Share

Chapter 7

Tumigil si Frederick sa paglalakad at ganun din sina Julius, Kier, at Kyle. Kaya tumigil din ako at tumingin sa kanila.

"May problema ba bro?" Nagtatakang tanong ko kay Frederick.

"Kapag sinabi kong takbo, tumakbo na kayo at iligtas ang mga sarili ninyo. Hindi natin sila kakayanin dahil marami sila at may mga armas sila. Kaya umiwas na lang muna tayo," seryosong sabi ni Frederick.

"May paparating na jeep bro, sumakay na tayo," saad ni Julius.

"Ok, Ready.

Get set.

Sakay.

Pagkasabi ni Frederick ng sakay ay agad silang naglambitin sa kadarating na sasakyan. At dahil naguguluhan pa rin ako ay hindi ako nakapaglambitin ngunit humina ang takbo ng sasakyan kaya humabol ako at sumakay sa sa likuran nito. Umupo ako sa mismong pintuan nito na kung saan nakaharap ako sa labas.

Kitang-kita ko ang mga kalaban namin na humabol ngunit bumilis na ang takbo ng sinasakyan naming jeep kaya tumigil din sila sa paghabol.

"Woooh…

Muntik na tayo dun," saad ni Kier.

"Bro may nakasunod pa rin. Anim sila at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status