Share

Dela Vega's Child
Dela Vega's Child
Author: Real Life Dreams

Chapter 1

Pumasok sa silid ang isang babaeng nasa edad bente pataas kasunod ang isa pang mas matandang babae na kung susuriin ay nasa edad kwarenta.

"Ano ba talagang gusto mo gawin sa buhay mo, Annie?" sigaw ng mas matanda, siya si Helen, ang nanay ni Annie.

"Ma naman! Grades lang yun! Kaya ko naman bawiin yung sa susunod na grading period eh.. dahil lang dun nagagalit ka na ng ganyan?" sagot ni Annie.

"Oo nga.. marka lang yun, pero iyon ang batayan namin ng iyong ama kung nagaaral ka ba ng mabuti o hindi," paliwanag ng matanda.

"Ma, please.. Hindi naman magugunaw ang mundo sa pag-baba ng marka ko."

"Iyan siguro ang natututunan mo sa paglabas labas kasama ang mga kabarkada mo. Kaya rin siguro bumaba ng husto ang marka mo."

"Simula ngayon, hindi ka pwedeng lumabas ng bahay. Dito ka lang pag wala kang pasok! Maglinis ka ng bahay at magluto!" mariing sabi ni Helen bago lumabas ng kwarto.

Wala nang nagawa si Annie kundi ang umiyak na lang. Iniisip niya kung bakit ganito na lamang ang higpit ng magulang niya sa kaniya. Oo, alam niya na iniingatan lang siya ng mga ito dahil sila mismo ay hindi nakatapos ng pag-aaral, pero matanda na siya, alam na niya ang tama at mali. Alam niya na kaya niyang bawiin ang marka niya sa susunod na grading period.

Ang mga ganitong sitwasyon ang naging dahilan kung bakit lalong lumalala ang pagrerebelde niya sa magulang. Gusto niya ipakita sa kanila na kayang kaya niya ang sarili niya.

Normal na pamilya lang ang pamilya Madrigal, may maliit na sari-sari store ang kaniyang ina samantalang ang kaniyang ama naman ay nagsa-sideline bilang isang maintenance man sa isang malaking hospital. Hindi man sila mayaman ay naiiraos din ang pang-araw araw na pangangailangan sa kakaunting kita.

Ang nanay ni Annie ay elementary lang ang natapos, samantalang ang kaniyang ama ay graduate ng vocational course sa pagkukumpuni. Gusto lamang ng mga magulang ni Annie na makatapos ito ng pagaaral niya at hindi matulad sa kanila na sakto lamang sa pang araw-araw ang kinikita.

Third year college si Annie at kumukuha ng kursong Business Management. Ang pangarap nito na mapalago ang maliit na tindahan ng kaniyang ina ang nagtulak sa kaniya para magsumikap na makatapos siya at para na rin tumigil na sa pagtatrabaho ang kanyang forty-five years old na ama. Nagiisang anak si Annie kaya ganon na lamang ang pagiingat ng magasawa sa kaniya.

Sa sobrang inis niya dahil palagi na lamang ganito ang nangyayari sa kaniya, kinuha niya ang kanyang cellphone at tumawag sa kaibigan niyang si Pamela.

"Annie? Bakit ka napatawag?" pagsagot ni Pamela sa telepono niya.

"Ate Pam, kailangan ko ang tulong mo. Pwede mo ba ako patuluyin sa bahay mo? Balak ko kasing umalis dito sa amin."

Si Pamela ay dating kaklase ni Annie sa Accounting. Matanda ito sa kaniya ng tatlong taon kaya't ate ang tawag niya rito. Naging close silang dalawa mula nang pagtabihin sila ng kanilang propesor sa klase niya at dahil na rin sa pareho ang pinagdadaanan nila.

"Pwede naman, Annie.. Papunta ka na ba rito?" tanong ni Pamela.

"Opo, ate.."

"Osige, i-text mo ako pag malapit ka na. Ipapasundo kita sa jowa ko sa may kanto, ha?" nagaalalang tugon ni Pamela.

Agad na tumayo si Annie at naglagay ng ilang pares ng damit at underwear sa kanyang school bag pagkatapos ay binuksan niya ang bintana sa kwarto niya at inilabas ang kaniyang bag saka niya ito itinago sa damuhan.

Lumabas si Annie sa kaniyang kwarto na parang walang nangyari at tahimik na dumeretso sa pinto. Nakita siya ng kaniyang ina na lumabas ngunit hindi ito nagtanong dahil alam nito na madalas lumalabas si Annie sa may likuran nila para magpalamig pag ito ay kaniyang napapagalitan.

Nang makalabas siya ay nagmamadali niyang kinuha ang kaniyang bag saka patakbong lumabas ng kanilang gate para hindi siya mapansin ng kaniyang ina at saka siya dumeretso sa lugar ni Pamela.

"Ate Pam!" sigaw ni Annie mula sa labas ng maliit na apartment kung saan nakatuloy si Pamela at ang kinakasama nito.

Ilang taon na nang tumigil sa pag-aaral si Pamela at umalis sa kaniyang mga magulang para sumama sa kaniyang boyfriend na nakilala niya sa bar kung saan siya nagsasideline bilang waitress.

