Share

Chapter 6

Kinabukasan maagang lumabas ng silid niya si Arnel para pumasok sa kumpanya nila dahil may maaga siyang meeting with the board member para sa nakuha nilang bagong contract job na uumpisahan na nilang gawin next week. Nagmamadali siya kaya hindi na siya makakapag almusal pa.

Dumiretso siya sa garahe para kunin ang sasakyan niya ng makita roon si Nicka na nagkacarwash ng mga sasakyan. Natigilan siya at napalunok siya ng laway ng mapansin ang suot ng dalaga. Nakasleeves na pang itaas at naka shorts lang ito. Kitang kita ang hubog ng katawan ni Nicka at malaporselanang kutis nito. Napapikit siya at napabuga ng hangin dahil pakiramdam niya naaakit siya sa anak ni mang Chris.

"Ay sir Arnel, kanina pa po ba kayo diyan!? pasensiya na po kung hindi ko po kayo agad napansin, Good morning po pala! paumanhin po kung hindi pa rin po ako tapos sa iba, pero wag po kayong mag alala sir inuna ko pong tapusin talaga ang gagamitin mong sasakyan. Navacuum ko na rin po ang loob ng kotse mo sir at na check ko na rin po ang break at makina, kaya safe na safe na pong gamitin ang sasakyan ninyo." mabilis na wika ni Nicka na nagpapaliwanag kay Arnel.

"Kakalabas ko lang din ng bahay, Nicka. Salamat, pero bakit ganyan ang suot mo?" nakakunot noong tanong ni Arnel sa dalaga.

"Bakit po sir Arnel? may problema po ba sa suot ko?" tanong niya at tinignan ang sariling ayos.

"Ah sir! nag carwash po kase ako, kaya ganito po ang suot ko, para po komportable kahit na mabasa ako ay okay lang! Bawal din po ba na ganito ang ayos ko kapag magkacarwash ako? hindi po ba kayo sanay na makakita ng babaeng naglilinis ng sasakyan? Sorry sir, next time po hindi na po ako magdadamit ng ganito kung ayaw n'yo!. Hindi ko naman din po kase akalain na maaga po pala kayong umaalis ng bahay para pumasok sa trabaho, akala ko ay mamaya pa po ang alis n'yo." mahabang litanya ni Nicka dahil halata sa amo na ayaw nitong nakikita siyang nakasuot ng short.

"Next time Nicka, kung maglilinis ka ng mga sasakyan mag t-shirt ka na lang at magsuot ka ng maayos na short pants, hindi yung ganyan na maiksi ang tabas, hindi kase magandang tignan sa isang dalagang katulad mo. Ipapaalala ko lang na hindi kayo puro babae rito, na may kasama din kayong lalaki sa bahay!" seryosong saad ni Arnel kay Nicka at pumasok na sa loob ng kotse niya.

Para namang napahiya si Nicka sa sinabi ni Arnel sa kanya kaya napayuko ang dalaga. "Hindi na po mauulit sir Arnel." wika ng dalaga na hindi na makatingin sa amo.

"Pakisabi kay manang Tinay na umalis na ko, kaya hindi na niya kailangang ipaghanda ako ng breakfast." bilin ni Arnel at pinaandar na ang sasakyan.

Tinignan niya si Nicka sa rearview mirror na nakatayo pa rin sa garahe at nakatanaw na sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya at napabuga ng hangin na may kasamang iling ng ulo. Naisip niyang parang sumobra naman yata siya sa nasabi sa pamangkin ni manang Tinay.

Palapit na siya sa gate palabas ng mansyon ng makita niyang pinagbuksan siya ng gate ng bantay nila na si mang Loreto. Nawala bigla ang guilt niya at naisip na tama lang na pinaalalahanan niya si Nicka.

Pagdating niya sa kompanya ay nakasabayan niya sa lobby si Marvin, ang kaibigan niya na CFO ( chief financial officer.) ng company nila.

"Ang aga natin ah! may nakalimutan ka rin ba na dapat gawin kahapon?" bati ni Marvin sa kanya.

"Mukhang ikaw ang may nakalimutang gawin kahapon at maaga ka rin ngayon!? maaga ang meeting natin ngayon sa ibang board members kaya maaga akong umalis ng bahay. You know na ayoko ng nali-late kapag may meeting." aniya sa kaibigan.

