Share

Chapter 6

Author: Eli
last update Last Updated: 2022-09-18 19:22:15

Habang naglalakad ako sa hallway ng ospital ay napapaisip ako kung makikisali ba ako sa grupo nila Frederick.

Kung noon pa man ay sinusubaybayan na nila ako, ibig sabihin ay alam na rin nila ang tungkol sa panloloko sa akin ni Angela at Mark. Ngunit bakit kailangang sabihin nila na padala ako ng kalaban nila para magmanman sa kanila? May nalalaman ba sila na hindi ko alam? May ginawa kaya ako sa gabing nasa bar ako nang hindi ko nalalaman?

Kailangan kong tanungin si Kuya Daniel kung may video pa siya sa mga nangyari. Marahil ay may video pa akong hindi napapanood.

Takbo-lakad ang ginawa ko para makalabas agad sa hospital na iyon ngunit biglang may bumundol sa akin na isang lalaki. Muntik akong nawalan ng balance ngunit ang taong bumangga sa akin ay parang walang pakialam. Ni hindi man lang ito humingi ng paumanhin sa ginawa niya.

Kunot-noo akong tumingin sa lalaki na hindi naman nag-abalang lumingon sa akin dahil nagmamadaling pumasok na isang kwarto. Ilang sandali pa ay may humahangos din na isang lalaki na palinga-linga at mukhang may hinahanap. Nagkatinginan pa kami ngunit siya rin naman ang unang umiwas at umalis na rin agad.

Muli akong naglakad hanggang sa nakalabas ako ng ospital ngunit pagdating ko sa labas ay namataan ko si Angela na nakaupo sa waiting area malapit sa emergency room. Mukha siyang malungkot at mabigat ang pasanin.

Biglang bumilis ang tibok ng baliw kong puso na para bang biglang bumalik lahat ng pagmamahal ko sa kanya. Binubulong ng aking puso na lapitan ko siya at kausapin.

Lalapitan ko na sana siya ngunit dumating si Mark at nakangiting sinalubong naman siya ni Angela. Hinalikan siya ni Mark sa labi at niyakap. Ilang sandali pa ay magkaakbay na silang naglalakad papasok sa emergency room.

Kinuyom ko ang aking mga palad upang pigilin ang galit na nararamdaman ko. Nasasaktan pa rin ako sa tuwing nakikita ko silang magkasama. Nahihirapan akong makita silang masaya sa isa't-isa. Sila na nga ang nanloko sa akin, sila pa itong masaya. Life is so unfair.

Sumandal ako sa pader na malapit sa akin at inihilig ko ang aking ulo habang nakapikit ang aking mga mata upang pigilan ang luhang gustong dumaloy dito. Ngunit parang mas nakikita ko ang mukha ni Angela at Mark na masayang magkasama.

Hindi ko mapigilan ang aking galit kaya pinagsusuntok ko ang pader na sinasandalan ko. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga taong napapadaan basta ang mahalaga ay mailabas ko ang galit na aking nararamdaman.

"Maawa ka naman sa pader walang laban yan sa'yo," saad ng popular na boses ng isang lalaki sa likuran ko.

Kung hindi ako nagkakamali ay boses iyon ni Frederick. Idinilat ko ang aking mga mata at dahan-dahang humarap sa kanya. Si Frederick nga ang lalaking nagsalita.

"Kanina pa kita hinahanap. Sabi mo bibili ka lang ng pagkain tapos hindi kana bumalik. Yun pala sinasaktan mo na naman ang sarili mo. Anong problema bro?" ani Frederick.

"Wala," tipid kong sagot.

"Ano? Nakapagdecide ka na ba? Do you want to know kung bakit pinagbintangan ka naming pakawala ng kalaban namin?"seryosong tanong ni Frederick.

Tumango lang ako sa kanya habang nagkakatitigan kami na para bang binabasa namin ang iniisip ng isa't-isa.

"Follow me," sabi niya sabay talikod na sa akin.

Tahimik akong sumunod kay Frederick hanggang sa nakarating kami sa kwarto ni Bryan. Pagbukas ng pinto ay sumalubong sa akin sina Julius, Kyle, at Kier at nakipag-bump ng kamao. Nagtaka sila dahil left ang ginamit ko kaya napatingin sila sa right hand ko at nakita nila ang duguan kong kamao.

"Anong nangyari? Nakipagbasagan ka na naman ba?" natatawang tanong ni Kyle.

"Sino na naman ang kawawang ginulpi mo?" seryosong saad ni Bryan habang nakaupo sa kama nito.

"Ano ba kayo? Huwag niyo nang kulitin si Paul. Baka kayo pa ang pagbuntungan niya ng galit, lagot kayo," sita sa kanila ni Frederick.

"It's ok," sabi ko at ngumiti sa kanila.

