LOGINDalawang araw ng bumabagyo at hindi siya makabalik sa kanyang apartment dahil doon. Walang biyahe ng bus o kung ano mang mga pampasaherong sasakyan pabalik ng siyudad.
Napabuntong hininga si Sania at nangalumbaba sa bintana, pinapanuod ang bawat malalakas na patak ng ulan. Lunes ngayon. Ito ang araw ng interview niya ngunit heto siya at stranded sa kanilang bahay. Nakapaghanda pa naman na siya para sa araw na ito ngunit meron palang ibang plano ang tadhana para sa kanya. "Pasensya ka na talaga, apo. Hindi ka tuloy nakapunta sa interview mo dahil sa akin." anang Lola niya na tumabi sa kanya sa sofa. Bakas din sa mukha nito ang panghihinayang. Ngumiti siya dito upang ipasiguradong okay lang. Wala naman siyang sinisisi sa nangyari. Naiintindihan niya ang kagustuhan nitong makita siya dahil halos dalawang buwan na siyang hindi nakakadalaw sa mga ito. Ang mahalaga sa kanya ay makita itong malakas at malusog na. "Huwag mo nang isipin iyon, 'La. Ang mahalaga ay magkakasama ulit tayo. Ayaw niyo ba na nandito ako?" aniya at kunwari ay nagtatampo dito. Ayaw niyang makonsensya ito. Oo at sayang ang opurtonidad pero hindi niya ipagpapalit ang pamilya sa kahit ano mang bagay. Si Yngrid ay nasa kusina at nagluluto naman ng sopas. Masarap daw kasing humigop ng mainit na sabaw kapag maulan ang panahon. "Ikaw ba, Ana. Kailan mo ba balak magka boyfriend?" pag-iiba nito ng usapan. "Lola, 24 pa lang ako," tawa niya dito. Ito lagi ang tinatanong nito kapag nauwi siya sa kanilang bahay. Pasimple nitong ipinapahiwatig na lumagay na rin siya sa tahimik na buhay. "Hindi ka na pabata, apo. Gusto kong isipin mo rin naman ang sarili mo kahit papaano. Mag boyfriend ka rin. Huwag mo kaming masyadong alalahanin. Kamusta nga pala yung boyfriend mo noon? Wala pa rin bang balita?" Nag-iwas ng tingin si Sania sa kanyang Lola nang muli nitong ungkatin ang nakaraaang pag-ibig niya. May kirot pa rin sa dibdib niya tuwing naaalala ang lalaking una niyang inibig. Matagal ng panahon iyon. Ilang taon na rin pero hanggang ngayon ay may hapdi pa rin sa puso niya kapag naaalala ang nakalipas. Matagal na rin siyang naka move-on ngunit hanggang maaari ay ayaw na niyang isipin pa ito. "May bago na po akong boyfriend, Lola," wala sa sarili niyang nasabi dito para tumigil na ito sa paghalungkat pa sa kanyang nakaraan. Kapag kasi nasimulan na nito ang isang topiko ay mahirap ng patigilin. Dakilang marites din daw kasi ang Lola niya noong kabataan nito. "Talaga? Anong pangalan niya? Meron ka ba niyang litrato?" sunod-sunod na tanong nito, halatang masaya sa ibinalita niya. "L-Logan po ang pangalan niya." Lintik talaga. Bakit ba ang lalaking iyon ang unang pumasok sa isip niya? Ginagamit pa niya ang lalaki ng walang kamalay-malay. Bahala na. Ayaw lang niyang isipin ng kanyang lola na kaya hindi siya nagbo-boyfriend ay dahil mahal pa niya ang dating nobyo. Nang balingan niya ang kanyang Lola ay sobrang aliwalas na ng mukha nito. Napangiwi tuloy siya dahil nagsisinungaling siya dito. Sa isip niya ay humihingi na siya ng tawad. "Mangako ka, Ana." "Ng ano po?" "Sa susunod na bumisita ka ay isama mo rin ang boyfriend mo nang makilala namin siya." Patay talaga.. ...... "Hindi pa ba siya dumarating?" tanong ni Logan kay Vince na kasalukuyan niyang secretary. All around si Vince— driver, assistant, secretary, messenger, minsan cook at mekaniko at kung anu-ano pa. "Wala pa, boss. Wala ring balita galing sa HR," ani Vince na naaaliw. Ilang beses na ba nitong natanong iyon? Simula pa kahapon at Martes na ngayon. Nagtataka rin siya kung bakit hindi pumunta sa interview ang babae kahapon. Malamang na hindi iyon seryoso. Tumango lang si Logan at pinatay ang intercom. Hinilot niya ang sintido at muling itinuon ang atensyon sa harap ng computer. He doesn't know why he was waiting lalo na at wala sa bokabularyo niya ang