Share

Destined to be Hurt
Destined to be Hurt
Author: Eli

Chapter 1

Author: Eli
last update Last Updated: 2022-08-04 12:51:08

"Babe san ka ngayon?" tanong ko sa girlfriend ko na si Angela.

"Andito ako sa bahay. Bakit?" sagot niya.

Napapikit ako ng mata dahil sa pagsisinungaling niya. Hindi niya alam na nandito ako sa bahay nila at naghihintay sa kanya.

"Pwede ba tayong magkita? I miss you babe," sabi ko at pilit na pinapalambing ang boses ko kahit na ang totoo ay gusto ko ng magalit at prangkahin siya.

"Sorry babe may pupuntahan kasi kami ni mama. Next time na lang. Pasensiya ka na I need to hang up aalis na kami. Bye," sagot niya at pinatay na ang tawag ko.

Pilit akong ngumiti sa mama ni Angela na nakatingin lang sa akin. Nagpaalam na lang ako sa kanya dahil parang hindi ko na kayang kontrolin pa ang pangingilid ng luha sa aking mga mata.Tumango lang sa akin ang mama ni Angela at ngumiti.

Mabilis akong pumasok sa kotse ko at tahimik na umalis sa bahay ng girlfriend ko. Sobra akong dismayado sa pagsisinungaling niya sa akin.

Tinawagan ko ang best friend kong si Mark dahil kailangan ko ng kausap. Kailangan ko ng kaibigan na mapagsabihan ng sama ng loob ko. Ngunit ring lang ng ring ang cellphone niya. Tinawagan ko ulit ngunit hindi parin siya sumasagot. Imbes na dumeretso ako sa bahay ay mas pinili kong dumeretso na lang sa simbahan.

I was greeted by a very quiet and a big church surrounded by a beautiful plants with a variety of flowers. On the side of the walls are a row of tall pine trees where birds perched on it. I can hear their chirping along with the murmur of water coming from the fountain on the side of the church.

I went inside and sat in the front seat and prayed fervently.

Ang simbahang ito ang tambayan ko mula pagkabata hanggang ngayon na binata na ako. Nag-eenjoy kasi ako sa pagkanta ng mga worship songs at pagpapiano. Kaya kahit hindi oras ng worship, prayer meeting, dawn prayer o practice ng music ministry ay pumupunta ako dito. Ito din ang kanlungan ko kapag nalulungkot ako o nasasaktan tulad na lang ngayon.

Lumapit ako sa piano na nakapwesto sa gilid ng polpito at sinimulang laruin ito. Idinadaan ko na lang sa pagkanta habang nagpapiano ang sama ng loob na aking nararamdaman.

Hindi ko lubos maisip kung bakit kailangang magsinungaling sa akin si Angela. May kutob na akong niloloko niya ako. Kailangan kong gumawa ng paraan para malaman ang totoo.

Tumingin ako sa pambisig kong relo at mahigit isang oras na pala ako dito sa loob ng simbahan. Kailangan ko nang umuwi dahil may pasok pa ako sa paaralan.

Pagdating ko sa bahay ay sumalubong agad sa akin si papa.

"Anak galing ka ba sa simbahan?" tanong niya sa akin.

"Opo pa. Pupunta po ba kayo doon?" tanong ko dahil hawak niya ang bible at susi ng kotse niya.

"Oo anak, may kailangan kasi akong ayusin doon. Maiwan na kita. Kumain kana baka malate ka sa klase mo. Isabay mo narin ang kapatid mo kasi hindi ko siya maihatid ngayon. Alis na ako," paalam ni papa.

"Sige pa ingat po kayo," tugon ko.

Dumeretso na ako sa kusina at nadatnan kong nakatakip lang ang mga pagkain sa lamesa. Kumuha na ako ng plato ko at kumain na ng tanghalian.

Pagkatapos ko kumain ay pinuntahan ko muna ang kapatid ko sa kwarto niya.

