“Nagmamakaawa ako sa inyo, huwag niyong gawin sa akin ‘to. Ibibigay ko na ang shares ko sa company. Hahayaan ko na kayong magmahalan…huwag niyo lang akong ilibing ng buhay.” Halinhinang tinapunan ng tingin ni Lia Reed sina Owen Ashton at Kiana Reed. “Please. Kia, we're family. Owen, we've been together for five years! Let me go!”
Matapos matuklasan ni Lia ang affair ng kaniyang fiancé at adopted sister ay nagsunod-sunod na ang kamalasan sa buhay niya. Kiana did everything to kick her out of her own family. Owen told the media that she cheated on him after they lost their daughter. And now, they’re about to bury her ALIVE! “Parang awa niyo na! Pakawalan niyo na ako! Kamamatay lang ni mommy! Hindi kakayanin ni daddy kapag nawala aga—” "Oh! Really? Pinalayas ka na nga ni daddy, nasasabi mo pa rin ‘yan? Listen, I prepared something for you, my dear sister.” Kiana smiled before she got her phone. She played an audio file. "Puro na lang kamalasan ang dala ni Lia sa pamilya natin! Mamatay na sana siya!" Dahan-dahang tumulo ang mga luha ni Lia sa kaniyang mga mata. Simula nang mawala ang kaniyang anak at ina ay naramdaman niyang lumayo ang loob ng kaniyang ama sa kaniya pero hindi pa rin siya makapaniwalang sasabihin nito ang mga gano'ng salita! Pilit na ngumiti si Lia. “Hindi totoo ‘yan. Ako na lang ang natitirang pamilya ni daddy. Hindi niya sasa—” Hindi na naituloy ni Lia ang sasabihin niya nang takpan bigla ni Owen ang kaniyang bibig gamit ang duct tape. Nakaupo siya sa isang silya sa ilalim ng isang malaking puno habang pilit niyang inaalis ang mga tali sa kaniyang mga kamay at paa. “Just accept it, Lia. Hindi ka na mahal ni daddy. Hindi ka na parte ng pamilyang Reed!” Umirap si Kiana. Sinilip niya ang hukay. "Malalim na ‘yong nahukay mo, babe. P'wede mo na siyang itapon dito pero bago ‘yon, let me have some fun.” Sinabunutan niya si Lia at saka pinagsasampal hanggang sa mamula ang parehong pisngi nito. Hindi pa siya nakuntento. Sinipa niya ang isang paa nito dahilan para matumba ito mula sa upuan. Napasubsob si Lia sa lupa. Nagtamo siya ng galos sa kaniyang mukha nang mapatama iyon sa isang matulis na bato. Napadaíng siya nang sipain siya ng ilang beses ng kaniyang kapatid. “Ikaw na lang palagi ang magaling sa mga mata ni mommy! Ikaw na lang palagi ang pinapaburan at ipinagmamalaki niya! Kahit anong gawin ko, balewala sa kaniya. Alam mo bang gigil na gigil ako kay mommy? Sa sobrang gigil ko sa kaniya, nakipagsagutan ako sa kaniya. Inilabas ko lahat ng sama ng loob ko kaya nalagutan ng hininga ang pinakamamahal mong ina!” Nangingilid ang mga luha ni Kiana habang sinasabi niya iyon. Dire-diretso pa rin ang pagsipa niya kay Lia. “Babe, tama na. Sugat na ang mga braso ni Lia. Hindi ba’t ang usapan natin ay hindi natin siya sasaktan pero ililibing natin siya ng buhay? Hindi ba gano'n ang nais mo? Bakit sina—” "Mahal mo pa ba ang babaeng ‘yan?” Itinuro ni Kiana si Lia na halos wala ng malay. "Hindi na! Kung mahal ko pa siya, bakit ko pa hinukay ang magiging libingan niya? Kumalma ka. Tama na. Kailangan na nating madaliin ito,” ani Owen. Mabilis na binuhat ni Owen si Lia habang nagwawala ito. Pinipilit pa rin nitong sumigaw kahit may takip na ang bibig nito. “Lia, save your energy. Kahit anong sigaw mo, walang makakarinig at tutulong sa'yo rito,” bulong niya sa likod ng tainga ng kaniyang fiancee sabay tawa nang malakas. ‘Mga demonyo kayo! Sagad na sa buto ang kawalang hiyaan niyo! Oras na makaligtas ako rito, pagbabayarin ko kayo! Pagbabayaran niyo ang lahat ng ginawa niyo sa akin at kay mommy!’ piping sigaw ni Lia bago pa man lumapat ang buong katawan niya sa lupa. Masyadong malakas ang pagkakahagis sa kaniya ni Owen kaya nawalan siya ng malay. “Sige na! Tabunan mo na siya para matapos na." Lumakad si Kiana patungo sa isang upuan. Kumuha siya ng yosi at sinindihan iyon. “Sa wakas, masosolo ko na rin ang yaman ng mga Reed. Madali nang iligpit si daddy dahil nasimulan ko na ang paglason sa kaniya." Pilit na iminulat ni Lia ang kaniyang mga mata. ‘Kailangan kong mailigtas si daddy! Kailangan kong mabuhay!’ Tumingin si Kiana kay Owen na ngayon ay abala na sa pagtatabon ng lupa sa halos wala nang malay na si Lia. Hinithit niya ang sigarilyo. “Wala ng magiging hadlang sa pagmamahalan namin ni Owen. Rest in peace, my dear sister.” Makalipas ang ilang minuto ay natapos din si Owen sa pagtatabon kay Lia. Umupo siya sa tabi ni Kiana at naki-hithit ng sigarilyo rito. “Now, she's with tita and our daughter. She will be happy. She should thank us for doing her a favor.” Kiana smirked and stood up. "That bítch doesn't know how to be thankful.” She suddenly kissed Owen. Ayaw pa sanang tumigil ni Owen sa paghalik kay Kiana pero si Kiana na mismo ang kusang lumayo sa kaniya. Kinuha nito sa kaniyang kamay ang sigarilyo at itinapon iyon sa may damuhan. “If you want to have more, then we should go," pilya at malanding sambit ni Kiana. Agad namang ipinulupot ni Owen ang kaniyang mga kamay sa bewang ni Kiana na para bang wala silang ginawang kasalanan. Nilisan nila ang gubat nang nakangiti at nagdidiwang. Hirap na hirap nang huminga si Lia. Wala na siyang nagawa kung hindi ang manalangin. Pumatak ang kaniyang huling luha habang pikit ang kaniyang mga mata. "Tama, wala na sila. Nakaalis na ang kanilang sasakyan," ani Jackson sabay supla ng bubblegum sa lupa. Mabilis na tumakbo si Leon sa pinaglibingan kay Lia. "Let's save her! Hindi siya p'wedeng mamatay!” “ Tamahome este Leon, kukuhanin ko na ba ang hidden camera?” tanong ni Jacob habang sumusupsóp ng lollipop. "Nako, Hakob, itinatanong pa ba 'yan? Malamang! Isa pa, huwag na nating tawaging Tamahome si Tama dahil Leon naman pala ang totoo niyang pangalan. Leon Ashton, ang tagapagmana ng Ashton Ventures! Akalain mong nagresign sa pagiging pulis para maging negosyante tulad nating mga Gra–" "Jett, puro ka daldal. Mamaya ay tatawag na sa atin ang ating mga asawa kaya kailangan na nating kumilos para iligtas si Miss Reed," ani Jackson habang pingot niya ang tainga ni Jett habang naglalakad palapit sa pinaglibingan kay Lia. "Hold on, Lia. I'm going to save you. Iniligtas mo nang araw na ‘yon ang buhay ko kaya ako naman ang magliligtas sa’yo ngayon," bulong ni Leon habang naghuhukay kasama ang kaniyang mga kaibigan --ang magkakapatid na Gray. "Wala na rito ang camera!” sigaw ni Jacob sabay takbo palapit sa kaniyang mga kasamahan. "Fúck! That kid! Hayaan niyo na! Tumulong na kayo rito! We need to save her ASAP!” buong lakas na sigaw ni Leon. Matapos ang mabilisang