Share

Capitulo 6

 

 

NAKATUON ang seryosong mga mata ni Alvaro sa hawak na papel. Iyon ang results na binigay ng kinuha niyang private investigator para mag-usisa sa katauhan ni Alexa Monserrat.

Nakasaad doon na walang ibang kuwestiyonableng pag-aari ang babae. Nakatira ito sa isang maliit na boarding house kasama ang isang roommate na babae. Ang ina at nakababatang nitong kapatid na babae ay nakatira sa isang lumang bungalow na bahay sa Tarlac. Naging breadwinner ng pamilya simula noong mamatay ang ama apat na taon na ang nakalilipas. Marami pang ibang nakasulat sa makapal na kumpol ng papel kasali na ang basic profile information at araw-araw nitong routine sa loob ng isang buwang pagmamanman.

Wala na bang napiga ang private investigator? He made sure to get the service from a large company para maiwasan ang pagpalya. Kung totoo na walang relasyon ang daddy niya at ang babae, ano iyong nadatnan niya sa opisina? Kataka-taka ang hitsura ng silid pagkapasok niya, with all the scattered pap
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status