Share

Chapter 3

Author: Lachikta
last update Last Updated: 2022-01-02 22:59:04

"ITAY... INAY..." Tawag ni Rosalia sa kanyang mga magulang sa kwarto. Kumatok siyang muli. 

Madaling araw pa lang at hindi pa sikat pa lang ang araw nang mapag-pasyahang maghanap ng pwedeng pagka-kitaan si Rosalia. 

Bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang Inay niyang kinukusot pa ang mata. "Oh, saan ka ngani pupunta, Rosalia?" Malat na tanong sa kanya ng Inay niya. "Kumain ka na ba? Teka, ipagluluto kita ng umagahan mo." 

Lalabas na sana ang Inay ni Rosalia sa kwarto ngunit agad niya itong pinigilan sa kamay. 

"Hindi na, Inay, ang totoo saglit lang akong a-lin (aalis) tapos uwi na rin ako. May hahanapin lang po ako." Mahinahong sabi ni Rosalia sa Ina niya para hindi ito mag-alala sa kanya. Sinilip niya ang kwarto. "Gising na po ba si Itay?"

Lumingon rin sa loob ng kwarto ang kanyang Inay saka Inayos ang balabal nitong suot. "Ganoon pa rin. Nauubo pa rin ang iyong Itay. 'Eto na nga ba ang sinasabi ko, dapat pinilit ko siyang hindi na kumilos noon sa bukid. 'Edi sana, maayos pa ang kanyang ka lagayan." Hindi na mapakali ng sabi ng kanyang Inay.

Nilapitan ni Rosalia ang kanyang Ina saka ito niyakap saka pakalmahin. "Hindi niyo naman kasalanan ang nangyayari kay Itay, Inay... Saka rin natin kayang patigilin si Itay kung naroon rin ako. Masipag kaya iyan si Itay. Hindi iyan nahihirapan basta't para sa atin." Nginitian ni Rosalia ang kanyang Inay nang harapin niya ito saka muling niyakap. 

Sa Inay niya na lang muna ibinubuhos ang kanyang mga natitirang enerhiya at pagiging masaya. Ayaw niyang makita ang mga magulang niyang nahihirapan at may dinadalang mabigat na problema. 

"Siya, sige na Inay. Aalis na tabi (po) ako." Humiwalay siya sa pagkakayakap sa kaniyang Inay at muli itong nginitian kahit na nakikita niya ang puno ng pag-aalala sa mukha ng kanyang Inay. "Pangako, Mag-iingat po ako."

Lumabas si Rosalia ng kabahayan na sinamahan naman ng kanyang Ina. Pipigilan pa sana niya ito ngunit bigla nagsalita ang kanyang Inay. 

"Gusto mo bang samahan na lang kita? Para hindi ka rin mahirapan sa hahanapin mo-- Teka, ano nga bang hahanapin mo? Kanina mo pa hindi sinasabi sa akin."

"Hindi na, Inay. Saglit lang naman ako sa hahanapan ko." Lumingon sa kana't-kaliwang kalsada si Rosalia upang maghintay ng masasakyang tricycle. Hindi naman siya nabigo dahil agad ring may natanaw na jeep sa kanan niya. Sinenyasan niya iyon. Pababa ang kalsada kung kaya't may kabagalan pa iyon bago makaparada sa harap nila.

"Sige na po, Inay. Aalis na po ako." Saglit siyang yumakap sa Ina niya, bago sumakay ng tricycle. 

"Mag-iingat ka, ha? Mag text ka kung gusto mo ng may kasama."

"Hindi na 'Nay. Kaya ko po. Mag-iingat po kayo diyan." Nagsimulang umandar ng dahan-dahan ang jeep kaya muling dumungaw si Rosalia at kumaway sa kanyang Inay. 

"Diin ka? (Saan ka?)" Tanong sa kanya ng Driver. 

