تسجيل الدخول"What happened?" tanong ni Logan nang marahas na tumigil ang sasakyan. Hindi siya nag-abalang tumingin kung ano ang nangyari at tutok lang sa hawak na cellphone, naiinis sa nabasang mensahe galing sa ina.
"B-Boss, may nabangga ata ako..." kinakabahan naman na wika ng driver na si Vince. "Patay ba?" malamig ulit na tanong ni Logan na siyang lalong ikinaputla ng driver. Kahit kailan talaga ay walang pakialam itong boss niya. "H-Hindi ko po alam. Teka at titingnan ko," natatarantang wika ni Vince. Akma na sana siyang bababa nang biglang tumayo ang babae at sinugod ang sasakyang kinalalagyan nila. Sa takot ay dali-dali siyang pumasok ulit at ini-lock ang kotse. Malakas na hinampas ni Sania ang salaming bintana at matalim na tinitigan ang driver mula sa loob. Parang sasabog ang puso niya sa matinding kaba sa nangyari. Hindi niya alam kung may sugat ba siya o ano pero wala na siyang pakialam doon. "Hoy, bumaba ka diyan at harapin mo ako! Reckless driving ka ah. Muntik mo na akong sagasahan! Patingin nga kung mayron kang lisensya! Kayong mayayaman talaga. Pakiramdam niyo ay pag-aari niyo itong kalsada!" Si Logan ay tahimik lang sa backseat at hinayaan ang driver niyang ayusin ang problema. This kind of tactic wasn't new to him. Nagpapasagasa umano para makahuthot ng pera. Naiinis siya sa mga ganitong klaseng tao. Nanlalamang ng kapwa at ayaw magtrabaho. Napakamot ng ulo si Vince at binuksan ng kaunti ang bintana upang iabot sa babae ang kanyang lisensya. Ngali-ngali nga niyang supalpalin ito at sabihing ito ang basta na lang na tumawid. Ayaw naman niyang magkaroon ng road rage kaya pinakisamahan na lang niya ito. Sayang ang ganda pa naman nito pero mukhang may saltik sa ulo. Matalim naman na tinitigan ni Sania ang drivers licence na inabot ng lalaki. Mukhang totoo nga pero malay ba niya kung peke iyon. Normal na kasi ngayon ang mameke ng mga dokumento. Napangusong ibinalik niya ang card sa lalaki. Ngunit nang maalala ang natangay niyang bag at ang muntikan na niyang pagkamatay ay hindi niya napigilan ang maglabas ng sama ng loob. "Paano na lang kung nasagasahan mo ako, Kuya? Paano kung namatay ako? Wala na kaming pambili ng kabaong ko dahil tinangay ang pera ko! Iyon na nga lang ang kahuli-hulihan kong pera pero hinablot pa nila! Bakit ang unfair ng mundo? Huhuhu!" madramang iyak ni Sania. Hindi niya mapigilan, okay? Sobrang stress na siya sa lahat-lahat tapos mamamatay pa siya? Paano na lang ang lola at kapatid na maiiwan niya? Pumitik ang ugat sa ulo ni Logan sa naririnig galing sa babae. OA. Sobrang OA. Sobrang dramatic. Ang lakas pa ng bibig! Parang armalite! Tumikhim siya ng mahina habang nanatili pa ring nakapikit ang mga mata. Late na siya sa meeting niya. Nakuha naman ni Vince ang ibig sabihin ng tikhim na iyon at agad naglabas ng wallet. "Magkano po ba ang kailangan niyo, miss? I'm sorry kung muntik ka nang masagasahan. May importante kaming lakad at wala kaming oras para dito." Nanlaki ang mga mata ni Sania sa sinabi ng lalaki. Magkano raw ang kailangan niya? Eh kung sabihin niyang ten million? Ibibigay kaya nito? "Hoy, kuyang kupal," aniya na nakapamewang. "Hindi ko kailangan yang pera mo! Don't you understand my side?" napa English tuloy siya. English carabao nga lang. "Sayang naman ako kung natigok ako nang maaga. Hindi pa ako nakakapag-asawa. Magpaparami pa ako, sayang ang lahi ko. Hindi pa nakikita ng future husband ko kung gaano ako kasexy! Hindi ko pa nararanasan ang—" Napatigil siya nang marealize kung ano ang mga pinagsasabi niya at bahagyang namula. Doon naman unti-unting nagmulat ng mga mata si Logan. At mula sa tinted na salamin ng sasakyan ay nasilayan niya sa unang pagkakataon ang babaeng putak nang putak. His intense gaze scanned her face... then slowly travelled down to her body. He felt something stirred inside him for whatever reason. At bago pa niya mapigilan ang sarili ay ibinaba niya ang bintanang katapat. "Ah basta! Ang ibig