paghuhukay ay nakita rin sa wakas ni Leon ang doktor na nagsalba sa buhay niya noon. Dali-dali niya itong binuhat at inihiga sa may damuhan. Pinulsuhan niya ito at agad tsinek ang paghinga nito. Nang hindi niya ito maramdaman ay mabilis niyang pinump ang dibdib nito. “L-Lia, gu-gumising ka…” aniya sa nag-aalalang boses. Sinunggaban niya ang labi nito para subukang bigyan ito ng oksihina. “Lia, wake up!” Inawat ni Jackson ang kaniyang kaibigan sa ginagawa nito. “Leon, isakay na natin siya sa sasakyan. Jacob already called the hospital where she works. They’re now waiting for her arrival.” Tiningnan niya si Jett. “Get her. May oxygen tank sa sasakyan ni Hakob.” Agad na tumalima si Jett sa sinabi ng kaniyang kuya. Kinuha nito si Lia kaya’t naiwang tulala habang nakaupo si Leon sa may damuhan. Kuyom na kuyom ang mga kamao nito. “I let you have her, Owen dahil buong akala ko ay mas mapapabuti at mas sasaya siya sa piling mo. You proved me wrong. Magsimula ka nang magdasal na sana ay mabuhay pa si Lia dahil kung hindi, you and your mistress will take the fall. Either way, you’re going to pay for this. Your long lost uncle will help your ex-fiancee to get her revenge,” nagngingitngit na sambit ni Leon sabay suntok nang sunod-sunod ng napakalakas sa lupa.“Finally, gising na po si Dra. Lia!" sigaw ng isang nurse matapos niyang dali-daling tumakbo patungo sa may pinto para tawagin si Dr. Austin, ang pinakamatalik na kaibigan ni Lia.Naiwan ni Dr. Austin na bukas ang pinto ng silid ni Lia. Mula sa katapat na silid ay naroroon si Leon. Nakasandal siya sa may pintuan at tahimik na nakamasid sa babaeng muntik nang mamatay sa kaniyang mga bisig kagabi! “Hey, what are you feeling? Do you know who I am?" Bakas sa mga mata ni Dr. Austin ang pag-aalala sa kaniyang kaibigan. Napahawak sa kaniyang noo si Lia. Napapikit siya nang makaramdam siya ng kirot mula sa sugat na natamo niya dahil sa insidente. Sobrang sakit ng ulo niya at halos wala siyang maalala kung hindi ang mukha ng mga taong naging dahilan kung bakit nanganib ang buhay niya. “Hey, Lia. Are you fine?” "I'm…I'm not fine but I'm going to be fine. Thank you for your concern, Austin. I mean, Dr. Austin,” Lia said. Marahang umupo si Lia at nagmulat ng kaniyang mga mata. Pilit ni
“Did I hear it right? You want me to marry YOU?" Kumurap nang ilang beses si Lia. Nasa bisig pa rin niya si Leon. “Yes para matigil na ang pangungulit sa akin ni lola. I need someone who can marry me and I thought, it will be good if you become that someone. Lola loves a young woman in white uniform with a stethoscope on her shoulders. You will definitely surpass her standards an—” "Wait. Stop talking.” Marahang ibinaba ni Lia si Leon. Natulala siya ng ilang minuto. "I can't believe this is happening to me. I thought it only happens on tv. After being buried, now, some stranger is offering me a flash marriage,” she murmured. Umupo nang maayos si Leon sa sahig at tumingin nang diretso sa mga mata ni Lia. "Ayaw mo ba? If you have conditions, just tell me. I'm a billionaire and I don't mind spending a fortune with my lady. I—” “Shut. Your. Mouth, old man.” Windang na windang na si Lia sa mga nangyayari. Pansamantala niyang nakalimutan ang kaniyang ama dahil sa sinabi ng lalaki.
