Share

Destined To Be With You
Destined To Be With You
Author: Grace7en

CHAPTER 1

-Dianne's-

Isang umaga habang ako'y abala sa aking paglalaba may isang tao na bigla nalang ako ginulat.

"Ay butike! Ano ka ba naman Maxine! Ano'ng ginagawa mo dito?"

Sabi ko sa kanya sabay lingon sa aking likuran at kita ko agad ang nakakaloko nyang ngiti.Ngunit ang kaninang ngiti ay napalitan ng yamot nung tinapunan ko siya ng bula ng sabon sa kanyang mukha.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito? Sabay baling ko sa pintuan at baka andun si mama. Alam mong mainit ang bait sayo ni mama ngayon dahil sa pag layas nating dalawa kagabe na hindi man lang nag paalam."

"Eh kasi naman Dianne yung boyfriend mong si Ian panay ang chat saken. Bakit daw hindi ka nag o-online. Sige na bye! Baka maabutan pa ako dito ni tita at masabon pa ng bareta itong maganda kong mukha. Mag online kana muna at siguradong nag da-dragon na yun sa galit ang jowa mong......ah basta.!"

By the way, she is Maxine Claire Ibarra. She is my Best friend, she's a damn pretty at may kaya sa buhay. Ang pagkaka-alam ko ay nag-iisang anak si Max. Full support siya sa akin kahit sa pag bo-boyfriend ko ng biglaan. Ngunit galing din sa broken family kung kaya't magkasundo kami since High School. At siya ang may alam lahat ng mga sikreto ko sa magulo kong buhay.

At ako naman si Dianne Ace Reyes, 25 years old. Isang mahirap na nilalang sa mundong ibabaw na pinagkaitan ng masaya at boung pamilya. Kung kaya't pati pag no-nobyo ko hindi ko man lang pinag isipan ng mabuti bago ko pasukin ang tinatawag nilang pakikipag relasyon.

Agad kong binuksan ang data ng aking cellphone at doon na lamang ang gulat ko nang sunod-sunod na nag pop-up ang mga missed calls at ilang chat message ni Ian. Ano naman kaya ang problema nang taong 'to. Sabay pindot ko sa keyboard para mag reply sa kanya.

"Hi mahal, naglalaba ako kaya hindi ako naka-kapag online pa."

Sabay baba ko ng aking cellphone ngunit hindi ko pa naman naii-baba ay tumunog na ulit hudyat na nag reply na ang aking mahal.

Ian:

“Magkita tayo mamaya 7:30 sa dating tagpuan.”

"Okay mahal,see you later. Loveyou!"

Hindi na siya nag reply kaya bumalik na ulit ako sa paglalaba at baka maabutan pa ako ni mama at pagalitan na naman ako.

Mahal ko si Ian ngunit hindi yung tipong luluhudan ko para masabing mahal ko talaga. Andun yung kilig sa tuwing magkasama kami, tuwing magkahawak kamay namin. Pero minsan napapaisip ako kung masaya ba ako sa kanya? Na kuntento ba talaga ako sa pagmamahal niya? Basta ang alam ko lang ay napapamahal na ako sa kanya yung tipong sakto lang, walang labis walang kulang kumbaga.

Kasi minsan hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi ko maramdaman ang sinasabi nilang inlove! Yung sabik ka lagi na makita siya,hinihintay mo lagi ang tawag niya. Yung tipong makita mo palang siya duma-dagundong na sa kaba ang puso mo na parang aalpas na sa sobrang saya. Yung mga ganun.

Ah basta! Mahirap i-explain anteeh!

Hapon na nang matapos ako sa aking paglalaba at si mama naman ay nasa kanyang kwarto at nag papahinga dahil kararating niya lang galing sa palengke para mag tinda ng mga isda.

Oo isang magtitinda ng isda ang aking mama at may sarili kaming puwesto doon sa merkado. Kaya ganun nalang ang aking pasasalamat kasi kahit papaano ay nakapagtapos ako ng High Shool kahit mag isa lang si mama.

Ibig kong sabihin siya lang ang nag hahanap buhay para matustusan ang pag aaral ko.

Nag iisa akong anak kaya kahit papaano ay napag tapos ako ni mama kahit high school lamang.

Ang papa ko? Yun ang hindi ko alam kung saang lupalop siya ng mundo naroon. At wala akong balak na hanapin siya. Sabihin na nilang masama akong anak, pero hindi nila ako masisisi kung ganon na lamang ang pagkasuklam ko sa aking ama.

Kaya kahit nung nag aaral pa ako simula First Year ay tumutulong na ako kay mama sa pamamagitan ng pag sa-sideline ko minsan sa isang shop. Xerox operator ako doon at tuwing sabado at linggo lang ang pasok ko.

"Ma alis po muna ako. May pupuntahan lang po kami ni Maxine. Nag papasama po si Max sa kabilang bayan, tatagpuin niya daw po kasi ang kanyang papa."

Hindi ko na hinintay ang tugon ni mama at baka nakatulog na.Atleast nag paalam ako kahit hindi niya rinig, sabi ko sa aking sarili.

Hindi alam ni mama na may boyfriend ako. Kaya lagi si Maxine ang dahilan ko sa tuwing magkikita kami ni Ian. Alam din ni maxine yun kaya to the rescue siya lagi. Isang taon na pala kami ni Ian at sana stay strong sa amin dahil araw-araw kaming nag babangayan.

Sumakay na ako ng jeep para pumunta sa tagpuan namin ni Ian. Habang nasa byahe ako ay nag txt ako kay Maxine na tatagpo ako ngayon kay Ian at sinabi ko din sa kanya kung ano ang sinabi ko kay mama na dahilan at baka gabehin ako sa pag uwi, kaya siya na muna ang bahala para lusotan ang kalokohan ko sa buhay.

Malapit na ako sa meeting place namin ni Ian kaya hindi na ako nag chat sa kanya kahit online naman siya. At nakababa na nga ako sa jeep at dumiretso na agad ako sa cafeteria kung saan kami lage nag kikita.

Papasok na ako at kita ko na agad si Ian kahit nakatalikod ito ay alam kong siya yun dahil sa clean-cut niyang gupit at malapad niyang likod. Ngunit nagulat ako dahil may kaharap itong maganda at sexy na babae at alam kong wala akong panama doon.

Bigla akong nanglambot kaya nagpalamig nalang muna ako dito sa labas ng cafeteria,antayin ko nalang na makaalis yung babae bago pumasok. Ewan ko kung sino yung babae na yun. Baka kaibigan o kaklase ni ian,pero bakit parang ang seryoso naman yata ng pinag uusapan nila? Tanong ko sa aking sarili sabay upo.

Si Ian ay matanda sa akin ng dalawang taon at kaklase ko siya noong Third Year High School kami.

Ian Emannuel Antenor ang totoo niyang pangalan. Kaka-graduate lang namin ng High School at nag aaral din siya ngayon sa isang sikat na Private University dito sa aming lugar sa Cebu.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status