Share

Kabanata 60

Author: Docky
last update Last Updated: 2025-05-12 21:30:47

Lumaklak ng alak si Kiana matapos makipag-séx kay Owen. Kasalukuyan silang nasa exclusive villa nito. Napalingon siya nang maramdaman niya ang mainit na yakap ng kaniyang soon-to-be husband.

“Don't tell me, bitin ka pa rin?" sarkastikong tanong ni Kiana.

“Ito naman. Yumakap lang at humalik sa balikat eh.” Binitiwan ni Owen si Kiana at naupo sa tabi nito. Magkasama nilang pinagmasdan ang city lights.

"I still can't believe na may kamukha si Lia. Akala ko talaga, bumangon siya sa hukay at hinanap ang uncle mo para balikan tayo.”

Ngumisi si Owen. "I told you. We have nothing to worry about. Kitang-kita naman natin ang bangkay ni Lia, hindi ba? She's resting in the middle of the woods until eternity. Nagkataon lang siguro na kamukha niya ang napangasawa ni Uncle Leon.”

Tumango-tango si Kiana. Bigla siyang humarap kay Owen. "Pero hindi ko talaga makalimutan ang nangyari sa atin sa gubat last night. Muntik na akong atakihin sa puso.”

Biglang sumeryoso ang mukha ni Owen. "Yah. Me too. Saan k
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 185

    Nagising si Lia nang maramdamang may kung anong mabigat sa dibdib niya. Nang magmulat siya ng mata ay bumungad sa kaniya ang kamay ni Leon na nakadagan sa dibdib sa kaniya. Kaya pala medyo hirap siyang huminga pero sa halip na mainis ay napangiti siya. Marahang inalis ni Lia ang kamay ni Leon sa dibdib niya. Nakahinga siya nang maluwag. Mahimbing pa rin ang tulog ng asawa niya at kitang-kita niya ang kapayapaan sa mukha nito, bagay na muling nagpagaan ng pakiramdam niya dahil malayong-malayo ito sa Leong nakakasalamuha niya nitong nagdaang mga araw. Napatakip siya ng mukha nang maalala niya ang mga ginawa nila kanina. Sabik na sabik sila sa isa’t-isa. Ni hindi na nga nila namalayan kung ilang beses nilang narating ang rurok ng kaligyahan. Umalis si Lia sa kwarto at nagtungo sa salas upang hanapin ang cell phone niya. Naitapon na kasi iyon kung saan kanina. Nakahinga siya nang maayos nang makita niya ang cell phone niyang nasa sofa lang pala. Kinuha niya iyon at agad na di-nial an

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 184

    “Mommy Kira, saan po tayo pupunta?" tanong ni Leona habang kumakain ng tinapay. Nakasakay siya ngayon sa kotse na iminamaneho ng bago niyang mommy.Napatingin si Kira sa rearview mirror. Nginitian niya si Leona. “Pupunta tayo sa Monte Carlos. Bibisitahin natin ang lola mo pero bago ‘yon, may kailangan muna akong daanan.”"Okay po, mommy. Behave lang po ako rito sa likod.”"Very good. Kapag inaantok ka na, matulog ka muna riyan. Pasensya ka na kung ginising ka ni Mommy Kira. Kung kailang malalim na ang gabi eh saka ko naman naisipang umalis. Bigla kasing tumawag ang lola mo eh. Hin—”Napahinto sa pagsasalita si Kira nang makita niyang pikit na ang dalawang mata ni Leona. Hawak pa rin nito ang tinapay na binili nila kanina sa nadaanan nilang bakery."Ang sarap bumalik sa pagiging bata. Kakaunti lang ang isipin,” mahinang sabi ni Kira.Nagpatuloy sa pagmamaneho si Kira. Habang nag-da-drive ay hindi niya maiwasang mapatingin sa box na nakapatong sa passenger seat."Hindi ko na maipapagpab

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 183

    “Sigurado ka na ba talagang huhukayin natin ang bangkay ni Lia?” tanong ni Owen habang naglalakad sa may gubat."Oo nga. Kailangan na nating ilipat ang bangkay niya para kung sakaling maisipan ni Papa Liam na ipa autopsy ang bangkay na nakalibing sa sementeryo eh ligtas tayo. Nabubwisit na rin kasi ako sa matandang ‘yon. Lately, wala na siyang ibang bukambibig kung hindi Lia at Liana. Nababaliw na yata,” inis na kwento ni Kiana."Eh kumusta naman ang mga papeles? Napapirma mo na ba ulit si Tito Liam?” Hinawi ni Owen ang mga dahon ng punongkahoy. Pinauna niya muna si Kiana bago niya bitiwan ang mga sanga."’Yon na nga eh. Ayaw pa niyang pumirma ulit. Bakit daw pamali-mali ng clauses ang attorney na inutusan kong gumawa ng transfer ng assets niya. Maghintay raw ako.” Kunot na kunot ang noo ni Kiana habang nagkukwento sa fiancé niya."Kaya pala hindi mo pa siya mailigpit,” natatawang sabi ni Owen.Huminto sa paglalakad si Kiana. Humarap siya sa kaniyang fiancé. "May nakakatawa ba roon?”