“Daddy, totoo ang sinasabi namin ni Owen. Patay na ang anak mong si Lia. Bakit ba parang ayaw mong maniwala?” natatawang turan ni Kiana habang nagsasalin ng tsaa sa tatlong tasa. “Hindi totoo ‘yan. Alam kong nagbibiro lang kayo ng Kuya Owen mo. Hangga’t wala akong nakikitang bangkay ng anak ko, hindi ako maniniw—” Napalunok si Liam Reed nang biglang tumabi sa kaniya ang ampon niyang anak na si Kiana. Marahan nitong ibinaba sa mesa ang hawak na tasa at saka hinimas-himas ang kaniyang binti. “Daddy, pinalaki niyo ba akong sinungaling ni mama?” Tahimik lang na nakasandal sa pader si Owen habang humihigop ng tsaang tinimpla ni Kiana. Umiling si Liam. Nangingilid na ang kaniyang mga luha. Ngayon lamang siya nakaramdam ng pagsisisi sa lahat ng mga ginawa niya sa anak niyang si Lia. Kung loloobin man ng tadhana na muli niyang makapiling ang anak ay nais niyang bumawi rito. Alam niyang napakasakit ng mga salitang binitiwan niya rito bago pa man ito mawala sa paningin niya pero alam din ni
‘Lia? Pinatay na namin siya ni Owen. Imposibleng makaligtas pa siya sa lalim ng hukay na ‘yon. Isa pa, walang nakakaalam ng lugar na pinaglibingan namin sa kaniya kung hindi kami ni Owen. Hindi kaya…’ Marahang nilingon ni Kiana ang kaniyang kasintahan. Namilog ang kaniyang mga mata. ‘Hindi kaya may inutusan si Owen na magligtas kay Lia dahil mahal pa niya ang babaeng ‘yon?’Nagsalubong ang mga kilay ni Owen nang makita niya ang ekspresyon ng mukha ni Kiana habang nakatitig sa kaniya. ‘Anong problema ng isang ‘to? Ginawa ko naman nang maayos ang ipinagawa niya sa akin! We kidnappéd and killed Lia. Kung nakaligtas man siya, hindi ko na kasalanan ‘yon. Hindi ko na kasalanan na pinaboran siya ng pagkakataon at ng nasa Taas. Bakit ang sama ng tingin ng isang ‘to sa akin?’Tila nag-uusap sa pamamagitan ng kanilang mga mata sina Kiana at Owen. Kapwa sila dismayado at kinakabahan sa nangyayari. Huminga sila nang malalim at saka magkasabay na nilingon ang direksyon kung saan nakatingin si Liam
"Hindi. Okay lang na magpakasal na kayo kahit hindi pa natin nakikita ang bangkay ni Lia. We shouldn't delay our partnership Mr. Ashton. Kailangang-kailangan na nating maumpisahan ang mga nakalatag na mga proyekto. Lia’s not around anymore so Kia will handle everything.” Pinunasan ni Liam ang kaniyang mga luha. Hindi niya maintindihan kung bakit tuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha niya. Marahil ay tama nga si Kiana. Nakakaramdam lang siya ng pagsisisi at pangungulila sa kaniyang anak. ‘Lia, patawarin mo si daddy. Patawarin mo ako kung hindi kita napalaki ng maayos at kung hindi kita natulungan. Hindi ko pa alam ang mga detalye kung bakit ka namatay pero sana naman, hindi mo kinuha ang sarili mong buhay. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nalaman kong nag suicidé ka. Nais pa sana kitang kausapin kung bakit palagi mo na lang sinasaktan at pinagsasalitaan ng masasakit na salita si Kiana. She's been good to you. Marahil ay nagseselos ka na sa kaniya dahil pinapaburan ko siya madal
Parehong tahimik sa loob ng sasakyan sina Lia at Leon.‘I can't believe na hanggang dulo, si Kiana pa rin ang papaburan ni daddy. He handed her the company without a second thought. He still believes all the words that came out of her mouth. Maybe, Kia lied to me. Hindi naman niya siguro lalasunin si daddy dahil hindi ito sagabal sa mga plano niya at sumusunod ito sa mga gusto niya. Maybe, she told me that because she wants to torture me even more. Daddy, how can you believe a stranger over your own daughter? Bakit ang lambot ng puso mo pagdating kay Kiana? Bakit hindi mo pinapakinggan ang mga paliwanag ko bago ka mamili ng kakampihan sa aming dalawa ni Kiana? Bakit…B-bakit mas mahal mo pa ang ampong babaeng ‘yon kaysa sa tunay mong anak?’Pasulyap-sulyap si Leon sa tahimik na si Lia. Sigurado siyang malalim ang iniisip nito. Nais niya sanang basagin ang katahimikan pero mas pinili na lamang niyang mag focus sa pagmamaneho.‘Bakit ba si mommy pa ang nawala? Napaka-unfair ng mundo sa a
