Share

Destined to be Mr. CEO’s Wife
Destined to be Mr. CEO’s Wife
Penulis: Roxxy Nakpil

Kabanata 001

Penulis: Roxxy Nakpil
last update Terakhir Diperbarui: 2024-07-21 20:46:12

CHLOE POV

“Blagabag” Malakas kong tinulak ang pinto sa aming bahay. Lumagabog pa ito sa pagtama sa aming ding-ding na semento sa lakas ng aking pagkakatulak. Pulang pula ang aking mukha sa galit na nagtungo sa aming sofa upang komprontahin ang aking mga magulang. Nakita kong napabalikwas ng pagtayo sila Mama at Papa mula sa kanilang pagkakaupo sa aming sofa.

“Anong kalokohan itong nabalitaan ko Mama?! Sa lahat ba ako na lang ang hindi nakakaalam sa sarili kong kasal? Kung hindi pa nadulas sa akin si Theo ay hindi ko pa malalaman na malapit na pala akong ikasal?” Nagngingitngit kong sabi sa kanila.

Kasama nila si Valentino Rosso ang matandang mayaman na ulol na ulol sa akin noon pa man. Nakangisi ito na parang aso ulol ng makita ako

“Hi Chloe! bakit naman mainit ata ang ulo mo!”. Kulang na lang ay ilabas nito ang kaniyang dila habang naglalaway na animo'y asong nauulol .

“Manahimik ka Valentino usapang pamilya ito huwag kang makisabat. (Matalim kong tinitigan ang kaniyang mga mata. Mapanakit ang bawat pagtitig na ginawa ko sa kaniya.) bakit ka ba nandito ? Pwede ba kung wala ka namang gagawin ay umalis ka na!” Pasigaw kong sabi kay Valentino. Gigil ang bawat salitang aking binigkas.

“PAKKKKKK!” Isang malakas na sampal ang lumapat sa aking pisngi. Napakapit pa ako sa aking panga sa tindi ng pagkakasampal sa akin. Isang matining na ugong naman ang aking narining mula sa aking tainga sa lakas ng pagkakasampal na iyon, bahagya pa akong napapikit sa sakit ng pakiramdam ng aking pisngi. “Magtigil ka sa kabastusan mong iyan Chloe! Ganyan ka ba naming pinalaki?! Mahiya ka sa magiging asawa mo. Next week magiging legal mo ng asawa si Valentino kaya wag mo siyang pagsalitaan ng ganyan! Matuto kang rumispeto sa magiging asawa mo “Galit na sabi ni Papa sa akin.

Nagulantang ako sa mga sinabing iyon ni Papa hindi ko inaasahang si Valentino ang pinagkasundo nilang ipakasal sa akin.

“Hindi ako magpapakasal sa matandang manyakis na iyan, Pa ano na naman bang pumasok sa isip niyo?! Ikakasal ako sa taong gusto ko at hindi kay Valentino!” Mariin kong pagtutol sa plano nila Papa. Hindi pa ako tapos sa aking mga sasabihin ng hapitin ni Valentino ang aking braso. 

“Ano ba nasasaktan ako! Bitiwan mo ako Valentino!” nagpupumiglas kong sigaw sa kaniya.

Isang sampal na naman ang aking inabot ngunit sa pagkakataong ito ay mula naman ito kay Valentino, napatingin naman ako kay Mama upang humihingi ng tulong sa ginawang iyon ni Valention, inaasahan kong sana ay sasawayin ng mga ito ang matandang huklubang iyon sa kanyang ginagawa pero nakaismid lang din ito sa akin. Hinawakan pa niya ang aking pisngi saka ako sinabihan “Magpasalamat ka Chloe at pumayag ako sa kagustuhan ng mga magulang mo kung tutuusin kulang ka pang kabayaran sa laki ng pagkakautang nila sa akin pero okay na din pwede naman kitang pagsawaan araw araw pag nakasal na tayo. Noon pa ko gigil na gigil sayo (nanlilisik ang mga mata nitong sabi sa akin. inamoy-amoy pa nito ang aking buhok at katawan. Nakakadiri ang itsura nito habang ginagawa iyon sa akin) mabuti nga pati ang kompanya mong nalulugi ay sasaluhin ko na. Hindi ko naman hahayaan na ang reputasyong ng aking pinaka mamahal na asawa ay mauwi sa hindi maganda.” Nang-bubuska nitong asar sa akin. Napatiim ang aking bagang sa kaniyang sinabi. Nahihiwagaan ako sa kung ano mang ibig sabihin nito sa akin.

