Napabalikwas ako sa aking kinahihigaan nang mapagtanto kong ibang silid ang kinaroroonan ko. Napangiwi pa ako dahil sa sakit ng katawan at ng ulo ko. Nagulat ako dahil may telang nakabalot sa aking kanang palad.
Dahan-dahan akong umupo sa maliit na kama na hinihigaan ko. Nalatagan lang ito ng banig kaya siguro masakit ang aking katawan. May maliit din na mesa na nakapwesto sa tabi ng bintana at napatungan ng plastic na flower vase. Sa tabi ng mesa ay may nakasaksak na electric fan at nakatutok pa sa akin. Maliit lang ang kuwarto at halatang babae ang may-ari dahil sa kulay ng mga gamit mula sa pink na unan, bulaklaking kumot at kurtina.Ipinikit ko ang aking mata at hinimas ang ulo ko dahil kumikirot ito at parang mabibiyak na."Gising kana pala. Magsoup ka muna para mainitan ang sikmura mo at pagkatapos ay inumin mo itong gamot para gumaling ang sakit ng ulo mo," sabi ng isang babaeng hindi ko kilala.Inilapag niya ang isang bowl ng macaroni soup sa maliit na mesa at iniurong ang lamesa palapit sa pwesto ko.Napatingin ako sa kanya at muntik na akong mapahalakhak sa itsura niya ngunit pinigilan ko dahil baka ma-offend ko siya. Nakatali ang kanyang mahabang buhok at nakasuot siya ng kulay yellow na T-shirt at pinarisan niya ng kulay black na haft pants.Kahit na hindi masyadong hapit sa katawan ang kanyang suot ay mapapansin mo parin ang magandang hubog ng kanyang katawan at lumilitaw ang kanyang kaputian ngunit pagtingin mo sa kanyang mukha ay matatawa ka dahil sa nakaguhit na uling na para bang sundalong sasabak sa giyera."Who are you?" kunot-noong tanong ko."Ako po si Esther Torres ang may-ari ng kuwartong ito," nakangiting sagot niya at napahanga ako sa pantay-pantay niyang ngipin na kasing puti ng snow na bumagay sa mapula at hugis puso niyang labi.Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya upang pigilan ang tawa ko dahil sa itsura niya lalung-lalo na ang matangos niyang ilong na animo'y clown ngunit ang ipinagkaiba lang ay black ang kulay ng nasa ilong niya."Why I am here? Did you see my cellphone?" tanong na di parin makatingin sa kanya."Suplado! Di man lang magpakilala muna," bulong niya ngunit narinig ko pa rin."What are you saying?" tanong ko at tumingin na rin sa kanya ngunit bigla niyang binawi ang tingin niya at sa soup na siya nakatingin."Sabi ko, gwapo ka sana kaya lang suplado ka," prankang saad niya ngunit nakanguso na at hinalu- halo na ang soup na para bang doon ibinubunton ang inis niya sa akin.Lihim akong napangiti sa inasal niya."Dinala ka ng ate ko dito kagabi kasi baka pagselosan ka daw ni kuya kapag inuwi ka niya sa bahay nila. Bakit di mo ba naaalala ang nangyari sa'yo kagabi?" tanong niya."No," tipid kong sagot."Oh shit! Where is my car?" saad ko kasabay ng pagtayo ko at sumilip sa bintana upang tingnan kung saan nakapark ang kotse ko."Pwede bang magtagalog ka? Kanina ka pa english ng english halata naman na Pilipino ka," sabi niya na nakakunot na ang noo.Mas lalo siyang nakakatawa sa itsura niya dahil naiimagine ko yung aso naming my black sa ilong."Bakit wala ang kotse ko?" tanong ko habang kinapa-kapa ang bulsa ko at kinuha ang susi."Pwede ba, kainin mo muna ito para mainitan ang sikmura mo? Alam kong may hang-over ka pa kaya kainin mo na ito para makainom ka na ng gamot at nang makauwi ka na," inis niyang sabi at padabog na lumabas sa kuwarto.Napailing na lang ako sa pagwowalk-out niya. Umupo akong muli sa kama at kinuha ang kutsara. Magsusubo na sana ako ngunit bigla siyang sumulpot at may dala ng tubig."Tubig niyo po Mr. Suplado," sabi niya habang nakatingin sa akin at nakasimangot.Tiningnan ko siya ng masama dahil sa tawag niya sa akin ngunit hindi pa rin niya binabawi ang kanyang tingin sa akin. Nagkatitigan kami hanggang sa unti-unti na namang kumukunot ang noo niya. Ako na ang nagbaba ng tingin dahil mapapatawa lang ako kapag di pa ako nag-iwas."Masyado ba akong gwapo para titigan