Share

Destined to Forever
Destined to Forever
Author: Amira

Chapter 1 to 11

Chapter 1

Araneta Residence

" Mom, Dad, Why do I have to marry a woman, I don't know personally. Our company is at its best, bakit kailangan na magkaroon Ng partnership sa pamilya Mondragon." Ang iritang tinuran ni Eduard.

Tumayo si Don Vicente, "Hijo sa aming naging usapan kahapon with Ali Company ay papayagan lamang ni Mr Jackson na makapagtayo dito sa Pilipinas kung partnership Ng 2 higanteng kompanya Ang magsasanib. Ang Pagod na sagot ni Don Vicente sa anak, nauunawaan Niya Ang kanyang anak. Bakit nga ba dumating sa puntong kailangan pang ipakasal Ang kanyang nag iisang anak para sa kompanyang itatayo. subali't hindi ito para lang sa kompanya, kundi sa mga taong kaya nilang bigyan Ng maayos na hanapbuhay at magandang kinabukasan.

" So go on with the partnership with the Mondragon,but why do I need to marry their daughter. Dammit." inis na sagot ni Eduard. Dad my future is at stake. Mahal mo ba ako?" Lumapit si Donya Aurora sa anak. hinawakan sa magkabilang pisngi Ang pinakamamahal na anak." Mahal ka Namin anak, subali't iniisip Ng iyong Ama na nakasalalay dito ay kinabukasan Ng libo-libong tao na mabibiyayaan Ng hanapbuhay at maraming pamilya at mga anak nila Ang makikinabang. Mabuting pamilya Ang Mondragon at batid Namin na mabuting babae Ang kanilang bunsong anak." Buntong hininga Ang isinagot ni Eduard. Wala namang masama sa partnership Mom, Dad, bakit kami napasok sa kasunduan. unfair sa aming dalawa. Paano kung may boyfriend na pala Ang babaeng yun. at paano si Carla Mom? pumiksi si Donya Aurora, I don't like that woman. parang laging gusto ay sentro Ng atensyon Ng kalalakihan. Ani Donya Aurora. Pinutol ni Don Vicente Ang pagtatalo Ng mag ina dahil alam Niya mauuwi lamang sa tuluyang pamimintas at disgusto Ng kanyang kabiyak sa babaeng kasalukuyang ginagawang pampalipas Oras Ng kanyang anak. saan nga ba nagmana Ang kanyang anak na ito. buwan buwan na lamang iba ibang babae Ang nababalita niyang kasa kasama Ng anak, kung kaya Naman nagagalit Ang kanyang kabiyak sa kanilang Unico Hijo. mabuti na lamang at wala pa talagang ipinapanhik Ng Bahay Ang kanyang anak, Ang ibig sabihin wala pa itong seryosong relasyon at matibay Ang kanyang paniniwala na mabuting babae ang bunsong anak Ng kanyang Kumpadre at Isa Rin itong dahilan kaya pumayag Siya sa kasunduan upang mapatino Ang kanyang pinakamamahal na anak. sabihin Ng manipulative siyang Ama, pero alam Niya Ang pinakamabuti para sa kanyang anak. Hindi Niya ito binanggit sa kanyang kabiyak, pero batid ni Don Vicente, papabor sa kanya si Donya Aurora dahilan sa nais na nilang mag Asawa na lumagay sa tahimik Ang kanilang pinakamamahal na anak. Gusto na niyang magkaapo at higt sa lahat Ang nais nilay tuluyang maging responsible Ang anak.

Nilapitan niya Ang anak. tinapik sa balikat.

"Tulad Ng iyong tinuran ay Amin ding binanggit ni Kumpadre Armeo na pwede kaming magsanib pwersa Ng Hindi kayo Kasama sa kasunduan. subali't sigurista si Mr Jackson, Ang nais Niya pangmatagalang negosyo at Ang kanyang isinama sa kasunduan ay Ang pagpapakasal Ng aming 2 anak Ang pinakamatibay na pundasyon Ng kompanyang itatayo dito sa Pilipinas.. Then Leave it, hayaan ninyo na ibang kompanya Ang makipagkasundo sa kanya.. Di na ako mgugutom Dad, I have my own company too. kaya Kong bumuhay kahit ilang pamilya Ng wala Sila. "Eduard Vincent, be considerate.

" Galit na Ang kanyang ama, alam Niya dahil tinawag Siya sa buong pangalan. At kapag ganito Ang usapan, tulad Ng nakasanayan Ang isasagot Niya..

Ok Dad, but please give me enough time., alam Niya na Hindi dahil lamang sa kompanya, may kinalaman din ito sa kanya dahil batid Niya nais Ng kanyang magulang na lumagay na Siya sa tahimik. Pwes, patutunayan ko na Hindi mabuting babae kung sino man Ang anak Ng Mondragon na ito. "Can I go to my room now Mom, Dad.? at tumango na si Don Vicente.

Tumalikod na si Eduard at nagtungo sa kanyang silid sa ikalawang palapag Ng mansion Ng mga Araneta. Nakatayo ito sa Forbes Park, samantalang Ang mga Mondragon ay sa Ayala Alabang.

Nagtapos Ng Civil Engineer at may backgroungd sa Financial Management si Eduard, Ateneo graduate at matalino, Siya ay top 6 sa Bar exam, at dahil matalino, maraming Pera at koneksyon Ng Ama, nakapagtayo Siya Ng malaking Construction Firm na siyang gumagawa Ng MGA buildings at Ang huli ay resort sa Batangas Ang kanyang proyekto..

Pagkapasok Ng silid ay nag shower at nagpalit Ng pambahay na Damit, dumayal sa telepono at tinawag Ang matalik na kaibigan at kababata na si Paulo Escueta at tulad din Niya, anak Ng maimpluwenayang tao. partner Sila sa negosyo, Siya sa structure design at Ang kaibigan Niya Ang sa Management. EP Construction Ang pangalan Ng kanilang kompanya, pinaghalong initial Ng kanilang pangalan. Halos magkapatid Ang turingan.

"Hello, langya, magkasama na Tayo maghapon tapos, heto di pa ko nakakapahinga Bro, pero sa telepono mo Naman ako iniistorbo, pambihira, o ano na namang problema mo.?"

"Pare Ali Company will open their business here.."

" Wow, that's good news Pare, pabor sa ating negosyo kailangan natin Ang MGA equipment na kanilang Ibinebenta, kung magkagayon there is no need to pay additional Lagay sa Custom para lang naka avail Ng kanilang MGA equipment." Turing Ng kaibigan

Buntong hininga Ang isinagot Niya, may katwiran ang kaibigan. Pare Araneta and Mondragon will do the business here in our country"

" You mean Araneta your company and Mondragon the family of Nathaniel na kinaiinisan mo. what a co incidence, pare best friend Kasi Ang father mo at si Don Armeo." ok lang Yan pabor pa Rin sa ating company." pagtiisan mo na lang si Nathaniel, ako na Lang nakikipag deal sa kanya if ever, we are in good terms Naman ei.."

" Di Naman iyon Ang problema, ei, I don't mind dealing with him in terms of business Naman Pare."

"Then what's the problem?"

" I need to marry their daughter, para lang pumayag si Mr Jackson sa opening Ng Ali Company sa Pilipinas."

"What? ani Paulo...problema nga Yan Pare.. Alam na ba ni Carla, anyways, alam ko Naman na wala lang Siya Sayo katulad din Ng Mga nauna, kaya lang Pare, pumayag ka ba. Tanong Ng kaibigan sa kanilang linya "Oo, pero gagawa ako Ng paraan to prove na that Mondragon woman is nothing.. at si Mommy Ang aking magiging tulay pag napatunayan Kong she's not worth of being my wife.."

"Good luck Pare, Ha ha ha..

Chapter 2

Mondragon Residence

"Hi Pa, Hi Ma, Ang bati ni Armina. kararating lang galing sa kanyang Shop. Wow, aga ni Kuya ah. seryoso ba usapan." Well, I'll just go to my room, baba na Lang ako mamaya Ma, Pa ha. Kuya, sa wakas, sabay sabay tayong magdi dinner. " Labyu three."

"we love you Anak, sobra. wika Ng kanyang Papa."

pagpasok sa kanyang silid, ay naghiga higaan, bumangon Ng makailang minuto at nag refresh, nagpalit Ng damit, humarap sa salamin. She is 23 years old, Isang arkitekto, na mahilig sa halaman at bulaklak. Mula Ng Siya ay mag aral ay full time scholar with allowance dahil sa talino, kung kaya Naman Ang tuition fee na nararapat sa kanya gayundin Ang allowance ay buong ibinibigay Ng magulang at dahil Siya ay lumaki na simple sa kabila Ng kanyang katayuan sa buhay ay nakaipon siya dahilan dito, kung kaya't nakabili Siya Ng lote sa Batangas na tinayuan Niya Ng flower farm 20 years old pa lang Siya ay nakapagpatayo Siya Ng kanyang pangarap na flower farm at makalipas Ang Isang taon ay 2 branch Ng Flower shop Ang naitayo Niya sa kilalang Shopping Mall sa Pilipinas na Biz Mall na pag-aari Ng MGA Araneta.