Dalawang palapag ang bahay namin at ang kwarto naming magkakapatid ay nasa ikalawang palapag. Kaya kailangan ko munang umakyat sa palikong hagdan bago makarating sa kuwarto namin. Tatlo kaming magkakapatid at tig-iisa kami ng kwarto na may kanya-kanyang comfort room.

Kumatok muna ako ng tatlong beses sa kwarto ni Sarah, ang bunso namin.

"Hindi po naka-lock iyan, pasok na po kayo," sabi ni Sarah mula sa loob ng kuwarto.

"Sarah, ready ka na ba? Sabay kana daw sa akin mamaya dahil hindi ka maihatid ni papa," sabi ko sa kanya.

"Opo kuya. Ready na po ako," sagot niya.

"Ok, hintayin mo na lang ako sa sala. Maligo lang ako saglit," sabi ko at nagmadali na akong pumunta sa kuwarto ko na katabi lang din ng kuwarto ni Sarah.

Habang naliligo, hindi ko maiwasan ang isipin si Angela. Gusto ko siyang makausap para itanong kung ok lang ba kami. 8 months na kaming magkasintahan ngunit ngayon ko lang siya nahuling nagsinungaling sa akin. Mabait si Angela kaya minahal ko siya ng lubos. Hindi siya katulad ng mga ex-girlfriend ko na masyadong demanding at maluho. Kaya nga labis akong nasasaktan sa pagsisinungaling niya sa akin.

12:30 na nang makarating kami ni Sarah sa paaralang pinapasukan namin. Ang paaralan na pag-aari ng mga magulang ni mama. May oras pa ako upang hanapin si Angela sa Department nila ngunit hindi ko siya makita. Tinawagan ko ang number niya ngunit out of coverage area. Wala akong nagawa kundi pumasok na lang muna sa klase ko.

I can not concentrate the discussion because I was thinking of Angela. I miss her. She didn't even attended worship yesterday and I can't find her now either.

What's happening to her? Iniiwasan niya ba ako?

Natapos ang araw na ito na hindi ko nakita si Angela. Hindi ko rin makontak ang number niya at wala rin akong makuhang impormasyon mula sa mga kaibigan niya.

"Huwag mong hanapin ang taong ayaw magpakita," sabi ng best friend niya na si Flor.

"What do you mean Flor?" I asked.

"Hindi pa ba obvious Paul? Ayaw kang makita ni Angela. I tried to talked to her and convince her na kausapin ka niya at sabihin ang problema niya ngunit tumanggi siya. Wala daw siyang mukhang ihaharap pa sa'yo," paliwanag ni Flor.

"Anong problema niya? Bakit niya sinasabing wala siyang mukhang ihaharap sa akin?" nagtatakang tanong ko

.

Mas maganda kung siya na lang ang kausapin mo Paul. Puntahan mo na lang siya sa bahay nila at huwag kang aalis hangga't hindi mo siya nakakausap," tugon niya at tumalikod na siya sa akin.

Naiwan akong napaisip sa sinabi ni Flor.

Kinagabihan ay pumunta nga ako sa bahay nila Angela. Hindi pa ako nakakarating sa gate nila pero natanaw ko na si Angela na nakatayo sa labas ng gate kasama si Mark. Magkaharap sila at magkahawak ang kamay. Biglang dinambol ng kaba ang aking dibdib. Pinark ko ang kotse ko malapit sa kanila at dali-daling bumaba. Ngunit pagtingin ko sa kanila ay naghahalikan na sila. Pareho pa silang nakapikit kaya hindi nila ako nakita na papalapit sa kanila.

"What is the meaning of this?" galit na tanong ko sa kanila habang nakakuyom ang mga palad ko.

Gusto kong manapak ng tao ngunit inisip kong Pastor ang papa ko kaya pinigilan ko ang sarili ko. Nakayuko lang ang bestfriend kong si Mark at si Angela ay nakatingin sa akin na para bang nakikiusap na huwag akong manggulo.

