Home / Romance / Desiring My Runaway Billionaire Uncle / Chapter 8: At Least She's Trying

Share

Chapter 8: At Least She's Trying

last update Huling Na-update: 2025-12-01 14:40:25

Islaine's Point of View

“Kanina ka pa ba nagising?” tanong sa akin ni Uncle Nereus nang makapasok siya sa loob ng bahay. Nang makita ko siyang bumaba sa bangka at naging abala roon, pumasok na ako. Ayaw kong isipin niyang binabantayan ko siya o hindi kaya ay hinihintay ko ang pagdating niya.

Nandito ako sa tapat ng mesa, nagpupunas. Hindi ko na mabilang kung ilang punas ko na itong nagawa. Nakatutok ang mga mata ko sa basahan, pero dahan-dahan din itong naglakbay patungo kay Uncle Nereus nang marinig ko ang tanong niya.

Hindi pa rin siya nagdamit. Nakasabit lang iyon sa balikat niya. Ngayon ay mas nakikita ko nang malinawan ang detalye ng brusko niyang pangangatawan. Tinapunan ko ng tingin ang kamay niyang may bitbit na balde. Ang laki ng braso niya at maugat.

Para akong napapitlag nang mapatikhim siya. “Islaine?”

Napatikhim din ako at saka napalunok. Kagyat lang akong napatingin sa kaniyang mukha. His brows met each other, forehead creasing.

“A, kanina pa po,” sagot ko na lamang at t
thegreatestjan

Ito talagang si Islaine, kung ano-ano ang iniisip. Maligo ka kaya 'te? hahahaha

| Like
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Desiring My Runaway Billionaire Uncle   Chapter 8: At Least She's Trying

    Islaine's Point of View“Kanina ka pa ba nagising?” tanong sa akin ni Uncle Nereus nang makapasok siya sa loob ng bahay. Nang makita ko siyang bumaba sa bangka at naging abala roon, pumasok na ako. Ayaw kong isipin niyang binabantayan ko siya o hindi kaya ay hinihintay ko ang pagdating niya.Nandito ako sa tapat ng mesa, nagpupunas. Hindi ko na mabilang kung ilang punas ko na itong nagawa. Nakatutok ang mga mata ko sa basahan, pero dahan-dahan din itong naglakbay patungo kay Uncle Nereus nang marinig ko ang tanong niya.Hindi pa rin siya nagdamit. Nakasabit lang iyon sa balikat niya. Ngayon ay mas nakikita ko nang malinawan ang detalye ng brusko niyang pangangatawan. Tinapunan ko ng tingin ang kamay niyang may bitbit na balde. Ang laki ng braso niya at maugat.Para akong napapitlag nang mapatikhim siya. “Islaine?”Napatikhim din ako at saka napalunok. Kagyat lang akong napatingin sa kaniyang mukha. His brows met each other, forehead creasing.“A, kanina pa po,” sagot ko na lamang at t

  • Desiring My Runaway Billionaire Uncle   Chapter 7: First Morning

    Islaine's Point of View I could feel the weight of my eyelids upon opening my eyes. Kahit na tinatamad pa, napabangon na ako at napahawak sa aking tagiliran dahil sa sakit ng aking katawan. I have nothing to blame but this bed. Gawa ito sa kahoy at parang napaglipasan na ng panahon ang banig dito. Pero mas maayos na rin ito kumpara naman sa labas kung saan natulog si Uncle Nereus. Inayos ko muna ang aking hinigaan. Tinupi ang kumot at saka ipinatong sa ibabaw ng unan bago lumabas ng kuwarto. Alam kong umaga na dahil mainit na, pero medyo madilim pa rito sa loob dahil nakasirado pa ang lahat. Si Uncle Nereus naman ay tiyak akong nasa dagat na. Isa na siyang mangingisda, iyon ang sinabi niya sa akin kagabi. Pinaalalahanan niya rin ako na huwag magkuluwento sa kahit sino ng tungkol sa marangyang buhay na mayroon ang pamilya namin. Nagtungo muna ako sa may radyo at kinuha ang maliit at pabilog na salamin. Mugto pa ang aking mga mata at ang buhok ko naman ay medyo makalat—buhaghag. Inayo