Malapit Ang loob Niya sa pangkaraniwang tao, nakuha Niya sa kanyang Ina dahilan sa Ang kanyang Ina ay Isang pangkaraniwang negosyante sa Batangas na nakilala Ng kanyang ama na siyang tanging heredero Ng MGA Mondragon. Ang pagmamahalan Ng kanyang amat Ina ay nagbunga Ng 2 supling Ang kanyang Kuya at Siya na bunso.Napaka protective Ng kanyang Kuya sa kanya, kaya tuloy walang magkalakas loob manligaw sa kanya, nag lie low lang Ang kanyang kuya noong makilala si Ate Vanessa na girlfriend Ng Kuya Niya.

Matagal niyang tinitigan Ang sarili, dahil nga ba sa sobrang higpit Ng Kuya Niya kaya walang manligaw sa kanya o baka naman pangit Siya sa paningin Ng opposite sex.

kulay brown Ang kanyang kulot na buhok na parang Sa Sto Nino, nakuha Niya sa kanyang Ina, pati kulay na makinis at maputi sa pangkaraniwang balat, matangos Ang ilong, maganda Ang nangingusap na Miata, na may mahaba at malantik na pilikmata. Makipot Ang mapupulang labi. Naalala pa Niya Ang Sabi noong kanyang classmate noong high school, may crush sa kanya, yun ang Sabi ni Elsa na best friend niya. Ang mukha raw Niya ay parang sa fairy tale napakaganda. kaya naisip Niya Tama nga si Elsa may crush sa kanya Kase pinuri Siya.

Pero iyon din naman Ang Sabi Ng Papa, Mama Lalo na Ang Kuya Niya, maganda raw Siya at sexy. sa height na 5'4 at sukat Ng katawan na 36 25 at 36. alam Niya, sexy Siya. Yun nga lang malimit naka pantalon kapag may MGA lakad dahil komportable Siya sa ganoong kasuotan na guato Naman Ng Papa Niya upang Hindi makatawag pansin sa kalalakihan. Sa Bahay lang at sa farm Siya naka bestida dahil komportable Siya sa ganoong ayos sa Bahay. anyways, bata pa namn Siya, makakakita pa Siya Ng tulad Ng Papa at Kuya Niya, Kase Siya ay mabuting tao at alam niyang pagbibigyan Ng Diyos Ang kanyang kahilingan.

Nahiga Siya, at nakatulog, nagising na lamang Siya sa marahang halik Ng kanyang Mama na ginigising Siya para Kumain.

Nang magmulat Ang mata Niya ay ngiti Ng kanyang Ina Ang bumungad sa kanya.

" you will always be our baby. Sana Hindi ka lumaki kagad..bumuntong hininga Ang kanyang Ina."

"May problema ba Ma sa aking pagtanda, Baby mo pa Rin Naman ako ah."

"Sooner or later, mag Asawa ka, aalis ka dito sa atin para sumama sa iyong magiging kabiyak".

"Tagal pa Yun Ma."

"At Saka, nag enjoy pa ako as your baby, at kung mag Asawa Naman ako, I will give you and Papa, maraming apo."

"Sana ganoon lang kadali Ang Buhay anak."

Halika na at lalamig Ang pagkain." Kanina pa naghihintay Ang Papa at Kuya mo, baka mainip., akyatin pa Tayo dito."

At sabay na bumaba Ang mag ina.

" wow, Anong meron, bakit Ang daming pagkain na handa for dinner, magsasabi ka na ba Ng pag aasawa Kuya. sabagay 28 years old ka na. Magpakasal na kayo ni ate Vanessa para magkaroon na ako Ng pamangkin. puro ka negosyo, parang si Papa, di ba kayo napapagod.?"

" Dapat Sayo Papa ay magretiro na, pasyal kayo ni Mama, around the world, at mag relax, kami na bahala ni Kuya sa inyo. ok na Rin yun maliit kong business." Di na ako hahati Kay Kuya sa mga negosyo,tutal Siya Naman talaga naghihirap doon ei."

"At sinong may Sabi na Hindi ka kabahagi sa pinaghirapan Ng ating mga magulang. kabahagi ka kapatid ko, may sweldo ako sa kumpanya at Ang kita ay laging hati tayong magkapatid tandaan mo iyan." Ang Mondragon Jewelry ay atin.

" Oo nga Naman Anak, huwag Kang magsasalita Ng ganyan, Ang pinaghirapan Namin Ng iyong Mama ay para sa inyong dalawa na anak Namin.."wika Ng kanyang Ama.

" Gusto ko Ng mag retiro anak, at sa Tamang panahon ay darating na iyon, at malapit na. Nagkatinginan Ang kanyang Mama at Papa pati na Rin Ang kanyang Kuya. " Ano kayang Meron?"

bahala na nga Sila, Basta alam Niya anuman Ang MGA desisyon Ng kanyang Papa ay para sa ikabubuti Ng nakararami."

"Nagsalita Ang kanyang Mama, how's your Flower Farm.."

"sumagot Siya, so far so good, maraming MGA orders pati MGA halaman, ginagamit kase sa.landscaping Ng MGA resort. Alam mo Ma, last week nakapag deal ako Ng P.5M para lamang sa halaman, inorder sa akin.." Tuwang tuwa Ang MGA tauhan ko, at alam mo kapag Masaya Sila alam ko Malaki yun ambag ko sa kanilang kaligayahan."

" kaya lang, may nangungulit, gustong bilhin Ang flower Farm, malapit Kase iyon sa ginagawang resort at napakaganda Ng pwesto kung sakali."

" Naiinis nga ako Pa Kase ilang ulit ko Ng sinabi na Hindi ko iyon binebenta, pabalik balik pa Rin, Akala Naman Niya masisilaw ako sa presyo."

" pinaghirapan ko kaya yun."

"That's my girl. wika Ng ama

"Kung ginugulo ka pa Rin, sabihin mo lang sa akin, akong bahala " Ang kuya Niya.

" Hayy naku magsikain na nga kayo, at lalamig na Ang pagkain.

Chapter 3

Nang matapos Ang hapunan, ay dumiretso Ang pamilya sa veranda at doon ipinagpatuloy Ang usapan.

"Aling Sima, ipagdala mo kami Ng kape." wika Ng Kuya Niya.

"Kuya Ako na Lang magtitimpla, alam ko Naman mas gusto ninyo Ang timpla ko."

"Cge Hija, Namin miss ko na nga Ang kape mo.."

"Si Papa Naman, parang kaninang umaga lang iyon ah." Ako Ang nagtimpla kanina no.

Ito Kase Ang specialty Niya, Ang magtimpla Ng kape, Ewan Niya pero, gusto Niya talaga Ang kape at gayundin Ang Papa, Mama at Kuya Niya. yun nga lang kape lang Niya Ang gustong inumin "

" at kapag nag utos yun Kay Aling Sima Ng pagtimpla, alam Niya pinaparinig talaga sa kanya.. "Bonding nilang pamilya Ang pag inom Ng kape at kwentuhan Ng kung ano ano lang.

"A perfect family, Minsan may hinanakitan pero madaling masolusyunan. Iba si Mama Niya, the best."

" Aling Sima, Ako na po Ang bahala sa pagtimpla," "alam ko Naman Hija, walang panama Ang kape ko sa timpla mo."

" Gusto nyo po ba, itimpla ko po kayo."

"Wag na Hija, baka di ako makatulog niyan."

"Kayo talaga. Ang tagal niyo na po dito, kumusta po MGA anak ninyo."

"Naku Hija Ang panganay ko ay Isa Ng guro at yun aking pangalawa ay accountant na nagtatrabaho na sa kumpanya nyo. "

" Talaga po, wow.!"

Napakabuti Ng pamilya ninyo, kaya lagi Kong dalangin Ang inyong kaligayahan Lalo na kayong magkapatid ni Nathaniel, Ako na Ang nagpalaki sa inyo ah."

"Alam ko po iyon. At salamat po."

"Teresa iyang mga kubyertos, isalansan maige."

"Sige po Aling Sima, dalhin ko na po itong tinimpla ko."

"Sige, magpatulong ka Kay Lilia sa pagdadala Ng kape."

" Sige po."

"Eto na po Ang kape.." Salamat Lilia. Anita at naupo Siya sa tabi Ng kanyang Mama.

"Anak, kailan ka pupunta Ng Batangas para sa pagbisita sa Flower Farm."

Friday po Ng hapon, after kong mabisita Ang MGA Flower Shop branches ko." Bakit Ma.

"Naisip Kase Namin Ng Papa at Kuya mo na bisitahin ka Namin doon." Para makita muli Ang farm mo."

Nagtaka man Siya, dahil Hindi Naman ganoon Sila Papa at Mama Niya Lalo na si Kuya na bibisitahin Siya, maaabala Kase Siya. nag uusap Naman Sila araw-araw, pero gayunman, pumayag pa Rin Siya kahit sa kanyang isip ay nagtataka Siya.

"Ok Ma, Malaki na Ang nabago sa huling punta ninyo last year." Lalong gumanda at lumawak Ang Flower Farm ko, nadagdagan Ang MGA tao ko.

"Ok, pupunta kami Saturday afternoon.. Ani Kuya Niya.

Chapter 4

EP Construction building

Tulad Ng MGA nagdaang Araw sa opisina Ng EP Construction, busy Ang MGA tao.

Mga Engineers, architect, draftsman Ang paroot parito.