kong sabihin ay—" Hindi na naituloy pa ni Sania ang sasabihin nang mula sa backseat ng sasakyan ay may lumantad na lalaki na naka office suit. Nahigit niya ang hininga nang mapagmasdan ang mukha nito. S-Sobrang gwapo! Ang tangos pa ng ilong at nakaigting ang panga na nakatingin sa kanya! Pakiramdam ni Sania sa mga oras na iyon ay malalaglag ang panty niya kahit hindi iyon loose garter. Kasi shet naman, napaka pogi! Sobrang kinis din ng balat, halatang mamahalin. Panigurado siyang meron din itong itinatagong anim na pandesal sa ilalim ng damit nito. "What is your name?" tanong nito na siyang nakapagpagising sa kanya. Sobrang lamig ng boses nito at walang kaemo-emosyon. Ngunit kahit ganun ay malawak pa rin niya itong nginitian. "S-Sania po, sir. He he..." Nautal pa siya! Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil para siyang kiti-kiting kinikilig. Matiim lang siyang tinitigan ng lalaki. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito dahil wala man lang bakas ng reaksyon sa mukha nito. Pero hindi na talaga maawat ang bibig niya at kung anu-ano na lang ang mga pinagsasasabi. "Sir, single ka pa po ba? Pwede bang mag-apply diyan sa puso mo?" dire-diretsong tanong niya sabay dagdag... "I can be your driver. I'll give you love not silver, and I can be your lover," aniya with matching kindat pa dito. Hindi na napigilan ni Vince ang humagalpak ng tawa sa narinig na sinabi ng dalaga. Ang lakas ng tama nito! Sa lahat ng pwede nitong pagtripan ay ang boss pa niya talagang badtrip sa mundo. "Ano, sir? Pwedeng mag-apply?" tanong ulit ni Sania sabay wagayway ng kilay dito. Gusto niyang sabunutan ang buhok sa mga kalandian niya pero miminsan lang siyang makakita ng ganitong kapogi na lalaki. Di bale at ngayon lang naman. Panigurado kasing hindi na niya ulit ito makikita. "No." Ang namutawing sagot mula sa labi ng binata. "N-No?" pag-uulit naman ni Sania na bahagyang nakanguso. Inaasahan na niya ang sagot na iyon pero bakit nasaktan siya ng kaunti? Aalis na sana siya nang muli itong nagsalita... "You can't apply in my heart but you can apply as my secretary." Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Totoo ba ang narinig niya? Gusto siya nitong kuning secretary? Ang daming umayaw sa mga in-apply'an niya pero heto ang isang gwapong nilalang at inaalok siyang magtrabaho bilang secretary nito. "Totoo ba, sir? Hindi ka nagbibiro?" mangiyak-ngiyak niyang tanong sa binata. At nang tumango ito ay napatalon na siya sa matinding tuwa. "Yes! Thank you so much, Sir! Thank you!" Inabot ni Logan sa dalaga ang kanyang calling card kasama na doon ang address ng kanyang kompanya. He doesn't know what he was doing. Basta gusto niya ulit itong makita. "I'll expect you on Monday for an interview," aniya sa walang emosyong boses. Ang mga mata niya ay nanatiling nakatitig sa magandang mukha ng dalaga. "And ...wear something nice."Dalawang araw ng bumabagyo at hindi siya makabalik sa kanyang apartment dahil doon. Walang biyahe ng bus o kung ano mang mga pampasaherong sasakyan pabalik ng siyudad.Napabuntong hininga si Sania at nangalumbaba sa bintana, pinapanuod ang bawat malalakas na patak ng ulan. Lunes ngayon. Ito ang araw ng interview niya ngunit heto siya at stranded sa kanilang bahay. Nakapaghanda pa naman na siya para sa araw na ito ngunit meron palang ibang plano ang tadhana para sa kanya. "Pasensya ka na talaga, apo. Hindi ka tuloy nakapunta sa interview mo dahil sa akin." anang Lola niya na tumabi sa kanya sa sofa. Bakas din sa mukha nito ang panghihinayang.Ngumiti siya dito upang ipasiguradong okay lang. Wala naman siyang sinisisi sa nangyari. Naiintindihan niya ang kagustuhan nitong makita siya dahil halos dalawang buwan na siyang hindi nakakadalaw sa mga ito. Ang mahalaga sa kanya ay makita itong malakas at malusog na."Huwag mo nang isipin iyon, 'La. Ang mahalaga ay magkakasama ulit tayo. Ayaw n