"Ah, sa Polangui tabi! (Ah, sa Polangui po!)" Sigaw ni Rosalia sabay abot ng bayad. Nang agad na maintindihan iyon ng Driver ay tumingin siya sa mga bahay-bahay na nadaraanan pa. 

"Marhay na aga, Rosalia! (Magandang umaga, Rosalia!)" Bati kay Rosalia ng kasamahan niya sa jeep na nakasuot pang bukirin.

 Ang iba rin ay bumati sa kanya at nginitian. Sa kanilang lugar ay iilan na rin ang nakakakilala sa kanya. Sa ganda ng kanyang mukha. Sa morenang kutis at sa mga ngiting kaakit-akit. 

"Magandang umaga rin po!" Nginitian niya ang mga bumati sa kanya saka tumingin sa kanan  niya. 

Hindi niya maiwasang hindi mapangiti dahil sa may mga tao na ring mga nalabas sa kanilang mga tahanan. Animo'y parang nasa ibang bansa ang datingan ng lugar, dahil sa lamig ng simoy ng hangin na kahit pa sa bagal ng andar ng jeep ay nahampas ang lamig kay Rosalia. 

May ibang mga bata na rin siyang nakikita na nagsisi-takbuhan na sa labas sa kalsada na nakabihis uniform. Mag-a-alas nueve na ng umaga at huling araw bago mag sabado, iyon ang pinaka-masayang araw para sa kanilanh lahat dahil umpisa na naman iyon ng kayudan mag trabaho sa bukirin. 

Makalipas ang treinta minuto na nasa byahe ay bumaba siya sa mismong palengke na, dahil doon rin naman daw ang tigil ng jeep upang mamasada.

"Salamat po!" Muli niyang pasasalamat  sa driver bago. Inayos niya ang kasuotan niya ngayon. Isang white polo na naka-tack-in na naka-partner sa bulaklaking brown na palda na tinernohan pa ng itim na tsinelas. 

Inumpisahang hanapin ni Rosalia sa Pamilihang bayan ng Polangui, ang tindahan ng kanyang naging matalik na kaibigan. 

"Lima tabi (Lima please)"

"Manok! Sariwa 'to! 10 lang ang kilo!"

Kaniya-kanyang sigaw ang nadaraanan niya sa loob. Mayroon pang mga nagtitinda ng prutas na inaalok sa kanya. 

"Magkano tabi (po) sa mansanas kuya?" Tanong ni Rosalia saka nilabas ang kanyang wallet na natitirang 100 pesos na lang ang laman. Nakita niya na-p-pink sa ganda ang mansanas na gusto niyang ibili para sa kanyang Itay. 

"Ah, para sa magandang katulad mo. 60 na lang ang kilo." Sabi sa kanya ng nagtitinda, ngumiti-ngiti pa ito sa kanya. 

"Magkano po pag kalahati?" Tanong niya muli. Napatingin siya sa dala niyang pera. Hindi kakasya ng pera niya sa pag-uwi lalo na't umabot rin sa bente singko ang kanyang pamasahe. Isama pa ang kaninang naging pamasahe niya na nakatipid pa ng diez dahil sa driver. 

Inang at niya ang tingin sa nagtitinda at makitang nakatingin rin ito sa dala niyang pera.

"Ah, sige, Ija. Kahit bente singko na lang sa iyo."

"T-talaga po?" Hindi makapaniwalang tanong ni Rosalia. Nahihiya niyang inusot ang pera na nag ilabas niya iyon sa wallet. 

Kinuha ng nagtitinda ang plastic saka tinimbang ang mga mansanas. "Oo. Oh, 'eto na," inot ng nagtitinda ang plastic na may tatlong mansanas na nakalagay. 

Hindi makapaniwalang hindi pa iyon kinukuha ni Rosalia kung kaya't mabilis na inagaw sa kanya ng lalaki ang kamay niya. Nagsulat pa siya sa ginawa ng lalaki ngunit ngumiti lamang ito sa kanya. 

