Share

Destiny 22

Plano ni Hayden na ipakilala sa kanyang pamilya si Celestine bago sila pumunta ng Batangas.

Wala naman kasing plano ang binata na itago ang relasyon nila lalo pa't umuo na ito na pakasalan n'ya.

Kinikilig man si Celestine pero hindi nito masyadong pinapahalata sa nobyong kaharap baka lumaki pa ang ulo. Hindi halos maisip ng dalaga na marunong pala itong maglambing at napakaclingy nitong nobyo. Dati kasi para itong walang hilig sa babae at napakasuplado, kaya marami ang na-iinggit sa step- sister n'yang si Monica dahil yun lang ang tanging babae na nakakalapit rito.

"Sige, magpapaalam muna ako kay tatay." maikling sagot n'ya saka pinaalis na ang binata na mukhang wala pang plano yatang umalis sa bakuran nila.

Pagkapasok ng dalaga sa bahay ay nadatnan pa ang ama sa may sala.

"Tay, ba't hindi pa kayo natutulog?". Natigilan nitong tanong sa ama.

"Hinintay lang kita. Kala ko kasi bitbitin kana nung nobyo mo at derecho na sa date n'yo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status