"I'm sorry Paul. It's time to tell you that I want to break up with you. Sana mapatawad mo ako dahil nahulog ako sa iba," sabi ni Angela sa malumanay na tinig.

Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa sa narinig ko mula sa girlfriend ko. Ang nakakuyom kong mga palad ay unti-unting nagbukas upang hawakan ang kanyang mga kamay ngunit iniwasan niya ito.

"Ano ang nagawa kong kasalanan sa'yo para saktan mo ako ng ganito? Naging masama ba akong boyfriend para ipagpapalit mo sa best friend ko? Ano ang meron sa kanya na wala sa akin Angela?" nagsusumamo kong tanong.

"Wala kang kasalanan Paul. Ako ang may kasalanan dahil hinayaan kong mahulog sa kanya kahit na alam kong boyfriend kita. Hindi ako karapat-dapat sa'yo Paul kaya maghiwalay na lang tayo. I'm sorry pero mas mahal ko na ngayon si Mark kaysa sa'yo," sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Tumingin ako kay Mark ngunit nanatili lang siyang nakayuko at hawak na ang kamay ni Angela. Napuno ng galit ang puso ko kaya hindi ko na napigilan ang suntukin siya sa mukha.

"Traydor ka Mark! Ginago mo ako! Ahas ka! Alam mo kung gaano ko kamahal si Angela pero palihim mo na pala siyang inaagaw sa akin. Hayop ka! Gago ka! Pinagkatiwalaan kita!" sigaw ko habang pinagsusuntok si Mark.

Hindi ko napigilan ang napamura dahil sa galit na nararamdaman ko. Nagsilabasan na ang mga kapitbahay nila Angela maging ang mga magulang at kapatid niya dahil sa pagsisigaw ko. Narinig ko pa ang sinabi ng isang kapit-bahay nila na, "Anak yan ni Pastor Dan di'ba? Bakit siya nanakit ng walang kalaban-laban? Hindi man lang siya naawa?" sabi ng isang matandang babae.

Inawat ako ng kuya ni Angela dahil hindi naman lumaban sa akin si Mark. Ang kinalabasan, ako ang naging masama. Nakita ko pa si Angela na umiiyak at alalang-alala habang pinupunasan ang mga dugo sa mukha ni Mark. Hindi ko na sila kayang panoorin pa kaya dali-dali akong tumalikod at sumakay na sa kotse ko at umalis na doon.

Hindi ko namalayan na pumatak na pala ang luha ko sa mata. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Kaya pala wala siyang mukhang ihaharap sa akin dahil best friend ko ang pinatulan niya. Minahal ko siya ng tapat. Sabi niya mahal na mahal niya ako at gusto niya akong makasama sa pagtanda ngunit bakit nagbago? Marami kaming pangarap. Nangako kaming walang lokohan at walang iwanan. Marami kaming gustong gawin na magkasama ngunit bakit naglaho na lang bigla? Isa siyang manloloko. Bagay nga sila ni Mark dahil pareho silang manloloko. Bakit hindi ko yun napansin noon? Bakit ako nagtiwala sa kanila? Gusto kong makalimot kahit sandali.

Gusto kong magwala. Gusto kong maglasing para makalimot.

Napadpad ako sa isang bar dito sa Makati. First time kong pumasok sa bar para maglasing. Hindi ko tanggap na niloko na naman ako ng isang babae at ang masaklap kasama pa nito ang pinagkakatiwalaan kong tao. Ano bang mali sa akin na palaging naloloko ng babae? Hindi naman ako masamang tao para isipin kong karma ko ito. Hindi ko deserved ang masaktan at lokohin lang ng paulit-ulit.

"Ayaw ko na! Gusto ko nang mamatay!" sigaw ko na ikinalingon sa akin ng ibang tao sa bar.

