Our life is like a book, if you finished reading the current chapter, you'll flip the page to welcome a new chapter even though you still haven't moved on to your previous chapters. It will flow continously until you get to the epilogue. It may or may not satisfy your heart, but that is what really life is.
Author's Pov:Agad na bumaba ng limousine si Shan nang makarating sila sa kanilang mansion. Hindi pa rin siya nasasanay sa paraan kung paano siya tratuhin ng mga lalaking nakasuit and tie na para bang isa siyang reynang hawak ang kanilang buhay kaya't kailangang palaging magbigay galang at yumukod sa kanya, tila sinasamba siya. Ayaw niya sa ideyang iyon pero masyado na siyang pagod para ipaglaban pa ang mga bagay na alam niyang sa una pa lang ay talo na siya.Diretso siyang pumasok sa loob ng main hall. Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatulala at lutang kanina matapos niyang mabasa at makita ang mga liham na hanggang ngayon ay hindi pa rin matThe most unexpected time can be the perfect timing of your life. A perfect timing to let all the pain out in your heart. Hands ware trembling, knees were bent down and tears are bursting out. You will never know, maybe tomorrow will be your perfect timing and that will be one of the best feeling in your life.Author's Pov: "Napakaboring naman nito," bugnot na sinabi ni Vince sabay tapon sa hawak niyang baraha sa ibabaw ng lamesa tsaka pumangalumbabang ngumuso. Gano'n rin ang ginawa ng mga kalaro niya sa baraha tsaka nagkanya-kanyang hugot ng malalim na buntong-hininga. Kanina pa sila rito tumatambay at ni isa sa kanila ay wala man lang ganang magsalita o mag-ingay, halatang maraming mga bagay na iniisip. Unang araw pa lang ng enero ganito na ang bungad sa kanila ng bagong taon, nakakabugnot, nakakainip at nakakaumay. Wala silang magawa kundi ang tumambay maghapon sa hideout habang nililibang ang mga sarili sa baraha. "Kamusta na kaya
Time goes by faster whenever you're not around. Months turns into weeks, weeks turns into days, days turns into hours and hours turns into seconds. Every second that passed I still remember you. The regret, dissapointment and love that I feel for you was with me all along. I remember you everytime I try to forget you, your face, your hands and the way you look at me. I remember it all. Author's Pov:May iba't-ibang dahilan kung bakit napakabilis tumakbo ng oras, kung bakit napakadaling dumilim ang kalangitan at kung bakit atat na atat tayo na magliwanag ang kinabukasan. Unang-unang dahilan rito ay ang siyensa. Lahat ng katanungan mo na nangyayari sa pisikal na mundo ay masasagot ng siyensa, siyensang halos pinaniniwalaan ng lahat, pero minsan nama'y dapat kailangan rin nating talikuran ang siyensa upang hanapin ang kasagutan ng mag-isa. Kasagutan na hinding-hindi mo makukuha ng mabilis, kasagutan na kung kailan kailangang-kailangan mo, ay doon pa ito mag
A perfidious man can be a deceiving lover. One by one all those lies will be a revelation.Author's Pov: Lahat ng mga taong tapat ay naloloko gayon din ang mga taong manloloko. Walang pinipili ang bawat isa kung sino ang nais at gusto nilang lokohin basta't nakakatulong ito sa pansarili nilang kagustuhan. Hindi nila iniisip ang mga magiging resulta at bunga ng kanilang gawain sa isang tao. Kung sila ba ay masasaktan, masisiyahan at magagalit alinman dyan ay wala silang alam. Tanging ang alam lang nila ay ang rason kung bakit at kung ano ang dahilan nila na manloko. Kakalabas pa lang ng haring araw nang mag alas-otso ay lahat ng mga kabilang sa grupo ng Rickage ay nagkita-kita na sa kanilang hideout. Kagabi ay magmamadaling-araw na nang tawagan sila isa-isa ni Shan para lamang ipaalam at sabihin na magkikita sila ngayong araw. Karamihan sa kanila ay napikon at nagambala ng dalaga nang tawagan niya ito. Nagrereklamo at nagmamaktol ang mga ito kay Shan pero
Meeting unexpected people is the most scariest thing that will happen in your life. You don't know if your meeting was just a coincidence or the other way around. Author's Pov:"Ayusin mo naman ang necktie mo, Vincent!" Naiinis na pagsita ni Cassie nang makitang hindi ito nakaayos. Hindi na hinayaan ni Cassie na magsalita at gumawa ng bagong palusot si Vince at basta na lang nito inabot ang necktie para ayusin ito bagay na ikinagulat ng binata. Nanlalaki ang mga mata at nakaawang ang mga labing napapatitig na lamang siya sa kagandahan ni Cassie lalong-lalo na sa pamamaraan nito kung paano ayusin at hawakan ang necktie niya nang marahan pa sa mas marahan. Aksidenteng nagtapo ang mga mata ni Cassie kay Vince nang maramdaman na nakatitig ito sa kanya dahilan upang biglang matauhan si Vince. Kung anu-ano pumapasok sa isipan niya kaya hindi na niya napansin na kanina pa pala siya tinitignan ni Cassie. Sunod-sunod na napaubo si Vince tsaka