“I really thought that Lia was alive. I don't know but I saw her reflection in daddy's eyes earlier.” Kiana massaged her forehead while thinking about the scene earlier at their mansion. Pagkatapos nilang kausapin at pilitin si Liam na ilipat sa kaniya ang mga ari-arian nito ay agad silang dumiretso sa kompanya para mag-reyna-reynahan at mag-hari-harian doon."Akala ko nga rin eh. I also saw her pero the moment I blinked my eyes, she's gone. Maybe, we saw her because of guilt and your dad saw her because of regret.” Marahang inalis ni Owen ang mga kamay ni Kiana na nagmamasahe sa noo nito. Minasahe niya ang mga balikat nito at saka hinalikan ng mabilis sa buhok nito.“Siguro nga tama ka. Anyway, we succeeded in our plan. Daddy's attorney is now preparing the papers for the transfer of his assets to my name.” Ngumiti si Kiana. "That calls for a celebration.”Tumayo si Kiana at humarap kay Owen. Inilagay niya ang kaniyang mga kamay sa batok nito at malagkit itong tiningnan. May sasabihi
“Hija, tanggapin mo ito bilang regalo ko sa kasal niyo ng apo ko." Iniabot ni Donya Rehina ang isang kwintas na batbat ng diyamante, sapiro at batong emerald kay Lia. Ito ay isang family heirloom ng mga Ashton na nagmula pa sa kanunu-nunuan ni Donya Rehina.Napako ang mga mata ni Lia sa kwintas. Hindi niya napigilang mapatitig dito dahil sa kaakit-akit nitong anyo. Unang tingin pa lang, alam ng milyones ang halaga. “Pasensya na po, Donya Rehina pero hindi ko po matatanggap ang bagay na ‘yan. Masyado pong mahal a—”Pilit na ibinigay ni Donya Rehina ang heirloom kay Lia. "Ano ka ba? Mapapangasawa ka na ng head ng family ng mga Ashton kaya nararapat lamang na sa iyo mapunta ang kwintas na ito. Huwag ka nang mahiya dahil higit pa sa halaga nito ang pagpasok mo sa aming pamilya. Buong akala ko talaga ay wala ng pag-asang mag-asawa pa si Leon pero heto at ilang minuto na lamang at ikakasal na kayo. Ayoko talagang mapunta kay Owen ang mga negosyo ng aming pamilya dahil busayak at hindi siya
“Hmm,” wika ni Lia nang buksan ang paper bag. May dalawang sandwich roon at fries. “Thank you, Leon.” Napahinto siya sa pagsasalita. “Tayo lang namang dalawa rito kaya okay lang naman sigurong tawagin kita sa pangalan mo." Tumango si Leon. “O-Oo naman. Hubby and wifey are just our endearment when people are around. Anyway, y-you’re welcome. Now eat, baka nagwawala na ang mga bulate mo sa tiyan,” natatawang sabi niya.Pabirong umirap si Lia. “Wala akong kahit isang bulate sa tiyan, ano! Ikaw ba, hindi ka pa nagugutom?” “Marami naman akong nakain kanina sa restaurant at saka baka kulang pa sa iyo ‘yan–” “Hindi ako masiba, ‘no! Tig-isa na lang tayo nitong sandwich. Baka isipin mo ang damot ko,” biro pabalik ni Lia. “I can’t eat, Lia. Nagmamaneho ako.” Ayaw pa rin talagang kumain ni Leon. Busog na busog pa siya dahil sa dinner kanina.Ngumisi si Lia. “Problema ba ‘yon?” Kinuha niya ang isang sandwich at saka binuksan. “Hindi ka naman siguro maarte at maselan, hindi ba?”“Of course not
