ng mga ito na si Annalyn. Ang kasambahay ni Nicka noon sa bahay sa Antipolo na tinirahan niya nung buntis pa siya, dahil sa kilala at malapit na rin kay Nicka ang babae ay ito na ang kinuha nilang yaya ng mga anak nila.Kaarawan ni Kyline, kaya nagpasamang dumalaw sa puntod ng anak niya si Arnel kay Nicka. Sa kauna- unahang pagkakataon ay naisama na rin ni Arnel si Nicka sa pagbisita sa libingan ng kanyang anak.Pagkarating nila roon ay agad na nilinis ni Arnel ang lapida sa puntod. Inilapag ang dala nilang bulaklak at sinindihan ang dalawang kandila. Tahimik na umusal ng dasal para sa kaluluwa ng panganay niyang anak, ganoon rin si Nicka na umusal din ng panalangin para sa kaluluwa ni Kyline na anak ng lalaking mahal n'ya at kapatid ng kanilang kambal
Mabilis na lumipas ang araw, nakalabas na ng ospital si Nicka at ang kambal. Hindi na sila umuwi ng mansyon dahil sa bagong ipinagawang bahay ni Arnel sila nito itinuloy. Surprised gift ni Arnel para kay Nicka at pasasalamat sa pagsasakripisyo ng dalaga ng dahil sa kanya at sa kambal nila.Ang sabi ni Arnel kay Nicka ay pinasimulan nito ang pagpapagawa ng bahay malapit lang sa kumpanya nung malaman nito na buntis siya. Dahil gusto ni Arnel na iwanan na sa mansyon ang mga hindi magagandang ala-ala na kasama pa nito ang unang naging pamilya. Naisip ni Arnel na hindi maganda ang vibes ng mansyon nila dahil noon pa man ay hindi na maganda ang naging pagsasama ng magulang niya nung bata pa siya.Binatilyo pa lang si Arnel noon ng mamatay ang mommy n'ya at hindi pa man sila nakakapagbabang luksa ng magdesisyon ang kanyang daddy na iuwi sa mansyon nila ang babaeng ipinalit nito sa kanyang mommy at doon niya rin nalaman na may dalawa na pala itong anak sa labas sa naging madrasta niya na si M
Samantala sa malaking bahay bakasyunan ni Gabriel sa Batangas, kung saan niya itinago si Romary. Kakagising lang ng babae at kalalabas lang din ng banyo ng mapasukan niya itong nakasuot pa rin ng pantulog.Sa loob ng ilang buwan na pagpapatherapy ni Romary ay maayos na muli ang kanyang paglalakad at nakabalik na sa dating pananamit, sa kung paano siya noon pumustura, pero hindi pa rin bumabalik ang kanyang alaalang nawala. Nung una ay nahirapan din sa Gabriel kay Romary Gail na papaniwalain ito na may mutual understanding na nga silang dalawa, bago pa man ito biglang nawala. Hindi kase mapaniwalaan ni Romary ang mga sinasabi at ipinapakitang proof sa kanya ni Gabriel na mga photos at videos na magkasama silang dalawa, pero alam ni Romary sa kanyang sarili na may kakaiba siyang nararamdaman para kay Gabriel nung makita pa lang niya ito sa mansyon nila Arnel.Naging maalaga naman kay Romary si Gabriel at nararamdaman ni Romary na may malalim na pagkagusto talaga sa kanya ang lalaki na
Nagising si Nicka na dahan- dahang iminulat ang mga mata. Bahagya siyang umayos ng higa upang makomportable siya.Inilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng silid at napadako ang tingin niya sa taong nakadukmo ang ulo sa kanyang higaan, habang ito ay nakaupo sa upuang katabi ng kinahihigaan n'ya, na hawak pa ang isa niyang kamay.Napangiti si Nicka sa pag aakalang si Mike ang lalaking natutulog.Gigisingin na sana niya ito ng bumukas ang pintuan at pumasok roon si Mike kasama ang yaya ni Alessia.Nagulat si Nicka habang papalapit si Mike na malapad ang pagkakangiti sa kanya.Ibinalik niya ang tingin niya sa lalaking mahimbing pa rin ang tulog at hawak ang kanyang isang kamay.Hindi niya kita ang mukha ng lalaki dahil sa nakayuko ito. Bigla siyang nakaramdam ng takot at kaba ng muling masulyapan ang bulto ng lalaking nakahawak sa kanyang kamay.Inalis n'ya ang kamay niya sa pagkakahawak ng lalaki na naalimpungatan sa kanyang ginawa, kaya agad nag dilat ito ng mata at humarap sa kany
" Malapit ka ng manganak, Nicka. Nasa 9 cm na ang bata. Kakayanin mo naman ang normal delivery pero ipipainless kita para hindi ka gaanong mahirapan." wika ng OB-Gyne ni Nicka.Dinala siya ni Mike sa hospital kung saan siya nagpapacheck up monthly. Nataranta na kase ito ng makita siyang nasasaktan sa paghilab ng kanyang tiyan.Dis oras na ng gabi ng lumabas si Mike sa kwarto para kumuha sana ng maiinum ng makita niya si Nicka na nasa labas ng pintuan ng silid nito at halatang nasasaktan.Agad na binuhat ni Mike si Nicka at pasigaw na tinawag ang kasambahay para tulungan siya na kuhanin ang mga gamit ng baby ni Nicka sa kwarto nito at samahan sila sa ospital.Hindi naman kalayuan ang ospital sa lugar nila Mike at hindi rin trapik sa daan dahil nga sa gabing gabi na.Pagkarating nila sa ospital ay agad na inasikaso si Nicka at sinabi nga ng doktora na manganganak na siya ano mang oras.Samantala sa ospital kung saan dinala ni Mike si Nicka ay naroon din pala si Doc. Aileen, na nakaduty