"What is happening to you, Logan? Hindi ka naman dating ganito," maktol ni Stacey nang walang pasabing umalis ang binata sa kanyang ibabaw.Pabagsak naman na humiga si Logan sa kama at mariin na ipinikit ang mga mata. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya naging ganito. He can't get hard. Damnit!Kahit anong pangroromansa ang ginawa sa kanya ni Stacey ay wala pa ring reaksyon ang kanyang pagkalalaki na siyang labis niyang ikinaiinis."Come on, Logan. Kating-kati na ako dito. Dalawang oras na tayo dito pero hindi mo pa rin iyan napapatayo," himutok ni Stacey sabay sulyap sa nasa pagitan ng binata. Malaki pa rin iyon sa kabila ng kawalan ng gana."Will you shut up? Sa tingin mo ba ay ginusto ko ito?" sikmat ni Logan sa babae. Ayaw niya sa lahat sa mga babae ay talak nang talak at puro reklamo. He was hard earlier before he met up with her. Ngunit nang nasa kama na sila ay biglang nawalan ng buhay ang alaga niya. Marahas niyang hinablot ang towel sa gilid, itinali iyon sa bewang at
Pagkauwi ni Sania sa kanyang apartment ay nagkalkal siya sa kanyang drawer ng damit na maaari niyang gamitin sa interview niya sa lunes. Biyernes pa lang ngayon pero dahil sa excitement niya ay gusto na niyang paghandaan iyon.Naibalik din naman sa kanya ang nahablot niyang bag sa tulong ng mga autoridad na siyang laking pasasalamat niya. Sa sobrang praning niya ay binilang pa niya iyon dahil baka may kumupit. Charot.Naupo siya sa sofa at muling inalala ang naging engkwentro niya kanina sa gwapong lalaki. Ang daming kadaldalan ang lumabas sa bibig niya pero hindi man lang niya natanong ang pangalan nito."Bestie, meron ka bang damit pang office diyan na nakatago? Hihiramin ko sana," tawag niya sa kaibigang si Carol. Wala siyang makitang magandang damit pang interview. Ngayon lang niya napagtanto na halos wala man lang siyang mabiling gamit para sa sarili. Karamihan sa mga damit niya ay sobrang luma na, kumukupas na ang kulay at ang iba naman ay may butas-butas na.Napakagat ng labi
"What happened?" tanong ni Logan nang marahas na tumigil ang sasakyan. Hindi siya nag-abalang tumingin kung ano ang nangyari at tutok lang sa hawak na cellphone, naiinis sa nabasang mensahe galing sa ina."B-Boss, may nabangga ata ako..." kinakabahan naman na wika ng driver na si Vince."Patay ba?" malamig ulit na tanong ni Logan na siyang lalong ikinaputla ng driver. Kahit kailan talaga ay walang pakialam itong boss niya."H-Hindi ko po alam. Teka at titingnan ko," natatarantang wika ni Vince. Akma na sana siyang bababa nang biglang tumayo ang babae at sinugod ang sasakyang kinalalagyan nila. Sa takot ay dali-dali siyang pumasok ulit at ini-lock ang kotse.Malakas na hinampas ni Sania ang salaming bintana at matalim na tinitigan ang driver mula sa loob. Parang sasabog ang puso niya sa matinding kaba sa nangyari. Hindi niya alam kung may sugat ba siya o ano pero wala na siyang pakialam doon."Hoy, bumaba ka diyan at harapin mo ako! Reckless driving ka ah. Muntik mo na akong sagasahan!
"Ate, huwag mo sanang kakalimutan yung kakailanganin kong tuition para bukas, ha? I love you!"Napabuntong hininga si Sania matapos mabasa ang text message galing sa nakababata niyang kapatid na si Yngrid. Exam kasi nito bukas kaya kakailanganin na nilang bayaran ang remaining balance nito sa paaralan. Fourth year college na nito sa kursong nursing. Sobrang gastos ng kurso na kinuha ng kanyang kapatid, pero dahil sa nakikita niyang kagustuhan nitong makapagtapos ay sinuportahan niya ito kahit na halos wala ng matira pa sa kanya.Ulila na silang magkapatid sa mga magulang at tanging ang lola na lang nila ang karamay nila sa buhay. Isa iyon sa dahilan kaya natigil siya sa pag-aaral. Highschool graduate lang siya at hindi na nakatungtong pa sa college sa kawalan ng pera at suporta. Kaya imbes na magpatuloy ay naghanap na lang siya ng trabaho upang mapag-aral ang kapatid. Nagbabalak pa rin naman siyang ipagpatuloy ang kolehiyo kapag nakatapos na ito, kaya kahit kaunti o barya lang ang







