Share

Dela Cuesta Series #1. Simone Dela Cuesta
Dela Cuesta Series #1. Simone Dela Cuesta
Author: Madame Marites

SIMULA. Kathy's Background

ISANG malakas na tunog ng pintuan ang aking narinig kaya biglang napadilat ako ng aking mga mata. Si Manang Baby na naman iyon, sa pagkakaalam ko hindi pa naman katapusan ngayon para mangalagpag siya sa akin habang natutulog. Huwag naman sanang maningil si Manang Baby dahil wala pa akong pambayad ng renta dito sa bahay na tinitirhan ko.

"Kathy! May naghahanap sa'yo sa labas bilisan mo maraming dala na mga regalo!" excited na sabi sa akin ni Manang Baby. Himalang maganda ang mood niya ngayon ah, baka wala na siyang regla kaya ang bait niya sa akin. Sa dinami-dami namin rito sa akin lang siya palaging nagagalit.

Nakahiga ako dito ngayon sa aking higaan na folding bed. Inaantok pa ako pero hindi ako tinitigilan ni Manang baby. Kanina niya pa ako ginigising pero hindi pa rin ako bumabangon.

"Kathy, may bisita ka nga bumangon kana riyan. Kanina pa kita ginigising ha, kapag hindi kapa diyan bumangon bubuhusan na kita ng mainit na tubig. Sayang naman ang mga dala niyang mamahalin na bag at may nakalagay pa doon na LV," sabi pa niya.

Napabalikwas naman ako ng bangon ng marinig ko iyon. "LV? As in Louise Vuitton?!" gulat ko namang sabi habang nanlalaki ang aking mga mata sa sobrang excited.

Tumango naman si Manang Baby sa akin. "Oo, kaya nga hindi kita tinitigilan dahil ang mahal pa naman ng bag na iyon dahil original," sabi pa nito.

Kaagad akong bumangon at inayos ang aking higaan sabay takbo ko papasok ng banyo para makapag mouth wash. Wala naman akong ini-expect na bisita ngayon, sino kaya ang sinasabi ni Manang Baby na bisita ko daw? Dinalian ko na ang aking kilos dahil excited na akong makita ang LV bag na dala-dala daw sa akin bisita ko. Pagkatapos kong mag mouth wash ay tumakbo na ako sa labas. Hindi na ako nagsalamin pa dahil talagang maganda ako kahit hindi na ako magsuklay.

"Manang, sino iyong bisita ko? Nasaan na siya?" tanong ko kay Manang Baby habang nakaupo siya sa sofa at pinapaypayan ang kanyang sarili.

"Nandito ako Kathy," sagkt ng isang lalaki mula sa aking likuran.

Nang makita ko kung sino iyon ay biglang nalaglag ang aking balikat. "Ikaw na naman? Hindi ba sinabi ko na sa'yo na hindi kita type?!" inis na sabi ko kay Liam.

Ang kaninang nakangiti niyang mukha ay biglang lumungkot dahil sa sinabi ko. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako tinitigilan. Ilang beses na siyang dumadalaw sa akin pero deadma ko lang siya palagi.

"Bakit ba ayaw mo sa akin? Dinalhan pa nga kita ng bag oh, para lang payagan mo akong ligawan ka." Ipinakita nito ang bag na kanyang dala-dala. May nakita akong LV na nakakatatak doon. Hinablot ko iyon sa kanyang kamay at tiningnan.

"Ito?! Eh, hindi naman 'to LV e. P*tcha naman oh, ginising mo pa talaga ako Manang Baby para lang sa bag na ito. Tama nga naman may LV nga na nakalagay pero may meaning dito sa baba. LV, means Liam Vergas!" galit kong sabi. Nag-expect ako ng sobra tapos ito lang pala. Tsk!

"Kathy, payagan mo na kasi aking ligawan ka. Magsisikap naman ako para maibigay ko ang gusto mo. May trabaho naman ako at tinitiyak ko na hindi ka magugutom sa akin," sabi ni Liam at kinindatan pa ako.

Sa tuwing nakikita ko ang itsura niya ay nasusuka ako. May braces, jologs pa kung manamit tapos naka fit pa na leggings. Snickers nga ang sapatos pero iyong mumurahin naman tapos naka bonnet pa. Hindi ko nga alam kung saang planeta ito nanggaling. Feeling rapper na hindi naman marunong mag rap. Minsan ginagaya niya pa si Andrew E, kung makaporma pero hindi naman bagay sa kanya. Trying hard kumbaga para lang makuha niya ako pero kahit anong gawin niya hinding-hindi niya ako matitikman.