Pumarada Ang Isang Safari, at lumabas sa driver's seat Ang Isang matipunong lalaki na nakarehistro Ang seryosong mukha.

Iniabot Ang susi sa Guard at diretsong pumasok sa gusali. pagpasok pa lang, Panay ang bati Ng MGA tauhan sa kanilang Boss, na sa kabila Ng kaseryosohan ay napakaguwapo sa suot na suit.

Pumasok sa exclusive elevator at dumiretso sa Presidents office. Si Engr. Eduard Vincent Araneta.

Pagpasok sa opisina, naroon Ang kaibigan Niya. "Pare. Good morning Ani Paulo.

"Good morning,. Shiela, my coffee please.."

" kumusta Ang drawing Ng arkitekto na napili Ng Architectural department." Kung bakit Naman, Nasa atin na Ang magagaling na arkitekto, pero nag hired pa kayo Ng baguhan para sa proyekto.."

"Pare may katwiran ang Architectural Department, para sa Bagong ideya dahilan sa Resort ang itatayo. Sanay Tayo sa mga buildings.

Sir, ito na po Ang kape nyo". si Shiela.

Paghigop Ng kape ay sumimangot, wala na bang isasarap Ang kape mo. inis na wika ni Eduard

"Dapat Kase ay inorder mo na lang sa

paboritang Coffee shop nya." si Paulo.

"Noted Sir, sa susunod po " Ani Shiela na abot abot Ang kaba sa Boss Eduard Niya.

"Ok Pare baking ni Paulo sa kaibigan. Do you want to see the drawing."

"Bring it here I wanna see it "

"Shiela call the architectural department and tell them That Engr Eduard wanted to see the design for the Resort Project in Batangas.*

" Yes Sir.

"Maiba ako Pare, kumusta yun lote na gusto Kong mabili sa tabi Ng Resort na dinedevelop natin sa Batangas. May development na ba?."

"Well, Ayon Kay Nicholas sa aking Assistant ay ayaw Ng may ARI na ibenta ang nasabing lote

"Shit, I need that property.* kunot noong wika ni Eduard.

"Kung gusto mo at talagang interested ka sa property, we can go there and talk to the owner. Ayon Kase Kay Nicholas ay dalaga Ang may ari."

"Tingin ko Naman sa Charm pa lang natin. No one can ever resist * sagot ni Paulo

"Umandar na Naman Ang kalokohan mo.,"

bumukas Ang pinto, at pumasok si Shiela Kasama Ang head Ng architectural department dala Ang design sa nasabing Resort Project sa Batangas . Binuksan Ang design sa laptop at ipinakita s monitor.

"Wow, excellent, sa pagtingin Niya sa design may kakaibang kaba na bumalot sa kanya. I want to meet the architect who made this design."

"Sorry Sir, pero noong mapili Ng department Ang kanyang design, agad na pumirma lang Ng kasunduan na dapat kanyang pangalan lang Ang mapapalagay sa drawing. kinuha Ang bayad at umalis na."

"Paano kung kinakailangan Siya sa site for inspection."

"Ibinigay po Niya Ang number para PO ma contact Siya kung may MGA paglilinaw."

" ok, so far, so good, you can now all go back to your work."

So, Paano Pare, Are we going to Batangas?"

Yes Bro Sunday we are going to talk to that woman . wika ni Eduard

"Maiba ako, wika ni Paulo, wala ka bang balak, kilalanin man lamang Ang future Mrs. Eduard Vincent Araneta."

"Sa Ngayon, wala pa, hintayin ko na Lang na ipakilala kami Nina Mommy at Daddy."

At Saka ko umpisahan Ang balak Kong ipamukaha kina Mom and Dad na wrong choice Ang napili nila "

"Di mo ba naisip Pare, tumatanda ka na at Ang gusto lang Nina Tita at Tito na lumagay kasa tahimik. "

"Look who's talking, ako lang ba matanda rito, sa pagkakatanda ko, magkababata Tayo. So we are both 29 years old turning 30 next year "

"ok, wag mo Ng ipagsigawan Ang edad natin ha."

I'm leaving, see you after work Bro." Tumango Siya, mabuti na lamang may kaibigan siyang katulad ni Paulo, lahat nasasabi Niya rito .

Muli ay binuksan Niya Ang design Ng kanilang napilng arkitekto, at may jakaiba siyang naramdaman habang nakatingin sa design

"Babae ba o lalaki Ang arkitektong ito. Malalaman din Niya kapag nagkaharap sila.

Chapter 5

Tulad Ng napagkasunduan ay magkasama Silang magkaibigan pagkatapos Ng trabaho

"Daan Muna Tayo sa coffee shop, bago tayo Kumain. "

Ang coffee shop ay Nasa loob Ng Biz Mall na pag aari Ng pamilya niya Tulad Ng pangkaraniwang shoppers ay pumasok at nagtungo sa paboritang Coffee shop..

"Alam mo pare, addict ka na talaga sa kape."

" Ewan ko ba Pare, nare relax ako Basta uminom Ng kape "

Ang nabungaran nila sa Coffee shop ay walang iba kundi si Carla

"Damn, not now." si Eduard

" Oh, bakit, di ba Siya Ang rason mo kaya ayaw mong pakasal Kay Lady Mondragon." Si Carla.

palapit sa kanila Ang babae, sabay yakap at halik Kay Eduard.

" Sweetheart, kanina pa kita gustong makausap. but your Secretary told me that you are so. busy. Naiinis ako sa babaeng yun ha, suplada."

"Marami akong tinapos na trabaho."

"Pare, I think, I need to go, di ba Carla, kita na Lang Tayo sa Aristocrat , hintayin ko kayo.

" Cge , Bro."

" Bye Paulo, wika ni Carla.

So, what do you want? inip na Tanong ni Eduard

It's Early pa for dinner, after an hour na Lang Tayo sumunod Kay Paulo, we hang around Muna.

Nag ikot, Sila at bumili Ng Jewelry sa Shop

Ng Mondragon, Tuwang tuwa si Carla dahil sa kwintas na binili ni Eduard para sa kanya.

"Hanggang sa namataan ni Carla Ang The Fairy's Flowe shop, Niyaya niya si Eduard na pumasok, maganda sa loob, di mo iisipin na Nasa siyudad ka. Iba Ang pakiramdam, Ang Gaan sa kalooban Nagpabili si Carla at muli ay pinagbigyan ni Eduard. Tauhan lang Ang nauwan, dahil kaalis lang Ng may ari, Ayon sa narinig niyang usapan ni Carla at Ng Staff

Habang naglalakad Sila ay nakayakap sa braso Niya si Carla

"You know what, I talked to the staff of that Flower shop, Tinanong ko kung nasaan Ang owner, if ever, sa kasal natin, Sila ang.kukunin Kong Flowe Arranger "

" Excuse me, kasal. walang kasal Carla, we both enjoying our company for now, doesn't mean, I am going to marry you. " "Sana malinaw Sayo yun, umpisa pa lang alam mo kung ano Tayo."

" Matititunan mo Rin akong mahalin, look, ako lang Ang nagtagak Ng mahigit one month sa relasyon natin, kaya may posibilidad na mahalin mo Rin ako "

"I am sorry Carla, I think, we have to stop this, masasakyan ka lang."

" Damn you Eduard, makakakita ka Rin Ng katapat mo." Anong Akala mo magmamakaawa ako sayo. bago mo ko idispatsa, uunahan na kita.

" Break na tayo, goodbye."

Tumalikod si Carla, pero walang panghihinayang sa loob Niya, parang nakahinga pa nga Siya Ng maluwag." Napangiti na lamang Siya, makakakita raw Siya Ng katapat. "

"Sumakay Siya Ng sasakyan at nagtungo na sa Aristocrat Restaurant kung saan ay naghihintay Ang kaibigan."

Pagpasok pa lang Niya ay giniyahan na Siya Ng staff patungo sa table kung saan ay naghihintay si Paulo .

" Well, nasaan na si Carla, Ani Paulo nakipag break na.," sagot Niya sa kaibigan.

" Wow, talaga o e di free ka na naman." si Paulo

"Mas mabuti na ito, para kung magkita kami ni Lady Mondragon, makakadiskarte akong mabuti."

" SIRA ulo ka talaga pare, kawawa MGA babae Sayo."

" Kain na nga Tayo, umorder ka na at Ikaw na Rin magbayad, nagastusan ako, ibinili ko Ng kwintas si Carla my goodbye gift."

"Tado ka talaga. Pero, alam mo Pare, ano kayang itsura ni Lady Mondragon the future Mrs Eduard Vincent Araneta "

"Maganda siguro yun Pare Kase guwapo Kuya niya ei " si Paulo.

" Ewan ko Sayo, tigilan mo na ko ha, nakakawalang gana sa pagkain."

"ok, sinabi mo ei."

Chapter 6

The Flowe Farm

Biyernes pa lang Ng hapon, pagkapasok Ng sa kanyang Dalawang branches ay umuwe Ng Bahay si Armina. Diretso sa kanyang silid at inihanda Ang mga dalhin sa pagtungo sa Batangas. Kinausap Niya si Mang Kanor, upang ihatid siya, dahil gagabihin tiyak Siya sa biyahe at Pagod na Pagod na siya sa Isang linggong trabaho. Mabuti na lamangb at natapos Niya na Ang kanyang kauna unahang project Architectural design para sa Isang resort. Huh, sinong magsasabi na Ang design Ng Resort na ginagawa sa tabi Ng kanyang Flowe Farm ay Siya Ang guguhit. Pagkatanggap Niya Ng bayad ay dali daling umalis Ng tanggapang iyon, subali't siniguro Niya na tanging pangalan Niya Ang matatala sa nasabing disenyo.