"Gusto kong malaman kung bakit niyo ako pinagbintangan na kasapi ng kalaban niyo?" seryosong tanong ko.

Nagkatinginan silang lima at pagkatapos ay sabay-sabay silang tumingin sa akin.

Naglabas ng bugtong-hininga si Bryan at naglabas naman muna ng bara sa lalamunan si Frederick bago nagsalita.

"Kyle asan ang video?" walang emosyong sabi niya.

Dali-daling inilabas ni Kyle ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng pantalon niya at inopen ang video pagkatapos ay ipinatong sa mesa nang may sandalan upang lahat kami ay makapanood. Iyon din naman yung video na napanood ko sa cellphone ni kuya Daniel.

"Ang anim na lalaking tumulong sa'yo ay mga kalaban ng SI group na pinamumunuan ko. Nakikita mo ba ang babaeng kumuha sa katawan mo? Siya ang kapatid ng leader ng mga MF o tinatawag na Man of Fraternity," pagpapakilala ni Frederick sa mga taong tumulong sa akin.

"Ang gusto lang namin malaman ay kung saan ka dinala ng babaeng ito nang gabing iyon?" tanong ni Bryan.

"Kung hindi ka nila kasapi, bakit ka nila tinulungan?" seryosong tanong naman ni Frederick.

Hindi ako agad nakasagot dahil ako rin ay hindi ko alam kung bakit nila ako tinulungan.

"Nagising ako noon na nasa loob na ng kuwarto ni Esther. Hipag ni Esther ang babaeng nakita natin sa video. At ayon kay Esther dinala daw ako ng babaeng iyon sa bahay ni Esther dahil baka pagselosan daw ako ng kuya ni Esther kapag inuwi ako sa bahay nila. Ang kwento ni Esther sa akin ay iniwan din daw ako agad ng babae at si Esther na ang nag-asikaso sa akin. Yun lang ang alam ko," seryosong sagot ko.

"Pwede mo bang ituro sa amin kung nasaan ang bahay ni Esther?" tanong ni Frederick.

Tumango ako sa kanila kasabay ng paglakas ng tibok ng puso ko na para bang kinakabahan ako.

"Sa isang condition," sabi ko agad na ikinagulat nila.

"Anong condition?" sabay-sabay pa nilang sinabi habang lahat sila ay nakatingin sa akin.

"Huwag niyo siyang idadamay dahil malakas ang kutob kong inosente siya at wala siyang kaalam-alam sa grupong sinasabi ninyo," pakiusap ko.

Hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyon pero bigla kasing lumakas ang tibok ng puso ko ng inisip kong pwedeng mapahamak si Esther kapag nalaman nila kung saan ito nakatira.

"Kung hindi siya kabilang sa grupo, walang dahilan para idamay namin siya," sagot ni Bryan.

"Tingnan lang namin ang itsura niya kung nakikilala ba namin siya," dagdag pa ni Frederick.

"Ok, bukas ko na lang ituturo dahil gusto kong mapag-isa muna," seryosong sabi ko.

"Ayaw mo bang makisali sa grupo namin?" tanong ni Bryan.

"Gusto ko pero kung pagdududahan niyo lang ako, mas magandang huwag na lang," sagot ko.

"Noon lang yun pero noong napagtagpi-tagpi na namin ang mga pangyayari ay nawala na ang pagdududa namin sa'yo," paliwanag ni Julius.

Tumingin ako sa kanila isa-isa upang basahin kung nagsasabi ba sila ng totoo o nakikipaglaro na naman sila sa akin.

"Sa tingin ko, kaya ka nila tinulungan ay dahil alam nilang balak ka naming isali sa grupo kaya siguradong sa mga darating na araw ay may lalapit sa'yo para alukin kang sumali sa kanila," saad ni Frederick.

"Kaya unahan na namin sila dahil kami naman talaga ang nauna sa'yo. Naghihintay lang kami ng tamang pagkakataon ngunit nang nakakita kami ng chance ay pumalpak naman. Kaya sa pangatlong pagkakataon ay tatanungin ulit kita. Gusto mo bang sumali sa amin?" seryosong tanong ni Frederick.

"Ok. I want a new life with you guys," sagot ko.

They welcomed me into their group with a hand shake while smiling at me.

"Anong gusto mong baguhin sa'yo sa new life na sinasabi mo? Sabihin mo at tutulungan ka namin" ani Kyle.

Everything na nagpapaalala sa akin na ako si Paul.

"Deal! Ako ang bahala sa'yo," nakangiting sabi ni Kier.

"Bakit ikaw lang? Kasama mo kami," sigaw ni Julius.

"Ok let's go. Maiwan ka na dito Bryan babalik na lang kami bukas," paalam ni Frederick.