Nahihiya niya iyong tinggap bago binigay ang pera niya. Mabilis iyong pinalitan ng lalaki saka inabot sa kanya ang sukli ng may ngiti sa labi ang tindero. Kung kikilatisin, nasa 40 ang tanda nito nang tindero. 

"S-salamat tabi (Salamat po)." May nigiting nahihiya niya tinanggap ang sukli. Nang bilangin niya iyon ay gulantang siyang nanlalaki ang mata dahil hindi nabawasan ang kanyang pera, tanging nabaryahan lamang iyon. "K-kuya hindi niyo po kinuha-"

"Ok lang. Tanggapin mo na. Madali lang kitain ang pera basta't may tyaga naman. At nakikita mo marami rin akong customer." Sabi ng lalaki na tinuro pa ang mga namimili na tinatanong ang isang tindera sa mismong loob na siguro'y asawa niya. "Siya, sige na. Mag-iingat ka."

Tumango si Rosalia at hindi mawala ng ngiti sa labi. "Salamat po ulit." Nanag makalayo-layo ay muli niyang nilingon ang tindahan ng binilhan niya at makitang mas dumami pa ang namimili. 

Pinuntahan niya na ang pwesto kung saan nagtitinda ang naging kaibigan niya. Iyon lang kasi ang pwede niyang mapag-tanungan kung saan pwedeng makahanap ng trabaho. Sumisikat na rin ang araw ngunit nananatili pa ring malamig ang hangin. Mabuti na lamang ang naka long sleeves siya. 

"Tria!" Malakas na naging sigaw ni Rosalia nang makita ang kanyang hinahanap na kaibigan na nagsisilbing sa mga nabili ng kanyang prutas. Galak siyang napatakbo at niyakap ng mahigpit ang kanyang naging kaibigan. "Na-miss kita!"

 "Ay, salamat tabi! Balik po kayo ulit!"Narinig niya pang sabi ni Triana sa suki nito. "Hoy, Rosalia! Umayos ka na." Singhal sa kanya ng kanyang kaibigan ng matapos ito sa pagbenta. 

"Ano bang ginagawa mo rito? Saka kumusta ka na pala sa inyo?"

Umayos nang pagkakatayo si Rosalia ngunit hawak nito ang isang kamay ni Triana habang may ngiti sa labi. "Na-miss kasi kita."

Ngumiti ang kanyang kaibigan na si Triana at ganoon rin ang reaksyong biglang yumakap kay Rosalia. "Na-miss rin kita!" Saglit silang nagsaya bago hinatak ni Triana ang upuan nasa likod ni Rosalia at ipinaghiwalay iyon at doon pina-upo rin Rosalia. "Ano bang ginagawa mo rito? Ang layo nito sa inyo, ah."

Ang kaninang labis na ngiti ni Rosalia ay napalitan ng simple at mapait na ngiti. Naalala niya na nga pala kung ano ang kailangan niya kaya siya pumunta sa Polangui. Agad siyang tumayo na ikinagulat pa ni Triana. 

"Ah, Triana kasi," kinagat ni Rosalia ang kanyang labi nang makaramdam ng hiya sa pagtatanong. Ngunit mas nilabanan niya iyon. Huminga siya ng malalim. "May kakilala ka bang pwede kong mapag-tabahuhan?"

Tulalang natagalan si Triana na tingnan si Rosalia. Hindi ito makapaniwala na iyon ang sasabihin niya, dahil ang alam nito ay maayos ang pamumuhay ng kanyang kaibigan.

"Bakit? Anong nangyari?" May pagtatakhang tanong nito na nag-uumpisa ng kabahan. "Rosalia, alam kong sanay ka na tumulong sa mga magulang mo sa bukirin... Inda ko man (Hindi ko alam) kung anong nangyari at bakit gusto mo pang maghanap ng trabaho. Mayroon naman kayong bukirin." Tumayo siya at hinawalan si Rosalia sa balikat. "Mahirap maghanap ng trabaho ngayon, Rosalia. Tingnan mo ako. Sapat lang ang kinikita ko rito."