" Oh Hija, hapon na, bakit Kase di pa ipaglabukas Ang pagpunta mo sa Batangas "

" ma Kase po kung bukas, Pagod na Pagod ako, wala na akong magagawa dun pagdating at Saka di ko kayo ma entertain bukas, dahil busy pa ako, samantalang kung Ngayon. ako pupunta doon, nakaoahinga na ako magdamag, makakagising Ng maaga."

O Siya, Sige, bahala ka, kung ano Ang mas madali para Sayo

"Thanks Ma " Binitvit Niya Ang kanyang gamit at humakik sa kanyang Mama, " See you tomorrow Ma. I love you."

" I love you too Anak. Ingat..."

"Mang Kanor, ingatan ninyo Ang anak ko "

" Opo Mam." Ali's na po kami."

Habang Nasa biyahe ay tinawagan si Elsa Ang kanyang Assistant sa Farm at naging matalik na kaibigan.Ewan Niya pero mas komportable Siya kapag si Elsa Ang Kasama, kesa MGA kakilala niyang Nak mayaman. Pakiramdam Niya Kase ay

plastic Ang pakikirungo Ng mga burgis na ito sa kanya, Hindi tulad Ng pakikirungo ni Elsa.

Hello, oh Armina, kanina pa kita hininhintay,Sabi mo mapaoaaga ka Ng uwe."

" Pasensya na, yun kaseng branch sa Ortgas, maraming tao kanina, tinulunga ko Muna Sila. In the way na ako "

"cge maghahanda ako Ng paborito mong adoboat tinola, kaya lang ipagtimpla mo ako Ng kape ha."

"ok, sinabi mo eh "

"Mang Kanor, pakigising nyo na Lang PO ako kapag malapit na Tayo."

"Ok po Maam."

Nagising Siya dahil pakiramdam Niya ay matagal nakahinto Ang kaniyang sasakyan.

Mang Kanor bakit po traffic yata. "Naku Mam, may inaayos po palang kalsada dito po SA Star Tollway. Nagising po tuloy kayo, Ani Mang Kanor.

"Ok lang po, malipit na Rin Naman tayo. Balete lang Naman po tayo..

Maya-maya pa ay umusad na Ang sasakyan.

Ilang minuto lang ay binaybay na nila Ang papasok Ng Balete. Malapit lang sa siyudad Ng Lipa Ang Balete. Narito Ang kanyang Flower Farm na may kabuoang 2 ektryang lupa. Ibat-ibang halaman na namumulaklak, pero dahil sa oakiusap Ng kanyang MGA tauhan ay Ang kalahating ektarya ay tinaninan nila Ng ibat-ibang klaseng prutas at gulay. Ang iba ay ipinamamahagi sa mga tauhan at sobra ay dinadala sa palengke at Ang napagbilhan ay isinusulit Kay Elsa. Natutuwa Siya sapagka't nakikita Niya Ang malasakit Ng kanyang MGA tauhan at Ang pagmamahal sa trabaho, kaya Naman, Ang bawat tauhan na may mga anak ay binigyan Niya Ng tulong pinansyal.

Pagpasok pa lang Ng kanyang sasakyan sa kanyang Flower Farm ay binuksan Niya Ang bintana Ng sasakyan, kahit madilim, at may bahagyang liwanag sa mga poste ay kita Niya Ang Ganda at langhap Ang sariwang hangin Kapag narito Siya, parang Ang Gaan Gaan lang Ng Buhay.

Kahit Gabi na matiyaga pa Rin siyang hinintay Ng kanyang Assistant na si Elsa.

" Bakit ginabi kayong masyado."

"Na traffic kami Dyan sa may star toll, ginagawa pala Ang Isang lane Ng kalsada na punta dito sa Batangas "

"Isama mo si Mang Kanor sa ipaghahanda Ng pagkain." Akyat lang ako saglit, para makapag refresh."

"Mang Kanor Mauna na po kayong Kumain." At Ng makapagpahinga kayo, alam Kong Pagod na kayo

"Salamat po Mam."

Pagkatapos niyang magpalit Ng pambahay ay agad ding bumaba at eksaktong tapos na si Mang Kanor sa pagkain. Tumayo ito.

" Mam, Mauna na po ako. "

" Sige po Mang Kanor."

Maya Maya ay lumabas si Elsa galing kusina, kaaunod Ang katulong na siyang naghanda Ng pagkain sa mesa

"Kumain ka Muna, at alam Kong gutom ka na Rin. may Bagong pitas na rambutan, guyabano at sinegwelas. Kumain ka, may ginawa si Aling Belen na ensaladang mustasa na Bagong pitas, tiyak gaganahan ka sa pagkain." Mag toothbrush ka na Lang maige at Ng Hindi umamoy sa bibig mo Yun mustasa"

"Tiyak mapapadami Ang kain ko nito." At inumpisahan na niya Ang pagkain.

Naupo sa tapat na mesa si Elsa at kinumusta Siya. tulad Ng dati walang katapusan kwentuhan.

" Hanggang sa natapos Ang pagkain ay magkasabay pa Rin Silang lumabas sa may terasa at doon ay kinumusta ni Armina Ang kanyang Farm.

" Kung sa iyong Flower Farm e walang problema, kaya lang tumawag yun Taga EP Construction at Ang Sabi ay nakikipag usap daw sa iyo Ang kanilang CEO tungkol doon sa alok na bilhin itong Flower Farm mo."

"Kahit na presidente pa Ang ipakausap Niya sa akin, wala akong pakiaalam. Isa lang Ang isasagot ko and my stand is firm, it is a big No.

Chapter 7

Kinaumagahan, tulad Ng kanyang nakasanayan ay maagang naligo at nagsuot Ng kanyang paboritong bestidang floral na kulay peach at green. Maagang nag almusal, at nagtungo na sa tanggapan Ng kanyang flower farm. Ang tanggapan ay nag-uugnay lamang sa kanyang Bahay at sa Flower Farm. pag pasok sa kanyang tanggapan ay nagtungo sa kanyang mini cafeteria at nagtimpla Ng kape. Naupo sa kanyang lamesa at kagad pinasadahan Ang MGA records Ng kanyang negosyo. Mula Sales at Cash Out at tiningnan din Niya Ang mga orders na halaman at mga bulaklak .

"Maganda ang tinatakbo Ng kanyang negosyong ito, supplier Siya Ng MGA bulaklak sa mga nag hilerang Flower Shop sa may Mataas na Lupa sa Lipa City, gayundin sa Dangwa at Divisoria Manila.

"Good morning, aga mo ah.." alam mo Ang Ganda Ganda mo talaga, nagtataka ako kung bakit. Hanggang Ngayon wala ka pang boyfriend, sayang na kagandahan." wika ni Elsa. Ang tagal na Rin Ng kaibigan niyang ito na matiyagang tumutulong sa kanya. Ulila na si Elsa sa Ina at Ang kanyang Ama ay may pamilya Ng iba.

" Nakatapos Siya Ng pag aaral sa tiyaga at pagsisikap. Nagkakilala Sila noong 19 years old pa lang Siya, Sinadya Niya Ang lugar na ito dahil sa tip Ng Isang kaklase Niya na nagbakaasyon dito sa Balete Alam Kase Ng classmate Niya na gusto niyang bumili Ng lote na murang halaga at Siya na Lang Ang magdedevelop sa pamamagitan Ng pagtatanin Ng MGA halaman na namumulaklak . Noong dumating siya dito, kasama si Mang Kanor ay si Elsa Ang kanyang napagtanungan and the rest is history."

" Hayy naku, alam ko na Yan, Paulit ulit mo Ng sinasabi na maganda ako." Ipagtimpla na Lang kita Ng kape, di kita napagtimpla kagabi. Late Ng masyado baka di ka nakatulog, kung pinagtimpla kita."

"Ok." miss ko na nga kape mo ei. Pero alam mo kakaiba talaga kape mo, at lalong pinasarap dahil purong kapeng barako."

"oh Heto na, siguro kaya Siya masarap, paborito ko Kase Ang kape, para Ng nakaka relax Lalo na kapag nag iisip ako."

"Wow, ano pa kayang pwedeng pag isipan Ng malalim.ng Isang Armina Mondragon." Nasa iyo na.lahat, ano pa bang kulang."

"Maiba ako, magpahanda ka Ng ibat ibang prutas, kung may pipino na Bagong Ani at lettuce magoakuha para makagawa Ng vegetable salad. After lunch dadating Sina Papa at Mama, at take note Kasama si Kuya. Gustong makita Ang Flower Farm Kong ito."

"Kasama ba kamo Kuya mo, si Mr Poging masungit, " sayang Ang kagwapuhan noon, suplado masyado."

"Bakit pinagsupladuhan ka na ba Niya"

" Hindi nga kaya lang sa ibang tao Kase parang ang sungit Niya, sa akin Naman alam ko parang kapatid Rin Ang kanyang tingin, dahil Sayo."

