Share

Desiring My Beautiful Secretary
Desiring My Beautiful Secretary
Author: SUMMERIASWINTER

Chapter 1: Snatcher

last update publish date: 2026-08-13 21:53:03

"Ate, huwag mo sanang kakalimutan yung kakailanganin kong tuition para bukas, ha? I love you!"

Napabuntong hininga si Sania matapos mabasa ang text message galing sa nakababata niyang kapatid na si Yngrid. Exam kasi nito bukas kaya kakailanganin na nilang bayaran ang remaining balance nito sa paaralan. Fourth year college na nito sa kursong nursing.

Sobrang gastos ng kurso na kinuha ng kanyang kapatid, pero dahil sa nakikita niyang kagustuhan nitong makapagtapos ay sinuportahan niya ito kahit na halos wala ng matira pa sa kanya.

Ulila na silang magkapatid sa mga magulang at tanging ang lola na lang nila ang karamay nila sa buhay. Isa iyon sa dahilan kaya natigil siya sa pag-aaral. Highschool graduate lang siya at hindi na nakatungtong pa sa college sa kawalan ng pera at suporta. Kaya imbes na magpatuloy ay naghanap na lang siya ng trabaho upang mapag-aral ang kapatid.

Nagbabalak pa rin naman siyang ipagpatuloy ang kolehiyo kapag nakatapos na ito, kaya kahit kaunti o barya lang ang natitira sa kanya ay itinatabi niya para sa muli niyang pagbabalik sa pag-aaral.

"I love you too! Basta gagalingan mo sa pag-aaral, ha?" nakangiti niyang reply sa kapatid.

Matapos nun ay dali-dali siyang sumakay ng tricycle papunta sa bakery na pinagtatrabahuan. Pagkatapos ng shift niya sa bakery ay dishwasher naman siya sa restaurant kapag tanghali, sa gabi naman ay bartender siya sa isang bar. Kung anu-anong raket ang pinapasok niya para lang mabuhay silang tatlo at may pangtustos sa pag-aaral ng kanyang kapatid.

Napatawa si Sania sa magkabilaan niyang mga trabaho. Kulang na lang ay hatiin niya ang sarili upang kumita pa ng mas marami. Ngunit kahit ganun, sa kabila ng hirap ay nananatili pa rin siyang positibo sa buhay.

"Kuya, wala bang discount diyan para sa mga magaganda?" biro niya sa driver na kakilala niya.

"Naku, ikaw na naman!" tawa ng driver nang mapagtanto kung sino ang pasahero. Ilang beses na niyang naisakay ang dalaga kaya alam na niya kung gaano ito kakwela.

"Si Manong oh, parang ayaw akong makita eh kailan lang nung nireto mo ako sa anak mo," tawa naman ni Sania nang maalala ang huling engkwentro sa driver.

Napakamot naman ng ulo ang lalaki at natawa na lang din.

Abot langit naman ang ngiti ni Sania nang makakuha nga siya ng discount sa pamasahe. Biro lang niya ang mga iyon pero kapag may kumagat eh di go. Makaka-save pa siya ng pamasahe.

"Oh, Sania. Hindi ka ba nasabihan ni boss kagabi?" bungad ng kaibigan niyang si Carol.

"Nasabihan saan?" taka naman niyang tanong habang inaayos ang kanyang apron.

"Tanggal ka na raw, bakla. Bigla-bigla na lang nagtanggal ng mga trabahador kahapon at isa ka na dun. Tinanong ko nga si boss kung bakit ka napasama eh pareho na tayong matagal dito. Ayon, walang sagot. Random lang daw ang pagpili," puno ng simpatya na wika ng kaibigan.

Lumaylay ang mga balikat ng dalaga sa narinig. May palagay siyang dahil iyon sa pagtanggi niya sa panliligaw ng anak nito. Intsik kasi ang amo nila. Eh ayaw naman niya dahil sobrang istrikto ng anak nito. Bukod pa doon ay hindi niya gusto ang lalaki dahil masangsang sa ilong ang amoy ng putok ito.

Bigla siyang napangiwi. Si Carol naman ay natawa sa reaksyon niya na para bang alam na kung ano ang kanyang iniisip.

"Ewan ko ba dun sa boss natin. Tatanggalin ka kapag hindi nakuha ang gusto. Ganun siguro ang mga may pera, no? Kainggit," litanya ni Carol habang nagmamasa. Hindi siya nag-aalala sa kaibigan dahil alam niyang madiskarte ito at makakakita rin ng bagong trabaho.

Napanguso na lang si Sania habang pinapanood ang ginagawa ng kaibigan. Nanghihinayang siya dahil malaki laki rin ang pasahod sa bakery. Plano pa naman sana niyang i-advance ang sweldo niya sa buwan na ito.

"Patulan mo na lang kaya ang anak ng boss natin?" suhol ni Carol na natatawa. "Magbubuhay prinsesa ka doon. Yun nga lang ay kailangan mong tiisin ang kili-kili power niya every day."

"Baliw!" tawa niya at binatukan ito. "Hindi pa ako nasisiraan ng bait upang gawin yan."