"Pero, sige na, Triana." Nagmakaawang hinawakan ni Rosalia ang kamay ni Triana. "Kailangan kong matulungan si Itay, dahil sa may sakit siya. Hindi pa man namin matukoy ang kanyang kalagayan, kailangan ko na ring mag ka-pera.... Kaya tulong tabi." Pilit na ngumiti si Rosalia sa kaharao niyang si Triana.

Habang ang kaibigan niya naman ay napa-isip saglit saka ngumiti."May alam ako!"

"Talaga?!" Tuwang nakahinga ng maluwag si Rosalia. "Saan? Dito ba? Kahit ngayon lang ako may kitain, ayos na."

"Teka. Teka. Kalma, Lia," natatawang pinaypayan ng kamay ni Triana si Rosalia dahil sa labis na katuwaan nito. "Sa bukohan ka mag-t-trabaho, Rosalia. Iyung juice na nasa baso. May kaibigan ako doon sa labas," tinuro niya ang labas ng pamilihan. "Kahapon kasi ay nagpapahanap siya sa akin ng magbebenta ng mga inumin niya. Busy rin kasi iyon sa pag-itak kaya hindi niya maasikaso." Ani nito. 

"Sana wala pa siyang nakukuha." Malakas na pananalig ni Rosalia. Bago harapin ang kanyang kaibigan. "Saan ba 'yon? Pwede mo ba akong samahan?"

"Oo naman! Tara! Manang pabantay muna saglit ng tinda ko!" Aniya sa matandanag nasa katabi niya lang. 

Walang pasabing hinigit siya ni Triana hanggang sa makarating sa katabi ng pamilihan at makitang may bukohan doon at maraming nakapila. May nakita rin siyang lalaking nagpapalaka-lakad na sa pag-aasikaso sa kanyang paninda. Marahil, baka iyon nga ang kaibigang tinutukoy ni Triana. 

"Jeff!" Tawag ni Triana sa lalaking naka-red na siyang tinutukoy ni Rosalia. 

"H'wag ngayon, Tria, maraming customer!" Ani ni Jeff habang sinasalukan ng buko juice ang baso saka binigay sa customer. "Seis lang 'yan." Sabi sa customer sabay tingin naman sa iba. "Kamo? (Kayo?)" 

Napangiti si Rosalia dahil sa mukhang wala pa ring nahahanap ang sinasabi ni Triana sa kanya. 

"Ano ka ba! May nahanap na nga akong tutulong sa 'yo." Sabi ni Triana na soyang ikinatigil ni Jeff sa pagsandok. Tinulak niya paraharap si Rosalia na nakangiti pa rin. "Siya si Rosalia... Jeff, si Rosalia, ang magiging katulong mo dito sa bukohan mo." 

"Hi," Ani ni Rosalia bago tumingin sa paligid. "Pwede na ba akong mag simula?" Agad-agadang sabi niya.

Tulala pa rin si Jeff habang nakatingin kay Rosalia. Mabilis niyang hinigit si Triana makalayo sa kanila ngunit rinig pa rin ang kanilang usapan ni Rosalia. 

"Sigurado ka ba sa nakuha mo? Ang ganda-ganda niyan." Rinig ni Rosalia na sabi ni Jeff. 

"Ano ka ba! Nagmana 'yan sa Mayon kaya normal lang iyan. Saka malay mo, Jeff, maka-benta ka ng marami ngayon tas hati tayo!" Natutuwang sabi ni Triana. "Pero kailangan mo muna siyang bigyan ng sahod gawa ng ang Itay niya ay may sakit, kaya niya ito ginagawa."

