Share

Kabanata 68

Author: Docky
last update Last Updated: 2025-05-17 19:58:40

Ang hininga ni Leon ay kumikiliti sa tainga ni Lia na nagbibigay ng milyon-milyong boltahe sa katawan niya. ‘Tama! I shouldn’t assume. Leon’s just showing me off,’ pagkukumbinsi niya sa kaniyang sarili. Sa loob-loob niya ay kamuntikan na siyang kiligin at maniwala sa mga sinasabi at kilos ng kaniyang asawa, pero dahil sa sinabi nito ay nawala ang kaunting saya na nararamdaman niya. Napalitan iyon ng hiya at pagkadismaya. Akala niya ay unti-unti na ring nahuhulog sa kaniya ang kaniyang contracted husband.

Napansin ni Leon na lahat ng board of directors ay naroroon na rin sa hall. Matalim ang titig ng mga ito sa asawa niya. Mukhang alam na ng lahat na si Lia ang bagong iluluklok na Vice President at i-aappoint pa lamang ngayon ni Donya Rehina.

Biglang lumabas si Donya Rehina ng hall. May kakausapin lang siyang saglit kaya hinihintay ng lahat ang pagpasok nito sa hall.

Puno ng tensyon sa loob ng hall. Pansin na pansin ni Lia ang matatalim na titig sa kaniya ngunit binalewala niya lang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 71

    “Matapos ang masusing pagninilay, ipinaaalam ko na sa publiko lalong-lalo na sa aking mga kasamahan sa board ang aking pagbibitiw bilang Chairwoman ng Ashton Group of Companies. Taos-puso akong nagpapasalamat sa karangalang ito at sa lahat ng ating nagawa nang sama-sama. Hindi lamang dahil sa akin kaya lumago ang kompanyang ito—kung hindi dahil na rin sa diwa ng katatagan, pagkamalikhain, integridad at pagtutulungan ng mga taong bumubuo mula sa pinakamataas na organisasyon hanggang sa kababa-babaan. I don't care if you're part of the board or you’re a janitor, I'm still grateful to both. Salamin ng pinagsama-samang sipag, talino, at paninindigan ng lahat ng nagtatrabaho sa Ashton Group of Companies ang mga maliliit at malalaking tagumpay ng kompanya. Sa pagsasara ng isang kabanata, buong pagmamalaki kong ibinabahagi ang aking kahalili. Siya ay isang pinunong may malinaw na pangitain, marangal na adhikain, at higit sa lahat may puso para sa lahat. Pantay-pantay ang tingin niya sa lahat

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 70

    “As Vice President, Ria Collins will play a pivotal role in shaping our strategy, expanding our reach, and nurturing the culture that has made Ashton not just a company, but a community. This is not just a leadership appointment—it is a signal of our readiness to embrace the future with confidence, resilience, and purpose. Everyone, please join me in welcoming Ria Collins to her new role. We are excited to move forward together under your leadership.” Ngumiti si Donya Rehina. "May I ask Miss Collins to please come up on the stage and join me?”Kabado man ay tumayo si Lia. Sumulyap siya sa nakangiting si Leon. Hinihikayat siya nito na agad na magpunta sa entablado. Pinisil ni Leon ang kamay ng asawa upang pagaanin ang nararamdaman ni Lia.“Pumunta ka na roon,” mahina ngunit nakangiting sambit ni Leon kay Lia. “Go ahead, wifey. You can do it. Fighting!”Sa bawat hakbang ni Lia ay palakas nang palakas ang tibok ng dibdib niya. Hindi niya maiwasang mapatingin sa gawi ng kaniyang asawa.