Nagtungo kami sa barber shop at sabay-sabay kaming nagpagupit. Pare-pareho ang style ng gupit namin na kung saan pinalagyan pa namin ng line diretso sa kilay namin kaya nagmukha kaming bad boy lalo na nang ipinakulay pa ang buhok namin.

Bumili din si Kier ng tig-iisa naming hikaw at sabay-sabay din namin itong isinuot.

Nakaramdam ako ng saya sa pagsama sa kanila at kahit papano ay nakalimot ako sa sakit na dulot ng dalawang taong pinagkatiwalaan ko.

"Shot tayo sa condo ko. Ako ang taya," masayang sabi ni Julius.

"Himala bro, anong nakain mo at nagvolunteer ka ngayon?" Pang-aasar ni Kyle.

"Para iwelcome si Paul sa grupo natin. We need to celebrate," sagot ni Julius.

Owww….ang bait mo bro sana kunin ka ni Lord," natatawang sabi ni Kier.

Binatukan siya ni Julius habang nagtatawanan kami at napangiwi na lang si Kier dahil nasaktan.

Hindi ko alam kung anong grupo itong sinalihan ko ngunit kampante ako dahil parang mababait naman sila kahit na mahilig silang mang-asar.

"Nakikita niyo ba ang nakikita ko?" tanong ni Frederick.

Tumigil kami sa paglalakad at tiningnan kung saan siya nakatingin. Nakita namin ang mga nakatambay na grupo ng mga kalalakihan sa kanto na may layo pa sa amin.

"Yes, of course," sagot ng tatlo naming kasama pero ako ay tahimik lang na nakamasid.

"Iwas na lang tayo bro. Baka matakot na si Paul kapag ito ang una niyang mararanasan sa grupo natin," bulong ni Julius kay Frederick ngunit umabot pa rin sa pandinig ko.

Napaisip ako kung ano ang ibig sabihin ni Julius. Tiningnan ko ulit ang mga lalaki at kanya-kanya na silang hawak ng armas at nakatingin sa kinaroroonan namin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Destined to be Hurt   Chapter 35

    PAUL POVDumating na ang lunes,unang araw ng pasukan namin sa paaralan. Hindi ako mapakali buong umaga. Sa dami ng beses kong sinubukang i-rehearse kung paano ko siya sasalubungin, lahat iyon, parang walang kwenta pagdating ng aktwal na moment.Wala rin akong balak magpa-dramatic entrance. Ayokong magmukhang desperado. At lalong ayokong isipin niyang kaya ako lumipat ay dahil gusto ko siyang ligawan. Kaya ang plano ko simple lang: magpakita sa kanya. Magbantay sa manliligaw niya. Walang paramdam ng tunay na raramdaman ko. Bestfriend mode lang at babaero pa rin.Pumasok ako sa main gate, pinakiramdaman ang paligid, tinatandaan ang mga building, tinitingnan kung saan siya maaaring dumaan. Sabi ko sa sarili ko, unang araw pa lang, hindi ako aasang makakasama siya buong araw. Gusto ko lang siyang makita. Masimulan ang “bawi mode” ko.Pero ang hindi ko inaasahan — unang araw pa lang, gulo na agad.Una kong nakita si Esther. Nakangiti. Tumatawa. Kasabay ang isang lalaking hindi ko kilala. H

  • Destined to be Hurt   Chapter 34

    PAUL POVTahimik ang biyahe. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod, sa dami ng napag-usapan namin, o sa simpleng pagkalma pagkatapos ng tensyon. Nakatitig lang siya sa bintana habang binabaybay namin ang makipot na daan palabas ng mall area. Ako naman, tahimik lang sa manibela — pero sa loob ko, parang may sunod-sunod na alon ng emosyon na hindi ko maipaliwanag.Relief. Guilt. Saya. Takot. Ang daming emosyon, pero isa lang ang sigurado ako — ang sarap sa pakiramdam na kasama ko ulit siya. Na wala na akong itinatago maliban sa mahal ko siya. Oo nga pala, may isa pa pala akong hindi nasasabi sa kanya. Malalaman niya rin naman next week. Tatlong araw na lang pala. Sana lang ay hindi siya magagalit sa akin.Huminga ako nang malalim, saka nilingon siya sandali. Malambot ang expression niya, parang pagod pero kalmado. Parang nakahanap ng konting pahinga mula sa bigat ng mga nakaraang linggo. Gusto ko siyang tanungin kung okay lang ba talaga siya. Gusto ko ring humingi ulit ng tawad, pero hin

