Share

Detective Couple
Detective Couple
Author: Precious Gem

Prologue

BREAKING NEWS!

Isang dalagita ang natagpuang patay sa tambakan ng b****a dito sa Lungsod ng Maynila. Napag-alaman ng pulisya na ang dalagita ay dalawang araw nang hinahanap. Kaya naman iniisip ngayon ng mga pulis na kasama ito sa serial murder na nangyayari sa lungsod.

Pinatay ko ang T.V dahil sa inis. Another bad news! Kailan ba titigil ang killer na 'to? We don't know its intentions. For the past months, this killer is still a mystery to us. Hindi pa rin alam ng mga awtoridad ang dahilan ng killer sa pagpatay. But I have suspicions about someone. Kaso ayoko siya pag-isipan nang masama. Maybe I'm just paranoid dahil hindi na biro itong serial murder na 'to. 

"Argh!" I rest on the couch while thinking who could be this killer or ano ba dahilan nya bakit siya pumapatay. Nahihirapan na kami sa sitwasyon na 'to kaya sana mahuli na siya.

Okay, maii-stress lang ako kakaisip nito. Kinuha ko muli ang remote para buksan ang T.V.  But I almost jumped out on my seat because of the loud bell ring. 8:30 pm na ah? Wala naman akong ine-expect na bisita ngayon.

Tumayo ako para i-check kung sino man ang nag-doorbell pero wala namang tao sa labas. I am living in an apartment with my cousin and nasa hospital ang pinsan ko ngayon kaya wala naman akong ine-expect na ibang taong pupunta rito. 

Naglakad ako pabalik sa sala pero bago pa ako makaupo, nag-ring uli ang doorbell ng dalawang beses. I checked the door once again but there's no trace of a person here. Di kaya’y may nang pa-prank sa 'kin? 

Binuksan ko na ang pinto at lumabas ng gate para tingnan kung nagtatago lang ba yung nagdo-doorbell. I stepped out of the house and someone immediately grabbed my wrist. Nilingon ko ang taong humila sa akin and to my surprise, I know who it is. But I thought it was just a prank.

I... I never thought that the serial killer is in front of me. 

"You're the last," he coldly said and points a gun on my head.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status