SA BAR
CHLOE POV"beshy puntahan mo ako ngayon nandito sa Thomas Morato . please beshy" pagsusumamo ko kay Kean, ang nag-iisang best friend ko na handang damayan ako sa lahat ng oras.
"umiiyak ka ba Chloe? ano na naman bang ngyari sayo beshy? Tsk yung pamilya mo na naman ba?" nag-aalalang tanong niya sa akin
"huhuhu! oo beshy mamaya ko iwento sayo lahat pagdating mo. Nandito ako sa paborito nating hang out area." nanlulumo kong sabi sa kaniya.
"kumalma ka lang diyan beshy bibilisan ko lang magbihis at liliparin ko na din papunta diyan. Wag kang aalis diyan pupuntahan kita!” Pagpapakalma niya sa akin.
“Okay beshy! Huhuhu “ tugon ko sa kanya. ibinaba ko na ang aking tawag at nagpatuloy naman ako sa pagtungga sa aking inumin. Gusto kong magpakalunod sa alak at makalimot sa ginawa ng aking mga magulang. Nanlulumo ako sa tuwing maiisip ko ang nalalapit kong pagpapakasal kay Valentino. Sunod sunod na pag-order ng alak ang aking ginawa. Kada dating ng mga inumin ay agaran ko itong tinutungga. Maya maya ay nag ring na ang aking telepono, dumating na din si Kean. Pinuntahan naman agad niya ako sa aking pwesto . Pagkalapit ay niyakap niya ako kaagad.
"beshy lasing na lasing ka na, iuuwi na kita" sabi ni Kean sa akin pagkadating na pagkadating niya.
"ayoko beshy, hindi pa ako uuwi. Ayokong umuwi din sa amin. Kaya ko pa. Huhuhu beshy!” halos na-ngo-ngongo na ako sa pagsasalita sa sobrang kalasingan. "uminom pa tayo!" itinaas ko ang aking kamay at sinenyasan ang waiter para kuhain ang aking order.
"ano ba kasing ngyari sayo beshy?! winalangya ka na naman ba ng mga magulang mo? sinabi ko naman kasi sayo noon pa hayaan mo na ang negosyo mong iyan dahil hindi naman yan naging sayo kahit sabihin pa natin na ikaw ang nagpahirap upang mapalago iyan. Inangkin na din naman yan ng mga magulang mo. Tignan mo simula nung sila ang kumapit niyang negosyo mo nagkanda-peste peste na lahat." naiinis na sabi ni Kean"beshy alam mo bang ikakasal na ako?" nakapangalumbaba kong sabi sa kaniya. seryoso ko siyang tinignan sa kaniyang mga mata.
Rumehistro sa mukha niya ang matinding pagkagulat. "huh? at pano naman ngyari yun? at sino ang magiging asawa mo? “dire-diretso niyang tanong sa akin. “Kelan ka pa nagkaroon ng jowa?! Bakit hindi mo ata nakwento sakin ang tungkol dito?”
"huhuhu! (nag-unahang pumatak ang aking luha at sinumulan kong magkwento kay Kean ng mga nangyari) beshy, sa totoo lang wala din akong ideya tungkol sa nalalapit kong kasal kung hindi lang sinabi sa akin ni Theo hindi ko pa malalaman. hindi ko alam kung pano na ang buhay ko ngayon! hindi ko inakalang magagawa sakin nila Mama ang ganito, (hinahampas ko ang aking dibdib dahil sa paninikip ng aking dibdib sa sama ng loob sa aking mga magulang ) dahil sa pesteng pagkalulong nila sa pagsusugal ay nakipagkasundo sila kay Valentino bilang kabayaran sa kanilang atraso ang aking kalayaan, bukod pa dun ay magbibigay si Valentino ng tulong para maiahon ang nalulugi kong kompanya. Siguro beshy kapalaran ko na lang talaga ang maging alipin ng mga taong malalapit sa akin. " nanlulumo kong sabi kay Kean. Nawawalan na ako ng gana sa mundo dahil sa sabay sabay na nangyayari sa aking buhay. Tuloy ang pag-agos ng luha sa aking mga mata. Dala na din ng aking kalasingan ang pagiging emosyonal ko.