"Di mo ba pinagpantaayahan si Kuya Elsa."

"Hmm, yun totoo ha, hindi, Kase parang Kuya talaga Ang tingin ko sa kanya, Lalo na Ngayon may Christian na ako."

"Si Christian you mean yun anak ni Mrs. Santos na may pwesto sa Lipa. "

"Oo, parang.iba talaga Ang dating Niya sa akin Friend, kaya binigyan ko Ng pag-asa"

I'm happy for you, pero sana, Ikaw pa ring Ang mangangasuwa dito ha."

"Siyempre Naman, ano ka ba.."

"Tapos na ako sa pag rebisa ng mga libro Ng Flowe Farm, "

" sinilip mo ba Ang Passbok kung balanse sa libro."

"Yup, ok, balanseng balanse, thanks to you "

"Mag iikot Naman ako sa farm. Ok pa ba Ang E-bike ko." Ito Ang kanyang ginagamit sa pag ikot sa Flower Farm."

" Oo, regular check up Ang ginagawa Dyan ni Danny at pinapatakbo araw-araw upang ma seguro na maayos, dahil alam na ginagamit mo."

Chapter 8

Sumakay Siya sa kanyang E bike, at tuluyang pinatakbo, at inikot Ang kanyang Farm. Maaga pa pero nag uumpisa na ring magtrabaho Ang kanyang MGA tauhan. iba Ang kanyang pakiramdam kapag nakikita niya ang mga halaman. Ibat ibang kulay Ng Rosas na namumulaklak. May tauhan na namimitas Ng rose, marahil ay pandeliver. orchids, na mabili sa mga turista at alam Niya kapag nabuksan Ang resort na katabi Ng Farm niya ay mas magiging mabili ang kanyang mga halaman. nungkang ibenta Niya Ang lupanh ito. Higit sa lahat, paano Ang mga tauhan niyang umaasa sa hanapbuhay dito sa kanyang Farm..

Bawat madaanan niyang tauhan ay binabati at kinakawayan niya kaya naman gayun na lamang ang respeto sa kanya ng kanyang MGA tauhan.

Nang matapos Siya sa pag ikot ay bumalik na siya sa kanyang tanggapan.

At Tamang pagbalik Niya ay may mga customers Ng kausap si Elsa, Hindi na Niya ito inabala at nagtungo na Siya sa kanyang opisina

Kahit paano ay ipinaayos Niya Ang tanggapan para sa mga staff niyang nagsasaayos Ng MGA libro sa kanyang Farm. Batid Niya na sa bawat tagumpay Ng negosyo, ay Ang naayos, napagtatala ng transaksyon. Kumpleto sa lahat beneoisyo Ang kanyang MGA tauhan Mula sa office staff Hanggang pangkaraniwang manggagawa sa Farm At si Elsa Ang kanyang tagapamahal dito sa Farm.

Maya Maya pa ay kumatok ai Elsa, sumilip sa pinto." Mam, lunchtime na, baka Lalo Kang sumeksi Nyan."Halika na."

"Tumingin Siya sa orasa na Nasa singing. Past 12:00 na pala. "

"Ang bilis Ng Oras, hintayin mo na lang ako dyan sa labas."

"Grabe ka Naman, kundi pa ako kumatok, wala ka yatang balak Kumain."

"Oo na, halika na at dadating nga pala sina Mama."

" Ok, na nakahanda na lahat, alam mo Naman ayaw namin mapahiya sa Papa mo."

"Kumusta Ang pag ikot mo sa farm, di na kita nagkausap kanina, tambak Ang customer."

" Oo nga , kaya Naman di na Rin kiita inabala "

Ilang minuto lang Ang pagbaybay nila Mula sa opisina Ng Flower Farm patungo sa kanyang tahanan. Si Elsa na rin ang namamahala sa Bahay kapag Nasa Manila siya., dahil nga sa ulila kung kaya't may sarili siyang silid dito.

"Pag pasok nila sa Bahay ay agad sumalubong Ang katulong at sinabing handa na Ang pagkain

Hanggang sa pagkain ay tuloy Ang kwentuhan Ng Dalawang magkaibigan.

"Alam mo Elsa sa totoo lang nagtaka ako kung bakit gustong magpunta dito nila Mama,"

"Ikaw Naman, siyempre para makita Ang pinagpaguran mo *

"Alam ko na proud Sila sa akin, kaya lang sa sobrang busy nila Papa at Kuya parang may mali talaga."

"Napa paranoid ka na sa kakaisip." Kumain ka na nga lang at pagkatapos pahinga ka dahil mamaya darating na mamaya Sila Don Armeo.."

Ngumiti Siya sa kaibigan at ipinagpatuloy na Ang pagkain.

Nang matapos ay nagtungo sila sa Saka at nagbukas Ng TV si Elsa. Kahit bukas Ang television ay si pa Rin matapos Ang kwentuhan.

"Kumusta Nga pala yun iyong drawing." Isipin mo yun Ikaw Ang Nasa likod ng magiging itaura Ng resort na Nasa tabi natin." Siguro kaya Ikaw Rin Ang napili, kabisado no Ang lugar at Ang MGA tao kung kaya't maganda Ang kinalabasa."

"Oo na, sikreto lang natin Yan, ayokong malantad Ang pangalan ko "

Alam ko kaya nga, sa halip na Mondragon Flower Farm Ang nilagay mo e simpleng. AM Flower Farm at AM Flower Shop Naman sa tindahan mo."

"Ayaw mo ba Ng apelyido mo."

"O course not, I am proud of my Name Mondragon, kaya lang gusto kong makagawa Ng sarili Kong identity. yun pinaghirapan ko "

"ok, you said it right "

Maya Maya pa ay bumungad sa pintuan si Mang Kanor.

"Mam, nandyan na po Sila Don Armeo "

"ok po Mang Kanor, talagang laging Nasa Oras Ang kanilang dating. "

"Halika at samahan mo akong salubungin Sila, tiyak ko, may pasalubong na naman Sayo si Mama."

Ganoon Ang Mama Niya, Ang lahat Ng mahalaga sa kanyang bunsong anak ay mahalaga Rin sa kanyang Mama.

Ang kanyang Kuya Ang unang bumati at sabay akbay sa kanya. " Ang ganda Ng Lugar mo Bunso, Your Flower Farm is truly your Home."

"Kuya Naman, You, Mama and Papa are my Home." Alam mo Naman di ba, gusto ko yun tahimik lang."

I know.." Sabi Ng Kuya nya..

"Nathaniel, masyado mong bini baby yang kapatid mo. "Hi! Sweetheart, we're here, let's go inside, and I wanna see your place again" Ang laki Ng improvement, pag pasok pa lang Namin, amazed na amazed Ang Mama mo.. "

"Bumaling Siya sa kanyang Mama na tahimik lang na nakikinig sa kanilang 3 habang nag uusap " Ma, gusto mo bakasyon ka Muna dito, samahan kita.."

"Hindi na Anak, baka mawili ako at Hindi na gusto pang bumalik sa Manila, Sige ka."

"Ikaw pa, Hindi mo kayang Iwan si Papa kahit Isang Gabi lang, at gayundin si Papa." Ganoon Sila, Ang pagmamahalan nila ay walang katulad. At sana makakita Siya at makahanap Ng ganoong uri Ng pagmamahal.

Pag pasok nila ay ipinahanda Niya Ang mesa, upang makakain Ang nagsidating.

Papa, Mama, Kuya, Kumain Muna po kayo, bago magkwentuhan, siyanga pala, Si Elsa po, my best friend and at the same time my assistant

"Oh Hija, kumusta ka na, pasensya ka na, di kita nabati kagad kanina. pero di ko nakalimutan may pasalubong ako sayo. iniabot Ng kanyang Mama Ang Isang paper bag na may tatak Ng Mondragon Jewelry.

"Naku, nag abala pa po kayo, pero salamat po Tita."

Halina nga kayo at Kumain Muna. habang kumakain Ang mga dumating ay nagtimpla Siya Ng kanyang kape habang nakaupo sa tabi Ng kanyang Mama.

" Kahit abala sa pagkain Ang kanyang Mama ay humilig Siya dito, simula pagkabata, nakagawian na Niya ito Ang humilig sa kanyang Mama, kahit Nasa harap Ng pagkain."

" sarap talaga Ng Buhay sa.probinsya, pati pagkain, sariwa." Ang kuya nya

" Siyempre Naman Kuya, talagang ipinahanda ko iyan dahil Sabi ko sa kanila ay espesyal Ang bisita ko. na darating "

Chapter 9

Nang matapos Kumain, ay nagtungo sila sa Sala, Nagpaalam na si Elsa dahil batid Naman niyang pam pamilya lamang Ang usapan.

"Ma, Pa, Kuya, may problema ba?" Kase hindi ito usual na nangyayari sa atin, na bibisitahin nyo ko. I know, Papa and You Kuya were busy."

"At Saka noong Isang Araw lang nagsabi kayo na bibisita, well natuwa Naman ako, pero may MGA katanungan pa Rin sa isip ko, mayroong Mali ei, pakiramdam ko lang."

