Share

CHAPTER 7

-Jaxxon Kade's-

Hindi mawala-wala sa isip ko ang magandang mukha ni Dianne. Kahit na gulat na gulat ito nung malaman niya na magkatabi lang kami ng unit. Simula nun ay itinigil ko muna ang paglalagay ng rosas sa labas ng kanyang pintuan. Mahirap na baka mabuko agad ako! Pero panay parin ang pag t-txt ko sa kanya,hindi man ito nag rereply pero alam kong nababasa niya yun.

Andito ako ngayon sa clubhouse dahil nagyakag na makipag-inuman ang tatlo kong wasalak na mga kaibigan. Walang sawa sa alak in short. Mas pinili ng tatlo na dito malapit sa swimming pool area uminom dahil sa mga mukha itong babaero. Yes! Mga walang sawa na sa alak! Mga walang sawa pa rin sa babae. Mabuti nalang talaga hindi ako belong sa kanila. I mean goodboy ako, iisang babae lang palagi ang gusto kong makita at makasama. Not now but soon! Speaking of my friends. Solid kaming apat since Highschool hanggang sa nag College na kami. Pare-parehas kaming may mga ayos na kapalaran sa buhay. Mga babaero man ang tatlo pero may pag ka pusong mamon din naman ang mga ito dahil bawat kompanya nila ay may Charity sila na tinutulongan. Yes! Hindi sila mga barumbado, may mga sarili na silang negosyo na hina-handle katulad ko. They are perfect pagdating sa kanilang trabaho. Kaya nga nababansagan kaming 'The Quadruplets'

"Bro! Diba si Krystal yun? Yung ex mong sexy!" Walang prenong pagkaka-sabi ng kaibigan kong si Kelton. At talaga walang humpay pa niyang tinuturo si Krystal kung kaya't nakita din siya nito. Shit! Mahina kong mura dahil papunta si Krystal kung saan kami nakapwesto.

"Gago ka talaga bro! Iritado kong sita kay kay kelton na siya namang ikinatawa ng mahina ni Quinn. Palibhasa crush nito si Krystal. Ewan ko kung bakit hindi pa pinopormahan eh halata namang gusto ng kumag.

"Bakit bro? May magagalit ba kapag kinausap ka niya? Eh wala ka nga girlfriend o pinopormahan man lang. Pang aasar na sabi ni Quinn. 'Hindi niyo lang alam! Matagal na akong may mahal. Di nga lang ako kilala! Saklap!'

Ni minsan hindi ko sinasabi sa kanila na may nagugustuhan akong babae. Hindi dahil sa hindi sila mapagkakatiwalaan. Ayaw ko lang talaga na pagtawanan nila ako. Alam na alam ko ang bawat takbo ng isip ng mga yun. Kaya mas pinili kong ilihim sa kanila. Gugulatin ko nalang sila na may girlfriend na ako.

"Hey Guys! Bati sa amin ni Krystal. Hindi namalayan na nakaupo na pala ito sa tabi kong silya.

"Hello Krystal." bati nang tatlo,muntikan pa silang mag sabay ng pag bati. Hindi ko pinansin si Krystal kaya siya parin ang unang bumati sa akin.

"Hey! Jaxx.. Long time no see." Bati nito at mabilis na ininom ang beer na binigay sa kanya ni Jersey.

"Hi!" Walang ka buhay-buhay kong sagot sa kanya. Rinig kong napahalakhak ang tatlo kaya mabilis ko silang sinita.

"Shut up! Bastards!" Sita ko sa tatlong kumag.

"Why so serious Jaxx." Sambit ni Krystal sabay himas nung kamay ko na nakapatong sa taas ng lamesa.

"Im not in the mood to talk Krys! Talk to them instead of me!" Pasuplado kong untag sa kanya at dahan-dahan kong tinanggal ang kanyang kamay na nakapatong parin sa aking kamay. Nakita kong napapa-iling nalang ang tatlo kaya tinaasan ko sila ng isa kung kilay. Imbes na lumayo sa akin si Krystal ay sinadya pa talaga niyang iusod palapit sa akin ang kanyang upuan. Kulang nalang ay mag dikit na ang aming mga balat. Wala naman na akong magagawa kaya pinabayaan ko nalang. Itunuon ko nalang ang aking atensyon sa hawak kong baso na may lamang beer at pa minsan-minsang iniinom.

Naging girlfriend ko noon si Krystal nung time na sinagot ni Dianne yung gagong Ian. Hindi ako naging seryoso sa pakikipag relasyon kay Krystal. Panakip butas kumbaga. Never ko siyang ginalaw kahit madalas niya akong inaakit. Dala lang siguro ng selos kaya niligawan ko siya. Nasa England kami noon dahil naging mag kaklase kami ni Krystal noon. Nakipag break ako sa kanya nung time na nalaman kong nag break na si Dianne at nung gagong ex niya. Hindi matanggap ni Krystal nung nalaman niya na trip ko lang siya jowain that time, siya ang unang nagpakita ng motibo sa akin kaya hindi niya ako masisisi sa ginawa ko. Yun nga lang ang pinag-iba dahil na tutunan niya akong mahalin. Kaya hanggang ngayon nag papapansin parin ito sa akin at binabaliwala ko nalang.

