Share

Kabanata 1

Penulis: Docky
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-05 20:54:03

“Finally, gising na po si Dra. Lia!" sigaw ng isang nurse matapos niyang dali-daling tumakbo patungo sa may pinto para tawagin si Dr. Austin, ang pinakamatalik na kaibigan ni Lia.

Naiwan ni Dr. Austin na bukas ang pinto ng silid ni Lia. Mula sa katapat na silid ay naroroon si Leon. Nakasandal siya sa may pintuan at tahimik na nakamasid sa babaeng muntik nang mamatay sa kaniyang mga bisig kagabi!

“Hey, what are you feeling? Do you know who I am?" Bakas sa mga mata ni Dr. Austin ang pag-aalala sa kaniyang kaibigan.

Napahawak sa kaniyang noo si Lia. Napapikit siya nang makaramdam siya ng kirot mula sa sugat na natamo niya dahil sa insidente. Sobrang sakit ng ulo niya at halos wala siyang maalala kung hindi ang mukha ng mga taong naging dahilan kung bakit nanganib ang buhay niya.

“Hey, Lia. Are you fine?”

"I'm…I'm not fine but I'm going to be fine. Thank you for your concern, Austin. I mean, Dr. Austin,” Lia said.

Marahang umupo si Lia at nagmulat ng kaniyang mga mata. Pilit niyang inaalala ang nangyari. Pilit niyang hinuhukay sa isip niya kung paano siya nakaligtas sa mala-bangungot na nangyari sa kaniya sa gubat pero wala siyang matandaan. Sigurado siyang nakita niya ang mukha ng mga lalaking nagligtas sa kaniya. Maging ang boses ng mga ito ay narinig din niya pero wala talaga siyang maalala.

“I'm glad you're okay. Lia, what happened? Bakit ang dami mong galos? Even your pretty face got some scars an–”

"They tried to kill me,” mahinang tugon ni Lia. Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamao. Biglang nagliyab ng apoy ang kaniyang maamong mga mata.

“They? Who? Who tried to kill you? Let's report them to the police! Kailangan nilang makulong at magbayad sa ginawa nila sa'yo!" galit na galit na sigaw ni Austin. Napatingin siya sa nurse. Halatang natakot ito sa sigaw niya. Sinenyasan niya itong umalis muna at agad naman itong tumalima sa kaniya.

“It's none of your business, Austin. Ayokong madamay ka sa laban ko. Oo nga pala, sino ang nagdala sa akin dito?" tanong ni Lia. Nagbabakasali na baka nag-iwan ng impormasyon ang mga lalaking nagligtas sa buhay niya.

"Hindi ko kilala eh pero mga lalaking nakasuot ng itim na suits ang nagdala sa'yo rito. Mabilis din silang umalis pagkatapos eh," sagot ni Austin.

"Gano'n ba? Sayang naman. Hindi man lang ako nakapagpasalamat." Napalunok si Lia. Nauuhaw siya. “Can you please get me some water?"

“Promise me that you're not going anywhere. Baka tumakas ka na naman eh hindi ka pa magaling.” Hinawakan ni Austin ang mga kamay ni Lia.

Lia smiled. "Don't worry, Austin. I'm not going to do it again.”

"Fine. Don't be stubborn.” Agad na umalis si Austin para ikuha ng tubig si Lia.

Matapos mawala sa paningin ni Lia ang kaniyang best friend ay agad niyang inalis ang mga karayom na nakatusok sa kaniya. She needs to see her father. Tandang-tanda niya ang mga sinabi ni Kiana kagabi sa may gubat. Kailangan niyang mabalaan at mailigtas ang kaniyang ama sa maitim na balak ng kaniyang kapatid. Alam niyang galit sa kaniya ang kaniyang ama dahil sa mga kasinungalingan at pagmamanipula ni Kiana rito pero gagawin pa rin niya ang lahat para mailigtas ang nag-iisa niyang kapamilya. She also needs to save their company from the verge of possible bankruptcy. Walang alam si Kiana sa pagpapatakbo ng negosyo. Siguradong mauubos lahat ng pinaghirapan ng kaniyang mga magulang kapag ito na ang nag take over sa company!

