Kumunot ang noo ni Lia. “What?” Ngumisi si Leon. “Baka kako miyembro pa rin si Austin ng organisasyon. Baka underboss pa rin siya. Alam mo namang natural na kalaban ng gobyerno ang mga kagaya niya. Isa sila sa mga nagpapasakit ng ulo ng mga kawani ng gobyerno.”Marahang nilagyan ni Lia ng ointment ang putok na labi ni Leon. “Matagal nang wala si Austin sa organisasyon, Leon. Nang magpasya siyang mag medisina ay kumalas na siya sa mob para mag-focus sa pag-aaral ng medisina. Hanggang ngayon ay tapat pa rin si Austin sa trabaho niya bilang isang doktor.”Gumuhit ang pait sa mukha ni Leon. Naiinis siyang alam na alam ni Lia ang lahat patungkol kay Austin. “Masyado ka yatang maraming alam sa Austin na ‘yon. Halatang pinagkakatiwalaan ka niya. At mukhang … concern na concern ka talaga sa kaniya,” nakangising wika ni Leon.Huminto si Lia sa paglalagay ng ointment sa labi ni Leon. “Kaibigan ko siya, Leon.” “Baka nga alam mo rin na kasapi pa rin talaga siya ng organisasyon at isa pa rin si
Napalunok si Leon habang kinakalma ang sarili niya. Natatakot siyang makagawa ng bagay na ayaw ni Lia. Kahit pa basang-basa na siya ay nangingibabaw pa rin ang init na nararamdaman niya. “Leon! Hello? Are you still there, apo?” tanong ni Donya Rehina sa kabilang linya. Doon lang napagtanto ni Leon na nasa linya pa pala ang lola niya.“Nandito pa ako, ‘la,” sagot ni Leon. “Kanina pa kita tinatawag, ‘di ka naman sumasagot. Sigurado ka bang ayos ka lang? Baka kailangan mo talagang magtungo sa hospital. Kakausapin ko na lamang ang mga tao rito na may emergency kaya hindi kayo makakadalo.” “‘Wag na po, ‘la. Pupunta po kami ng asawa ko r’yan. Gagamutin niya lang po ang sugat ko saglit tapos pupunta na kami r’yan. Galos lang naman po ‘to,” giit ni Leon. Bumuntong hininga si Donya Rehina mula sa kabilang linya. “Aba’y sigurado ba kayo? Baka naman hindi maganda ang pakiramdam mo.” “I swear to God ayos lang po talaga ako, ‘la. Galos lang ‘to saka ang asawa ko na po ang bahala sa akin.
Bumitiw si Leon kay Lia at saka umatras. Nagsimula siyang lumangoy papalayo rito. Ayaw niyang makita nito ang aburido niyang mukha, dahil hanggang ngayon ay nag-iinit pa rin ang ulo niya kay Austin.Huminto si Leon sa paglangoy sa gitna ng pool at muling tumingin sa asawang naroon pa rin sa p'westo nito kanina. Nakatingin lang ito sa kaniya. Napansin niya ang pagbaba ng tingin nito sa katawan niya kaya nginisihan niya ito. Umirap si Lia kay Leon nang mapansin niya ang pilyong ngiti ng asawa niya. Nag-iwas siya ng tingin dahil nakaramdam siya ng pagkapahiya. Hindi niya kasi mapigilang tumingin sa katawan ni Leon. Para kasi itong isang iskulptura na perpekto ang pagkalilok. Hindi niya maiwasang mamangha.“Pagkamangha nga ba ang nararamdaman ko? O…pagnanasa na?” Pinilig ni Lia ang ulo niya. Nais niyang iwaglit ang mga bagay na naiisip niya. Nang muling sumulyap si Lia kay Leon ay nahuli niya rin itong nakatingin sa kaniya. Lalong-lalo na sa dibdib niya. Napayuko siya at napalunok. Un
“Leon!” sigaw ni Lia nang unti-unting lumubog si Leon sa pool habang karga-karga siya nito.Humalakhak si Leon. Tuwang-tuwa siya sa naging reaksyon ng asawa. Mas lalong kumapit si Lia sa kaniya kaya mas lalong lumapad ang ngisi niya sa labi. “Ibaba mo na nga ako!” mariing utos ni Lia. Umiling si Leon. “Mamaya na.” Nakalubog na ang kalahati ng katawan ni Leon sa pool habang karga-karga pa rin si Lia. Akmang bibitiw na si Lia sa pagkakakapit sa kaniya pero mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak niya sa kaniyang asawa. “Gusto mo agad makawala sa ‘kin. Huh?” Nanlaki ang mga mata ni Lia nang biglang lumubog si Leon sa tubig. Hindi na siya nakahuma pa’t napapikit na rin. Nang lumitaw na ito mula sa ilalim ng tubig ay saka lang siya nagmulat ng mata. Hinampas niya ito sa braso nito. “Leon!” inis na wika niya.Humalakhak si Leon. “Hindi naman kita binitiwan. Saka nasa mababaw pa tayong part ng pool.” “Tigilan mo na nga ako.” Umirap si Lia. Hindi na siya natutuwa sa biro ng kaniyang as
Kabanata 110“Hindi man lang niya ako hinabol? Hindi man lang siya sumunod dito?” may himutok na sambit ni Lia habang nakaupo sa malambot niyang kama. Nakapako ang mga mata niya sa pinto. Hinihintay na bumukas iyon. “Talaga bang wala siyang balak na puntahan ako rito?"Nahiga na lang si Lia sa kama dahil sa sobrang inis. Pinaghahampas niya ang kama at saka inimagine ang mukha ni Leon kanina. “Ako dapat ang galit eh. Bakit parang siya pa ang may ganang magalit ngayon? Hindi ko naman kasi hiniling sa kaniya na protektahan niya ako to that extent. Talagang nakipagbugbugan pa siya kay Austin. Paano kung napuruhan siya sa mga delikadong parte ng katawan? Padalos-dalos siya masyado. Hindi niya naman lubusang kilala ang kinakalaban niya. Oo at pulis siya. Eh ano naman? Hindi niya alam na black belter si Austin. Aside from that, Austin is a former underboss. Hindi ba siya natatakot na baka balikan siya ng mob na kinabibilangan dati ni Austin?”Nagpapadyak si Lia. "Bakit ba ako concern kay Leo
“Lia…”Biglang bumalik sa wisyo si Lia nang tawagin siya ni Leon. Hindi niya alam kung bakit naalala na naman niya ang nangyaring away kanina sa restaurant ng best friend niyang si Austin at ng kaniyang contracted husband. Mabuti na lamang at dumating ang kaniyang papa at si Kira. Naawat ng mga ito ang dalawa."I'm sorry. I became too occupied,” ani Lia sabay baba ng sasakyan. Hindi na niya hinintay pang pagbuksan siya ni Leon ng pinto."Are you mad?” Leon asked."No. Why would I be? Do I have the right to be mad at you?” Lia replied sarcastically.“What?” Mabilis na umikot sa sasakyan si Leon at agad na hinabol si Lia. Papasok na kasi ito ng gate. "Lia…"“What?" pasigaw na sambit ni Lia. Maging siya ay nagulat sa kaniyang biglaang pagsigaw.“Wala. Gusto ko lang sabihin sa'yo na hindi ka makakapasok sa bahay natin dahil nasa akin ang susi ng gate." Pagkasabi noon ay dire-diretso na si Leon patungo sa may gate. Naiinis siya kay Lia dahil sa inaasal nito. ‘Bakit ba siya nagkakagan'on? D