  • Desiring My Runaway Billionaire Uncle   Chapter 6: His Usual Routine

    Nereus Point of View Napamulat ako ng aking mga mata nang marinig ang pagtilaok ng mga manok. Kaagad akong napabangon at pansamantalang napaupo sa papag na siyang tinulugan ko. Dito ako sa labas ng kuwarto natulog, samantalang nasa loob naman si Islaine. Bahagya akong napainat at napahawak sa aking likuran. Masakit sa likod ang papag. Parang nangalay din ang mga hita ko dahil hindi naman malapad ang papag—mahabang upuan lang ito. Napatayo na ako at saka binuksan ang solar lamp na nakalagay malapit sa radyo. Maging ang radyong de baterya ay binuksan ko na rin. Alas kuwatro pa lang ng umaga at kapag ganitong mga oras, walang kuryente. Tuwing ala una ng hapon hanggang ala una ng madaling araw lang may kuryente rito. Naririnig ko na sa labas ang tila bulungan ng mga kalalakihang nag-uusap. Bagong umaga na naman, pero walang bago para sa mga katulad naming mangingisda. Gigising ng maaga at pupunta sa laot. Paulit-ulit, walang bago, pero puno ng pag-asa at saya. Habang tumutugtog ang Mag

  • Desiring My Runaway Billionaire Uncle   Chapter 5: Doesn't Belong Here

    Nereus Point of View“Tumakbo ka sa iyong kasal?” Hindi makapaniwala kong sabi nang magtapat si Islaine kung bakit siya narito. Napabuntong-hininga na lang ako at napahawak sa aking noo. “Bukas na bukas, kailangan mong bumalik sa inyo.”Kaagad siyang napailing at humakbang palapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. Her hands were soft like cotton. Mas lalo lang ding nangibabaw ang kaputian niya nang mapahawak siya sa pulsuhan ko.Mula sa kaniyang kamay, naglakbay ang aking mga mata papunta sa kaniyang mukha. Kahit ayaw kong pansinin ang kagandahan niya, mahirap iyon ibalewala. Bumabagay lang ang kaniyang wavy na buhok sa mapungay niyang mata, matangos na ilong, kulay roses na labi at maliit na mukha. Pasimple naman akong napalunok nang bumaba ang aking titig sa napakalaking umbok sa kaniyang hinaharap. I know I shouldn't feel awkward, but I am too caught off guard for this. Not to mention that her cleavage is waving at me.“Uncle Nereus, ayaw ko nang bumalik doon. There's no way I'

  • Desiring My Runaway Billionaire Uncle   Chapter 4: The Runaway Billionaire Uncle

    Islaine's Point of ViewHindi pa tuluyang nakalubog ang araw kung kaya'y nakikita ko pa rin ang mukha niya. Hindi ako sigurado kung si Uncle Nereus ba talaga ito dahil hindi siya umimik nang sambitin ko ang pangalan niya. Kung boses ang pagbabasehan, alam kong si Uncle Nereus ko ito. Kabisado ko ang mababa, seryoso at ma-awtoridad niyang boses. Pero ang mukha niya—ang buong hitsura niya, ibang-iba sa Uncle Nereus na kilala ko.Ang dating maputi nitong balat na palaging nagtatago sa likod ng kaniyang suit at airconditioned na office na ay biglang naging kayumanggi. Iyon talaga ang una kong napansin. I wonder what he has been doing that made his skin more Filipino-looking. Ang kaniyang buhok naman ay katamtaman lang ang haba at tila hindi rin nasuklay nang maayos. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang ilang puting hibla ng kaniyang buhok.But then his black and commanding eyes were still there. Expressive yet authoritative. Siya ang tipo ng taong kaya kang kunin sa simpleng tingin.

  • Desiring My Runaway Billionaire Uncle   Chapter 3: Isla del Deseo

    Islaine's Point of ViewIt's been two hours since I ran away. May isang oras pa na biyahe bago ako makarating sa port kung saan naghihintay ang private yacht ng kakilala ni Auntie Nympha. Sa palagay ko, alas tres na rin ng hapon. Bukod kasi sa ala una dapat ang kasal namin, pansin ko ring tilang hindi na ganoon kaliwanag ang araw.Napaisip akong tawagan ngayon si Auntie Nympha. Pero kung bubuksan ko ang aking cellphone, baka maunahan pa akong matawagan nina mommy bago ko matawagan si Auntie Nympha. Hindi pa kasi ako nakakapagpasalamat uli sa kaniya. Hindi ako makakatakas sa kasal na iyon kung ako lang.Panay tingin ako sa likuran ko kung may kahina-hinala bang nakasunod sa amin, pero wala naman. Kung sa bagay, ang alternative route na pili lang ang dumaraan ang dinaanan namin. Isinandal ko ang aking noo sa bintana ng sasakyan at napapikit.After arriving at the port, the private yacht will take me to another port, Bancalan Port, which will take a one-day trip. Pagkarating sa port nama

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status