"Ayaw ko! Ayaw ko! Ayaw ko! Gets?!" sabi ko sa kanya.

Napatakip naman siya ng kanyang tenga dahil sa lakas ng boses ko. Bukod sa malakas na matining pa.

Binalik ko ang kanyang bag, ang cheap nito kaya ayaw ko hindi iyon bagay sa kagandahan ko.

"Oh, ayan ang bag mo i*****k mo sa baga mo!" Pagkatapos kong iabot sa kanya ang bag na dala-dala niya ay humakbang na ako pabalik sa aking kwarto.

"Kathy, parang awa mo na hayaan mo na akong ligawan ka. At kung ayaw mo man magpaligaw, bigyan mo naman ako ng chance na maka score sa iyo," sabi pa ni Liam. Naptigil ako sa aking paglalakad dahil sa sinabi niya. Humarap ako sa kanya at nag beautiful eyes pa siya sa akin. Lakas magpa cute ng mokong na 'to akala niya siguro bagay sa kanya. Inirapan ko siya.

"Hindi ako free Liam!" sigaw ko sa kanya.

"Magbabayad naman ako magkano kaba?" tanong naman nito.

Wow! Kung makapag tanong sa akin kung magkano akala mo mayaman baka pati siguro brief niya butas pa e kasi wala siyang pambili.

"10k meron ka? Tsaka kahit may pambayad ka pa sa akin hinding-hindi ka pa rin makaka score. Baka mamaya machambahan ako at mabuntis mahirap na, ayokong magkaroon ng lahi na galing sa'yo!" sabi ko sabay irap.

Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi kong presyo.

"10k?! Ang mahal mo naman ano ka virgin?!" mariin nitong sabi. "Hindi ba pweding 350 nalang kasi may condom naman akong dala." Dumukot siya sa kanyang bulsa at kinuha ang kanyang wallet. Napakamot nalang ako ng ulo, butas pa ang wallet niya. Kinuha niya ang condom at pinakita sa akin. "Oh, see? Safe ka naman kaya sige na 350 nalang iyong kulang hulugan ko nalang sa susunod na buwan," nakangiti pa nitong sabi.

"Excuse me, kahit hindi na ako virgin hindi ako nagpapatawad no! May presyo ako Liam at kung hindi mo afford umalis kana!" Kinuha ko ang condom na hawak niya at tiningnan kong anong size, nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang XL. "Infairness, ang laki ng ano mo ha! Pero ayaw ko pa rin. Tapos anong sinasabi mo na hulugan? Gagawin mo pa akong Home Credit? Kapal ng mukha mo, alis!" hiyaw ko sa kanya sabay taas ng aking kamay.

"Grabi ka naman sa akin Kathy, porke't maganda ka tapos pangit lang ako ganito na ang gagawin mo sa akin?!" Nakita kong nagpunas siya ng kanyang mga mata.

"Pwedi ba 'wag mo nga aking dramahan Liam, hindi ako natutuwa sa'yo. Tsaka maraming babae diyan oh, doon ka magpasimpalad sa kanila baka sakaling may tatanggap pa sa iyo. Ako kasi mas priority ko ang trabaho ko dahil may binubuhay ako," sabi ko pa.

Hindi na siya nakaimik at yumuko nalang palabas ng bahay. Ang aga-aga stress kaagad ang inabot ko lalaking 'yon! Asa pa siya na magpapaligaw ako sa kanya ano siya sinuswerte?

Bumalik na ako sa kwarto ko at nahiga sa aking higaan.

Isa akong p****k. Kathy sa araw Katya sa gabi, ayon sa iba ang trabaho ko ay nakakadiri at nakakahiya pero never kong ikinakahiya kung ano ang trabaho ko. Bakit ko ikakahiya ang aking trabaho na siyang bumubuhay sa aking mga kapatid at dito rin ako makakakita nang pambili ng gamot ng Nanay ko?

Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba, ganoon naman talaga ang mundo ngayon, mas binabantayan nila ang ginagawa ng iba pero ang kanilang sarili ay hindi nila makita ang kanilang mga pagkakamali.