“Bakit hindi mo ba alam? Ikaw ang naging kabayaran nila Oliver sa akin kapalit ng naitalo nila sa sugal na 50 million pati na ang pagtulong ko sa kumpanya mong nalulugi  (Binitawan niya ako sa pagkakakapit sa akin at binalingan ang aking mga magulang) siguraduhin mong naayos mo ang anak mo OLIVER! Sa isang linggo na ang magiging kasalan baka hindi sumipot yan kapag nangyari yun doble ang sisingilin kong kabayaran sa iyo.“ mariing bilin nito sa aking mga magulang bago siyang tuluyang umalis kasama ng kaniyang mga body guard. 

Napabarandal naman ako sa pagkakasandal sa aming pader ng tuluyang umalis ang matandang ito. "Huhuhu! Mama bakit?! Pa?! Bakit niyo nagawa ito sa akin? Akala ko ba tumigil na kayo sa pagsusugal? Diba nangako na kayo sakin na hinding hindi na kayo babalik sa casino. Bakit pati ang kompanya kong pinaghirapan ay pinakiealaman niyo pa. Bakit ako ang naging kabayaran sa lahat ng ginawa niyo?" halos himatayin ako sa sama ng aking loob sa ginawang iyon ng aking mga magulang.

"Aba Chloe napakayabang mo na samin ngayon?! Pinagdadamutan mo na kami sa kompanya mo ang kapal ng mukha mong kwestyunin kami, tandaan mo hindi ka magkakaruon ng ganyang kompanya kung hindi ka namin tinaguyod kaya utang na loob mo sa amin kung anong meron ka ngayon." malakas na sigaw sa akin ni Papa halos lumabas na ang litid sa kanyang leeg sa galit sa akin.

"Pa kompanya ko po iyun, pinaghirapan ko ng ilang taon. Kumuha na nga kayo ng pera sa finance team bakit pati ako ay isinaman niyo pa sa kalokohan niyong ito naghihimutok kong sagot kay Papa

"hay*p kang bata ka! (umamba na naman siya ng sampal sa akin peor agad itong napakapit sa kanyang  dibdib si Papa, bagay na lagi niyang ginagawa sa tuwing nakokorner namin siya sa kanyang mga kalokohan.) lumayas ka sa harapan ko baka hindi ako makapag-pigil sayo. Ikakasal ka kay Valentino sa isang linggo sa ayaw at sa gusto mo! Siguraduhin mong dadating ka sa kasalang iyon Chloe dahil baliw ang matandang iyan. Wag mo kaming ilagay sa kahihiyan kung hindi itatakwil kita at isusumpa sampu ng mga magiging anak mo. Si Valentino lang ang makakapag salba sa pagkalugi ng kompanya natin sa tulong ng pera niya at impluwensya makakabawi din ang kompanya" paninindak sa akin ni Papa.

"bakit ba laging ako ang kailangang sumalo ng mga atraso niyo, lahat ng pinaghirapan ko ay mababalewala lang ng dahil sa bisyo niyo." galit kong sabi kila Mama. 

"napakawalang hiy* mong bata ka. Pinagmamalakihan mo na kami ngayon Chloe." malakas na pagsigaw ni Papa sa akin. 