Kahit malakas ang tugtugin at hiyawan ng mga tao sa paligid ko ay may mga nakarinig pa rin sa pagsigaw ko. Tinungga ko ulit ang isang baso ng tequila hanggang sa hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Destined to be Hurt   Chapter 36

    Hindi ako makagalaw. Nakatayo lang ako sa likod ng poste, parang estatwang pinipigilan ang sarili sa paglabas. Sa dami ng puwedeng dahilan kung bakit nandoon si Frederick, bakit si Andrea Fae pa talaga ang nakita ko?‘Yung ex-girlfriend ko na kakabreak ko lang after ko nag-enrol dito sa CEU. At ngayon, andito siya. Sa parehong campus. Sa parehong oras na sinabi ni Frederick na may "kakausapin" lang siya.Coincidence ba ‘to?Hindi ko na napigilan ang sarili. Lumapit ako ng bahagya para mas tanawin sila mula sa salamin ng room. Bahagyang bukas ang pinto. Kita ko ang likod ni Andrea, nakatayo, nakasimangot. At si Frederick, nakayuko. Hindi ko marinig ang usapan, pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila. Wala ‘yung usual na Frederick vibe — ‘yung kwela, ‘yung maangas. Parang ibang tao siya ngayon. Parang… sumusuyo.Huminga ako nang malalim. Gusto kong umatras, umalis. Pero kasabay ng bugso ng damdamin, may isang parteng gusto ring marinig kung ano talaga ang pinaplano nila. At saka—kung

  • Destined to be Hurt   Chapter 35

    PAUL POVDumating na ang lunes,unang araw ng pasukan namin sa paaralan. Hindi ako mapakali buong umaga. Sa dami ng beses kong sinubukang i-rehearse kung paano ko siya sasalubungin, lahat iyon, parang walang kwenta pagdating ng aktwal na moment.Wala rin akong balak magpa-dramatic entrance. Ayokong magmukhang desperado. At lalong ayokong isipin niyang kaya ako lumipat ay dahil gusto ko siyang ligawan. Kaya ang plano ko simple lang: magpakita sa kanya. Magbantay sa manliligaw niya. Walang paramdam ng tunay na raramdaman ko. Bestfriend mode lang at babaero pa rin.Pumasok ako sa main gate, pinakiramdaman ang paligid, tinatandaan ang mga building, tinitingnan kung saan siya maaaring dumaan. Sabi ko sa sarili ko, unang araw pa lang, hindi ako aasang makakasama siya buong araw. Gusto ko lang siyang makita. Masimulan ang “bawi mode” ko.Pero ang hindi ko inaasahan — unang araw pa lang, gulo na agad.Una kong nakita si Esther. Nakangiti. Tumatawa. Kasabay ang isang lalaking hindi ko kilala. H

  • Destined to be Hurt   Chapter 34

    PAUL POVTahimik ang biyahe. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod, sa dami ng napag-usapan namin, o sa simpleng pagkalma pagkatapos ng tensyon. Nakatitig lang siya sa bintana habang binabaybay namin ang makipot na daan palabas ng mall area. Ako naman, tahimik lang sa manibela — pero sa loob ko, parang may sunod-sunod na alon ng emosyon na hindi ko maipaliwanag.Relief. Guilt. Saya. Takot. Ang daming emosyon, pero isa lang ang sigurado ako — ang sarap sa pakiramdam na kasama ko ulit siya. Na wala na akong itinatago maliban sa mahal ko siya. Oo nga pala, may isa pa pala akong hindi nasasabi sa kanya. Malalaman niya rin naman next week. Tatlong araw na lang pala. Sana lang ay hindi siya magagalit sa akin.Huminga ako nang malalim, saka nilingon siya sandali. Malambot ang expression niya, parang pagod pero kalmado. Parang nakahanap ng konting pahinga mula sa bigat ng mga nakaraang linggo. Gusto ko siyang tanungin kung okay lang ba talaga siya. Gusto ko ring humingi ulit ng tawad, pero hin