Patuloy pa rin sa pakikipag kwentohan ang tatlo kay Krystal at ako naman ay tahimik lang na umiinom dito sa tabi. Nakikipag kwentohan din naman ako kaso wala lang talaga ako sa mood ngayon. I don't know why baka siguro ay hindi ko pa nakikita si Dianne dahil sa tatlong mokong na'to.

Iinumin ko na sana ang hawak-hawak kong beer ng biglang may sinabi at tinuro si Quinn. I don't mind kaya pinagpatuloy ko ang pag tungga ng beer na hawak ko.

"Look! Bro! She's pretty." Dahil na curious ako ay napatingin na din ako dun sa babaeng kasalukuyang tinuturo ni Quinn. At basta nalang nag salubong ang dalawa kong kilay nang mamukhaan ko ang babaeng tinutukoy ni Quinn. Si Dianne!

'Yung Babe ko! Damn it! No.. Not my Dianne Bastards!'

Ano ba kasi ang ginagawa niya dito? Tapos nakasout lang ito ng short at pinarisan ng v-neck na blouse na hapit na hapit sa kanyang katawan. 'Fuck!' at hindi rin maiwasan na may mapapatingin sa kanyang makikinis na hita.

'Shit! That damn shorts! Bibilhan talaga kita ng sandamakmak na pajama at jacket.' Pabulong akong nag mura kung kaya't sabay silang napatingin sa akin.

"What bro? Do you know her?" Diretsong tanong sa akin ni Jersey kaya lalong nag init ang aking ulo. Interesado yata ang gago!

"What's her name then?" Tanong pa ulit ni Jersey. 'Damnit!'

Ano ba kasi ang ginagawa niya dito sa clubhouse, may kausap ito sa cellphone at dito pa talaga siya nakaharap sa gawi namin. Kaya naman kitang kita talaga ang maganda at maamo nitong mukha.

'Oo na! Pinagdadamot ko siya kahit hindi ko pa siya pag-aari!'

"I will kill you If you approach her and ask what's her name." Pananakot ko sa kanila. Pero hindi man lang natinag ang mga loko, kaya naikuyom ko nalang ang aking isang kamay. Napatingin naman ako kay Krystal dahil tahimik itong nakatingin sa direksyon ni Dianne ngunit nakataas ang isang kilay nito na para bang hindi sang-ayon sa sinabi kanina ni Quinn.

"Relax dude! Relax.. tinatanong lang namin. Kung maka-react ka naman jan kala mo boyfriend ka. Never kang magugustuhan nun kung sakali. Sa suplado mong 'yan! Allergic kapa sa babae." Pamimilosopo sa akin ni Kelton at sabay pa ang tatlo sa pag halakhak. Napapailing nalang ako at sunod-sunod na ininom ang beer na hawak ko.

'Hindi niyo lang alam! Hindi niyo alam na Babe ko yan. She's Mine! and i will do everything just to make her mine. Mine Alone! And you will be surprised that we are already married.'

"She is Maxine's Best Friend. And what I know is.. that she is no longer available. She's off Limits."

'You better back off idiots.'

Kilala nila ang kapatid kong si Maxine at alam na alam nila ang ugali nito. Kaya hindi uubra kay Max ang mga kalokohan ng tatlong 'to dahil alam ng kapatid ko kung gaano ka tinik sa mga babae ang mga mokong. 'Ako lang ang Goodboy at loyal sa aming apat.'

Hindi ko sukat akalain na dito dadaan si Dianne sa mismong katabi ng cottage namin dahil may short-cut na daan dito palabas ng clubhouse. Kitang kita ko kung paano napatawa ng lihim si Kelton at Quinn pati na rin si Jersey kahit kausap nito si Krystal.

"What?" Tanong ko sa kanila na ikina-iling naman nila sabay pilyong naghalakhakan. Imbes na pansinin ulit ay pinag tuunan ko nalang ng pansin ang beer kong hawak at mabilis na ininom.

Nang malapit lapit na sa amin si Dianne ay umayos ako ng upo at tumikhim ng mahina. Hi! Narinig kong sambit ni Jersey kay Dianne kung kaya't napatingin din ito bigla. Walang emosyon niya itong tinapunan ng tingin si Jersey. Lihim akong napatawa. Ngunit nagulat ako nang lumipat sa akin ang tingin ni Dianne. Nag palipat lipat ang tingin niya sa amin ni Krystal at doon sa kamay kong kasalukuyang nakapatong sa taas ng sandalan ng inuupuan ni Krystal. Medyo nag iba ang ekspresyon ng kanyang mukha nang makita niyang dahan-dahan na humilig sa aking dib-dib si Krystal.

