Home / Romance / Destiny / Epilogue

Share

Epilogue

Author: peterrpopper
last update Last Updated: 2023-10-15 09:26:16

Malinaw ang lahat. Natukoy na ni Elena ang dalawang magnanakaw. Si Kyver at si Erica.

Pero ano naman kung nahuli na nga nito ang hindi inaasahang mga magnanakaw, kung siya naman itong waring ngayon ang nakakulong sa rehas ng 'di na matakasang pagdurusa?

"Ako ang iyong kasalukuyan, Kyver. Mas dapat mo akong bigyang pansin kaysa sa iyong nakaraan," naninikip ang dibdib ni Elena nang sabihin iyon sa asawa ng hapong iyon.

"Tama ka," malumanay na sabi ni Kyver. "Pero kunin mo na ang lahat sa akin, huwag lang ang puso ko... dahil titiyakin ko sa iyong masasayang lang ang lahat ng pagtatangkang gagawin mo," dagdag na sambit niya.

"Please... asawa mo na ako, Kyver. Tayo na ngayon," nagmamakaawang saad ni Elena.

"Hindi ko iyan itinatanggi. Pero sana naman, kahit paano ay maunawaan mo pa rin naman ang kalagayan ko... dahil sadyang mahirap limutin ang tulad ni Erica na ang mga naiwan sa aking alaala ay baon ko na yata hanggang sa kahuli-hulihang hib
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Vilma Delara
ang ganda ng story
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Destiny    Special Chapter

    2 years ago Ang kompanyang Concepcion ay aligaga at maligalig dahil sa isang pangyayari makaraan ang isang taon, matapos kumalat ang balitang gumulat sa lahat. Hindi na nakatakas sa tenga ng nakararami ang insidenteng naganap sa pagitan ng bagong manager ng kompanya na si Erica. At ang kaisa-isahang anak ng Concepcion na si Elena. Marami ang nagalit at sinumpa si Erica ng malaman nila ang nangyari ngunit, marami din ang gustong malaman ang totoong pangyayari sa pagitan ng tatlo, ang tanging alam lamang nila ay naging baby maker ng mag-asawa ito at sa pagkalat ng insidente, ang pinaniwalaan lamang nila ang posibleng tanging gawin ng isang malanding babae na tulad ni Erica, at 'yon ay ang pag-akit sa lalaki upang siya nalamang ang mahalin nito, sa pag kakaalam ng karamihan wala pa itong nakakasalamuhang lalaki dahil ilag ito sa mga manliligaw at magbabalak manligaw. Kaya ganon nalamang ang naisip nilang naging uhaw ito sa lalaki.Marahil sa iba a

  • Destiny    Epilogue

    Malinaw ang lahat. Natukoy na ni Elena ang dalawang magnanakaw. Si Kyver at si Erica.Pero ano naman kung nahuli na nga nito ang hindi inaasahang mga magnanakaw, kung siya naman itong waring ngayon ang nakakulong sa rehas ng 'di na matakasang pagdurusa?"Ako ang iyong kasalukuyan, Kyver. Mas dapat mo akong bigyang pansin kaysa sa iyong nakaraan," naninikip ang dibdib ni Elena nang sabihin iyon sa asawa ng hapong iyon."Tama ka," malumanay na sabi ni Kyver. "Pero kunin mo na ang lahat sa akin, huwag lang ang puso ko... dahil titiyakin ko sa iyong masasayang lang ang lahat ng pagtatangkang gagawin mo," dagdag na sambit niya."Please... asawa mo na ako, Kyver. Tayo na ngayon," nagmamakaawang saad ni Elena."Hindi ko iyan itinatanggi. Pero sana naman, kahit paano ay maunawaan mo pa rin naman ang kalagayan ko... dahil sadyang mahirap limutin ang tulad ni Erica na ang mga naiwan sa aking alaala ay baon ko na yata hanggang sa kahuli-hulihang hib