Kapag nagka-boyfriend siya, gusto niya yung mahal niya at gusto niya talaga. Kahit na mahirap lang din kagaya niya basta responsable at may pangarap sa buhay ay okay na siya.

.....

"Pasensya na po pero ang kailangan kasi namin ay college graduate eh. Base kasi dito sa resume mo ay hanggang highschool ka lang," anang staff na kausap ni Sania sa isang maliit na department store na pinag aaply'an niya.

"Kuya, alam ko po ang mag-sales talk. May experience din ako sa paglalako. Magaling din akong mambola ng mga customers para may bumili. Kayang-kaya ko ang trabaho. Promise!" pagpupumilit pa niya dito. Sinamahan pa niya iyon ng puppy eyes.

Naawa naman ang lalaki at bahagyang namula ang mga pisngi. Ang ganda kasi nito at nagpapa-cute pa pero siya naman ang malalagot kapag hindi siya

sumunod sa patakaran.

"P-Pasensya na talaga, miss. Hindi talaga pwede eh. Baka sesantehin ako kapag pinalusot kita."

Hindi na napigilan ni Sania ang mapasimangot. Pang anim na itong rejection niya sa araw na ito. Lahat ay college graduate ang hanap. Gusto pa sana niyang humirit sa lalaki pero baka maagrabyado nga niya ang trabaho nito kaya umalis na lang siya.

Sa huli ay wala siyang choice kundi ang i-withdraw ang ipon niya para sa pag-aaral upang may pangdagdag sa tuition ng kapatid niya. Mangiyak-ngiyak pa nga siya habang binibilang ang pera. Ilang taon din niya iyong pinag-ipunan tapos iglap lang ay mawawala agad iyon sa kanya.

"Okay lang, para naman ito sa kapatid ko. Malapit na siyang magtapos. Kaunting tiis na lang..." pagpapalakas niya sa kanyang loob.

Ngunit saktong paglabas niya sa bangko ay biglang may humablot sa hawak niyang bag. Nanlamig ang buong katawan niya dahil nandoon ang perang para sa tuition ng kapatid niya!

"M-Magnanakaw! Kuya guard, tinangay yung bag ko!" naghihisterya niyang sigaw sa guard ng bangko na agad hinabol ang snatcher. Ang isang guard na naiwan ay may tinawagan sa radyo.

Wala naman sa sariling napatakbo pasunod si Sania upang sundan ang mga ito. Hindi pwedeng matangay ang pera niya! Gusto niyang maglupasay na lang sa kalsada at mag-iiyak pero hindi naman siya ganun kagaga.

Dahil sa matinding emosyon at adrenaline sa katawan, pakiramdam niya ay siya si superman at basta na lang siyang tumawid sa kabilang kalsada!

Huli na nang mapansin niya ang isang humaharurot na sasakyan at bigla siyang nabangga.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Desiring My Beautiful Secretary    Chapter 60: Baby In Danger

    Nagulat si Sania nang bigla na lang may humablot sa buhok niya sa likod at sumabunot. Bahagya pa siyang nahila sa lakas ng pwersa nun."Hayop ka! Ang landi mong babae ka!"Nanlaki naman ang mga mata ni Kyle nang makilala kung sino ang babae. Agad na umusbong ang galit niya pagkakita dito. Paanong nandito ito?"Clarisse! What the hell are you doing here?!" Dumagundong ang boses niya sa matinding galit. "Bitawan mo si Sania!""No! Bakit ko papakawalan itong kabit mo ha?! She's taking you away from me! Hindi na nga nakuntento sa kuya ko at nilalandi ka pa niya? I can't let this slide!"Napaungol si Sania sa matinding sakit sa kanyang anit dahil hindi pa rin siya binibitawan ng babae. Ngunit tama ba ang pagkakarinig niya? Tinawag ito ni Kyle sa pangalang Clarisse. Ibig sabihin ay nandito ang kapatid ni Logan?! Paano iyon nangyari?Sinubukan niyang makawala sa pagkakasabunot dito ngunit lalo lang iyong humigpit."A-Aray! Tama na.. Nasasaktan ako!" pagmamakaawa niya dito ngunit halakhak la

  • Desiring My Beautiful Secretary    Chapter 59: Acceptance

    "Where are you? Nasa bahay ka na ba?"Habang nasa daan pauwi si Logan ay tinawagan niya si Clarisse. He needed to check if she was fine and doing well. May saltik pa naman sa ulo ang kapatid niya. Hindi pwedeng maglalalabas ito ng hindi niya alam kung saan ito pupunta.To him, his sister doesn't have a mental sickness. It was just an excuse to get everyone's sympathy for her own selfish needs. Kay Devega lang naman ito nagkakaganito. Ano yun? Selective ang topak nito sa ulo? Until now, he still couldn't believe what she did to Devega. That was a desperate and obsessed move from her. Ngayon ay hindi niya masisisi ang lalaki kung bakit ganun na lang ang galit nito.Pero ang ginawa naman na iyon ng kapatid ang daan kung bakit nagkahiwalay ito at si Sania. He wouldn't be engaged to her right now if it wasn't for his sister.Kailangan niya bang magpasalamat doon? Of course not! Hindi siya ganun kawalang hiya na gugustuhing may masirang buhay ng tao para makuha niya ang gusto. He would do

  • Desiring My Beautiful Secretary    Chapter 58: Uneasy Feeling. ..