'No Babe.. mali ang iniisip mo.

Fuck you Jaxxon!' Palihim kong minumura ang aking sarili.

"What are you doing here Dianne? It's late and you shouldn't be going out."

Lumunok muna ito bago nag salita. "Galing ako sa 7/11 may binili lang. Staka m-may tumawag sa akin kaya doon ko banda naisipang pumwesto kasi doon medyo malakas ang signal..Si-sige mauna na ako.."

'Damn you're so cute babe while explaining.'

Nauutal-utal nitong paliwanag sa akin at tuluyan na kaming nilampasan. Tumikhim ako para agawin ang atensyon ng tatlo na kasalukuyang habol ang tingin kay Dianne habang papalayo sa amin. 'Babe ko yun mga gago!' Halos mag sabay pa silang tatlo na tumingin sa akin. Kaya tinaasan ko sila ng isa kong kilay na parang nag tatanong ako. Nag kibit balikat nalang si Kelton.

"So she is Dianne. Nice name huh?" Sambit ni Quinn. Hindi naman nag komento ang dalawa at si Krystal naman ay tahimik lang din na umiinom ng kanyang beer.

*********************************

I can't believe that we have been dringking for almost 2 hours. Medyo lasing na ako kaya iniwan ko na sina Kelton, Jersey at Quinn kanina pa nakaalis si Krystal pero may tatlong babae naman na pumalit sa kanya kaya ganado parin na makipag-inuman ang tatlo. Wala akong sa mood na uminom kaya mabilis akong tinalaban ng kalasingan.

Im on my way to my unit when I saw Dianne standing infront of her door. Parang may tini-txt pa ito bago pumasok, tuloy-tuloy lang ako sa aking paglakad na parang pakiramdam ko'y nahihilo na ako dulo't ng pag-inom. 'Shit!'

Tumikhim muna ako bago ko dinukot ang susi sa aking bulsa habang ang isa kong kamay ay nakatukod sa hamba ng pintuan habang sapo-sapo ang aking noo dahil pakiramdam ko masusuka na ako. Nakuha ko pang tingnan si Dianne at nayamot na naman ako nang makita ang sout nito. 'Damnit!'

"Next time don't wear that fucking shorts when you going outside. Wear pants instead." Pasuplado kong sabi sa kanya habang sinisinok-sinok. Gulat naman itong napatingin sa akin at inayos ang kanyang tayo.

'Wag mo ako tingnan ng ganyan Babe..marupok ako pag dating sayo.'

"Huh? A-ano bang problema mo sa sout ko? Pakialamero ka talaga. Hindi nga kita pinakialaman na nakikipag-inuman ka dun kasama ang babae mo." Yamot nitong sabi sa akin sabay pihit ng door-knob upang pumasok. Nang makita kong isasara na nito ang pinto ay mabilis akong humakbang para iharang ang aking kamay doon sa naka-awang na parte ng kanyang pintuan,at dahil malakas ako ay tuluyan na nga itong bumukas at mabilis ang kilos ko para pumasok doon. Hindi na ako nag abala na igala ang aking mga mata sa loob ng condo nito dahil kabisado ko bawat sulok nito. 'Syempre sa akin 'to dati. Pero noon yun! Ngayon sa aking mahal na.'

"Hu-huy! A-anong ginagawa mo Kade"

Dire-diretso akong nag tungo sa sofa para sana humiga. "Inaantok na ako Babe.." Lasing na talaga ako.

"A-anong B-Babe ang pinagsasabi mo jan! Bumangon ka nga jan! Ayyy kabay—"

Hinila ko ang kanyang kamay kaya walang preno siyang napayakap sa akin ngunit mabilis nitong naitukod sa aking dib-dib ang kanyang dalawang malalambot na palad. Samantala ang aking dalawang kamay ay naka-hawak naman sa kanyang bewang kaya wala itong lakas para kumawala dahil pwersa ko itong pinipigilan. Dahil sa pwesto namin ay wala akong lakas para maglikot, isang galaw ko lang masasagi niya ang kaibigan ko. 'Damn you Jaxxon! Ano bang pinag gagawa mo! Lasing kana talaga.' Kastigo ko sa aking sarili.

Nakita kong namimilog ang mga mata ni Dianne habang nag pupumiglas para makawala sa yakap ko. Tumikhim ako kaya mabilis siyang napatingin sa akin,nakaawang ang kanyang mapupulang mga labi kaya walang pakundangan ko siyang hinalikan. Nakita ko kung paano namula ang kanyang mga pisnge at tulala parin na nakatingin sa akin. Nang mahismasan ako ay ako din ang naunang kumalas. "I'm sorry Babe.. I can't help it." Bulong ko sa kanya ngunit mabilis niya akong tinulak kaya napahiga na ako ng tuluyan sa sofa. Mabilis itong nag tungo sa kanyang kwarto at malakas na naisara ang kanyang pintuan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status