Nakatingin naman sa akin si Kean "beshy ano ka ba! Cheer up (pagpapalakas niya sa aking loob) may naiisip akong paraan kung pano ka makakatakas sa kawalang hiyaan ng iyong mga magulang pero kakailanganin ko ang koordinasyon mo. Alam kong pagdating sa tibay ng loob ay malakas ka. Kung papayag ka ay tutulungan kitang tumakas sa araw ng iyong kasal. Naalala mo yung sinabi ko sayo noon na bahay ko sa Italy? pwedeng pwede kang magtago muna doon pansamantala hindi ka nila makikita doon dahil nasa private village iyon " nakatitig sa akin si Kean, seryoso ito sa kanyang sinasabi, Isa si Kean sa maiimpluwensyang tao sa bansa. Kilala siya sa larangan ng fashion industry kaya hindi ito mahihirapang gawan ng paraan ang aking pag-alis . Isa pa ay nag-ma-may-ari ito ng private plane na maari kong gamitin sa aking pagtakas.
"beshy sure ka bang tutulungan mo ako?" seryoso ko ding tanong sa kanya.Tinitigan ko siya ng mata sa mata.
"sure ako beshy! alam mo namang ikaw lang ang super friend ko, syempre hindi kita pababayaan basta sumang-ayon ka lang sa gusto nilang mangyari para hindi sila makapag-hinala" nakangiti niyang pinapaliwanag sa akin ang aming gagawin para sa aking pagtakas. Gayunpaman ay hindi ko maiwasan ang mag-isip. Hindi ko maintindihan kung bakit palagi na lang akong ginagawan ng hindi maganda ng sarili kong mga magulang. "mag-enjoy na lang tayo beshy! ikalma mo muna ang sarili mo, magiging maayos din ang lahat" sabi pang muli niya sa akin.
Tinawag na muli ni Kean ang waiter upang umorder muli ng aming mga maiinom. Tuloy-tuloy ang ginawa naming pag-inom. Makalipas ng ilang oras kasabay ng paglalim ng gabi ay siyang pagkalasing naman namin ni Kean. Napapasayaw na din kami sa dance floor kasama ng iabng mga grupo. Parehas kaming nag-enjoy ng mga sandaling iyon ni Kean. Nagtatawanan naman kaming bumalik sa aming pwesto.
Kinantsawan naman ako ni Kean dahil sa isang lalaking kanina pa nakatingin sa akin.
"beshy alam mo bet ka niyang lalaking yan kanina pa yan nakatitig sayo" pang aasar ni Kean sa akin.
"Tshhh naku lang beshy hayaan mo yan! Ayokong dagdagan pa ang sakit ng ulo ko “ sagot ko naman sa kanya. “Kailangan ko lang pumunta sa comfort room beshy”
“Okay sige! Daanan mo ako dun sa table na yun . Makiki join na muna ako sa mga gwapong yun” tinuro niya sakin ang isang grupo ng kalalakihan na nakasayaw namin ang kaniyang sasamahan. Tumango lang ako sa kaniya saka umalis.
Ng mapag isa na ako sa CR ay muli ko na namang naalala ang sakit na dulot ng aking mga magulang. Dala ng matindi kong kalasingan ay hindi ko na naisip na balikan si Kean bagkus ay naglakad ako pasulong palabas ng Bar.
