INICIAR SESIÓNScarlet's PoVWALA akong imik habang nasa loob kami ng sasakyan ni Archer. Pakiramdam ko may malaking pader sa pagitan naming dalawa.Naiinis ako sa kanya.Ngunit ano ba ang karapatan ko para mainis?Hindi ba dapat matuwa ako dahil nagkakagusto na siya sa iba? Hindi ba dapat iniiwasan ko siya?Napatingin na lang ako sa bintana ng sasakyan ni Archer. Ibinaba ko iyon at saka ako huminga nang malalim.Hindi naman siya nagreklamo nang ibaba ko ang bintana ng sasakyan kahit na bukas ang aircon.Tumikhim si Archer sa tabi ko. Hindi ko siya nilingon.“Buo pa rin ang sahod na matatanggap mo sa pagtratrabaho sa kompanya ko. Itra-transfer ko iyon sa bank account mo,” seryosong sabi nito sa akin.“Salamat, sir.” Napipilitang sabi ko sa kanya. Ayoko namang isipin niya na iniiwasan ko siya.“May two weeks kayo ni Anya para mag-stay sa vacation house. Alam mo naman siguro na hanggang ngayon grounded pa rin siya. Magiging busy ako sa business meetings ko kaya hindi ko siya mababantayan. Makakaasa na
Scarlet's PoV“Sir?” Inaantok na tanong ko rito. Bigla itong tumigil sa pagbaba ng mukha at naramdaman ko na linayuan niya ako.“Ano ba ang iniisip mo? Hindi ko sinabing matulog ka dito. Sumabay ka na sa akin.”Nagmadali naman akong tumayo. Napatingin ako ng oras sa cellphone ko. Ala una pa lang naman. Ilang oras ba akong nakatulog? Two hours?Nasapo ko ang noo ko at napailing.Napuyat ako kagabi dahil kung ano-ano na lang ang nasa isip ko.Masiyado kasi akong selos@.Muli kong sinapo ang noo ko at tinapik pa ang pisngi ko. Hindi ko napansin na nakahinto sk Archer sa harapan ko kaya muling tumama ang kamay ko sa kanyang matigas na likod.Muling tumikhim ito at dahan-dahan na hinarap ako.“Scarlet, in love ka na ba ulit?”Mabilis akong napatingin sa kanya. Tiningala ko siya iyon nga lang nakayuko siya sa harapan ko kaya naman sa ginawa ko muling nagdampi ang aming mga labi.Mabilis akong umatras pero nahawakan niya ang bewang ko na kaagad din Naman niyang binitawan.“Kung palagi mo iya
Scarlet's PoVSUMUNOD ako kay Archer patungo sa office niya. Wala akong ideya kung bakit siya galit. O kung totoo na bad mood siya tapos sa akin niya ibubunton.Humaba ang nguso ko habang nakasunod ako sa kanya.Hindi ko napansin na bigla siyang huminto.“Aray ko naman!” pagrereklamo ko dahil nauntog ako sa matigas na likod niya. Grabe ang katawan nito parang bato.Nagpatuloy si Archer sa paglalakad. Wala ba siyang pakialam sa akin? Hindi na ba kami close?Naiinis na sinundan ko siya sa loob ng opisina niya. Nagtungo siya sa kanyang mini refrigerator at inabutan pa ako ng malamig na tubig.“Oh, pampakalma.”Naiinis na tinanggap ko iyon. “Sir, kung may problema po kayo dito sa office huwag ninyong ipasa sa akin. Kung naiinis kayo dahil sa ka-date ninyo huwag po ninyong dalhin dito sa trabaho.”Nagsalubong ang kilay nito. “Ano?!” bulyaw pa niya sa akin na halos ikabingi ko.May regl@ ba ngayon si Archer?“Easy!” Iniabot ko sa kanya ang malamig na tubig na ibinigay niya sa akin. “Malamig
Scarlet's PoVPINILI kong mag-enjoy kasama ang mga bago kong kaibigan. Ang nasa isip ko kaya ako sumama sa kanila ay para mag-relax, gusto kong mag-chill at kalimutan ang mga problema ko.May mga bagay din akong gustong kalimutan pansamantala. Ang feelings ko para kay Archer at ang nararamdaman mong guilt dahil sa pagsisinungaling ko kay Anya. Habang tumatagal, at habang nakikilala ko si Archer lalo lang akong nahuhulog. At kapag nangyari iyon nang tuluyan masisira ang pagkakaibigan namin ni Anya.Nandito ako ngayon sa may bar counter habang ang mga kaibigan ko na sina Ate Venice at Andeng ay may mga kasayaw na na mga lalaki at medyo lasing na rin ang dalawa. Nakapangalumbaba naman ako sa may bar counter hanggang sa may lumapit sa akin na isang lalaki.Tinignan ko siya at napakunot na lang ang noo ko dahil pamilyar siya sa akin.“Scarlet, right?” Umupo siya sa tabi ko at inilahad pa ang isang kamay. “I'm Wade Acosta, ako iyong nakausap mo na dati sa chat.” Nagkamot pa ito ng batok dah
Scarlet's PoVPANAY ang ring ng cellphone ko ngunit hindi ko iyon sinasagot. Alam ko na kanina pa ako tinatawagan ni Anya at alam ko rin na papagalitan niya ako dahil hindi ako nakipagkita kay Wade.Nandito ako ngayon sa harap ng isang burger stand at nag-order ng dalawang burger. Pagkatapos nang nangyari kanina sa office pakiramdam ko kailangan kong kumain ng marami para may lakas ako bukas. Iniisip ko na nga rin na mag-resign.Nagtungo ako sa may lamesa na nasa gilid ng daan at doon nagsimulang kumain. May mga kasama naman ako na kumakain din ng burgers sa gilid ng daan. Ako nga lang iyong single at nag-iisa sa isang tabi.Habang kumakain ako ng burger ay may lumapit sa akin. Hindi ko naman siya pinansin sa pag-aakalang customer lang.“Hinahanap ka sa akin ni Anya.” Sa boses pa lang nito bigla akong natigilan.Nag-angat ako ng tingin at tumingin dito. Nakangiting sa akin ang guwapo at hot na hot na daddy ng best friend ko.Ipinagpatuloy ko ang pagkain ng burger. Iniwasan ko na lang
Archer's PoVHINDI ko alam kung maiinis ba ako o maasar ako kay Scarlet. Nakatingin lang ako sa kanya ay pinapanood ko siya na nakaupo sa working table niya at nakikipag-usap sa mga working mates niyang lalaki.Friendly si Scarlet kaya madaling makasundo ng mga co-employees niya.Nilapitan ako ni Digna at tumingin din siya sa gawin ni Scarlet. “Boss, wala ba siyang ibang gagawin?”“Nagawa na niya ang lahat ng mga trabaho niya.”Ibinaling ko sa kanya ang aking tingin at nagtaas ako ng isang kilay. “Ikaw ang may kailangan gawin, hindi ba? Iyong mga papers na ipinapakuha ko sa iyo sa legal team. Kailangan ko na ang mga iyon bukas.”Napalunok si Digna at saka tumikhim. “Y-Yes, boss.” Napahiya iyong tumalikod sa akin.Isinandal ko naman ang likod sa swivel chair ko at hindi na lang tumingin sa kinaroroonan ni Scarlet. Mula sa opisina ko kitang-kita ko ang ginagawa nito. Ngunit hindi nila ako makita sa loob ng opisina ko dahil tinted ang salamin.Nakita ko na nilapitan ni Digna si Scarlet.