mo?" tanong ko habang nakangiti."Yabang! Akala mo lang yun. Tumingin ka kaya sa salamin para malaman mo," mataray niyang sagot.Hindi ko na napigilan ang tumawa. Mas lalo siyang nainis dahil sa pagtawa ko.Bigla niyang inagaw sa akin ang soup na kinakain ko kaya tumigil ako sa kakatawa at tumingin sa kanya."Ipinagluto na nga lang kita ng soup tapos tinatawanan mo pa ako. May nakakatawa ba sa sinabi ko?" galit niyang sabi at inilayo sa akin ng bowl ng soup."Sino ba naman ang hindi matawa sa itsura mo? Ikaw ang kailangang tumingin sa salamin para makita mo ang itsura mo," sabi ko at inagaw muli ang soup sa kanya dahil gutom na talaga ako.Nakasimangot siyang pumunta sa harap ng maliit na salamin na nakasabit malapit sa bintana niya.Napatakip siya ng bunganga na parang gulat na gulat at patakbong lumabas sa kuwarto.Napahagikhik ako at inubos na ang soup na niluto niya para sa akin.Kinuha ko ang isang baso ng tubig upang uminom sana ngunit nakita ko ang isang gamot na nakapatong sa tabi ng baso sa ibabaw ng mesa. Kinuha ko muna ito at binuksan at pagkatapos ay uminom na.Tumayo ako para hanapin ang cellphone ko ngunit hindi sinasadyang napatingin ako sa salamin kaya nakita ko ang itsura ng mukha ko. May mga pasa pala ako sa mukha at hindi ko man lang ito naramdaman.Bakit wala akong naaalala sa nangyari kagabi?Napahawak ako sa ulo ko at pilit na inaalala ang mga nangyari.Nakadungaw ako sa bintana at bumalik sa alaala ko ang panloloko sa akin ng dalawang tao na mahalaga sa akin. Kaya napadpad ako sa Strumm's bar & club kagabi. Dumeretso ako sa bartender at agad na humingi ng pinakamatapang na alak. Nagpakalasing ako na para bang wala ng bukas hanggang sa nagsisigaw na ako tapos hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari."Ok ka na ba?" tanong ni Esther na kakapasok lang sa kuwarto at nagpupunas na ng towel sa basang mukha.Nanatili akong tahimik at nakadungaw lang sa bintana. Iniisip ko kung uuwi pa ba ako sa bahay o mamumuhay na lang ako na mag-isa. Gusto ko munang hanapin ang sarili ko. Sobrang sakit ng ginawa ni Angela at Mark sa akin. Triple ang sakit kumpara sa mga naunang girlfriend ko.Maybe, I am destined to be hurt kaya hindi na lang ako magmahal muli para hindi na ako masaktan. Hinding-hindi na ako magpapaloko sa mga babae kundi ako naman ngayon ang manloloko sa kanila."Hoy Mr. Suplado!" Gulat ako sa malakas na boses ni Esther kasabay ng pagpalo niya sa balikat ko.Tumawa pa siya sa pagkagulat ko ngunit tumigil din nang makitang masama ang tingin ko sa kanya."Sorry, kanina pa kasi ako salita ng salita dito ngunit nasa kabilang mundo na pala ang isip mo," sabi niya."Where's my phone?" seryosong tanong ko."Hindi ko alam. Baka naiwan mo sa bar na pinanggalingan mo," sagot ni Esther."I need to go. Thank you sa pagpapatulog mo sa akin dito," sabi ko."Yun lang? Ako kaya ang gumamot sa mga sugat mo at nagpunas sa mabaho mong suka. Tapos ang taas pa ng lagnat mo kagabi kaya nag-alala ako. Hindi mo ba alam na hindi ako nakatulog dahil lang sa pag-aalaga sa'yo tapos kahit man lang pangalan mo di mo magawang sabihin sa akin?" nakasimangot niyang sabi."What?" saad ko na di makapaniwala sa sinabi niya."Huwag mong sabihin na bingi kana Mr. Suplado," sabi niya sa akin na parang nanghahamon pa ang itsura."I'm Paul masaya ka na?" sabi ko sa seryosong boses."Wow! kakaiba naman ang apelyido mo. Paul Masaya Kana? Ibig sabihin, Masaya ang middle name mo tapos ang surname mo ay Kana?" tanong niya sa akin.Gusto kong tumawa sa sinabi niya ngunit pinigilan ko dahil baka mainis na naman at pagsisihan pa ang pagtulong sa akin."I'm Paul Pascual," sabi ko at inilahad pa ang kamay ko sa kanya.Ngumiti siya sa akin at inilahad ang kamay niya para makipagshake hand."Nice meeting you Paul Pascual," sabi niya na nakangiti."Nice meeting you too Esther," sagot ko naman na walang kaemo-emotion."Nice pero di ka naman nakangiti?" saad niya na parang