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 69

    “Alam kong si Ria ay may malalim na karanasan at pang-unawa sa industriya at siya ay may isang matapang na bisyon para sa hinaharap—isang bisyong ganap na tumutugma sa mga halaga at adhikain ng Ashton Group. Siya ang natatangi kong nahirang upang mamuno sa ating organisasyon sa susunod na yugto ng pag-unlad at pagbabagong-anyo,” pagpapatuloy ni Donya Rehina."What? Is lola insane? That Ria has zero experience when it comes to business. She is a former profiler not a businesswoman,” bulalas ni Patricia."I agree. Baka nga kahit mga simpleng jargon ng business world ay hindi niya maintindihan. Of all people, bakit si Ria pa? Nandito naman si Tita Guada. She's been in the industry for almost three decades. Mas deserving si tita kaysa sa babaeng ‘yon,” wika naman ni Kiana."Shut up, Kiana,” suway ni Guada. "You have no rights to question mama’s decision. Kung mayroon mang dapat kumwestiyon sa desisyon ni mama, kami lang ‘yon. This is a family matter and sad to say, you're still not part o

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 68

    Ang hininga ni Leon ay kumikiliti sa tainga ni Lia na nagbibigay ng milyon-milyong boltahe sa katawan niya. ‘Tama! I shouldn’t assume. Leon’s just showing me off,’ pagkukumbinsi niya sa kaniyang sarili. Sa loob-loob niya ay kamuntikan na siyang kiligin at maniwala sa mga sinasabi at kilos ng kaniyang asawa, pero dahil sa sinabi nito ay nawala ang kaunting saya na nararamdaman niya. Napalitan iyon ng hiya at pagkadismaya. Akala niya ay unti-unti na ring nahuhulog sa kaniya ang kaniyang contracted husband. Napansin ni Leon na lahat ng board of directors ay naroroon na rin sa hall. Matalim ang titig ng mga ito sa asawa niya. Mukhang alam na ng lahat na si Lia ang bagong iluluklok na Vice President at i-aappoint pa lamang ngayon ni Donya Rehina. Biglang lumabas si Donya Rehina ng hall. May kakausapin lang siyang saglit kaya hinihintay ng lahat ang pagpasok nito sa hall. Puno ng tensyon sa loob ng hall. Pansin na pansin ni Lia ang matatalim na titig sa kaniya ngunit binalewala niya lang

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 67

    “Welcome, Mr. and Mrs. Ashton. Please follow me."“Thank you," nakangiting wika ni Lia. Ipupulupot pa lamang niya sana ang kaniyang kamay sa braso ni Leon nang bigla siya nitong hinapit sa bewang. Wala na siyang choice kung hindi ang kumapit din sa bewang nito. “This is too much," bulong niya kay Leon.“We have to do this. A lot of people are watching," bulong naman ni Leon kay Lia.Ngumiti nang peke si Lia at kumaway sa press. Gano'n din ang ginawa ni Leon. Nang makarating sila sa kanilang seat ay bigla na lamang may kumubabang kay Leon.“Tama!"Agad na nilingon ni Leon ang nagsalita. Sigurado siyang isa ito sa magkakapatid na Gray. “Jett! Anong ginagawa mo rito?" “Nakakatampo naman ang tanong mo. Ayaw mo bang naririto ako?" Nag pout si Jett at saka sumimangot.Napatawa si Leon. “Hindi naman sa gano'n. Nagulat lang ako at naririto k—”"Tama!”"Hakob? Naririto ka rin?” Mas lalong lumapad ang ngiti ni Leon."Hi!” Si Jackson."Ano bang mayroon at naririto kayong tatlo? Si Ria naman ang

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 66

    “Babe, do we really need to attend this press conference? I'm sleepy. I want to sleep at your place," iritang wika ni Kiana.“Babe, mabilis lang naman ‘to. Hindi pa nito kakainin ang isang oras mo. Isa pa, hindi ba’t gusto mong magpabango ng pangalan mo kay lola?" Tumango si Kiana.“Then show her that you support her every decisions." Luminga-linga si Owen. Tinitingnan niya kung nakarating na ang kaniyang uncle at asawa nito.“Sinong hinahanap mo?" Kiana crossed her arms.“Sina Uncle Leon," mabilis na tugon ni Owen.“Hindi ka na ba makapaghintay na makita ang Auntie Ria mo?" Nag-ikot ng mga mata si Kiana.“Teka, bakit naman napunta kay Auntie Ria anv usapan?"“Sus, kunwari ka pa. Nakikita mo sa kaniya si Lia. Kahit naman hindi mo sabihin, alam kong miss na miss mo na ang kapatid ko. Nagsisisi ka na ba sa ginawa natin sa kaniya?" bulong ni Kiana.Hinawakan ni Owen sa braso ang kaniyang kasintahan. “Tumigil ka nga. Alam mong walang magandang maidudulot sa atin ang bagay na ‘yan."Kiana