  • Destined to be Hurt   Chapter 33

    ESTHER POVHindi ko akalaing magkikita pa kami. Hindi ngayong araw. Hindi sa ganitong lugar.Akala ko okay na ako. Akala ko sapat na ang dalawang linggo ng pananahimik para mapanatili kong buo ang sarili ko. Pero paglingon ko sa food court, at makita ko siyang nakaupo roon, nakangiti, bitbit ang milk tea — bigla akong kinabahan.Wala pa namang nangyayari, pero naramdaman ko agad ‘yung paghigpit ng dibdib ko. Na parang may humila sa akin paupo, pabalik sa lahat ng tanong na iniwasan kong sagutin sa sarili ko. Yung mga damdaming tinakpan ko ng katahimikan. Para bang pinilit kong limutin ang isang pahinang hindi pa pala tapos isulat.Pero sa totoo lang, ang daming bumalik. Mga alaala. Mga tampo. Mga tanong.At higit sa lahat—‘yung paulit-ulit na tanong sa sarili ko kung bakit kahit ilang beses niya akong gustong iwasan, hindi ko pa rin siya kayang talikuran.Naglakad ako papunta sa kanya. Mabagal. Hindi dahil hesitant ako — kundi dahil pinipilit ko lang maging kalmado. Paulit-ulit sa isi

  • Destined to be Hurt   Chapter 32

    PAUL POVPagkatapos kong magpaalam kina Papa, sumakay na ako sa kotse at tumulak papuntang mall. Hindi ko alam kung bakit parang may excitement akong nararamdaman, kahit na notebook at ballpen lang naman ang bibilhin ko.Pero siguro kasi, ngayon lang ulit ako bumibili ng gamit bilang estudyante. Hindi bilang someone na tumatakbo, kundi bilang taong handa nang humarap.Pagdating ko sa mall, hindi gaanong matao. Sakto lang. Sinalubong ako ng malamig na hangin mula sa aircon sa entrance, kasabay ng soft jazz music sa background—yung tipong instrumental version ng luma nang kanta pero pamilyar.Dumeretso ako sa National Book Store. Alam ko na agad ang kailangan ko: yellow pad para sa notes, notebooks — isa para sa lecture, isa para sa case studies; ballpen — black at blue, plus isang red para kunwari instructor; highlighter; at syempre isang clear book na may dividers para maayos ko ‘yung mga readings at references.Habang pinipili ko ang mga gamit, napaisip ako. Ganito pala ‘yung pakiramd

  • Destined to be Hurt   Chapter 31

    PAUL POVHindi pa rin nagsisimula ang klase, pero tila bawat araw ay may inaayos akong dapat harapin. At ngayong araw, may isa akong bagay na hindi ko na dapat ipagpaliban—ang muling pagdalaw sa tunay kong tahanan.Maaga akong nagising. Matapos ang ilang araw ng pag-aasikaso sa enrollment sa CEU at pagkikita sa barkada, naramdaman kong panahon na para umuwi—hindi sa bahay ni Lola Aurora kung saan ako pansamantalang naninirahan, kundi sa bahay nila Papa. Sa amin.Naglakad ako pababa ng hagdan, bitbit ang maliit kong backpack. Naabutan ko si Lola Aurora sa paborito niyang recliner sa may sala, nakadamit ng puting housedress, nagkakape habang nakikinig sa morning gospel.Tumingin siya agad sa akin, halatang nabasa niya ang laman ng mukha ko.“Saan ang lakad ng apo ko?” tanong niya, may bahagyang ngiti pero seryosong tingin.Lumapit ako at naupo sa tabi niya. “Lola… pupunta po ako kina Papa. Gusto ko po silang dalawin.”Napatitig siya sa akin nang mas matagal, saka tumango nang marahan. “M

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status