"Oh! Annie! Bat hindi ka na nagtext? pasok ka," gulat na sabi ni Pamela nang buksan niya ang pinto.

"Nagmamadali na kasi ako ate pam eh." Pumasok si Annie sa bahay at nilapag ang bag niya sa may sopa.

"Ganon na naman ba ang nangyari?" tanong ni Pam.

"Oo ate, nakakasawa na nga eh... Tutal naman pwede nako magtrabaho sa edad ko buo na talaga ang desisyon ko," sagot ni Annie

"O sige, dumito ka muna pansamantala.. kaso paano ang pag-aaral mo?"

"Edi tigil.. pag nagkapera ako, ako na lang magpaaral sa sarili ko," matapang at buo ang loob na sagot niya.

"Well, mukhang buo na nga ang desisyon mo. Hayaan mo at tutulungan din kita." Tumango si Pamela at tinapik ang balikat ni Annie.

"Maraming salamat ate Pam ha," naiiyak na sabi ni Annie saka yumakap sa kaniyang Ate Pamela.

--

Ilang buwan ang nakalipas simula nang umalis si Annie sa kanilang bahay. Ipinasok siya ni Pamela sa bar na pinagtatrabahuan niya, bilang isang singer para may mai-ambag man lang ito sa mga gastusin nila sa bahay tutal rin naman ay magaling itong kumanta.

Isang gabi habang nasa bar sila, may pumasok na isang grupo ng kalalakihan at naupo sa may harap ng stage kung saan kumakanta si Annie. Napansin niya na tila nakatitig ang lalakeng nasa gitna sa kaniya. Kung susuriing mabuti ang lalake, makikita ang porma nito na hindi ordinaryo. Mukhang mayaman ang lalake at tila hindi pa rin naman ito katandaan, siguro nasa edad 25 pataas ang itsura nito. Gwapo, matangkad at matikas ang pangangatawan nito.

Nakita ni Annie na lumapit si Pamela sa lalake at nagbulungan sila habang nakatingin sa kaniya. Nagtataka si Annie nang biglang ngumiti si Pamela at tumango.

Nang matapos kumanta si Annie ay agad siyang nagtungo sa back stage at dahil ito na ang huli niyang kanta sa gabing ito, nagayos na siya ng gamit niya. Habang ginagawa ito ay pumasok si Pamela sa back stage at lumapit sa kaniya.

"Annie, may gusto makipagkilala sayo," sabi ni Pam.

"Sino?" tanong ni Annie.

"Si Mr. Dela Vega, yung lalakeng nakaupo sa harap ng stage kanina, regular customer yan dito pero never pa siya nag-table ng babae dito. Mukhang nagustuhan ka niya," sagot ni Pam.

"Ate Pam, alam mo naman na hindi ako nagpapa-table. Singer lang usapan natin diba?"

"Oo, Annie alam ko. Kaya lang mabait naman siya atsaka alam mo bang bata pa yun? 25yrs old pa lang siya! Malay mo siya na ang maging pass mo para yumaman!" pagpupumilit ni Pam.

Tumahimik si Annie at nag-isip saglit kaya lang bigla na siyang hinila ni Pamela palabas.

"As promised Mr. Dela Vega, ito nga pala si Annie ang aming singer," pagpapakilala ni Annie.

Wala nang nagawa si Annie kundi ang tumingin sa lalake. Sumenyas ito kay Annie na maupo sa kaniyang tabi kaya naupo siya sa upuan.

"So, you're Annie... you don't look like a prostitute to me"

"Hindi ako prostitute, singer lang ako. Pinagbigyan ko lang si Ate Pam sa gusto niya kaya ako nakaupo dito ngayon," mataray na sabi ni Annie.

"Would you agree to meet me some other day at another place? Someplace more decent than this?" sambit ng lalake.

"Sorry sir pero hindi ako nagpapalabas.. Tulad ng sinabi ko, hindi ako prostitute" sagot ni Annie bago tumayo. Hinawakan ng lalake ang kaniyang kamay para pigilan siya.

"I'm not asking you to fuck with me. I have a business proposal for you, If you want money then I suggest you accept it"

Napaisip si Annie nang marinig niya ang salitang "money" dahil simula nang umalis siya sa bahay nila pinangarap na niya ang magkapera para pagbalik niya sa kanila ay mapatunayan niya na kaya niyang mabuhay magisa. Isa pang dahilan ay para masunod niya ang unang pangarap na palakihin ang tindahan nila.

"Saan at kailan?" sagot ni Annie.

"Saturday, 10 AM, Brilliant Palace"

Nagulat si Annie dahil kilala ang restaurant na pinakamahal sa lugar nila. Tumango ito saka tumayo.

"Okay! See you!" sagot nito bago umalis.

Hindi alam ni Annie kung bakit siya pumayag pero isa lang ang nasa isip niya, matutulungan siya ng lalakeng ito para guminhawa ang buhay niya at ng magulang niya. Marami pa siyang pangarap sa buhay at naisip niya na bata pa naman siya. Isang taon lang sa buhay niya ang mawawala pero pagkatapos nito ay siguradong maginhawa na ang buhay niya at magnenegosyo na lamang siya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status