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 65

    "So how's my cooking skills? Papasa ba sa panlasa ng isang Doctora Lia Reed?” Ngumiti si Leon sabay taas ng dalawang kilay."I'm speechless. Hindi ko alam na ganito ka pala kasarap magluto.” Napatakip ang isang kamay ni Lia sa kaniyang bibig nang bigla siyang napadighay. Nagkatinginan sila ni Leon at sabay silang nagtawanan."Masarap talaga akong magluto pero siyempre, mas masarap ako kaysa sa mga niluluto ko.”"Tumigil ka na nga. Puro ka naman kalokohan eh! Sige na. Ako na ang magliligpit ng pinagkainan natin. Gumayak ka na.” Tumayo si Lia at nagsimula nang damputin ang mga plato at kubyertos. Natigilan siya nang biglang dumampi ang kamay ni Leon sa kamay niya. Hawak nilang pareho ang isang plato."Ako na ang magliligpit. Maupo ka na lang sa living room at doon mo ako hintayin,” seryosong sabi ni Leon sabay higit sa plato pero hinigit din agad iyon pabalik ni Lia."Ako na. Maliligo ka pa at magbibihis. Kakaunti naman ang mga ito,” giit ni Lia."No. I didn't bring you here to become m

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 64

    “Kain na."Umawang ang labi ni Lia nang makita niyang nakahubad si Leon habang naghahain ng pagkain sa mesa. Bihis na bihis na siya at handang-handa na siyang umalis pero ang kasama niya ay hindi pa nakakaligo dahil mas inuna nitong ipagluto siya kaysa mag-asikaso ng sarili. Napako ang mga mata niya sa mga abs ng kaniyang asawa. Mas lalong umawang ang bibig niya.“Mukhang iba yata ang gusto mong kainin ah. Ayaw mo yata nitong inihayin ko sa mesa," pabirong wika ni Leon.Mabilis na nag-iwas ng tingin si Lia. Namula ang mga pisngi niya dahil sa naging kilos niya kanina. Hiyang-hiya siya kay Leon dahil nahuli siya nitong nakatitig sa mga abs nito. Hindi na lamang niya pinatulan ang pang-aasar nito dahil alam naman niyang mapipikon na naman siya. Baka madulas pa siya, mahirap na.“Marunong ka pala talagang magluto. Akala ko, nagbibiro ka lang," ani Lia. Nakatuon ang tingin niya sa mga pagkaing nasa mesa.“I used to do everything on my own. Matagal akong nag training sa kampo at na destino

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 63

    Napatalikod si Lia nang mapansin niyang nakasuot lang ng boxer brief si Leon. Wala rin itong suot na kahit anong pantaas. ‘Normal na ba talaga sa kaniya ang ibalandra ang katawan niya sa harap ng isang babae?’“Lia…”Nabigla si Lia nang tawagin siya ni Leon kaya napaharap ulit siya rito. Awtomatikong napunta ang mga kamay niya sa mga mata niya.“Bakit mo tinatakpan ang mga mata mo?"“H-Hubàd ka kasi at saka nakasuot ka lang ng ano…ng boxer brief…” tugon ni Lia."Bakat ba?” nang-aasar na tanong ni Leon."Ang haba-haba at ang taba-taba niyan paanong hindi babakat?” Huli na ng mapagtanto ni Lia kung anong mga salita ang lumabas sa bibig niya.Napatawa si Leon. "Wait. Are you secretly lookin—" “NO!" Halos sumabog na si Lia sa sobrang init ng pakiramdam niya. Bukod sa kahihiyan, hindi niya rin maintindihan kung bakit nag-iba ang sirkulasyon ng dugo niya. Animo’y nakikipagkarera ang puso niya sa bilis ng tibok nito samantalang ang kaniyang utak naman ay paulit-ulit na ipinapaalala sa kaniy

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status