batang nagmamaktol dahil hindi binili ang gusto niya.Parang nakita ko sa kanya ang kapatid kong si Sarah kaya napangiti ako at ginulo ang buhok niya."Para kang bata. Maiwan na kita. Salamat sa lahat lahat," sabi ko at akmang tatalikod na ngunit nagsalita siya."Kapag ba nag-act ako bilang dalaga friend na tayo?" seryosong tanong niya.Tumingin ako sa kanya at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin. Nagtitigan kami saglit bago ako sumagot."Yun ay kung magkikita pa tayo," sabi ko at ngumiti sa kanya."Would you believe me if I will say that we were destined for each other if we will meet again?" she said seriously."No. I am destined to be hurt kaya hindi na tayo magkikita pa. But, if ever na magkita pa tayo, paalala na lang iyon na minsan ay tinulungan mo ako," seryosong sabi ko."Ang sabi sa bible na matatagpuan sa Romans 8:28, "And we know that in all things God works for the good of those who love him, who have been called according to his purpose." Kaya kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon plano yan ng Diyos para sa ikakabuti mo," she sincerely said."What if I’m not one of those who love him, you think he’s still working for my good?" I asked.Hindi siya nakaimik sa sinabi ko. Yumuko siya na parang napahiya sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang nasaktan din ako sa sinabi ko. Gusto kong magsorry pero hindi ko ginawa. Tumalikod na lang ako at hindi na lumingon pa sa kanya.Pagkalabas ko sa kuwarto ay nabungaran ko ang kanyang kusina. Kaya pala puno ng uling ang mukha niya kanina dahil sa uling siya nagluluto. Hindi ko maiwasan ang mapangiti nang maalala ko ang itsura niya kanina. Naglabas muna ako ng buntung hininga bago tuluyang lumabas sa bahay niya. Nagpara ako ng taxi at nagpahatid sa bar kung saan ko iniwan ang kotse ko.PAUL POVTahimik ang biyahe. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod, sa dami ng napag-usapan namin, o sa simpleng pagkalma pagkatapos ng tensyon. Nakatitig lang siya sa bintana habang binabaybay namin ang makipot na daan palabas ng mall area. Ako naman, tahimik lang sa manibela — pero sa loob ko, parang may sunod-sunod na alon ng emosyon na hindi ko maipaliwanag.Relief. Guilt. Saya. Takot. Ang daming emosyon, pero isa lang ang sigurado ako — ang sarap sa pakiramdam na kasama ko ulit siya. Na wala na akong itinatago maliban sa mahal ko siya. Oo nga pala, may isa pa pala akong hindi nasasabi sa kanya. Malalaman niya rin naman next week. Tatlong araw na lang pala. Sana lang ay hindi siya magagalit sa akin.Huminga ako nang malalim, saka nilingon siya sandali. Malambot ang expression niya, parang pagod pero kalmado. Parang nakahanap ng konting pahinga mula sa bigat ng mga nakaraang linggo. Gusto ko siyang tanungin kung okay lang ba talaga siya. Gusto ko ring humingi ulit ng tawad, pero hin
ESTHER POVHindi ko akalaing magkikita pa kami. Hindi ngayong araw. Hindi sa ganitong lugar.Akala ko okay na ako. Akala ko sapat na ang dalawang linggo ng pananahimik para mapanatili kong buo ang sarili ko. Pero paglingon ko sa food court, at makita ko siyang nakaupo roon, nakangiti, bitbit ang milk tea — bigla akong kinabahan.Wala pa namang nangyayari, pero naramdaman ko agad ‘yung paghigpit ng dibdib ko. Na parang may humila sa akin paupo, pabalik sa lahat ng tanong na iniwasan kong sagutin sa sarili ko. Yung mga damdaming tinakpan ko ng katahimikan. Para bang pinilit kong limutin ang isang pahinang hindi pa pala tapos isulat.Pero sa totoo lang, ang daming bumalik. Mga alaala. Mga tampo. Mga tanong.At higit sa lahat—‘yung paulit-ulit na tanong sa sarili ko kung bakit kahit ilang beses niya akong gustong iwasan, hindi ko pa rin siya kayang talikuran.Naglakad ako papunta sa kanya. Mabagal. Hindi dahil hesitant ako — kundi dahil pinipilit ko lang maging kalmado. Paulit-ulit sa isi