Nakatuon ang atensyon ni Leon sa daang tinatahak ngunit panaka-naka siyang sumusulyap kay Lia na nakatingin naman sa bintana. Kasalukuyan silang naglalakbay patungo sa secret villa niya. Hindi na p'wedeng manatili si Lia sa dati nitong tirahan dahil kina Kira, Austin at Liam. Kailangan nila ng ibayong pag-iingat para wala ng makaalam na buhay pa si Lia kaya napagpasyahan nilang lumipat ng tirahan – iyong walang nakakaalam, malayo sa mga matang maaaring makadiskubre ng lihim nilang dalawa.Kailangan makasiguro ni Leon na safe silang dalawa ni Lia kaya dadalhin niya ito sa kaniyang lihim na hideout. Siya lang ang nakakaalam kung saan iyon at piling-pili lamang ang mga tauhang kinukuha niya para pagsilbihan siya. Tanging si Lia pa lamang ang iuuwi niyang babae roon. Contracted wife man niya ito, wala na siyang pakialam. All he cared about is her safety and welfare.“Lia?” hindi mapigilang tawag ni Leon sa asawa. “Hmm?” wika ni Lia ngunit ang mga mata niya ay nanatili pa ring nakatitig s
“Jake, paupuin mo na muna ang bisita mo," alok ni Donya Rehina. Iniba niya ang usapan dahil ramdam na ramdam na niya ang init sa bawat salitang binibitiwan ng kaniyang mga apo at ng bagong salta sa kanilang pamilya.“Naku, hindi na po, chairwoman. Dumaan lang naman po ako dahil may ibinigay po sa akin si Jake. Hindi rin po ako magtatagal kasi kailangan ko pong bumalik agad sa chapel. Nakaburol po kasi ang best friend ko roon,” ani Kira."I'm sorry for your lost, hija. Alam kong hindi biro ang mawalan ng mahal sa buhay kaya hindi na kita pipiliting manatili rito,” may pusong sabi ni Donya Rehina."Sobrang sakit po talagang mawalan ng best friend," nakayukong sabi ni Kira. Nag-angat siya ng tingin at tinapunan ng tingin si Jake. “Pasensya ka na kung kailangan ko nang umalis." “I understand. Ingat ka." Bumesó si Jake kay Kira.“Ate Kira, dito ka na muna. Please stay for at least ten minutes more. Wala akong makausap dito eh," singit ni Patricia.“I'm sorry, Patty. Bawi na lang ako next
‘Ki-Kira?! A-Anong ginagawa mo rito?!’ Bahagyang napakapit sa kaniyang upuan si Lia nang magtama ang mga mata nila ng pinakamatalik niyang kaibigan na babae. Nais niyang aminin dito ang lahat pero wala siyang pagpipilian kung hindi ang manahimik at sundin ang planong inilatag ni Leon sa kaniya. Siya ang unang may pakana ng pagpapanggap na iyon kaya hindi p'wedeng siya mismo ang mag-aalis ng maskarang pinili niyang isuot.“Wifey, do you know her?" Si Leon na mismo ang siyang bumasag sa katahimikan ni Lia. Batid niyang kung ano-ano na naman ang tumatakbo sa isip nito.Nakangiting umiling si Lia. “I only see her tonight, hubby. Ikaw, do you know her?” Mapaglarong ibinalik niya ang tanong sa kaniyang asawa.“Nope," matipid na tugon ni Leon. Sumandal siya sa upuan at saka tinitigan si Jake. ‘Jake has a sharp mind. I'm curious if he already knew about Lia’s identity.’Nagtama ang mga mata nina Kira at Lia pero laking pagtataka ni Lia nang hindi man lamang siya pinaghinalaan ni Kira. Maliban
"Mama!” Hindi makapaniwala si Guada na ipinagkatiwala ni Donya Rehina ang kanilang mga negosyo sa isang dating profiler! Napakaraming taon na ang ginugugol niya sa kumpanya pero hindi pa rin siya bigyang pansin ng matandang Ashton! Hanggang CEO na lamang ba siya ng isa sa mga companies nito?“My decision is final. Ang sinumang tututol sa pasya ko ay malayang makakaalis sa mga kumpanya ko,” anunsyo ni Donya Rehina.Natahimik sina Guada at Rolly. Wala silang nagawa kung hindi ang magtatatakar nang palihim sa ilalim ng mesa.“Lola, hindi ko po yata matatanggap ang regalo niyo. Wala po akong alam sa pagnenegosyo. Hindi po ako qualified na maging vice president ng Ashton's Group of Companies. Maybe you can give it to someone else who's more capable than me," pagtutol ni Lia. Ang totoo, gustong-gusto niya ang naging pasya ng matanda kaso siyempre, hindi naman niya p'wedeng ipakita sa lahat na pabor siya sa desisyon nito lalo na at balak niyang kunin ang loob ng mag-asawang Rolly at Guada.“