    Nang makarating ang dalawa sa destinasyon ay kinabig ni Logan si Sania at mariin na siniil ng halikk. Nagpaubaya naman ang dalaga at gumalaw ang labi upang halikan ito pabalik.Mami-miss niya ng sobra ang binata kaya ibinuhos na niya ang pangungulila dito.Mahinang napaungol si Logan nang mapansin ang pagiging mapusok ng labi ni Sania. His hand cupped her jaw and tilted her head back to deepen the kiss. Agad-agad ang pag-iinit ng kanyang katawan kaya bumaba ang libre niyang kamay sa dibdibb nito. Marahan niyang dinama ang kabigatan nun sa kanyang palad habang ang dila niya ay nagpapakasawa sa loob ng bibig nito."Nghh.. L-Logan," singhap ni Sania at bahagyang humiwalay sa halikann nila upang sumagap ng hangin. Ngunit imbes na makahinga ay impit siyang napaungol nang ang leeg naman niya ang sunod nitong inatake."I will fucking miss you," Logan murmured, both hands now kneading the soft swell of her breasts. Bakit pakiramdam niya ay lumalaki ang mga ito? Minasahe pa niya iyon nang mina

  • Desiring My Beautiful Secretary    Chapter 57: Pag-unawa

    "S-Sandali. Nandiyan si Kyle!"Bumuga ng marahas na hininga si Logan nang itinulak siya ni Sania paalis sa ibabaw nito. Gusto niyang magprotesta at magmaktol dahil bitin na bitin siya! Ibinagsak niya ang katawan sa kama at iritadong tiningnan ang pintuan. That bastard of Devega really don't know how to give up huh? Ang aga pa pero nandito na!Umaahon na naman ang selos niya ngunit pinigilan niya. Pinilit niyang kumalma. Sania was his fiancee now. There's nothing to be jealous of.He folded his arms behind his head as he laid down on the bed. Pinanuod niya kung paano aligaga si Sania sa pag-aayos ng sarili nito. She looks flustered and he couldn't help but to smirk. Bahagya pa siyang sumipol nang makitang inayos nito ang natabinging underwear dahil sa ginawa niya kanina. Wala tuloy sa sarili na dinilaan niya ang mga daliri na basa pa rin. He groaned when he felt aroused again.Binalingan naman ni Sania si Logan nang marinig niya ang mababa nitong pag-ungol. Naeskandalo siya nang makita

  • Desiring My Beautiful Secretary    Chapter 56: Istorbo

    "Have you packed everything? Wala ka bang nakalimutan?" Binalingan ni Logan si Sania na nasa tabi niya. He was helping her packed her things. Ngayon ang alis niya at isasama niya ito pauwi. They were already engaged. They talked a lot last night and somehow he finally got the assurance that he was craving for. She opened up to him about her insecurities and he acknowledged and accepted all of it. Napag-usapan nila ang tungkol sa kanilang mga buhay-buhay— the past and their future. Ang sarap lang sa pakiramdam ng ganun... iyong wala na silang itinatago sa isa't-isa."Na-impake ko na lahat," sagot naman ni Sania at humugot ng malalim na hininga. Ang dali na lang niya talagang mapagod sa kaunting gawain lang. Napapailing at natatawa siya kung minsan kapag naiisip niya ang mga kadramahan sa buhay. Nagtago-tago pa siya pero heto at babalik din naman pala siya kay Logan. Ngunit iyon din ang dahilan kung bakit mas naging malinaw ang relasyon nila. "Pinagpapawisan ka," ani Logan at pinunasa

  • Desiring My Beautiful Secretary    Chapter 55: Fears And Promises

    Nagsiunahan sa paglaglag ang mga luha ni Sania habang pinagmamasdan si Logan na nag-aalok ng kasal sa kanya. Madami siyang mga pag-aalinlangan na nauwi sa paglayo niya dito. Ngunit ngayon, hindi niya maitatanggi ang labis na katuwahang namamahay sa kanyang puso. Ramdam niya ang sensiridad nito... kita niya ang labis na pagmamahal sa mga mata nito para sa kanya.Kaya kahit na madami siyang mga agam-agam ay pilit na niyang iwinaglit iyon sa kanyang isipan. Bahala na talaga kung ano ang mangyari. Hindi niya kayang tanggihan ang inaaalok sa kanya ni Logan. Tinakasan niya ito pero heto at babalik din pala siya dito."Sania.." pagmamakaawa nito nang hindi siya sumagot. At kahit umiiyak ay bahagya siyang natawa nang kinuha na nito ang kanyang kamay at pilit na ipinasuot sa kanya ang singsing."Wala pa akong sagot eh," tawa niya sa pagitan ng mga luha.Lumamlam ang mga mata ni Logan pero may multo na rin ng ngiti sa labi."It's a no then?"Mabilis na umiling si Sania at hinila ang binata pata

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status