Share

CHAPTER 4. THE CARING SIMONE

"Ay, ang fresh ng sugat ah, kasing fresh ng lalaking naghatid sa'yo kagabi." Kinikilig na sabi ni Abby sabay hampas sa pwet ko.

Napabalikwas naman ako sa aking higaan, ang aga-aga gusto na niyang makipag Marites sa akin, napaka chismosa kasi niya.

"Inaantok pa ako Abby!" inis na sabi ko sa kanya. Ngayon ko lang namalayan na ang mga kasama namin dito sa boarding house ay naroon na pala sa loob ng kwarto ko at gusto din na makipag chismisan.

"Anong ginagawa niyo dito? Bakit nandito kayong lahat?" sabi ko sa anim pa na kasama namin.

"Eh, paano ba naman kasi, interesado silang malaman kung boyfriend mo ba ang naghatid sa'yo kagabi. Ang ganda pa ng sasakyan at ang mahal, naka chamba ka siguro ano?" ani pa ni Abby.

"Sis, masarap ba?" tanong naman ni Loui. Ang kaibigan ko na kasama ko rin sa club.

"Naka ilang beses kang labasan kagabi? Hmmm...siguro mata mo nalang ang gumagalaw habang binabayo ka niya ano?" natatawang sabi naman ni Lyn. Si Lyn ay kababata ko na malandi rin.

"Paano ba kasi makipag sex? Alam niyo gusto ko na rin tuloy makatikim dahil diyan sa topic niyo," si Maria. Siya ang natitirang virgin sa aming lahat. Nag-aaral siya sa kolehiyo at ngayon ay graduating na.

"Ayan ka na naman sa pagiging Maria mo, mag boyfriend kana kasi para makatikim kana ng heaven," ani pa ni Aya habang nagpapatirik ng kanyang mga mata.

Napailing nalang ako sa pinag-uusapan nila. "Pwedi ba hayaan niyo na muna akong matulog? Inaantok pa ako!" saway ko sa kanila sabay senyas na lumabas sila. "Chupi!" sigaw ko pa.

"Nasobrahan ka ata kagabi kaya hindi mo kinaya ang katawan mo ngayon. Nakailang rounds ba kayo?" tanong pa ni Lyn.

"Walang may nangyari sa amin, magkaibigan lang kami!" sagot ko naman.

Nagtinginan lang sila at halatang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"'Yung totoo nga sis?" ani naman ni Abby.

"Hmmm...baka kamo sa sasakyan sila nagjugjugan kaya ayan masakit ang katawan niya. Anong pwesto ang ginawa niyo sa loob ng sasakyan? Dogstyle? 69 or-"

"Alam niyo ha masakit pa ang ulo ko ngayon, pwedi ba lubayan niyo muna ako?! Nakakairita naman kayo eh," inis na sabi ko sabay kamot sa aking batok. "Alam na alam niyo talaga na may naghatid sa akin samantalang itong ginawa sa akin ni Sky, wala kayong alam." Itinuro ko pa ang sugat ko.

"Naku, sis, nabalitaan ko 'yan kagabi ha. Pasensiya kana kung hindi aki nakapunta sa'yo, may costumer kasi ako at enjoy na enjoy ako," ani ni Aya.

Sasagot pa sana aki ng biglang pumasok si Manang Baby sa kwarto namin.

"Ang aga-aga nakikipag chismisan kayo dito. Akin na ang mga bayad ninyo!" Inilahad ni Manang Baby ang kamay niya sa harapan namin.

Kaagad ko naman siyang binayaran, mahirap na baka palayasin pa niya ako. Ang sama pa naman ng ugali nito minsan, walang konsensiya.

"Tsaka nga pala Kathy, nandiyan si Sky sa labas. Gusto ka daw niyang makausap," ani pa ni Manang Baby.

"Pakisabi na tulog ako at ayaw ko siyang makausap. Matapos ang ginawa niya sa akin kagabi may mukha pa siyang ihaharap sa akin ngayon? Kapal niya talaga!" galit na sabi ko naman.