“Mama, pasensya ka na talaga sa ikinilos ng mga bata kanina. Marahil ang nadala lang sila ng bugso ng kanilang mga damdamin. Maging kami nga po ay nagulat din dahil kamukhang-kamukha ni Ria ang aking paboritong mamanugangin sana na si Lia eh. I hope you will understand the—”“Guada, this has nothing to do with what happened earlier. Nangyari man o hindi ang nangyari kanina ay sasabihin ko pa rin ito sa inyo," ani Donya Rehina."Hindi na ako magugulat kung papalitan niyo po si Owen bilang President ng Ashton Group. Sa ilang taon niyang pamamahala, wala namang pagbabago sa estado ng mga kompanya natin. Sa halip na tumaas ang gross profit, bumaba pa,” mahinang wika ni Jake. Napangibit siya nang biglang tinapakan ng mama niya ang kaniyang paa. Aangal sana siya nang minulagaan siya nito.“I second the motion," pagsang-ayon naman ni Patricia.“Isa ka pa," suway ni Guada.“Bakit po, mama? Tama naman kasi ang sinabi ni kuya. Wala naman talagang matinong nagawa si Kuya Owen sa loob ng ilang ta
“Le-Leon…Ibig kong sabihin, h-hubby…” Nauutal na si Lia dahil hindi pa rin binibitiwan ni Leon ang kamay niya. Tapos na siyang kumain at hinihintay na lamang niyang matapos ang iba pa para makapaghanap na siya ng bagong apartment. Hindi na kasi siya p'wedeng bumalik sa dati niyang inuupahan dahil sigurado siyang pupunta roon sina Austin at Kira sakali mang mabalitaan ng mga ito ang pagkamatay niya. Napag-alaman din niyang humanap pa ng bangkay sina Owen at Kiana para palabasing patay na talaga siya. Sa tulong ng magkakapatid na Gray ay nagkaroon sila ng mata ni Leon sa ginagawa ng pamangkin nito at ng ampon niyang kapatid.“Bakit, wifey? May gusto ka pa bang kainin?" Kumindat si Leon kay Lia. Uulitin pa niya sana ang linya niya kanina kaso natatakot siyang mabato na siya ng kutsara o ng kung anumang kubyertos ng kaniyang Kuya Rolly.Umiling si Lia. Tiningnan niya ang kamay ni Leon na nakahawak pa rin sa kamay niya. Nakalagay sa kanilang nilagdaang kontrata na bawal hawakan ang isa’t-i
“Wifey, may gusto ka pa bang kainin na wala sa plato mo maliban sa akin?” nakangising tanong ni Leon.Nasamid sina Jake, Patricia, Guada at Rolly sa sinabing iyon ni Leon. Hindi sila makapaniwala na ang seryoso at istriktong si Leon ay magsasalita ng gano’n.“Leon, pigilan mo muna ang sarili mo. Kung nabitin ka sa inyong honeymoon ay magsabi ka lamang sa akin at bibigyan ko kayo ng libreng ticket at accomodation kung saang bansa niyo gustong magbakasyon. Basta siaiguraduhin niyo lamang na pagbalik niyo ay may laman na ang matres ni Ria,” nakangiting turan ni Donya Rehina.Halos mailuwa ni Lia ang kinakain niya. Hindi niya alam kung sasakyan ba niya ang kapilyuhan at kapilyahan ng mag lola.Saka lamang ulit napansin ni Leon ang sirang dress ni Lia. Hinubad niya ang kaniyang coat at isinuot iyon sa kaniyang asawa. “I’m sorry, wifey. I forgot that your dress is ruined. After this dinner ay sasamahan kitang mamili ng mga bagong damit kahit saan mo gusto.”Uminom ng malamig na tubig si Lia
“Hija, pasensya ka na sa nangyaring gulo kanina. Hindi ka tuloy nakakain nang maayos.”“Ayos lang po, Lola Rehina. Nauunawaan ko naman po sila,” nakangiting wika ni Lia.Nagpunas ng table napkin sa kaniyang bibig si Guada. “Ria, saan kayo nagkakilala ni Leon?”“Ate, your question is not necessary.” Hinawakan ni Leon ang kamay ni Lia.“Why? I’m just asking. Masama bang magtanong ng personal na bagay sa asawa mo, Leon? She’s already part of our family. Tama lang naman siguro na makilala namin siya nang husto, hindi ba?” Ibinaba ni Guada ang table napkin. Tumingin siya kay Ria at nginitian niya ito. ‘Tama sina Owen at Kiana, kamukhang-kamukha ni Ria si Lia kung hindi lamang dahil sa nunal niya sa itaas ng kaniyang labi.’“We met at the CIA office, three years ago,” Lia replied confidently. Leon looked at her with a confused look but she managed to smile. “Right, hubby?”“Yes. That should only be between us since it’s a private matter. We met while working. There’s nothing romantic about