  • Destined to be Hurt   Chapter 33

    ESTHER POVHindi ko akalaing magkikita pa kami. Hindi ngayong araw. Hindi sa ganitong lugar.Akala ko okay na ako. Akala ko sapat na ang dalawang linggo ng pananahimik para mapanatili kong buo ang sarili ko. Pero paglingon ko sa food court, at makita ko siyang nakaupo roon, nakangiti, bitbit ang milk tea — bigla akong kinabahan.Wala pa namang nangyayari, pero naramdaman ko agad ‘yung paghigpit ng dibdib ko. Na parang may humila sa akin paupo, pabalik sa lahat ng tanong na iniwasan kong sagutin sa sarili ko. Yung mga damdaming tinakpan ko ng katahimikan. Para bang pinilit kong limutin ang isang pahinang hindi pa pala tapos isulat.Pero sa totoo lang, ang daming bumalik. Mga alaala. Mga tampo. Mga tanong.At higit sa lahat—‘yung paulit-ulit na tanong sa sarili ko kung bakit kahit ilang beses niya akong gustong iwasan, hindi ko pa rin siya kayang talikuran.Naglakad ako papunta sa kanya. Mabagal. Hindi dahil hesitant ako — kundi dahil pinipilit ko lang maging kalmado. Paulit-ulit sa isi

  • Destined to be Hurt   Chapter 32

    PAUL POVPagkatapos kong magpaalam kina Papa, sumakay na ako sa kotse at tumulak papuntang mall. Hindi ko alam kung bakit parang may excitement akong nararamdaman, kahit na notebook at ballpen lang naman ang bibilhin ko.Pero siguro kasi, ngayon lang ulit ako bumibili ng gamit bilang estudyante. Hindi bilang someone na tumatakbo, kundi bilang taong handa nang humarap.Pagdating ko sa mall, hindi gaanong matao. Sakto lang. Sinalubong ako ng malamig na hangin mula sa aircon sa entrance, kasabay ng soft jazz music sa background—yung tipong instrumental version ng luma nang kanta pero pamilyar.Dumeretso ako sa National Book Store. Alam ko na agad ang kailangan ko: yellow pad para sa notes, notebooks — isa para sa lecture, isa para sa case studies; ballpen — black at blue, plus isang red para kunwari instructor; highlighter; at syempre isang clear book na may dividers para maayos ko ‘yung mga readings at references.Habang pinipili ko ang mga gamit, napaisip ako. Ganito pala ‘yung pakiramd

  • Destined to be Hurt   Chapter 31

    PAUL POVHindi pa rin nagsisimula ang klase, pero tila bawat araw ay may inaayos akong dapat harapin. At ngayong araw, may isa akong bagay na hindi ko na dapat ipagpaliban—ang muling pagdalaw sa tunay kong tahanan.Maaga akong nagising. Matapos ang ilang araw ng pag-aasikaso sa enrollment sa CEU at pagkikita sa barkada, naramdaman kong panahon na para umuwi—hindi sa bahay ni Lola Aurora kung saan ako pansamantalang naninirahan, kundi sa bahay nila Papa. Sa amin.Naglakad ako pababa ng hagdan, bitbit ang maliit kong backpack. Naabutan ko si Lola Aurora sa paborito niyang recliner sa may sala, nakadamit ng puting housedress, nagkakape habang nakikinig sa morning gospel.Tumingin siya agad sa akin, halatang nabasa niya ang laman ng mukha ko.“Saan ang lakad ng apo ko?” tanong niya, may bahagyang ngiti pero seryosong tingin.Lumapit ako at naupo sa tabi niya. “Lola… pupunta po ako kina Papa. Gusto ko po silang dalawin.”Napatitig siya sa akin nang mas matagal, saka tumango nang marahan. “M

  • Destined to be Hurt   Chapter 30

    Tiningnan ko ang barkada. Tahimik pa rin sila. Pero hindi na galit. Hindi na nagtatanong. Yung tipo ng katahimikan na may kasamang pagdamay.Walang anu-ano’y nagvibrate ang ang phone ko. Nag-reply si Andrea.“Ibig ba sabihin ng pagpapaalam mo, may pakiaalam kana sa akin?”Ang dami kong inasahan na maaaring isagot niya. Galit. Hinaing. Panunumbat. Pero hindi iyon. Hindi ito ang klase ng tanong na kayang sagutin ng logic. Dahil ito, damdamin na ang usapan.Tinitigan ko ang message ni Andrea.“Ibig ba sabihin ng pagpapaalam mo, may pakiaalam kana sa akin?”Nag-type ako. Tapos binura. Type ulit. Burado na naman. Ang dami kong gustong sabihin pero wala akong alam kung paano uumpisahan. Wala ring tamang salita. Kasi sa ganitong usapan, walang nananalo. Hanggang sa pinikit ko na lang ang mga mata ko. Hinayaan ko ang mga daliri kong idikta ang totoo. Kung saan man ako dalhin ng katotohanan, doon na lang.Paul:“Andrea, gusto kong maging totoo sa’yo. Hindi dahil gusto kita o mahal kita kundi i

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status