"Ay naku, ikaw ang kumausap doon sa lalaking 'yun." Sabay talikod ni Manang Baby at ibinagsak pa ang pagsara ng pinto.

Nakatingin lang ang mga kaibigan ko sa akin.

"Sis, kung ako sa'yo papayag man o hindi si Sky, kakalas na talaga ako sa kanya. Hindi na makatarungan ang ginawa niya sa'yo. Sinaktan kana niya physically," ani ni Aya.

"True, baka kapag pinatawad mo pa siya mapapatay kana niya sa susunod. Alam mo naman talagang patay na patay siya sa'yo," ani naman ni Abby.

"Paiyotin mo din kasi minsan para hindi magseselos sa mga costumer mo," natatawang sabi ni Lyn.

Hangganv kaikan talaga walang kwentang kausap itong si Lyn, kalog.

"Ilang beses na akong nakipag hiwalay sa kanya pero ayaw niya. Hindi ko na nga alam kung ano ang gagawin ko eh," sabi ko naman. Tumayo ako sa aking higaan para harapin si Sky. Panahon na para putulin ko ang ugnayan naming dalawa.

Lumabas ako para makausap siya. Nakasandal siya sa kanyang sasakyan na kulay pula na pang racing.

Nang makita niya ako ay kaagad naman siyang ngumiti ng malapad at may hawak pa siyang bouquet ng roses.

"Hi," bati niya sa akin. Ibinigay niya sa akin ang bulaklak ngunit tiningnan ko kang iyon sabay tabig mula sa kanyang mga kamay.

"Anong ginagawa mo dito? Matapos ang ginawa mo sa akun kagab pumunta kapa sa akin dito ngayon? Ang kapal naman ng mukha mo Sky," sabi ko sa kanya.

"I just want to say sorry, nadala lang ako sa nararamdaman ko kaya ko ginawa iyon. Hindi na mauulit Kathy, i'm really sorry!" nagmamakaawang sabi nito.

Umiling ako sa kanya. "Mapapatawad kita pero tigilan na natin ito Sky, pumayag ka ng maghiwalay na tayo. Wala na itong patutunguhan. Hindi mo ba nakikita? Hindi na kita mahal," sabi ko naman.

Napatiimbagang siya sa sinabi ko. Nagtitigan lang kaming dalawa.

Napaigtad ako ng biglang tumunog ang aking cellphone mula sa bulsa ko.

Kaaagad ko namang tiningnan ko sino ang tumatawag at nakita ko sa screen na si Kuya.

"Hello," sagot ko naman.

"Kath, si Nanay, kailangan niyang ilipat sa private hospital, tatling operasyon pa eaw ang kailangan," ani ni Kuya.

"A-ano? Bakit daw? Ano ba ang nangyari?" natatarantang tanong ko naman.

"Mas mabuti pang pumunta ka muna rito. Hihintayin ka namin, kailangan ng 200 thousand pesos para maopearahan siya-" 

Hindi ko na pinatapos na magsalita si Kuya at ibinaba ko na ang telepono. Umiyak nalang ako sa sobrang kaba.

"What's wrong Kathy?" ani ni Sky.

"Si Nanay, Sky, kailangan na naman niyang maoperahan," sabi ko sabay hagulgol sa iyak.

"Don't worry, i have something for you!" May dinukot si Sky sa kanyang bulsa at may inilabas na kwintas na diamond ang pindat. Silver ito at ubod ng ganda.

"A-anong gagawin ko diyan?" tanong ko naman.

"You can have it, pero ipangako mo na hindi mo ako iiwan. Maari mo itong ibenta sa halagang 500 thousand pesos, para maopearahan ang Nanay mo," ani ni Sky.

Hindi na ako nag-isip pa ng kung ano nang marinig ko ang sinabi ni Sky. Hinablot ko iyon sa kamay niya. "Iyong-iyo ako Sky, habang buhay pangako 'yan!" sabi ko.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status