"Well, Hija, Araneta and.Mondragon will soon have a partnership "

"Pa, kung sasabihin mo sa akin na I am going to work with the company you are going to open with Araneta, I am sorry, I can't. "

." As I had said before, I can live here and di na ako mgugutom, my business is doing well "

"Kung gusto mo, kahit Kay Kuya mo na lang ibigay lahat Ng businesses nyo ni Mama, Basta, huwag ninyo lang akong pilitin na magtrabaho sa company na bubuksan ninyo."

Buntong hininga Ang narinig Niya sa kanyang Mama, habang Ang Kuya Naman Niya ay lumapit sa kanya at inakbayan Siya habang hinahagod Ang kanyang likuran.

"Hindi ganoon Anak,"

"Then what?

"We had agreed to the terms and condition of Mr Jackson. the owner of the Ali company. we can open an Ali Company here in the Philippines if You and the only son of Don Vicente Araneta will get married."

"Tulalang nakatingin sa kanyang Ama si Armina, ano daw, ipapakasal Siya para nakapagtayo Ng Isa pang malaking negosyo. At Siya Ang kapalit."

" Hindi Niya namalayan na tumutulo Ang kanyang luha, tumalikod nagtungo sa bintana, nakatanaw sa malawak na halaman Niya."

"Humarap Siya sa magulang na tuloy Ang agos Ng luha. " Anak niyo ba ako talaga? Simula Ng akoy magkaisip, wala akong kahit na Anong Bahay na hiniling sa inyo. oo, lahat Ng Bahay ibinibigay niyo sa akin, pero di ko iyon hiningi."

"Nag aral akong mabuti, at anoman Ang Meron ako Ngayon, pinaghirapan ko iyon. Ikaw, Kuya, dahil ba gusto mo Rin ng Isa pang kompanya na patatakbuhin no, at Ikaw Mama, di mo ba naisip Ang magiging Buhay ko, kung pakasal sa Hindi ko Kilala." Hindi ninyo ako mahal, wala kayong inisip kundi Ang magpayaman, bakit Kulang pa ba, kaya ako ay inyong Ibinebenta."

"Armina!" stop it. Ang kanyang Ama.

Mapaklang ngiti Ang ibinigay Niya sa kanyang Ama.

"Tinalikuran Niya Ang mga magulang at Ang Kuya niya at nagtungo sa kanyang silid.

Narinig pa Niya Ang paghagulgol Ng kanyang Mama at Nakita Niya Ang pagsuntok sa dingding Ng kanyang Kuya."

"Pagpasok Niya sa kanyang silid ay dumapa at doon hunaguhol sa kanyang unan."

"Masama talaga Ang loob Niya, Galit Siya marahil, dahil Ngayon lang sa talambihay Niya Siya nakapanagot sa magulang at Kuya Niya.

Maya Maya pa ay bumukas Ang kanyang silid, pumasok Ang kanyang Mama.

"Hija, sabay hagod sa buhok Niya, at pinipilit na iharap Ang kanyang mukha."

"Tumingin ka sa akin Anak ko, mahal na mahal ka Namin, alam mo bang Ng isilang ka ay halos tumulo Ang luha Ng iyong Papa, hindi na Kase Namin inaasahan na masusundan pa Ang iyong Kuya Nathaniel, dahil medyo delikado sa akin Ang magbuntis." pero Sabi Ng Lola mo, mag anak pa raw ako Ng isa pa, mahirap daw kung mag Isa lang Ang Kuya mo at Saka kung babae raw Ang magiging anak Namin Ng Papa mo ay may mag aalaga sa aming pagtanda."

Sinorpresa ko Ang iyong Papa, natakot Siya noong una dahil nga sa kalagayan ko, pero noong malamang Niya na babae Ang iponag dadalantao ko, binibilang Niya Ang mga Araw Ng iyong paglabas sa mundong ito.

" Nang isilang kita ay sobra Ang aming kaligayahan, at Ang Kuya mo ay sobrang naging.mapag alaga sa iyo."

"Walang Hindi kami kayang gawin para sa iyo. Alam mo bang noong muntik ka Ng malunod sa pool dahil sa iyong kalikutan, may mga gabing binabangungot Ang iyong Papa dahil sa sobrang takot sa pangyayari."

"Kung mahal nyo ako, bakit ninyo ako ipinagkasundo sa taong Hindi ko Kilala at ni Hindi ko pa nakikita."

"Alam mo bang Isang linggo na Hindi kami nagki kibuan Ng iyong Papa dahil noong malamang ko na ipinagkasundo ka Niya sa anak ni Don Vicente ay nagalit ako samantalang ilang Araw na Hindi umuwe Ng iyong Kuya, at sa kanyang Condo tumutuloy."

"Kahapon lamang ay nakipag usap muli Ang iyong Papa at si Don Vicente Kay Mr. Jackson dahil nagkasundo na Ang iyong Papa at si Don Vicente na Hindi na itutuloy pa Ang partnership."

"Subali't sa kanilang pakikipag usap ay nalaman nila na Ang AJ International na may halos 10 libong manggagawa ay pag aari Ng Ali Company, at ito Ang Siyang ibebenta Ang rights upang mag operate at sa.ilalim.na.ng Multi National na Ali Company na Kilala sa buong Mundo. Ayon Kay Mr. Jackson, kung hind I Rin lang mangyayari Ang partnership ay isasara na nila Ang AJ International na Nasa ilalim Ng pamamahala ni Don Ignacia Moneal. Ayaw na ni Mr. Jackson pamahalain si Mr. Monreall kung kaya't liquidation Ang kanyang gaagwin sa kompanya.

"Nag alala Ang iyong Papa at si Don Vicente sa may 10 libong nanganganib mawalan Ng trabaho, kung kaya't Lalo lamang nilang naisip na kailangan Ng kanilang partnership."

" At ako Ang kapalit Ma?"

"Alam Kong katulad Ng iyong Kuya Nathaniel ay may puso Kang .makatwiran, dahil pinalaki Namin kayo na magkaroon Ng malasakit sa inyong kapwa."

"Pwede ba Ma, Hindi Muna ako umuwe kahit 3 Araw lang, kailangan Kong mag isip."

"Galit ka pa ba sa Amin Ng Papa mo at sa iyong Kuya."

"Tampo na Lang naiwan dito, sabay turo sa kanyang puso."

Niyakap Siya Ng mahigpit Ng kanyang Mama, "You will always be.my.baby."

"Siguro, forever baby mo na ako Kase, di ako papayag magbuntis kung di ko Rin lang mahal Ang magiging ama Ng magiging anak ko."

"Bumukas Ang pinto at pumasok Ang kanyang Papa at Kuya."

Lumapit sa kanya at ginulo ng kanyang Kuya Ang kanyang buhok, wag mo na muling sasabihin na akin Ng lahat Ang negosyo Ng pamilya ha."

"Wag Kang mag alala, I will protect you, kung sasakyan ka Ng anak ni Don Vicente, mapapalaban Siya sa kin."

Lumapit Ang kanyang Papa, Don't worry Baby, after a year of your marriage ating ipapa walang bisa ito, Basta naayos lang Ang Partnership para sa Ali Company.

" Sa gayong pagkakataon ay.lumabot Ang kanyang puso, at niyakap Niya Ang kanyang Papa."

Nang lumabas Sila Ng kanyang silid ay nanimbalik na muli Ang saya Ng pamilya.

"Pwede bang ipasyal.mo Naman kami Nina Mama at Papa sa buong Farm mo."

"Sige Kuya, pero, yun pick up ko na Lang ipa drive para sun Tayo sa likod, para kita ninyo yun buong paligid."

"Ok, let's go."

Chapter 1 0

Gabi na, nakaalis na Ang kanyang Papa, Mama at Kuya Nathaniel. nakaupo Siya sa sopa na iniisip pa Rin Niya at tinitimbang Ang MGA bagay bagay, pero sa huli Tama Naman Ang kanyang Mama at Papa, kawawa Ang mawawalan Ng hanap Buhay.

Bahala na, Basta Sabi Ng Papa Niya after ng partnership ay ipapawalang bisa Ang kasal at nagkasundo Naman Ang Papa Niya at si Don Vicente

"Hoy, ano ka ba, binuksan.mo nga Ang TV pero wala Naman diyan Ang isip mo sa pinapanood."

"Ano bang napag usapan ninyo ng pamilya mo."

" I am getting married.,!!"

"What!" Sino? Kanino, kailan? Paano?"

"Pwede ba Isa Isa lang Ang Tanong hirap sagutin ah. " At inumpisahan niyang ikwento sa kaibigan Ang lahat".

"Mahirap din Ang maging mayaman ha, yun maging mayaman na may puso,"

"Isipin mo, pati kaligayahan, nakasangla."

Matulog na nga lang Tayo, para makapahinga, parang Pagod na Pagod ako. Tutal, 3 days pa ako dito. Gusto ko munang makapag isip.

Nagtungo na Siya sa kanyang silid habang Ang kanyang kaibigan ay napapailing na sinundan Ng tingin Ang kaibigan.

"Gabi na siyang nakatulog, kung kaya't sikat na Ang Araw Ng Siya ay bumangon."

"Naligo Siya at nagauot Ng bestida na nakagawian lang niyang isuot , bestida na pitch na walang manggas na lalong Nakita Ang makikinis at maputing balat, ipinusod Ang Bagong blower na buhok."

"Humarap sa salamin at tuluyang lumabas Ng silid."

