Share

Chapter 9 Giving in

Ngayong araw ang uwi ni Lance at hindi ko malaman kung bakit excited ako. Dapat ay galit ako sa kaniya dahil sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon ngunit hindi ko maunawaan ang sarili ko. Inulit namin kagabi ang ginawa namin noong isang araw at pakiramdam ko ay inihahanda na niya ako sa maaari pa naming gawin nang totohanan. Ngunit sinikap kong alisin muna iyon sa isip ko dahil may exam kami ngayong araw.

Hanggang bandang hapon ay isa ako sa mga pinakahuling lumabas ng classroom dahil sadyang naglaan ako ng sapat na oras para magkaroon ng mataas na iskor sa lahat ng mga test ko ngayon araw.

Kinahapunan ay tumatawag na sa akin si Lance. Mabuti na lang at nakapagpaalam na ako sa mommy ko na hindi ako makakauwi ngayon dahil sa trabaho. Huminto ako sa paglalakad upang sagutin ang tawag.

“Hi, where are you?” bungad niya nang sagutin ko na ang tawag. Biglang kumabog ang dibdib ko nang marinig ang malalim niyang boses. Tumikhim ako bago sumagot.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nelly Lusuegro Peñaredondo
They will fall in love to each other forever
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status