maghintay. "Yes, Dad.." aniya nang makita itong tumatawag. Bihira lang na tumawag ang kanyang ama dahil sa nangyaring alitan nila noon. Gusto nitong siya ang magmana at magpatakbo ng kanilang mga negosyo kapag nagretiro na ito sa posisyon. But he declined. He wants to build his own company, his own name with his own ability. Kaya siya na-base sa Pinas dahil ayaw niyang makabangga ang ama at bilang respeto na rin dito. "Uuwi diyan sa susunod na buwan si Devega," anito sa malamig na boses. "Bantayan mo siya at nang hindi mambabae." Naningkit ang mga mata ni Logan sa sinabi ng ama. Kyle Devega. Ang lalaking nakabuntis sa kapatid niya noon. Simula nang mangyari ang insidenteng iyon ay nanirahan na ito sa America upang panagutan ang ginawa sa kanyang kapatid. Engaged na ang mga ito noon sa kasunduan na rin ng dalawang partido. Ngunit nalaglag ang dinadala ni Clarisse. Dahil doon ay umatras na ang lalaki sa napagkasunduang kasal ng mga ito. Wala rin naman daw ang batang pananagutan nito at bukod doon ay hindi raw nito mahal ang kapatid niya. "Why don't you just let him cancel the engagement then? Clarisse deserves a better man." Honestly, mainit ang dugo niya sa lalaki. Hindi lang dahil sa ginawa nito sa kanyang kapatid pero mayron pang malalim na dahilan na hindi niya maipaliwanag. "Alam mo ang ugali ng kapatid mo. She's head over heels for that man. Patay na patay na para bang si Devega lang ang lalaki sa mundo. She attempted to harm herself when she heard that Kyle wanted to withdraw from their engagement. You know she's not in good health. So as much as possible, gusto kong bantayan mo ang lalaking iyan habang nandiyan sa Pilipinas. Ayaw kong may makarating na hindi magandang balita kay Clarisse." Umikot ang mga mata ni Logan sa inis. Binigyan pa siya ng alalahanin eh sandamakmak na nga ang mga trabaho niya. Kaya nga lumayo siya sa mga ito at nagsarili dahil ayaw niya ng masyadong drama sa buhay. "What's the catch?" nakangisi niyang tanong sa ama. He should've known that he's not doing it for free. Hindi libre ang serbisyo niya. Higit sa lahat ay hindi siya babysitter ng lalaking kasing edad niya. Nagngitngit naman ang mga ngipin ni George sa sinabing iyon ng anak. Gusto niyang singhalan ito at sabihing anak niya lang ngunit nang maalalang ganon din siya noong kabataan niya ay pinigilan niya ang sarili. "Anything you want. Basta siguraduhin mong hindi yan gagawa ng ikakasama ng damdamin ng kapatid mo. At balitaan mo ako palagi." Isang matagumpay na ngiti ang gumuhit sa mga labi ng binata. "Okay. Consider this as your debt for now. Love you, Dad," pang-aasar niya sa ama. "Oh shut up," anito sabay patay ng tawag na siyang ikinahalakhak niya.Dalawang araw ng bumabagyo at hindi siya makabalik sa kanyang apartment dahil doon. Walang biyahe ng bus o kung ano mang mga pampasaherong sasakyan pabalik ng siyudad.Napabuntong hininga si Sania at nangalumbaba sa bintana, pinapanuod ang bawat malalakas na patak ng ulan. Lunes ngayon. Ito ang araw ng interview niya ngunit heto siya at stranded sa kanilang bahay. Nakapaghanda pa naman na siya para sa araw na ito ngunit meron palang ibang plano ang tadhana para sa kanya. "Pasensya ka na talaga, apo. Hindi ka tuloy nakapunta sa interview mo dahil sa akin." anang Lola niya na tumabi sa kanya sa sofa. Bakas din sa mukha nito ang panghihinayang.Ngumiti siya dito upang ipasiguradong okay lang. Wala naman siyang sinisisi sa nangyari. Naiintindihan niya ang kagustuhan nitong makita siya dahil halos dalawang buwan na siyang hindi nakakadalaw sa mga ito. Ang mahalaga sa kanya ay makita itong malakas at malusog na."Huwag mo nang isipin iyon, 'La. Ang mahalaga ay magkakasama ulit tayo. Ayaw n