Nawala na ang antok ko ng makita ko si Liam, kaya bumangon nalang ako ulit naligo. Nagrerenta lang ako ng matutulugan dahil medyo malayo ang bahay namin sa bar. Pagkatapos kong maligo ay kinuha ko ang aking pitaka para bilangin kung magkano ang kita ko kagabi. Sumasakit pa ang aking ulo dahil sa hangover. Nasobrahan ako ng inom, paano ba kasi ang costumer ko ang daming binili na ladies drink sa akin kaya pinatulan ko nalang.

Kailangan ko pang dumaan sa Mercury Drugs para bilhan ng gamot si Nanay, 1600 pesos ang aking kita kagabi at enough na iyon. Ito din ang gusto ko sa trabaho ko dahil easy money, isang gabi lang mahigit isang libo na ang kita. Isinuot ko ang aking mini skirt na palda at nag croptop ako ng kulay puti. Tiningnan ko ang aking sarili sa isang malapad at mahabang salamin. Sino ba naman mag-aakala na ang ganito kaganda at ka sexy ay isang p****k? Bakat na bakat talaga ang laki ng aking puwet ko at ang laki ng dibdib ko. Ito talaga ang unang napapansin ng mga kalalakihan sa akin. Naglagay ako ng kaunting make-up at lipstick na kulay pula. Daig ko pa ang lipstick ni Selena Gomez kapag nagcoconcert. Kailangan bongga ako paglabas ko para ako ang center of attraction ng lahat.

Pagkalabas ko ay tiningnan ako ni Manang Baby ng masama.

"Bakit? May problema ba Manang?" tanong ko.

"Alam mo ikaw Kathy, hindi ka talaga marunong kung paano sakyan si Liam no? Edi sana mayroon kang sugar Daddy kung pinatulan mo siya! Bukod pa doon may magbabayad na sa renta mo dito sa bahay ko!"mataray na sabi nito.

"Manang, kung papatol na lang din naman ako bakit kay Liam pa? Wala naman siyang maibigay sa akin e. Baka nga inutang pa niya ang bag na dala-dala niya kanina. Ang gusto ko sa lalaki iyong mapera, mabango at gwapo!" Pinatunog ko ang aking dila. Iyon ang mga type ko sa lalaki kaya hindi ko sasayangin ang panahon ko sa kagaya lang ni Liam.

"Tsaka hindi naman po ako pumapalya pagdating sa bayad ko dito sa bahay niyo. I know my responsibilities bilang nagrerenta," sabi ko naman sa kanya. Mukhang pera kasi si Manang Baby kaya minsan kahit kinabukasan pa ang katapusan ng buwan ay naniningil na kaagad siya. Natatakot siguro na hindi bayaran.

Hindi na umimik pa si Manang Baby kaya umalis nalang ako. Pagkalabas ko palang ay nakangiti na sa akin ang mga tambay, iyong iba nagkakagat-labi pa na akala mo naman bagay sa kanila kung tingnan. Tamang abang lang ako ng tricycle nang may lumapit na isang lalaki sa akin at lasing. Ang aga-aga pa pero alak na agad ang hawak. Ito din ang pinaka ayaw ko sa lalaki, iyon bang mas inuuna ang bisyo kaysa sa Pamilya. Kaya lang naman ako napadpad sa bar dahil sa mga Pamilya ko din.

"Hi, Kathy ang hot mo ngayon ah. Pwedi na ba ang 200?!" tanong nito sa akin. Nagtawanan naman ang mga kasamahan nitong nakarinig sa sinabi niya.

Hindi ko siya pinansin.

"Kathy!" Hinawakan niya ako sa braso. "Tinatanong kita bakit hindi ka sumasagot? Ang sabi ko pwedi na ba ang 200?" ani pa nito.

Itinulak ko siya palayo sa akin. "Hoy! Kahit bayaran akong babae hindi ako pumapatol sa pangit. Sa iyo na 'yang 200 mo, ano ka sinuswerte?!" sigaw ko.

"Edi 'wag! Sa iyo na din 'yang katawan mo, kahit sinong lalaki nilamas kana pero ang arte-arte mo!" sigaw naman niya sa akin.

"Talagang sa akin na itong katawan ko, kaysa naman sayangin ko ang performance ko sa isang pangit at mabahong kagaya mo!" sabi ko sabay irap sa kanya. Sakto naman na may dumaan na tricycle kaya pinara ko ito at nagpahatid na sa bahay.

Bahala silang maglaway sa akin hinding-hindi ko sila papatulan. Kailan pa kaya ako makakatagpo ng lalaking sobrang yaman at maging solid costumer ko?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status