Destins brisés, cœurs retrouvés

Destins brisés, cœurs retrouvés

last update最後更新 : 2025-05-04
作者:  RS WILD已完成
語言: French
goodnovel18goodnovel
評分不足
97章節
8.9K閱讀量
閱讀
加入書架

分享:  

檢舉
作品概覽
目錄
掃碼在 APP 閱讀

故事簡介

Drame

Contemporain

Narration à la première personne

PDG

Dominant(e)

Fille sage

Amour au bureau

Laurie Brunel, 26 ans, a grandi dans un orphelinat après avoir été abandonnée par son père à la naissance. Désormais, elle est sur le point de décrocher un emploi chez Knight Enterprises, une opportunité qui pourrait changer sa vie. Ce qu'elle ignore, c'est que le PDG, Alexander Knight, a été adopté par la famille qui, autrefois, a choisi de ne pas la prendre. Lors de leur rencontre, une tension inexplicable s’installe, et les fragments de leur passé resurgissent. Alexander découvre que Laurie est la petite fille qu’il a indirectement laissée derrière. Entre secrets et passions, ils devront affronter leur passé pour décider de leur avenir.

查看更多

第 1 章

1

Althea’s POV

Kung may isang bagay man na natutunan ko sa loob ng dalawampu't tatlong taon kong pag-iral sa mundong ito, 'yon ay ang katotohanang hindi patas ang tadhana. Ang twin sister kong si Ariana? Isinilang na tila ba paborito ng sansinukob maganda, spoiled, at sanay na nakukuha ang lahat ng gusto niya nang walang inilalabas na ni isang patak ng pawis. Ako? Ako si Althea. hindi naman sa pagmamayabang ang "mabait na kambal." Ang tagasalo ng mga dumi, tagatagpi ng mga nasirang plano, at ang taong palaging kailangang magsakripisyo para lang manatiling buo ang pamilya Hernandez.

Habang nagkandarapa ako sa pagtakbo mula sa shift ko sa coffee shop patungo sa tahanan ng tinu-tutor kong elementary student, si Ariana naman ay abala sa pagpili ng mamahaling alahas para sa gaganaping wedding of the century. Ahhh shala! may pa-ganyan patalaga.

The Billionaire's Wedding.

Isang kasal na hindi naman bunga ng pag-ibig kundi ng pera. Pakakasalan ng kapatid ko si Alfredo Salzuelo isang makapangyarihan, napakamasungit, at walang-awang bilyonaryo na kinatatakutan maging ng mga beteranong negosyante sa bansa, yes! yana kasi ang mga chismis dito tungkol sa kanya.

Pagpasok ko pa lang sa p***o ng aming bahay, bumungad na agad sa akin ang amoy ng mamahaling pabango at ang tambak ng mga paper bags mula sa iba't ibang luxury brands. Nahagip ng mata ko ang aming ama, si Don Fernando, na nakaupo sa sofa at abalang-abala sa pag-aayos ng kanyang mga papeles habang may malapad na ngiti sa labi.

"Oh, Althea, narito ka na pala," malamig na bati ni Papa nang hindi man lang itinataas ang kanyang tingin mula sa dokumentong hawak. "Tulungan mo nga ang kapatid mo sa kuwarto niya. Nagrereklamo siya dahil napapagod na raw siya sa mga sukat ng damit niya."

Huminga ako nang malalim. Walang 'Kamusta ang araw mo, Althea?' o kahit 'Kumain ka na ba?' Diretso agad sa utilities at errands.

"Opo, Papa," sagot ko na lang. Inayos ko ang salamin sa aking mata at binitbit ang mabigat kong backpack na naglalaman ng mga reviewer at ginamit kong apron sa barista shift ko.

Pag-akyat ko sa ikalawang palapag, nadatnan ko si Ariana na nakahiga sa kanyang malaking kitang-kitang silk bed habang may pampaganda sa mukha at may hawak na isang basong mamahaling champagne. Sa paligid niya ay nakakalat ang halos sampung pares ng high heels at napakaraming gown.

"Sa wakas! Dumating ka rin, sisterette," maarteng asik ni Ariana nang makita ako. Tumayo siya at pinitik-pitik ang kanyang mga daliri na para bang itinutaboy ang isang langaw. "Anong oras na? Kanina pa kita hinihintay! Bitbitin mo nga 'yang mga sapatos na 'yan at ayusin mo sa closet ko. Nasisira ang aesthetic ng room ko!"

"Nanggaling pa ako sa pangalawang trabaho ko, Ariana," deadpan kong sagot habang itinatabi ang bag ko. "Bakit hindi mo ginawa 'yan habang nakahiga ka diyan?"

Sinimangutan ako ng kapatid ko at inirapan nang napakatindi. "Excuse me? Pagod ako, okay? Maghapon akong nasa spa at nagpalagay ng diamonds sa pako ng paa ko! Isa pa, kinakailangan kong maging mukhang perpekto para sa kasal ko. I’m marrying a billionaire, in case your poor, tutoring mind forgot!"

Natawa ako nang maikli isang sarkastikong tawa na ipinagpasalamat kong hindi niya gaanong napansin. "Ah, yes. The billionaire. Ang napakasuwerte mong fiance na hindi pa natin nakikita nang personal kahit isang beses."