"What is happening to you, Logan? Hindi ka naman dating ganito," maktol ni Stacey nang walang pasabing umalis ang binata sa kanyang ibabaw.Pabagsak naman na humiga si Logan sa kama at mariin na ipinikit ang mga mata. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya naging ganito. He can't get hard. Damnit!Kahit anong pangroromansa ang ginawa sa kanya ni Stacey ay wala pa ring reaksyon ang kanyang pagkalalaki na siyang labis niyang ikinaiinis."Come on, Logan. Kating-kati na ako dito. Dalawang oras na tayo dito pero hindi mo pa rin iyan napapatayo," himutok ni Stacey sabay sulyap sa nasa pagitan ng binata. Malaki pa rin iyon sa kabila ng kawalan ng gana."Will you shut up? Sa tingin mo ba ay ginusto ko ito?" sikmat ni Logan sa babae. Ayaw niya sa lahat sa mga babae ay talak nang talak at puro reklamo. He was hard earlier before he met up with her. Ngunit nang nasa kama na sila ay biglang nawalan ng buhay ang alaga niya. Marahas niyang hinablot ang towel sa gilid, itinali iyon sa bewang at
Pagkauwi ni Sania sa kanyang apartment ay nagkalkal siya sa kanyang drawer ng damit na maaari niyang gamitin sa interview niya sa lunes. Biyernes pa lang ngayon pero dahil sa excitement niya ay gusto na niyang paghandaan iyon.Naibalik din naman sa kanya ang nahablot niyang bag sa tulong ng mga autoridad na siyang laking pasasalamat niya. Sa sobrang praning niya ay binilang pa niya iyon dahil baka may kumupit. Charot.Naupo siya sa sofa at muling inalala ang naging engkwentro niya kanina sa gwapong lalaki. Ang daming kadaldalan ang lumabas sa bibig niya pero hindi man lang niya natanong ang pangalan nito."Bestie, meron ka bang damit pang office diyan na nakatago? Hihiramin ko sana," tawag niya sa kaibigang si Carol. Wala siyang makitang magandang damit pang interview. Ngayon lang niya napagtanto na halos wala man lang siyang mabiling gamit para sa sarili. Karamihan sa mga damit niya ay sobrang luma na, kumukupas na ang kulay at ang iba naman ay may butas-butas na.Napakagat ng labi
"What happened?" tanong ni Logan nang marahas na tumigil ang sasakyan. Hindi siya nag-abalang tumingin kung ano ang nangyari at tutok lang sa hawak na cellphone, naiinis sa nabasang mensahe galing sa ina."B-Boss, may nabangga ata ako..." kinakabahan naman na wika ng driver na si Vince."Patay ba?" malamig ulit na tanong ni Logan na siyang lalong ikinaputla ng driver. Kahit kailan talaga ay walang pakialam itong boss niya."H-Hindi ko po alam. Teka at titingnan ko," natatarantang wika ni Vince. Akma na sana siyang bababa nang biglang tumayo ang babae at sinugod ang sasakyang kinalalagyan nila. Sa takot ay dali-dali siyang pumasok ulit at ini-lock ang kotse.Malakas na hinampas ni Sania ang salaming bintana at matalim na tinitigan ang driver mula sa loob. Parang sasabog ang puso niya sa matinding kaba sa nangyari. Hindi niya alam kung may sugat ba siya o ano pero wala na siyang pakialam doon."Hoy, bumaba ka diyan at harapin mo ako! Reckless driving ka ah. Muntik mo na akong sagasahan!
"Ate, huwag mo sanang kakalimutan yung kakailanganin kong tuition para bukas, ha? I love you!"Napabuntong hininga si Sania matapos mabasa ang text message galing sa nakababata niyang kapatid na si Yngrid. Exam kasi nito bukas kaya kakailanganin na nilang bayaran ang remaining balance nito sa paaralan. Fourth year college na nito sa kursong nursing. Sobrang gastos ng kurso na kinuha ng kanyang kapatid, pero dahil sa nakikita niyang kagustuhan nitong makapagtapos ay sinuportahan niya ito kahit na halos wala ng matira pa sa kanya.Ulila na silang magkapatid sa mga magulang at tanging ang lola na lang nila ang karamay nila sa buhay. Isa iyon sa dahilan kaya natigil siya sa pag-aaral. Highschool graduate lang siya at hindi na nakatungtong pa sa college sa kawalan ng pera at suporta. Kaya imbes na magpatuloy ay naghanap na lang siya ng trabaho upang mapag-aral ang kapatid. Nagbabalak pa rin naman siyang ipagpatuloy ang kolehiyo kapag nakatapos na ito, kaya kahit kaunti o barya lang ang