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 182

    “Halos limang taon, Lia. Limang taon kitang sinusundan minsan, pinapanood mula sa malayo. Wala eh. Torpe ako. Nahihiya akong lapitan ka noon hanggang sa nabalitaan k9 na lang na may katipan ka na. Hindi ko inaasahang ikakasal ka na pala. Ang mas masaklap pa ay sa pamangkin ko pa. Sa dinami-dami ng tao sa mundo, si Owen pa talaga ang mapapangasawa mo. Pakiramdam ko noon ay ginagago ako ng tadhana. Sabi ko sa sarili ko, ipapaubaya na kita kay Owen kung sa kaniya ka sasaya. Kasi wala naman akong karapatan sa iyo. Kahit alam ko ngang ginaga.go ka na ng pamangkin ko, nanahimik lang ako dahil sino ba naman ako para pumapel sa relasyon niyo? Pero noong pagtangkaan niya ang buhay mo, ibang usapan na ‘yon. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi ko kayang makita ang taong nagligtas sa buhay kong mamatay na lang bigla. Lalong lalo na at ang taong iyon ay mahal na mahal ko.” “M-Mahal mo a-ako?” Halos hindi na makahinga si Lia sa kaniyang narinig. Ang puso niya ay parang sasabog na sa lakas n

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 181

    Hindi nakagalaw si Lia. Tulala lang siya habang hinahayaan si Leon na sii.lin siya ng halik. Labag sa kontrata ang ginagawa nila ngayon pero hindi niya maintindihan kung bakit pati siya ay nawalan na ng lakas na pahintuin ang contracted husband niya.Mabagal ang bawat halik na iginagawad ni Leon kay Lia. At sa bawat halik na iyon ay ramdam ni Lia ang bigat ng nararamdaman ni Leon. Ang mga luha ni Leon ay pumapatak na sa magandang mukha ni Lia. Gan’on paman ay patuloy pa rin si Leon sa paghalik kay Lia hanggang sa hinayaan na siya nito sa kagustuhan niya. Nagpadala na ito sa mga halik niya. Ilang saglit pa ay humiwalay na siya rito. Namungay ang mga mata niya habang nakatitig sa tulala niyang asawa.“Lia…” sambit ni Leon. Hindi sumagot is Lia kung hindi tiningnan niya lang si Leon. Hinihintay niyang dugtungan nito ang sasabihin nito. Isa pa, nahihiya siya rito. Hindi niya maipaliwanag kung bakit pero sa tingin niya ay mali ang nangyari. Hindi sila p'wedeng magkaroon ng physical atta

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 180

    “Leon?” tawag ni Lia sa asawang abala sa pag-iinom ngunit hindi sumagot si Leon. Hindi yata nito napansin ang presensya niya. Nakayuko kasi ito habang may hawak-hawak na baso ng alak. Nagtataka si Lia kung bakit umiinom si Leon at higit sa lahat ay kung bakit hindi siya nito hinintay. Hindi naman sila nagkatampuhan pero bakit tila ilag ito sa kaniya?“May nagawa kaya akong mali?” bulong ni Lia sa sarili niya. “Wala naman kaming naging tampuhan eh. May nangyari kayang hindi ko alam? Ano kayang problema niya? Bakit hindi niya sinasabi sa akin?” sunod-sunod na tanong niya sa kaniyang sarili.Muli ay tinawag ni Lia ang asawa upang makuha ang atensyon nito, “Leon." Lumingon si Leon at agad siyang napatayo nang makita niya si Lia. “W-Wifey…” “Kanina pa kitang tinatawag hindi mo naman ako sinasagot. May nangyari ba?” nag-aalalang tanong ni Lia. Imbes na sumagot ay biglang tumakbo si Leon papalapit kay Lia at niyakap ito nang mahigpit. Napaigtad si Lia sa gulat. Nagtataka man ay niyakap

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status