Hinubad ni Lia ang hospital gown at iika-ikang lumabas ng silid. Pinilit niyang tumakbo kahit may iniinda pa rin siyang sakit. Hindi siya p'wedeng manatili ng matagal sa hospital kung nais pa niyang abutang humihinga ang kaniyang ama! Nang makita niya ang elevator ay agad siyang pumasok doon dahil nahagip na rin ng kaniyang mga mata ang pabalik na si Austin. Hingal na hingal siya habang nakasapo ang kaniyang mga kamay sa kaniyang dibdib.

“Water?"

Kumunot ang noo ni Lia nang marinig ang baritonong boses. Marahan niyang tiningala ang lalaki. Mas matangkad ito sa kaniya at mas matanda ito sa kaniya pero nagsusumigaw ang kainítan at kaguwapuhan nito! Agad siyang namangha sa bawat sulok ng mukha nito na halos perpekto! Napatitig siya sa mga mata nito. Hindi niya alam pero parang hinihila siya palapit dito. The next thing she knew, she's almost kissing him!

“Miss? Is there something on my face? You're too close. I can hear your breathing and I can sme—”

"I'm sorry." Napapikit si Lia at agad na umatras. Hindi niya maintindihan kung bakit parang bigla na lamang naninikip ang dibdib niya. Dalawa lang sila ng lalaki sa loob ng elevator pero pakiramdam niya ay sobrang sikip sa loob! His presence almost consume her entirety!

Inabot ng lalaki ang tubig kay Lia. “You need this. Drink it. Don't worry, safe ‘yan," pabiro niyang sabi.

Hindi na nagdalawang isip pa si Lia at kinuha ang bottled water mula sa kamay ng lalaki. Binuksan niya iyon at agad na ininom. Halos kalahati rin ang nainom niya. Huminga muna siya at saka muling nagsalita. “Thank you, mister…?”

"Tamahome but you can call me on my real name…Leon.”

"I prefer Leon. Thank you, Sir Leon,” pag-uulit ni Lia.

“You're welcome, Lia."

Nanlaki ang mga mata ni Lia nang marinig niya ang kaniyang pangalan mula sa bibig ng estranghero.

“Kilala mo ako?" nagtatakang tanong ni Lia.

Bumukas ang elevator. Naglakad palabas si Leon at saka ngumiti sa kaniya.

“Of course. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa magaling na doktor at business woman na tulad mo? Anyway, nice meeting you! Till next time!" Tumunog ang cell phone ni Leon. Kinukulit na naman siya ng lola niya! Sunod-sunod na naman ang ipinadala nitong mensahe sa kaniya at tila mas lumala pa ang pangungulit nito ngayon. Tatalikod na sana siya nang biglang nagtatakbo si Lia at hinawakan ang dulo ng coat niya. May naisip na siyang solusyon sa kaniyang problema nang muli niyang makita ang mukha ni Lia.

“May…may kotse ka ba? P-p’wede bang makisuno? Nasa bahay ko kasi ang sasakyan ko," nahihiyang tanong ni Lia.

Binasa ni Leon ang kaniyang bibig at saka ngumiti. "Sige but you're still injured. Did your attending physician discharged you already?”

Yumuko si Lia. Masyadong maraming tumatakbo sa isip niya ngayon. Naghahabol siya sa oras. She needs to reach their house as soon as possible. "Tumakas ako.”

Napataas ang dalawang kilay ni Leon. "Pasaway. Hin—"

Namilog ang mga mata ni Lia at agad siyang napatakbo para saluhin si Leon nang makita niyang matutumba na ito! Saka lamang niya napansin ang putlang labi nito at ang sugat sa mga kamay nito. “Pasyente ka rin dito? Tumakas ka rin sa doktor mo?"

Muli na namang nag vibrate ng sunod-sunod ang cell phone ni Leon. Sigurado siyang ang kaniyang lola na naman iyon! “Lia, I … I need your help…"

“May masakit ba sa'yo? Tell me. Anong nararamdaman mo? Sandali. Hindi pala kita magagamot ngayon. Dito ka lang. Tatawag ako ng dok—”

Pinigilan ni Leon si Lia. Hinawakan niya ang kamay nito dahilan para mapatitig ito sa kaniya. "Don't. I'm fine. I'm just dizzy."

‘Bakit ba ako nakikipag-usap sa isang estranghero? Teka, parang pamilyar ang mukha niya. Saan ko ba siya nakita? Isa pa, kilala niya ako pero hindi ko siya kilala. Who's this enigmatic guy?’ Napalunok si Lia. “Look, I'm sorry. I don't have time. I need to do something. I really need to go. I will call my friend to give you the treatment that you need…I can't help you right now because I'm in a hurry but can I…Can I borrow you car? Promise, ibabalik ko.”