"Naku, huwag mo nang ipaalala!" biglang nagbago ang reaksyon ng mukha ni Ariana. Mula sa pagiging maarte ay naging puno ito ng galit at inis. "Nakita mo ba 'yung picture niya sa Forbes magazine? Ang lamig ng mata! Walang emosyon! Balita ko sa mga kaibigan ko, hindi man lang daw 'yon ngumumingiti at halos patayin sa tingin ang sinumang magkamaling humawak sa coat niya. He’s a total psychopath!"

"Pero bilyonaryo," paalala ko sa kanya habang maingat na inilalagay ang isang pares ng Christian Louboutin sa kanyang closet. "Hindi ba 'yon naman ang pinakamahalaga sa 'yo?"

"Ginto nga, kulungan naman!" sigaw niya habang isinasalpak ang sarili pabalik sa kama. "Kung hindi lang talaga dahil sa utang ni Papa, hinding-hindi ako papayag na maitali sa lalaking 'yon. I deserve a romantic prince, Althea! 'Yung tipo ng lalaki na ipagdri-drive ako ng sports car habang itinatakas ako sa mundo!"

Napailing na lang ako. Typical Ariana drama. Sanay na ako sa ganyang eksena. Kapag may gustong makuha, gagawin ang lahat. Kapag narito na ang responsibilidad, naghahanap ng paraan para makatakas o kaya ay ipapasa sa akin.

"Magpalit ka na lang ng damit at matulog. Malapit na ang kasal mo," mahinahon kong sabi.

"Eew, as if napakadaling matulog habang naiisip ko na makakasama ko sa iisang kwarto ang Alfredo na 'yon!" diring-diri niyang sambit. "Alam mo, Althea... minsan naiisip ko, bakit hindi na lang ikaw ang magpakasal sa kanya? Tutal, sanay ka namang nagpapakasipag at nagtitiis sa mga nakakapagod na bagay!"

Napatigil ang kamay ko sa pag-aayos ng sapatos. Tumingin ako sa kanya sa pamamagitan ng salamin sa tapat ng dressing table. "Ayokong maging kapalit ng utang ng pamilyang ito, Ariana. At magkaiba tayo. Hindi ako ikaw."

"Hmph! Bakit, sinabi ko bang ikaw? Natural, maganda ako at pang-high society, samantalang ikaw... para kang antique bookworm na nawawala sa mall!" panlalait niya kasabay ng isang napakalakas na halakhak.

Hindi na ako sumagot. Sanay na ako sa mga salita niyang kasing sharp ng mga stilettos niya. Binalewala ko na lang ang pambubwisit niya at tahimik kong inilagay ang huling pares ng sapatos sa kanyang closet. Batid kong ang tanging tungkulin ko rito ay ang panatilihin ang kapayapaan sa bahay na ito para hindi ma-stress si Papa.

"Tapos na," malamig kong pahayag. "Matulog ka na. At pakisabi kay Papa, kakainin ko lang 'yung natirang ulam sa refrigerator bago ako mag-aral ulit."

"Whatever, Althea! Isara mo 'yang p***o, nasisira ang aircon unit ko!" sigaw niya mula sa ilalim ng duvet.

Lumabas ako ng kuwarto at dahan-dahang isinarado ang p***o. Habang naglalakad ako pababa ng hagdan patungo sa madilim at tahimik na kusina, isang mabigat na pakiramdam ang dumapo sa dibdib ko. Tiningnan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin ng refrigerator ang simpleng buhok na nakatali sa pusod, ang malaking salamin sa mata, at ang mga matang halatang pagod na pagod na sa buhay.

Naisip ko bigla si Alfredo Salzuelo. Ang lalaking sinasabi nilang kasinglamig ng yelo at kasingbaba ng impyerno kung magalit. Bakit kaya kailangang ang isang katulad niya ang makapares ng kapatid ko? At bakit may kakaibang kaba na biglang lumitaw sa dibdib ko sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya?

Ipinagpuyagpag ko ang aking ulo at kumuha ng cold water. "Wala ka nang pakialam doon, Althea," bulong ko sa sarili ko. "Kasal nila 'yon. Trabaho mo lang ang mag-survive."

Ngunit hindi ko alam na sa mga oras na 'yon, habang iniinom ko ang malamig na tubig sa gitna ng madilim na kusina, dahan-dahan nang umiikot ang mga gulong ng tadhana na magpababago sa buong buhay ko magpakailanman.

展開
下一章
下載

最新章節

更多章節

致讀者

Bienvenue dans Goodnovel monde de fiction. Si vous aimez ce roman, ou si vous êtes un idéaliste espérant explorer un monde parfait, et que vous souhaitez également devenir un auteur de roman original en ligne pour augmenter vos revenus, vous pouvez rejoindre notre famille pour lire ou créer différents types de livres, tels que le roman d'amour, la lecture épique, le roman de loup-garou, le roman fantastique, le roman historique et ainsi de suite. Si vous êtes un lecteur, vous pouvez choisir des romans de haute qualité ici. Si vous êtes un auteur, vous pouvez obtenir plus d'inspiration des autres pour créer des œuvres plus brillantes. De plus, vos œuvres sur notre plateforme attireront plus d'attention et gagneront plus d'adimiration des lecteurs.


暫無評論。
97 章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status