Nag almusal Siya, nagluto Ng Loming Batangas Ang kusinera, naubos Niya Ang Isang mangkok, ito yun pinapaluto Niya sa kusinera sa tuwing umuwe Siya Ng Batangas.

Kahit di na Siya mag miryenda dahil, mabigat sa tiyan Ang Lomi.

Hindi na Siya nagdaan sa sa opisina, kinuha Niya Ang kanyang E-bike at sa isip Niya ay papasyalan Niya yun mga bougainvillea na nabonsai Ng kanyang mga tauhan. nadaanan Niya kahapon habang inikot nila Ng kanyang Papa, Mama at Kuya Nathaniel kahapon.

"pag tigil Ng kanyang E-bike sa tapat Ng mga gumagawa ay bumati sa kanya Ang mga tauhan. Bumaba Siya at gumanti Rin Ng bati.

"Ang ganda nito ah, Ang Dami na pala ninyong na bonsai."

"Opo Ma'am, alam nyo po ba na binibili iyan Ng customer P25k bawat Isa."

"Talaga po." Napakaganda Naman talaga, para siyang Puno pero, puro bulaklak Ang makikita Mula baba Hanggang itaas Ng Puno..

Umikot pa Siya at Nakita Naman Niya Ang mga namimitas Ng Rose na iba't ibang kulay. Lumapit Siya sa namimitas at dahil s sobrang nagandahan sa bulaklak na kulay pula ay pinitas Niya ito. " Akin na Lang ito ha."

"Ay, opo Naman Mam."

"Maya Maya pa ay dumating Ang kaibigan sakay sin Ng kanyang motorbike, ito Naman Ang kanyang gamit sa pag ikot sa Farm."

"Lumapit sa kanya, may bisita ka.."

" Sinong bisita?

"From EP Construction, Akala ko ba, itinago mo Ang iyong identity."

"Oo, pati nga payment, cheke pinagawa ko at Pay to Cash. samantalang confidential Ang aking tunay na pangalan, yun Ang kasunduan Namin with the Architectural department Ng EP Construction at pabor sa kanila Sabi nila dahil walang makahanap sa Arkitekto nagdiswnyo Ng resort kundi Sila lang." sagot ni Armina

" oh, bakit dumating sila. Dalawa yun dumating, mukhang bigatin at grabe sobrang guwapo Lalo na yun Isa na EV tawag samantalang Paulo Naman yun Isa na guwpo Rin. Kaya lang mukhang masungit yun EV. ingat ka"

"Babalik na ako, at Sabi ko ay susununduin lang kita. Sumunod ka na at baka pagsungitan pa ako noong si EV."

"Oo na, susunod na po, bakit Naman ako matatakot, wala Naman akong ginawang masama sa kanila."

Ok Sige, susunod na ako. Mauna ka na."

"Pasakay na Siya Ng Ebike nang lumapit sa kanya Ang Isang tauhan at inabot pa Ang 4 na rose na iba't ibang kulay."

" Mam, panlagay po sa vase sa table nyo o kahit sa silid ninyo."

"Ngumiti Siya at nagpasalamat."

Tuluyang na siyang sumakay sa Ebike at umalis.

Samantalang, pag dating Naman ni Elsa sa opisina ay Nasa labas at nakaupo sa coffee table Ang 2 bisita.. Kahit kinakabajan Siya sa aura Ng 2 ito ay nagkunwari siyang Hindi kinakabajan, Ngayon lang Kase siya nakaharap sa ganitonf klaseng tao, talagang iba Ang dating. ito yun mayaman na suplado, walang pakindangan sa kausap.

Kunot Ang noo at parang irita Ang mukha noong EV, Buti na Lang at nakangiti yun Paulo.

"miss, wika ni Paulo, asan na Ang may ari nitong Farm, Sabi mo Kase susunduin mo."

"Kunot noong tumingin sa kanya yun si EV, sabay Sabi, "Your Boss is just wasting my time."

Siniko Siya ni Paulo, at bumulong, ano ka ba? Gusto mo ba talagang bilhin ito.."

"Kung ayaw nilang ibenta, umalis na Tayo, wala akong panahon sa kalokohang ito. Tumayo si EV at akmang aalis na, nang huminto Ang E bike at may bumabang babae na may hawak na 5 Roses na iba't ibang kulay, napakaganda. Subali't, may gaGanda pa ba sa babaeng may hawak Ng Roses na iyon." Tinitigan Niya Ang baabe Ng kunwang walang reaksyon, Hanggang sa bumulong si Paulo, Pare Nasa Fairy Land ba Tayo, Bakit may magandang babae na lumabas."

Pag lapit Ng babae, hawak pa ang.mga Rosas na iniabot sa katulong at sinabing ilagay sa vase sa kanyang silid, ay Saka pinukol Sila Ng tingin

"Magandang Araw sa inyong 2, mayroon.po ba akong maipaglilingkod."

"Pasensya na kayo, inikot ko pa Ang Farm at nagbisita, pasensya sa paghihintay"

" by the way I am Armina, the owner of this farm"

"Si Paulo Ang nagsalita, By the way, I am Paulo and this is Eduard."

"Wala pa ring salitang namutawi Kay Eduard at si Paulo na Ang nagsalita.. Ah ok lang, na naghintay kami ." Sanay kaming maghintay .

"Maupo kayo, Can I offer you something, coffee or juice. Juice na Lang sa akin" si Paulo.

"What about you Sir, Coffee."

"Elsa, pausap Ng pagtimpla Ng juice, Ako na Lang sa coffee, dito ko tomplahin sa mini cafeteria ko sa office."

" nagtimpla Siya Ng Kape at halos sabay lamang nilang ipinatong ni Elsa sa coffee table Ang kanilang Dala."

" iniabot sa dalawa Ang inumin. Naupo Siya na katapat Ng Dalawa Ng lalaki. Guwapo nga pero mas guwapo para sa kanya yun kumuha Ng kanyang tinimplang kape at humigop, pero kunot Ang noong hinigop muli Ang kape. " Sa isip isip Niya, "Ano yun di masarap, aba Siya lang hindi

nasaraoan sa kape Niya."

" Nang inumin ni Eduard Ang kape, ay napakunot Ang kanyang noo, Ngayon lang Siya nakatikim Ng ganoong lasa Ng kape Hanggang sa naubos Niya Ang kape ay kunot boo pa Rin Siya."

"Well, ano po Ang aming maipaglilingkod since kami ay Nasa Plants and Flower business, ano Ang Maii offer Namin sa inyo *

"I just want to buy this land of yours, walang pasintabi at kagatol gatol na wika Ng masungit na lalaki "

"Sukat soon ay tumayo si Armina, "Alam nyo na na marami pa akong dapat na nagawa at natapos na trabaho kung hindii kayo dumating at walang pasintabi na sasabihin mo, humarap Siya Kay Eduard at nagtama Ang kanilang tingin. Walang reaksyon si Eduard, parang aliw na aliw habang pinapanood Ang sunod sunod na salita ni Armina.

"sasabihin mo, bibilhin mo itong lupa ko." Huh.

" Miss, Ang ibig sabihin Ng kaibigan ko, baka naman pwedeng mapag usapan yun presyo, tulad Nyan Sabi mo marami Kang trabaho dito sa Farm mo kung ibebenta mo ito sa Tamang halaga ay di ka na mahihirapan."

"Hindi ko ito, Ibinebenta at Hindi ko ito ibebenta. Ngayon kung Hindi naman makakaabala sa inyo pwede na kayong umalis at huwag.na huwag na kayong babalik pa dito "

" I don't take No for an Answer?"

"Babalik at babalik ako, at sa bandang huli, ibebenta.mo Rin ito."

"Mangarap ka na Lang." sagot ni Armina.

"We'll wait and see.* si Eduard.

Tatalikod na sana si Eduard Ng may naalala, " By the way, thanks for the coffee. iyong kape mo Ang pinakamasarap na kape na natikman ko.. sabay talikod at umalis.

"Gago ka Pare, bakit mo Naman sinungitan si Armina, Akala ko ba gusto mong bilhin yun lupa, sa ginawa mo di Malabo Ng ibenta Sayo."

""Pero may naisip akong paraan, liligawan ko si Armina at kapag nakasal kami ay sa Manila kami titira at aking uulukan na ibenta Sayo Ang lupa."

"Madilim Ang mukha ni Eduard at Ang Sabi sa kaibigan. "Stay away from her, just leave it to me."

"Isang pilyong ngiti Ang sumilay sa mukha ni Paulo sabay wika, Bro, baka nakalimutan mo, malapit ka Ng ikasal." Kaya Naman, ipaubaya mo na lang sa akin si Armina"

Lalong dumilim Ang mukha ni Eduard. " I said stay away from her."

" Nangingiti si Paulo, ganito Ang kaibigan Niya kapag may nagustuhang Isang bagay, walang naaaring pumigil. Naalala pa Niya noong bata pa Sila, kapag may paborito siyang laruan, walang maaring hinawakan sa laruan, kahit Siya na kababata Niya.. At Ngayon, batid Niya, guato nito si Armina, subali't paano na, nakatakda siyang ikasal sa babaeng napili Ng kanyang magulang para sa kanya .

sa kanilang dako Naman, si Armina, inis na inis na at tuluyang nasira Ang Araw, Ang kapal ng mukha,

"Kapag bumalik dito ang mga walanghiya, ay huwag nyo na akong tatawagin para makipag usap. mga walang kwentang kausap."..

