Share

Chapter 36

Maagang nagising si Eduard, marahil ay naninibago siya sa kapaligiran, palibhasa ay malapit sa karagatan kung kaya, malamig sa gabi subali't habang sumisikat na ang araw ay tumitindi na rin ang init sa kapaligiran.

Isang silid sa Hotel na iyon lamang ang kanyang inupahan pansamantala sa lugar ng Calapan, mabuti na rin lamang at may mga hotel nang naitayo sa lugar na iyon. Marahil ay sapagka't marami na ring biyahero ang paroot parito sa lugar. Dito siya unang maghahanap, sapagka't sa lugar na ito nakita na bumaba si Lyana.

Pagkagising ay agad naligo, bumaba at nagtungo sa isang simpleng restaurant na nasa ground floor ng hotel.

Nag order siya ng pagkain, at nagmasid sa mga taong paroot parito rin sa Hotel, bagaman at naisip niyang imposibleng sa hotel maaring tumuloy si Arnina ay nagbaka sakali pa rin siya at nagtanong sa receptionist ng hotel kung mayroong nag check in doon na Babae at kanyang ibinigay ang pangalan ni Armina subali't tulad ng dapat asahan walang Armina Mondragon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status