Tumalikod na ako sa kanila, kahit pa panay pa ang sigaw sa akin ni Papa. Hindi ko na inintindi ang kaniyang mga sinabi. Lutang na ang aking isipan ng mga sandaling iyon . Hindi ko matanggap ang sabay na pagkawala ng aking kompanya at ng aking kalayaan. Sumakay na ako sa aking sasakyan at pinaharurot ito papalayo sa aming bahay.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Destined to be Mr. CEO’s Wife   Kabanata 143

    5 Years LaterCHARLIE POVHindi ko inakala na ang buhay na minsan kong inakalang puno lang ng hirap, sakit, at kahihiyan ay magdadala sa akin ng ganito kagandang biyaya. Sa ngayon, kasalukuyan akong nasa sala ng aming bahay, pinagmamasdan si Liam, ang aming apat na taong gulang na anak, na abala sa kanyang mga laruan. Tumatawa siya habang pinapaikot-ikot ang maliit niyang laruang kotse.“Daddy, tingnan mo! Ang bilis ng kotse ko!” sigaw niya, puno ng tuwa.Ngumiti ako habang sinasagot siya, “Ang galing mo naman, anak! Ikaw na siguro ang pinakamabilis na driver sa buong mundo.”Narinig ko ang boses ni Janela mula sa kusina. “Charlie, kaya mo bang bantayan si Liam nang saglit? Inaayos ko lang ang tanghalian natin.”“Walang problema, mahal,” sagot ko habang lumapit kay Liam. Umupo ako sa sahig at sumali sa kanyang laro.Sa gitna ng paglalaro namin, hindi ko maiwasang mapaisip. Sino ba ang mag-aakala na ang dating Charlie na walang direksyon sa buhay ay magiging ganito kasaya? Noon, ang al

  • Destined to be Mr. CEO’s Wife   Kabanata 142

    Kinabukasan, matapos ang gabing puno ng emosyon, hindi ko mapigilang mapaisip sa mga sinabi ni Charlie. Sa lahat ng nangyari sa amin, ramdam ko ang lalim ng nararamdaman niya, pero hindi ko inakalang darating ang araw na magtatapat siya ng ganoong katapat. Habang abala ako sa trabaho, bigla siyang nag-text. " Pwede ka bang mag-half day ngayon? May importante akong gustong gawin kasama ka." "mag-Half day? Charlie, ang dami kong ginagawa! Anong meron?" reply ko sa kaniya "Secret. Please? Isa lang itong hiling ko ngayon. hayst ang hirap kapag lawyer ang sinusuyo, kailangan may defense palagi. Basta you will love it." sagot niya. Napangiti ako sa reply niyang iyon. Paulit ulit kong binabasa ang message niya sa akin. Alam kong mahirap tanggihan si Charlie. Sa huli, pumayag din ako, kahit medyo nagtataka kung ano ang iniisip niya. Sinundo niya ako sa opisina bandang tanghali. “Anong trip mo ngayon?” tanong ko, habang sumasakay sa kotse niya. Ngumiti siya, ‘yung tipong ngiti na lagin

  • Destined to be Mr. CEO’s Wife   Kabanata 141

    Sa mga susunod na linggo, mas lalo kong naramdaman ang kakaibang saya na dulot ni Charlie. Sa kada mag-uusap kami ay may kakaiba na siyang saya na dulot sakin. Alam kong hulog na hulog na ako kay Charlie mula sa mga seryosong bagay hanggang sa mga simpleng kalokohan . Si Charlie ang naging sandigan ko lalo na sa mga araw na sobrang bigat ng iniisip ko dahil sa mga kasong kapit ko. Gumagaan ang sandali kapag kasama ko siya. Isang gabi, habang naglalakad kami sa tabi ng ilog, napansin kong mas tahimik siya kaysa usual. Hindi ko na ito pinansin agad, iniisip na baka abala lang siya sa mga bagay na wala akong kaalaman. Ngunit nang makatawid kami sa isang tulay, tumigil siya at humarap sa akin. "Atty. Janela," sabi niya, "sabihin mo ng korny ako pero alam mo bang, hindi na ako sanay na hindi kita nakikita , parang ang tagal tagal ng isang araw kapag busy ka sa trabaho mo. I'm sorry, hindi ko intensyon na mahulog sayo, pero anong magagawa ko sa ganda mo ba namang yan. Pero wag kang mag-ala