Hindi pinansin ni Leon ang huling sinabi ni Lia sa kaniya. Muli na namang nag vibrate ang cell phone niya. “I really need your help, doctora. Ikaw lang ang makakatulong sa akin," pagsusumamo niya.

"P-pero…Kailangan ko na talagang umal—"

"Marry me.”

"Marry you.” Napatawa si Lia pero biglang nanlaki ang mga mata niya nang mag sink in sa utak niya ang sinabi ni Leon. "WHAT?”

"I said, marry me Doctor Lia Reed and I will help you with anything without any hesitations. Anything, Lia. I can provide you with anything. I can even drag people down to hell if you want to… just…just marry me,” seryosong sambit ni Leon habang nakatingin sa gulat na mukha ng dalaga.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   ANG WAKAS

    “Mommy, good morning!” bungad ni Leona kay Lia na kakagising lang.“G-Good morning, baby ko. Ang aga mo naman yatang nagising,” wika ni Lia na pupungas-pungas pa.“Breakfast ka na po, mommy. Nagluto po kami ni daddy ng pancakes.” Sumampa si Leona sa kama at yumakap kay Lia. Humalik din siya sa pisngi nito. Yumuko siya pagkatapos at hinalikan ang tiyan ni Lia. “Good morning, baby brother!”Napatawa si Lia at ginulo ang buhok ng anak niya. “Hindi pa nga sigurado kung baby brother ang kapatid mo, malay mo baka baby sister siya.”“No, baby brother po kasi siya, mommy,” giit ni Leona.“Naku, paano mo naman nasabi na baby brother nga?” Ginalaw-galaw pa ni Lia ang kilay niya.“Napanaginipan ko po, mommy.” Sumimangot si Leona. “Ayaw niyo pong maniwala sa akin ni daddy?”Malambing na niyakap ni Lia ang kaniyang panganay. “Oo, na. Ate Leona, ‘wag na ikaw magalit. Nasa’n ba ang Daddy Leon mo?”“May kausap po sa cell phone,” sagot ni Leona.Napabuntong hininga si Lia. “Iyang daddy mo talaga, sabi

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 201

    Tahimik ang paligid, tila huminto ang lahat. Sa bawat hakbang ni Lia, marahang dumadaloy ang kaniyang belo at mahaba niyang train. Naramdaman niyang bahagyang lumamig ang palad niya, pero hindi dahil sa kaba, kung hindi dahil sa bigat ng kaniyang emosyon. Sa harap niya, nandoon si Leon, nakatingin lang sa kaniya, tahimik pero puno ng damdamin.Pawang nag-uusap ang mga mata nina Lia at Leon. Walang salitang binibitawan, pero malinaw ang sinasabi: “Narito ako. Nariyan ka at sa wakas, tayo na. Tayo na hanggang ang ating mga buhok ay maging kulay abo at puti.”Ang bawat hakbang ni Lia ay tila paglalakad niya palayo sa nakaraan – sa sakit, sa pagkakanulo, sa mga gabing nag-iisa siyang umiiyak. At sa bawat hakbang niya papalapit kay Leon, mas lalong lumilinaw ang kinabukasang matagal na niyang pinapangarap.Sa gilid, bahagyang napaluha si Leona habang hawak ang maliit na bouquet. Si Lia, nginitian saglit si Leona. Sa mata ng anak, nakita niya ang dahilan kung bakit niya inilaban ang lahat.

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 200

    Ang simbahan ng Saint Joseph ay tahimik ngunit sagrado. Sa harap nito, isang dambuhalang arko ng puting rosas, gumamela, at ilang-ilang ang tinayo — simple ngunit elegante, piniling kulay ni Lia mismo. Hindi ito isang kasalang pinuno ng camera ng media o pasabog ng sosyal na pakulo. Sa loob ng simbahan, ang aisle ay binalutan ng puting tela at petals ng bulaklak. Ang altar ay pinanatiling simple ngunit may simbolikong ginto at kahoy. Sa likod nito, may isang krusipihong de-bato na minana pa raw sa mga unang paring Kastila. Nakisama rin ang panahon. Maganda ang sikat ng araw. Hindi masyadong mainit, ngunit hindi rin naman ganoon kalamig. Kaya komportable ang lahat ng mga dumalo sa kasalan nina Lia at Leon.Abala ang wedding coordinator sa pakikipag-usap sa pianista. Sinisiguradong niyang hindi ito magkakamali dahil ayaw niyang mapahiya sa lahat ng naroroon. Kaunti lang ang dumalo sa kasal ngunit mga bigating tao mula sa alta socialidad ang imbitado. Ang pamilyang Ashton at Reed ay pa