PAUL POVPagkatapos kong magpaalam kina Papa, sumakay na ako sa kotse at tumulak papuntang mall. Hindi ko alam kung bakit parang may excitement akong nararamdaman, kahit na notebook at ballpen lang naman ang bibilhin ko.Pero siguro kasi, ngayon lang ulit ako bumibili ng gamit bilang estudyante. Hindi bilang someone na tumatakbo, kundi bilang taong handa nang humarap.Pagdating ko sa mall, hindi gaanong matao. Sakto lang. Sinalubong ako ng malamig na hangin mula sa aircon sa entrance, kasabay ng soft jazz music sa background—yung tipong instrumental version ng luma nang kanta pero pamilyar.Dumeretso ako sa National Book Store. Alam ko na agad ang kailangan ko: yellow pad para sa notes, notebooks — isa para sa lecture, isa para sa case studies; ballpen — black at blue, plus isang red para kunwari instructor; highlighter; at syempre isang clear book na may dividers para maayos ko ‘yung mga readings at references.Habang pinipili ko ang mga gamit, napaisip ako. Ganito pala ‘yung pakiram
PAUL POVHindi pa rin nagsisimula ang klase, pero tila bawat araw ay may inaayos akong dapat harapin. At ngayong araw, may isa akong bagay na hindi ko na dapat ipagpaliban—ang muling pagdalaw sa tunay kong tahanan.Maaga akong nagising. Matapos ang ilang araw ng pag-aasikaso sa enrollment sa CEU at pagkikita sa barkada, naramdaman kong panahon na para umuwi—hindi sa bahay ni Lola Aurora kung saan ako pansamantalang naninirahan, kundi sa bahay nila Papa. Sa amin.Naglakad ako pababa ng hagdan, bitbit ang maliit kong backpack. Naabutan ko si Lola Aurora sa paborito niyang recliner sa may sala, nakadamit ng puting housedress, nagkakape habang nakikinig sa morning gospel.Tumingin siya agad sa akin, halatang nabasa niya ang laman ng mukha ko.“Saan ang lakad ng apo ko?” tanong niya, may bahagyang ngiti pero seryosong tingin.Lumapit ako at naupo sa tabi niya. “Lola… pupunta po ako kina Papa. Gusto ko po silang dalawin.”Napatitig siya sa akin nang mas matagal, saka tumango nang marahan. “M
Tiningnan ko ang barkada. Tahimik pa rin sila. Pero hindi na galit. Hindi na nagtatanong. Yung tipo ng katahimikan na may kasamang pagdamay.Walang anu-ano’y nagvibrate ang ang phone ko. Nag-reply si Andrea.“Ibig ba sabihin ng pagpapaalam mo, may pakiaalam kana sa akin?”Ang dami kong inasahan na maaaring isagot niya. Galit. Hinaing. Panunumbat. Pero hindi iyon. Hindi ito ang klase ng tanong na kayang sagutin ng logic. Dahil ito, damdamin na ang usapan.Tinitigan ko ang message ni Andrea.“Ibig ba sabihin ng pagpapaalam mo, may pakiaalam kana sa akin?”Nag-type ako. Tapos binura. Type ulit. Burado na naman. Ang dami kong gustong sabihin pero wala akong alam kung paano uumpisahan. Wala ring tamang salita. Kasi sa ganitong usapan, walang nananalo. Hanggang sa pinikit ko na lang ang mga mata ko. Hinayaan ko ang mga daliri kong idikta ang totoo. Kung saan man ako dalhin ng katotohanan, doon na lang.Paul:“Andrea, gusto kong maging totoo sa’yo. Hindi dahil gusto kita o mahal kita kundi i
PAUL POVHindi ko na mabilang kung ilang beses kong sinabi sa sarili ko na ayoko na. Noong iniwan ko ang third year college sa Aurora Academy, akala ko tapos na ang lahat. Hindi lang dahil sa sakit. Hindi lang dahil sa gulo. Kundi dahil wala na akong natirang lakas para ipagpatuloy pa.Pero heto ako ngayon—nakatayo sa pila sa registrar ng CEU Makati, may hawak na brown envelope na parang bumigat sa bawat hakbang ko. Nandoon lahat ng requirements ko—birth certificate, ID photos, recommendation letter, at ‘yung papel na pinakaayaw kong tingnan: ang transcript na nagpapaalala kung saan ako natigil.Third year, first sem. Doon ako huminto. Parang sasakyang naubusan ng gasolina sa gitna ng daan. At ngayon, ilang buwan matapos ang katahimikan, sugat, at pag-aalinlangan, heto ako. Gusto ko ulit bumiyahe. Hindi para sa iba. Hindi para patunayan ang kahit ano. Kundi para sa sarili kong unti-unting natututong maniwala muli.Pagharap ko sa counter, pinilit kong panatilihin ang boses ko na kalmado