  • Destined to be Mr. CEO’s Wife   Kabanata 140

    Mga ilang linggo ang lumipas matapos ang gabing iyon sa café. Bawat araw na lumilipas, nararamdaman ko ang kakaibang koneksyon na patuloy na tumitibay sa pagitan namin ni Atty. Janela. Hindi ko alam kung anong klaseng relasyon ang nagsisimula, pero isang bagay ang sigurado mas komportable ako sa kanya, mas lalo kong nakakilala siya at mas lalo ko siyang pinahahalagahan. Pakiramdam ko ay mas concern na ako sa kaniya ngayon hindi tulad noon.Tuwing magkikita kami, nararamdaman ko ang kakaibang saya. Puno ng kasiyahan ang bawat pag uusap namin , minsan seryoso, pero kadalasan ay puro kalokohan lang. Nakakagaan ng loob ang makasama siya, at sa mga pagkakataong magkasama kami, alam kong hindi kami nagmamadali.Isang araw, nagkaroon kami ng pagkakataon na magkasama sa isang business meeting. Habang tinitingnan ko siya habang nagsasalita sa harap ng mga kliyente, napansin ko ang gilas at tapang sa mga mata niyang puno ng determinasyon. Dati, siya ang tumulong sa akin sa pinakamasalimuot na b

  • Destined to be Mr. CEO’s Wife   Kabanata 139

    Habang naglalakad kami patungo sa kainan, naramdaman ko ang kakaibang saya na matagal ko ng hindi nararamdam. Hindi ko maiwasang mapansin ang mga maliliit na detalye tungkol kay Atty. Janela - ang mga buhok niyang medyo magulo dahil sa hangin, ang mga mata niyang medyo namumugto pa pero sumisinag ang taglay niyang kagandahan. May kakaibang aura siya, kahit malungkot siya ay malakas pa rin ang dating niya.“Okay lang ba sa’yo ’to?” tanong ko habang nagbabayad kami sa parking lot. “Medyo tahimik na lugar lang. Hindi ko alam kung ano ang gusto mo, pero atleast makalimot ka sa ginawa ng mokong na yun.”Nagngiti siya, pero may halong pag-aalangan. “Masaya na ako sa kahit anong lugar, Charlie. Gusto ko lang mag unwind. That bullshit. Sa dinami dami na ng kasong nakapitan ko kahit isa wala pang nagpa iyak sakin. Ang mokong lang palang yun ang makakaganito sakin. And for the record iniwan ako ng hindi ko man lang naipagtatanggol ang sarili ko."Naramdaman ko ang galit sa kaniyang puso kahit n

  • Destined to be Mr. CEO’s Wife   Kabanata 138

    CHARLIE POV Lumipas ang anim na buwan mula nang matapos ang annulment ko. Pakiramdam ko, unti-unti nang bumabalik ang kumpiyansa ko sa sarili. Mahirap ang naging proseso, pero sa wakas, nakakabangon na ako. Isang hapon, nagpunta ako sa paborito kong café para magpahinga. Simpleng plano lang - uminom ng kape, magbasa ng libro, at i-enjoy ang katahimikan. Habang nag-aabang ng order, may narinig akong argumento mula sa mesa sa likod ko. “Nakakatawa ka! Aanuhin ko ang isang Atty na sikat nga pero hindi ko naman mapakinabangan! Ni hindi kita makasama sa tuwing may gatherings ang mga tropa. Mas inuuna mo pa ang pesteng trabahong yan! Maghiwalay na lang tayo kung hindi mo kayang makisabay sa akin,” sabi ng lalaki, galit na galit. Napakunot ang noo ko. Hindi naman sa nanghihimasok, pero ang lakas ng boses nila para hindi mapansin. “Please! Be considerate! Huwag naman ganito! Wag mo kong papiliin. Mahal kita pero hindi ko kayang basta iwan ang trabaho ko. Maraming umaasa sa akin,” sagot n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status