"May hindi ako natapos na papers kahapon dahil maaga akong pinauwi ni Candice sa bahay, may inihandang surprise pala sa akin ang asawa ko. Magiging daddy na uli ako pare, masusundan na ang inaanak mo!." masayang balita ni Marvin kay Arnel.

"Congrats pare! masaya ako para sa inyo ni Candice." aniya sa kaibigan pero mababanaag ang lungkot sa mata.

"S-sorry Arnel, masaya lang akong ibalita na buntis na uli ang asawa ko." saad ni Marvin na tinapik sa braso ang kaibigan.

"Wala ka namang dapat na ika sorry pare! si Rodjun ba papasok ngayon?" aniya at iniba na ang usapan nila.

"Siguro, alam naman niyang may meeting tayo ngayon kaya papasok yun! Okay naman na ang anak nila ospital, andun din naman si Aileen para tignan ang anak nila."

"Hindi pa ba nila naiuuwi ang anak nila sa bahay!?" tanong niya kay Marvin.

"Nakasemento pa ang braso at paa ng anak nila dahil sa kakulitan pare! manang mana sa ama eh sobrang likot!, si Aileen daw ang nagdesisyon na mag stay pa ng ilang araw sa ospital si Kiel." sagot ni Marvin na ikinangiti niya at ikinailing niya sa sinabi ni Marvin dahil totoong malikot ang anak ni Rodjun kaya madalas naaaksidente ang inaanak nila.

"Kumusta na kayo ni Romary pare?" seryosong tanong ni Marvin kay Arnel ng nasa loob na sila ng elevator at sila lang naman dalawa roon dahil exclusive ang elevator na yun para sa mga executive ng kumpanya.

"Ayaw pa rin niyang makipag-usap sa akin pare! nawawalan na ko ng pag asa na magkaayos pa kaming dalawa. Feeling ko wala ng pagmamahal sa akin ang asawa ko Marvin. Nahihirapan ako sa sitwasyon namin ngayon pero nagpapakatatag pa rin ako para sa kanya. Heto pa rin ako umaasa na mapapatawad niya ko sa pagkawala ng anak namin." malungkot na turan ni Arnel.

"Pare, ilang beses ba namin sasabihin sayo na wala ka namang kasalanan sa pagkamatay ng anak ninyo, hindi mo naman ginustong mangyari na hindi nailigtas sa mga kidnapper ang anak n'yo di ba!? wag mong sisihin ang sarili mo, ginawa mo ang lahat mailigtas lang si Kyline, hindi ka nagkulang pare, okay! pasasaan ba't marirealize din yan ni Romary. Give her time pa pare! babalik din sayo ang asawa mo."

"Pare, magdadalawang taon na mula ng mamatay si Kyline, magdadalawang taon na rin akong tinitiis ng asawa ko. Gusto ko na siyang sundan sa america pare, pero napipigilan ako ng takot, takot na baka ipagtabuyan na naman niya kong muli. Miss na miss ko na si Romary, pare. Minsan sinusubukan ko pa rin siyang kontakin pero nirereject n'ya lahat ng tawag ko, message ko, kahit ang email ko sa kanya hindi niya siniseen. Ang bigat sa dibdib pare ang sakit isipin na wala ng pakialam sayo ang asawa mo at binabalewala ka na lang niya." napapabuntong hiningang wika ni Arnel kay Marvin na hindi na umimik pa dahil alam nito ang pinagdaanan ng kaibigan magmula ng insidenteng makidnap ang anak nila ni Romary at hindi nga nailigtas ang bata. Hindi rin nila masisi si Romary dahil at some point naiintindihan nila kung saan nanggagaling ang galit nito sa kaibigan nilang si Arnel.

Bumukas ang elevator at nagpaalam na sa kanya si Marvin dahil magkaiba sila ng floor, sa pinakataas ang opisina ni Arnel dahil siya ang CEO ( Chief Executive Officer.) ng kumpanya.

Tinanguan niya ang kaibigan at ipinaalala ang meeting nila mamaya sa board.

Paglabas niya sa elevator ay walang sumalubong na sekretarya sa kanya. Wala pa kase ang secretary niyang si Jenny sa lamesa nito. Hindi pa naman late ang babae dahil wala pa sa oras ng trabaho, mag aalas otso pa lang, sadyang maaga lang talaga siyang pumasok sa kumpanya kaya nauna pa siya kay Jenny. Nagpapakaworkaholic na lang siya upang pansamantala ay mabaling sa iba ang isipan niya at hindi na muna maisip ang problema nila ni Romary.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status