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 199

    “Kumusta raw sina Owen at Kiana?"“Okay na po sila lola, kaso mukhang pareho silang nawala sa katinuan matapos silang hatulan ng guilty ni Judge Jake." "Alam mo, bilib na bilib ako kay Jake. Matalino at may prinsipyo ang batang ‘yon. Sana ay magbago ang desisyon niya at tanggapin niya ang posisyong iniaalok ko sa kaniya. Wala na akong makitang qualified sa nabakanteng posisyon kung hindi siya.”"Kaya nga po lola eh. Siguro naman po, pag-iisipan na po niya iyong mabuti lalo at suportado naman po siya nina Kuya Rolly at Ate Guada. Pero hindi rin daw po nila pipilitin si Jake kung ayaw nitong umalis sa kaniyang field.”“Dapat lang naman. Kapag humindi si Jake, si Lia na lang ang gagawin kong President. Anyway, balita ko nag proposed ka na raw ulit kay Lia? Kailan ang kasal?”"This week po agad, lola.”Ngumiti si Donya Rehina kay Leon. "Good decision. Ang babaeng tulad ni Lia ay hindi lang pang contract marriage, she deserves better. She deserves the best.”"Opo, lola. Pasensya na po kay

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 198

    Pumalakpak si Kiana. "Wow. Finally, Kira. You're letting your feelings out. Alam ko namang patay na patay ka kay Doc Austin. Matagal na ‘di ba?”Namula ang mga pisngi ni Kira. "Eh ano naman ngayon? At least ‘yong taong gusto ko, single pa. Eh ikaw? Nakakadiri. Sinul0t mo ang ex-fiancé ng kapatid mo. Wala ka na ngang delikadesa, wala ka pang utang na loob.”Tumagos hanggang buto ang mga sinabi ni Kira kay Kiana. Mas lalo siyang nagpuyos sa galit. "At least ako, pinili. Eh ikaw? Friendzone ka dahil wala namang ibang mahal si Doc Austin kung hindi ang kapatid ko. Kawawa ka naman,” mapang-asar na sabi niya.Natahimik si Kira. Pakiramdam niya ay napahiya siya sa lahat ng naroroon hanggang…”Austin…” Hindi niya namalayan ang paglapit ni Austin sa kaniya. Hawak-hawak na nito ngayon ang kaniyang isang kamay.“Let's give it a…t-try?” nakangiting sambit ni Austin habang hawak-hawak ang kamay ng kaisa-isang babaeng ipinagkatiwala ang sarili nito sa kaniya.Siniko ni Lia si Kira. “Umoo ka na." Tu

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 197

    “May anak ka na?" galit na galit na sigaw ni Kiana kay Owen.Umiling si Owen. “Wala. Baka nagkamali lang sila. ‘Di ba sabi nila na hindi ako ang ama ng batang ‘yon. Saka wala akong anak at never pa akong nagkaan—” Natigilan siya sa pagsasalita. Buti na lang at napigilan niya agad ang sarili niya dahil kung hindi, malalaman ni Kiana na hindi siya ang ama ng batang ipinagbuntis ng yumaong kapatid nito noon.“Ano bang nangyayari? Sino ba ang batang ‘yon?" bulong ni Kiana habang hinihi.mas ang rehas.Napatingin si Kira kay Lia. “Anong ibig nilang sabihin? Hindi si Owen ang ama ni Leona? Ibig bang sabihin, hindi ang kriminal na ‘yon ang nakachuchu mo, five years ago?” bulong niya sa kaniyang kaibigan.Kumunot ang noo ni Lia. "Hindi ko alam. Hindi ko rin maintindihan.”"Teka. Hindi ka ba siguradong si Owen ang nakachuchu mo noon?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Kira.Napaisip si Lia. “Actually…I didn't get the chance to see his face.” Bigla siyang napaharap kay Kira nang hampasin nito a

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status