  • Destiny    Chapter 23

    Kung gusto ni Jacob na mapag-isa, ganun din ang gusto ni Elena. Saan-saan lang talaga nagpunta si Elena. Hanggang maisipan nitong pasyalan ang kaibigan ni Erica na si Lori."Surprise?" Anito sa nabiglang si Lori. "Kayo pala Ma'am, tuloy," tarantang sabi nito. Sa salas sila nagkaharap. "Napasyal kayo, Ma'am?" Anito na may pagtatanong."Walang magawa, eh... walang makausap," boring na usal ni Elena habang nakangiti."Teka, Ma'am, maiwan na muna kita sandali. At may kukunin lang ako na pizza pie sa may kanto. Kukunin ko na at 'yon ang pagsaluhan natin habang nag tsi-tsikahan tayo," masayang ani nito."Go ahead, take your time," ngiting sambit ni Elena.Nang makaalis si Lori ay naisipan ni Elena na buklatin ang isa sa dalawang album na nasa ilalim ng mesa na nasa harapan.Payapa nitong inisa-isa ang bawat pahina ng album. Sa isang dahon ng album ay nakita nito ang malaking larawan ni Kyver. Bigla siyang kinabahan. Bakit may

  • Destiny    Chapter 22

    Ang sinabi sa kanila ng kaharap nilang manggagamot ang waring sumagot sa kanilang pag-aasam. Hindi pala ordinaryong pangangasim lang ang nararamdaman ni Erica nitong mga huling araw. May dahilan pala. Buntis siya, kinumpirma ng doktor na ngayon ay kaharap nila ni Jacob."Congratulations, Mr. Amelio," nakangiting sabi ng doktor."Salamat ho," tipid nitong sabi.Mula sa klinikang pinagmulan diretso ng umuwi sa resthouse ang dalawa. Pader ng katahimikan ang kaagad ay pumagitna sa kanila, "Kailangang malaman ito ng mag-ina.""Puwedeng huwag muna?" May pagtutol na sabi ni Jacob. Matagal na minasdan ni Erica si Jacob. Nakatungo ang mukha ng lalaki. "Ngayon ay alam na natin na may bunga na ang ginawa nating pagtatabi... ibig sabihin, wala nang dahilan upang patuloy pa tayong magtabi," paliwanag ni Erica."H-Hindi pa naman nila alam, eh," ani Jacob. "Dadayain natin sila? Si Elena?" Mapait niyang tanong."Nag

  • Destiny    Chapter 21

    Nang makaharap nito ang babae ay agad hinawakan sa magkabilang balikat at saka masinop na hinagod ng tingin ang kabuuang mukha nito, "My God, ikaw nga!"Mamata-mata si Erica. Wala siyang ideya kung sino ang babae. Nasumpungan na lamang niyang inihaharap na pala sa kanya ng lalaki ang babae."S-Siya ang pinag-uusapan natin kani-kanina," anang lalaki kay Erica."Really?" Aniyang di basta makapaniwala. "Kumusta ka na?" Dagling tanong ng lalaki sa babae."I'm fine... one week pa lang akong nakababalik dito sa Pilipinas. Ikaw agad ang hinanap ko, pero walang makapagsabi kung nasaan ka," paliwanag ng babae."Nandito ako... nagbabakasakali malimot ka, pero hanggang ngayon ay bigo ako," madamdaming saad ng lalaki."Dalaga pa rin ako Kai. Dalaga mula ulo hanggang paa," saad ng babae."D-Dahil ba ako pa rin ang nasa puso mo?" Tanong ng lalaki.Tumango-tango ang naiiyak na babae.Iyon lang at niyapos na ito ng yakap ng lalaki. Talagang sabay pa ang mga ito.Pakiwari naman ni Erica ay isang live

  • Destiny    Chapter 20

    Wala si Erica sa tabi ni Jacob nang ito ay magising nang umagang iyon. Bumangon ito na matapos bahagyang ayusan ang sarili ay lumabas ng silid. Di nito nakita sa alinmang bahagi ng resthouse si Erica.Lumabas si Jacob ng resthouse, wala rin sa hardin si Erica. Noon ito parang biglang kinabahan. Muli ay pumasok ito sa loob, dagling nagsuot ng jogging pants. Naalala nito ang sabi ni Erica na ibig nitong mag-jogging sa isang park na malapit lang naman doon.Nasa isang parke nga si Erica. Kanina pa siya sa kanyang ginagawang pagtakbo. Gising na gising na ang dugo niya. Ni hindi niya alintana ang maraming lalaking nakatingin sa kanya, talagang tumawag ng pansin ang kakaibang hubog ng kanyang katawan na, na pinatingkad ng suot niyang hapit na sando at ng maigsing short pants.Nagulat pa siya nang sabayan siya sa pagtakbo ng isang lalaki."Hi," anito sa kanya."Hi," ganting bati niya."Mukhang di ka marunong mapagod, a? Kanina pa kita nakikitang tumatakbo," hindi siya tumugon, ngumiti lamang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status