Share

Chapter 39: The Manuscript

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at pumasok si Sir Rogue dito. Wala ako naging choice kundi magtago sa likod ng file cabinet niya. Mas hindi madaling makita ang spot na ‘to kesa sa ilalim ng mesa niya or likod ng sofa.

Tinakpan ko ang bibig ko para hindi makagawa ng kung ano mang ingay maski ang paghinga ko. Sinisilip ko siya mula rito kung ano ang ginagawa niya at mukhang binabasa na niya ngayon ang text messages sa kanya ni Leonel.

Biglang lumamig at sumeryoso ang tingin niya pagkatapos mabasa ang mga text sa phone niya.

Nagulat pa ako nang bigla siyang napatingin dito sa gawi ko. Mabuti at hindi ako napatalon at nakagawa ng kung anong ingay.

Saglit lang siyang tumingin na parang may iniisip lang. Pagkatapos no’n ay lumabas na rin siya kaya nakahinga na ako nang maluwag. Grabe ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Namawis din ako at parang nanghina.

Naghintay lang muna ako ng ilang minuto bago lumabas sa pinagtataguan ko. Narinig kong bumati na si Ma’am Lovely kay Sir kaya sigurad
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status