Kasabay ng malakas na ulan ang pagpatak ng aking mga luha. Dire-diretso akong naglakad sa ilalim ng malakas na ulan , hindi alintana ang pagkabasa ng buo kong katawan. Pinara ko ang isang itim na sasakyan na aking nakita na agaran namang huminto sa aking harapan. “Miss okay ka lang ba?” Tanong ng lalaki sa akin“Ikaw yung lalaki kanina ah! (Nakatitig kong sabi sa kaniya, inabot pa niya sa akin ang kaniyang jacket dahil sa nilalamig ako sa pagkabasa sa ulan) please ilayo mo ako sa lugar na ito. Dalhin mo ako kahit saan mo gusto basta wag lang sa bahay namin!” Nagsusumamo kong sabi sa kaniya.
5 Years LaterCHARLIE POVHindi ko inakala na ang buhay na minsan kong inakalang puno lang ng hirap, sakit, at kahihiyan ay magdadala sa akin ng ganito kagandang biyaya. Sa ngayon, kasalukuyan akong nasa sala ng aming bahay, pinagmamasdan si Liam, ang aming apat na taong gulang na anak, na abala sa kanyang mga laruan. Tumatawa siya habang pinapaikot-ikot ang maliit niyang laruang kotse.“Daddy, tingnan mo! Ang bilis ng kotse ko!” sigaw niya, puno ng tuwa.Ngumiti ako habang sinasagot siya, “Ang galing mo naman, anak! Ikaw na siguro ang pinakamabilis na driver sa buong mundo.”Narinig ko ang boses ni Janela mula sa kusina. “Charlie, kaya mo bang bantayan si Liam nang saglit? Inaayos ko lang ang tanghalian natin.”“Walang problema, mahal,” sagot ko habang lumapit kay Liam. Umupo ako sa sahig at sumali sa kanyang laro.Sa gitna ng paglalaro namin, hindi ko maiwasang mapaisip. Sino ba ang mag-aakala na ang dating Charlie na walang direksyon sa buhay ay magiging ganito kasaya? Noon, ang al
Kinabukasan, matapos ang gabing puno ng emosyon, hindi ko mapigilang mapaisip sa mga sinabi ni Charlie. Sa lahat ng nangyari sa amin, ramdam ko ang lalim ng nararamdaman niya, pero hindi ko inakalang darating ang araw na magtatapat siya ng ganoong katapat. Habang abala ako sa trabaho, bigla siyang nag-text. " Pwede ka bang mag-half day ngayon? May importante akong gustong gawin kasama ka." "mag-Half day? Charlie, ang dami kong ginagawa! Anong meron?" reply ko sa kaniya "Secret. Please? Isa lang itong hiling ko ngayon. hayst ang hirap kapag lawyer ang sinusuyo, kailangan may defense palagi. Basta you will love it." sagot niya. Napangiti ako sa reply niyang iyon. Paulit ulit kong binabasa ang message niya sa akin. Alam kong mahirap tanggihan si Charlie. Sa huli, pumayag din ako, kahit medyo nagtataka kung ano ang iniisip niya. Sinundo niya ako sa opisina bandang tanghali. “Anong trip mo ngayon?” tanong ko, habang sumasakay sa kotse niya. Ngumiti siya, ‘yung tipong ngiti na lagin
Sa mga susunod na linggo, mas lalo kong naramdaman ang kakaibang saya na dulot ni Charlie. Sa kada mag-uusap kami ay may kakaiba na siyang saya na dulot sakin. Alam kong hulog na hulog na ako kay Charlie mula sa mga seryosong bagay hanggang sa mga simpleng kalokohan . Si Charlie ang naging sandigan ko lalo na sa mga araw na sobrang bigat ng iniisip ko dahil sa mga kasong kapit ko. Gumagaan ang sandali kapag kasama ko siya. Isang gabi, habang naglalakad kami sa tabi ng ilog, napansin kong mas tahimik siya kaysa usual. Hindi ko na ito pinansin agad, iniisip na baka abala lang siya sa mga bagay na wala akong kaalaman. Ngunit nang makatawid kami sa isang tulay, tumigil siya at humarap sa akin. "Atty. Janela," sabi niya, "sabihin mo ng korny ako pero alam mo bang, hindi na ako sanay na hindi kita nakikita , parang ang tagal tagal ng isang araw kapag busy ka sa trabaho mo. I'm sorry, hindi ko intensyon na mahulog sayo, pero anong magagawa ko sa ganda mo ba namang yan. Pero wag kang mag-ala
