MasukSi Chloe ay ipinagkasundo ng kaniyang mga magulang sa isang Matandang negosyante matapos matalo sa sugal ang kaniyang mga magulang. Pilitin man niya ang kaniyang sarili ay hindi makaya ng kanyang sikmura ang makasama si Valentino ng dahil lamang sa kasalanan ng kaniyang mga magulang. Hanggang mag krus ang landas nila ni Riley at mabuo ang kanilang isang gabing pinagsaluhan. Tumakas si Chloe sa kasal nila ni Valentino Rosso sa tulong ng kanyang kaibigang si Kean, ngunit dahil sa kahihiyan ay sinundan siya nito sa ibang bansa at nag eskandalo sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Dumating naman si Riley para ipagtanggol niya si Chloe sa mga magulang nito at kay Valentino. Abangan ang mga susunod na mangyayari sa pagitan ng mga magulang ni Chloe at mga gulong ihahatid nito ng dahil sa pagpili ni Chloe na manatili sa piling ni Riley .
Lihat lebih banyak5 Years LaterCHARLIE POVHindi ko inakala na ang buhay na minsan kong inakalang puno lang ng hirap, sakit, at kahihiyan ay magdadala sa akin ng ganito kagandang biyaya. Sa ngayon, kasalukuyan akong nasa sala ng aming bahay, pinagmamasdan si Liam, ang aming apat na taong gulang na anak, na abala sa kanyang mga laruan. Tumatawa siya habang pinapaikot-ikot ang maliit niyang laruang kotse.“Daddy, tingnan mo! Ang bilis ng kotse ko!” sigaw niya, puno ng tuwa.Ngumiti ako habang sinasagot siya, “Ang galing mo naman, anak! Ikaw na siguro ang pinakamabilis na driver sa buong mundo.”Narinig ko ang boses ni Janela mula sa kusina. “Charlie, kaya mo bang bantayan si Liam nang saglit? Inaayos ko lang ang tanghalian natin.”“Walang problema, mahal,” sagot ko habang lumapit kay Liam. Umupo ako sa sahig at sumali sa kanyang laro.Sa gitna ng paglalaro namin, hindi ko maiwasang mapaisip. Sino ba ang mag-aakala na ang dating Charlie na walang direksyon sa buhay ay magiging ganito kasaya? Noon, ang al
Kinabukasan, matapos ang gabing puno ng emosyon, hindi ko mapigilang mapaisip sa mga sinabi ni Charlie. Sa lahat ng nangyari sa amin, ramdam ko ang lalim ng nararamdaman niya, pero hindi ko inakalang darating ang araw na magtatapat siya ng ganoong katapat. Habang abala ako sa trabaho, bigla siyang nag-text. " Pwede ka bang mag-half day ngayon? May importante akong gustong gawin kasama ka." "mag-Half day? Charlie, ang dami kong ginagawa! Anong meron?" reply ko sa kaniya "Secret. Please? Isa lang itong hiling ko ngayon. hayst ang hirap kapag lawyer ang sinusuyo, kailangan may defense palagi. Basta you will love it." sagot niya. Napangiti ako sa reply niyang iyon. Paulit ulit kong binabasa ang message niya sa akin. Alam kong mahirap tanggihan si Charlie. Sa huli, pumayag din ako, kahit medyo nagtataka kung ano ang iniisip niya. Sinundo niya ako sa opisina bandang tanghali. “Anong trip mo ngayon?” tanong ko, habang sumasakay sa kotse niya. Ngumiti siya, ‘yung tipong ngiti na lagin
Sa mga susunod na linggo, mas lalo kong naramdaman ang kakaibang saya na dulot ni Charlie. Sa kada mag-uusap kami ay may kakaiba na siyang saya na dulot sakin. Alam kong hulog na hulog na ako kay Charlie mula sa mga seryosong bagay hanggang sa mga simpleng kalokohan . Si Charlie ang naging sandigan ko lalo na sa mga araw na sobrang bigat ng iniisip ko dahil sa mga kasong kapit ko. Gumagaan ang sandali kapag kasama ko siya. Isang gabi, habang naglalakad kami sa tabi ng ilog, napansin kong mas tahimik siya kaysa usual. Hindi ko na ito pinansin agad, iniisip na baka abala lang siya sa mga bagay na wala akong kaalaman. Ngunit nang makatawid kami sa isang tulay, tumigil siya at humarap sa akin. "Atty. Janela," sabi niya, "sabihin mo ng korny ako pero alam mo bang, hindi na ako sanay na hindi kita nakikita , parang ang tagal tagal ng isang araw kapag busy ka sa trabaho mo. I'm sorry, hindi ko intensyon na mahulog sayo, pero anong magagawa ko sa ganda mo ba namang yan. Pero wag kang mag-ala
Mga ilang linggo ang lumipas matapos ang gabing iyon sa café. Bawat araw na lumilipas, nararamdaman ko ang kakaibang koneksyon na patuloy na tumitibay sa pagitan namin ni Atty. Janela. Hindi ko alam kung anong klaseng relasyon ang nagsisimula, pero isang bagay ang sigurado mas komportable ako sa kanya, mas lalo kong nakakilala siya at mas lalo ko siyang pinahahalagahan. Pakiramdam ko ay mas concern na ako sa kaniya ngayon hindi tulad noon.Tuwing magkikita kami, nararamdaman ko ang kakaibang saya. Puno ng kasiyahan ang bawat pag uusap namin , minsan seryoso, pero kadalasan ay puro kalokohan lang. Nakakagaan ng loob ang makasama siya, at sa mga pagkakataong magkasama kami, alam kong hindi kami nagmamadali.Isang araw, nagkaroon kami ng pagkakataon na magkasama sa isang business meeting. Habang tinitingnan ko siya habang nagsasalita sa harap ng mga kliyente, napansin ko ang gilas at tapang sa mga mata niyang puno ng determinasyon. Dati, siya ang tumulong sa akin sa pinakamasalimuot na b






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasanLebih banyak