If you want then you'll do anything to get it.Author's Pov:Nasa ikalawang palapag pa rin sina Yhurlo at Margou. Nanatili ang dalawa na nakaupo sa couch habang tahimik na pinagmamasdan ang paligid. Hindi nila alam kung ilang minuto na silang naghihintay at nag-aabang na makita ang presensya o ni anino man lang ni Charles Smuggler. Inis na napabuga ng malalim na hininga si Margou pagkalipas ng ilang minuto bago nagsalita, "Wala naman tayong mapapala rito, e! Umuwi na lang tayo," asik niya tsaka iritang napakamot sa likod ng kanyang tainga. Wala siyang natanggap na sagot galing kay Yhurlo. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan para sana umalis na nang bigla siyang pigilan ng binata. Mabilis na hinawakan ni Yhurlo ang palapulsuhan ni Margou nang makita itong tumayo sa tabi niya tsaka hinila pabalik dahilan para mapaupo ulit ito sa kanina'y inuupuan nito. Salubong ang mga kilay at nanliliksik ang mga matang tinignan siya ni Margou matapos na padabog na
Seeing the person you love the most makes your stomach fill with countless butterflies, but seeing the person who shows how they love and how they care for you after they sacrifice themselves for you to live, can make your whole being spin around. Shan's Pov:Siya ba talaga ito o baka namamlikmata na naman ako? Tama ba itong nakikita ko o baka pinaglalaruan na naman ako ng sarili ko? Siya nga ba talaga ito?Ilang beses akong kumurap tsaka sunod-sunod at wala sa sariling napapalunok habang masinsinang pinagmamasdan ang kanyang kabuoan. Mula sa kanyang kasuotang puti at plantsadong suit and tie papunta sa suot niyang mamahaling puting slacks hanggang sa makintab at magara nitong palagay ko'y oxford shoes. Muli ko pang tinignan ang kanyang kabuoan at tsaka lang napansin ang maganda at mabilis na paglaki ng kanyang katawan. Ang mga braso nitong dati'y palaging nakapulupot sa aking bewang, ang mga palad nito na dati'y palaging kulong-kulong ang aking
Forgotten by the one who you loved the most is the most painful heartache. Author's Pov:Parang nabunutan ng napakalaking tinik si Shan matapos bigkasin ng buong kompyansa ang mga salitang iyon. Binuga ni Shan ang malalim na hininga at humugot muli ng hininga bago ito dahan-dahang pinakawalan tsaka tumingin sa mga mata ni Zach. Ang asul nitong mga mata ay unti-unting nababahidan ng hindi maipaliwanag na pagtataka, kaguluhan at pagkalito sa sitwasyong mayroon sila. Tinignan ni Zach si Shan ng diretso sa mga mata bagay na nagsimulang nagpatakot sa pagkatao ng dalaga. Minsang pinunasan ni Shan ang mga luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata gamit ang dumudugo niyang palad. Wala sa sarili naman iyong sinundan ng paningin ni Zach at kitang-kita sa kanyang mga mata ang walang emosyong ekspresyon. Ang kanina'y magaang kalooban na namumunga sa puso ni Shan ay unti-unting naglalaho at napapalitan ng pangamba at takot matapos dahan-dahang hawakan ni Zac
Author's Pov:"Let's go so that I can treat your wounds," baling ni Yhurlo kay Shan. Ilang beses na napakurap si Shan na para bang nagising sa isang panaginip tsaka ito dahan-dahang tumingin ng diretso sa mga mata ni Yhurlo dahilan para makita na naman ni Yhurlo ang kakaibang sakit, puot at pighati na nararamdaman ng kanyang kapatid na ilang taon na nitong tinatago sa lahat. Sabay na nag-iwas ng tingin silang dalawa tsaka hinayaan na lang ni Shan na dalhin siya ni Yhurlo palabas ng mansion at papunta sa sasakyang kanina pa naghihintay sa kanila. Pagkasakay na pagkasakay pa lang ni Shan at Yhurlo sa first cab ng van ay siya namang pag-abot ni Sofilia ng first aid kit para magamutan na kaagad ang mga sugat ni Shan samantalang sina Kitty at Samer naman ay todo tanggal sa iilang pirasong cake at mantsa na nasa damit na suot ni Shan. Pagkatapos nilang ayusin ang suot nitong damit ay mabilis na inabot ni Cassie kay Kitty ang wet wipes na kanina niya