Mga ilang linggo ang lumipas matapos ang gabing iyon sa café. Bawat araw na lumilipas, nararamdaman ko ang kakaibang koneksyon na patuloy na tumitibay sa pagitan namin ni Atty. Janela. Hindi ko alam kung anong klaseng relasyon ang nagsisimula, pero isang bagay ang sigurado mas komportable ako sa kanya, mas lalo kong nakakilala siya at mas lalo ko siyang pinahahalagahan. Pakiramdam ko ay mas concern na ako sa kaniya ngayon hindi tulad noon.Tuwing magkikita kami, nararamdaman ko ang kakaibang saya. Puno ng kasiyahan ang bawat pag uusap namin , minsan seryoso, pero kadalasan ay puro kalokohan lang. Nakakagaan ng loob ang makasama siya, at sa mga pagkakataong magkasama kami, alam kong hindi kami nagmamadali.Isang araw, nagkaroon kami ng pagkakataon na magkasama sa isang business meeting. Habang tinitingnan ko siya habang nagsasalita sa harap ng mga kliyente, napansin ko ang gilas at tapang sa mga mata niyang puno ng determinasyon. Dati, siya ang tumulong sa akin sa pinakamasalimuot na b
Habang naglalakad kami patungo sa kainan, naramdaman ko ang kakaibang saya na matagal ko ng hindi nararamdam. Hindi ko maiwasang mapansin ang mga maliliit na detalye tungkol kay Atty. Janela - ang mga buhok niyang medyo magulo dahil sa hangin, ang mga mata niyang medyo namumugto pa pero sumisinag ang taglay niyang kagandahan. May kakaibang aura siya, kahit malungkot siya ay malakas pa rin ang dating niya.“Okay lang ba sa’yo ’to?” tanong ko habang nagbabayad kami sa parking lot. “Medyo tahimik na lugar lang. Hindi ko alam kung ano ang gusto mo, pero atleast makalimot ka sa ginawa ng mokong na yun.”Nagngiti siya, pero may halong pag-aalangan. “Masaya na ako sa kahit anong lugar, Charlie. Gusto ko lang mag unwind. That bullshit. Sa dinami dami na ng kasong nakapitan ko kahit isa wala pang nagpa iyak sakin. Ang mokong lang palang yun ang makakaganito sakin. And for the record iniwan ako ng hindi ko man lang naipagtatanggol ang sarili ko."Naramdaman ko ang galit sa kaniyang puso kahit n
CHARLIE POV Lumipas ang anim na buwan mula nang matapos ang annulment ko. Pakiramdam ko, unti-unti nang bumabalik ang kumpiyansa ko sa sarili. Mahirap ang naging proseso, pero sa wakas, nakakabangon na ako. Isang hapon, nagpunta ako sa paborito kong café para magpahinga. Simpleng plano lang - uminom ng kape, magbasa ng libro, at i-enjoy ang katahimikan. Habang nag-aabang ng order, may narinig akong argumento mula sa mesa sa likod ko. “Nakakatawa ka! Aanuhin ko ang isang Atty na sikat nga pero hindi ko naman mapakinabangan! Ni hindi kita makasama sa tuwing may gatherings ang mga tropa. Mas inuuna mo pa ang pesteng trabahong yan! Maghiwalay na lang tayo kung hindi mo kayang makisabay sa akin,” sabi ng lalaki, galit na galit. Napakunot ang noo ko. Hindi naman sa nanghihimasok, pero ang lakas ng boses nila para hindi mapansin. “Please! Be considerate! Huwag naman ganito! Wag mo kong papiliin. Mahal kita pero hindi ko kayang basta iwan ang trabaho ko. Maraming umaasa sa akin,” sagot n