" Relax, ano ka ba, baka naman sa kabila Ng pagkainis mo ay.may itinatagong oaghanga sa Eduard na yun."

"huh, inposible, kita no ba, sobrang matapobre, walang pasintabi."

" Si ko maguguatuhan Ang ganoong klaseng lalaki."

" Handa na ba Ang lunch natin, ngutim akong bigla, pero alam .mo wika Ng kaibigan habang papasok Ng kusina. "Habang bumababa ka Ng Ebike kanina, iba Ang tingin sa iyo, malalim at makahulugan Kase ba Naman, napakaganda mo Lalo na sa suot mong bestida."

*parang.ngayon.lang nakakita Ng magandang babae."

"Tigilan my nga ako, ikakasal na ako no.."

Samantala ng makarating sa kanilang Bahay sa Forbes Park ai Eduard, ay nagtungo na ito sa kanyang silid at nagbilin na lamang sa katulong na tawagin Siya sa Oras Ng hapunan."

Naligo at nagpalit Ng damit, nahiga sa kama, dahil sa sobrang Pagod.. Magoapahinga lang Siya dahil napagod Siya sa biyahe.

"Subali't, sumisingit sa kanyang balintataw Ang mukha Ng babaeng iyon." Armina,. parang Ang sarap bigkasin at sa tuwing maaalala Niya Ang pagtataray nito kanina, Hindi Niya magawang mainis, naaaliw siya. Kung sa ibang babae marahil na pinagtaasan Siya Ng boses e baka napatulan niya. "

Maiksi Ang panimpi Niya pagdating sa pakikipag usap. Ang laging gusto Niya, direct to the point, ayaw Ng paligoy ligoy dahil para sa kanya mahalaga Ang oras."

Kung kaya nga kanina, ay aalis na siya dahil pinaghintay Siya Ng matagal. At mabuti na Lang bago Siya nakaalis ay dumating si Armina.

Pero, Tama si Paulo, sooner or later ay magpakasal Siya, dahilan sa lintik na kasunduan Ng kanyang Daddy at ni Don Armeo Kay Mr Jackson " Subali't desediso Ang kanyang Ama na ipakasal talaga Siya.

At sa pakikipag usap Niya sa kanyang Ama kahapon ay sinabi nitong magba back out na sana Sila, subali't, napailing na Lang Siya sa isiping iyon. Ilang libong tao ang mawawalan Ng hanapbuhay. Subali't, bahala na, alam Niya laging may paraan Ang bagay bagay

Tama Ang Mommy niya kung hindi Sila nagkasundo ay ipapawalang bisa niya ang kasal.

Sa mga susunod na araw ay kailangan na makilala Niya Ang babaeng nakatalagang ipakasal sa kanya. Palibhasa, itong ai Mr Jackson ay may laging intsik, segurista pagdating sa negosyo.

Pero sa Ngayon, kailangan niyang makilalang mabuti Ang Armina na ito, na siyang nagpapagulo sa kaniyang isip mula ng makita niya kaninang umaga .

At bakit iritado Siya kanina Ng kausapin ni Paulo Ang Armina na iyon.

"Kailangang malaman Niya kung bakit iba Ang dating Ng babaeng iyon sa kanya "

" At nakatulugan na Niya Ang pag-iisip."

Chapter 11

Nagising siya, dahilan sa sikat Ng Araw na tumama sa mukha niya.

Kumakalam Ang sikmura niya SA gutom.

Walang, nang abala sa kanya kagabi upang gisingin at maghapunan.

Maaga siyang pupunta Ngayon sa EP Construction upang tuluyang Ng maisaayos ang proyekto Ng Resort sa Batangas.

Naligo siya at nagpalit ng suit na nakagawian na niyang isuot.

Pagabba Niya, ay tinanong Niya si Aling Naty kung nakahanda na Ang kanyang almusal

" Ay opo Senyorito, nakahanda na po, kanina pa po "

" Nagdiretso siya sa kusina at naupo na. nakagawiang upuan na katabing upuan Ng kanyang Daddy "

" Nag almusal na po ba Sina Mommy at Daddy, bakit wala Sila."

" Naku, Sir, kanina pa po, sabay po Sila g Kumain, gigisingin ko po sana kayo para sabay sabay na kayong Kumain, subali't ang sabi po ni Man ay huwag muna kayong gisingin, at baka napagod kayo sa naging biyahe ninyo "

" Ganoon ba"

Pagkakain ay binitbit ang kanyang gamit at sumakay sa kanyang Mercedes-Benz.. Hindi Niya isinasana ang kanilang driver, kapag sa trabaho lang Ang kanyang punta. Mas kailangan Ng kanyang Daddy Ang driver, sa pagpasok sa trabaho. Gusto na niyang patigilin Ang kanyang Ama sa pag aasikaso Ng kanilang negosyo. Sa totoo lang, kaya Naman niyang patakbuhin ang Biz Mall, kahit ilang branches pa Ang mayroon ito. Nagtapos Siya Ng Financial Management at sinanay siya ng kanyang Daddy sa negosyo. Subali't dahil sa patuloy pa rin Ang kanyang Ama sa pag aasikaso ng kompanya ay naisipan nila ni Paulo na itayo Ang EP Construction, gayunman ay Si Paulo pa Rin Ang over all in charge sa lahat Kung kaya lamang siya Ngayon magtungo Ng EP Construction ay upang tapusin na Ang Resort project sa Batangas, dahil siya ang tumaggap Ng project sa Isang kaibigan Ng kanyang Ama. Ang EP Construction ay Kilala sa paggawa Ng MGA buildings at malalaking project.

Pero kahit siya ang tumaggap Ng nasabing project ay hindi siya pinabayaan Ng kanyang kaibigan, at Ang Architectural department pa nga Ang nag suggest na humanap Ng Bagong arkitekto para sa proyekto

At Ang resulta ay napakaganda. Subali't dahil sa may mga dapat pang kinisin sa architectural design kung kaya't kailangan Niya Ngayon magtungo sa EP building para mapag usapan ang tungkol dito.

Kapag natapos na Ang proyekto, Ayon sa kanyang Ama ay dapat na siyang nag Take over Ng pagpapatakbo Ng Biz Mall.

Pagdating sa EP building ay dumiretso na Siya sa kanyang opisina. .

Kauupo pa lang Niya sa kanyang swivel chair ay kumatok na Ang Sekretarya at sinabing Nasa Conference room na Ang lahat at Siyai na lamang Ang hininhintay

Tumango siya at sinabing susunod na sa Conference room.

Nasa may pintuan pa lamang siya ay dinig na Niya Ang malakas na tawanan Ng Nasa loob. Nangingiti siya, palibhasa ay mga Inhinyero, arkitekto at draftsman Ang Nasa loob at puro pa mga barako kung kaya't Ang kanilang conference room ay parang Isang malayangl Lugar para magaang mapag usapan ang proyekto. At kapag naman Finance at Management system Ang pag uusapan ay Saka naging pormal Ang usapan, dahil head Ng Finance at Accounting ang siyang Kasama sa Meeting.

Hindi na Siya kumatok, pinihit Ang seradura at ng makita siya Ng mga tauhan ay tumahimik sumandali, subali't dahil sa panunuya ni Paulo kung kaya't gumaan muli Ang usapan.

O Ayan na pala Ang Master of the Resort Project.

Kumusta na Ang development sa project. Kailan Siya pwedeng matapos. Nagmamadali na si Mr. Soriano na matapos Ang project dahil ireregalo Niya iyon sa kanyang kabiyak sa anibersaro Ng kasal.

" Engr."wika Ng naka assign mismo sa site. Ok Naman po sana, kaya lang, kung maaari po sana at ma contact Ang arkitektong gumawa Ng design upang sa gayon ay ma check Niya at mabisita kung naayon sa kanyang design na kanyang ginawa."

"Hindi ba iyon kaya Ng ating mga Arkitekto dito, sa EP".

". Engr , iba po Kase kung Ang mismong gumuhit Ang magbisita.". At bago po sana Siya makapagbiaita ay maipakita Ang development kahit dito sa opisina at pagkatapos po ay Visitation sa Site." Sa gayon po kung maayos Ang design ay tuloy tuloy na Ang project." at within a month ay matatapos na po Ang proyekto."

" So, kung gayon, Contact the Architect, at bukas kailangan Ang follow up meeting, Kahit Ang assigned na Lang sa nasabing project Ang dumalo. Mas mabuti kung bukas ay ma schedule Ang meeting."

Do I make myself clear.?

Yes Engr. sabay sabay na sagot Ng mga kausap.

Sabihan kagad ang Sekretarya, to contact the Architect and we'll have a meeting tomorrow at 9:00 o'clock in the morning."

So, the meeting is adjourned.

Lumabas Ang mga tauhan, at silang dalawa.na lamang ni Paulo Ang naiwan sa silid na iyon.

Kumusta Bro, kelan muli tayo bibisita Kay Armina. Alam mo Pare, napakaganda at napakaseksi, Niya ha. May boyfriend na kaya yun?

Loko ka ba, nasa trabaho tayo pero baabe pa rin ang nasa utak mo.

" Buti pa kaya labas Muna Tayo at Kumain sa paboritong restaurant natin.*

"ok."

.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status