"Ah, ganoon ba. Sige." Mabilis na sagot ni Jeff. 

"Rosalia! Babalikan kita rito, ha! Galingan mo!" Sigaw ni Triana nang nagpalingon kay Rosalia. 

"Salamat!" Gusto niyang takbuhin ang ilang hakbang kay Triana upang yakapin at muling pasalamatan nang sumenyas kay Rosalia si Jeff na simulan na ang kanyang trabaho. 

Naging madali lang kay Rosalia ang unang pagbenta niya at pag lagay ng buko juice sa baso. Ngunit tama ang sabi ni Triana, marami ang nagsi-bilihan sa kanyang bukohan.

"Rosalia, pahinga ka muna!"

Napalingon siya sa kanan niya. Pinawisan ni Rosalia ang pawis niya saka ngumit. "Ok lang-" Natigil ang pagsasalita niya ng marinig ang cellphone tumunog. Mas lalo siyang napangiti ng makitang ang Inay niya ang natawag sa kanya. 

"Hello Inay! Nakahanap na ako ng-"

"Rosalia, anak! Ang Itay mo!"

Natigilan si Rosalia na naramdaman rin ni Jeff kaya siya nilapitan nito. Puno ng kaba ang naramdaman ni Rosalia. "Bakit po? Anong nangyari?! Nasaan po kayo?" Kinuha niya ang nakasabit na bag niya saka sinenyasan si Jeff. 

Panay hikbi lang ng kanyang Inay ang naririnig niga sa kabilang linya. May kung anong tunog rin siyang naririnig na alam niyang galing iyon sa ambulansya. "Hello, Inay! Nasaan kayo?! Pupuntahan ko po kayo! Pauwi na ako!" 

"N-nasa o-ospital kami ngayon ng Polangui anak! Ang sabi ng doctor, m-malubha na ang sakit ng Itay mo." Mas lumakas ang iyak ng kanyang Inay na naramdaman niuang puno iyon ng hinagpis at problema. "Wala akong pera, anak! Hindi ko alam ang gagawin sa Itay mo."

Hindi na rin napigilan pa ni Rosalia na hindo maiyak. "Sige, Inay. Papunta na ako. Diyan lang kayo." Pinunasan niya ang mga luhang namumuo sa kanyang mata. Takbo't lakad ang ginawa niya upang makahanap ng jeep nang bigla siyang mapatigil nang may humawak sa kanyang braso. Agad na nilingon iyon ni Rosalia at makita ang lalaking hingal na hingal. 

"Nakita rin kita... Come with me, we will go to the hospital."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 24

    "PAGTATRABAHO ang inaasahan ko sa unang araw mo sa company ko, Ms. Selim, hindi ang gumawa ng eksena lalo pa't sa Lolo ko!" galit na sigaw ni Lev kay Rosalia, napahimalos pa ito ng kamay sa kanyang mukha. Nanatiling nakatungo ang ulo ni Rosalia. Kanina pa siya nito sinesermonan ng dalhin siya ng kanyang boss sa meeting room. "Patawad po-""Patawad?! Oh, come on, Ms. Selim... Hindi sa lahat ng oras patawad ang nagiging solusyon!" galit na sabi ni Lev na halos pinupuno ang meeting room ng galit. "Matuto ka namang ilugar 'yang katapangan mo."Hindi magawang iangat ni Rosalia ang kanyang mukha para tingnan ang kanyang boss na patuloy sa kanya mag sermon. Hindi naman siya ang mali. Tama lang ang kanyang ginawa. Pero sa isip ni Rosalia ay may mali rin siya.Hindi ko dapat ginawa iyon. Umuwing nanatiling malungkot ang hitsura ni Rosalia. Dahan-dahan niyang binuksan ang gate ng apartment nila. At sa pagkakataon na iyon ay namataan niya sina Tania at Trina na hindi mapakali sa paglalakad.

  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 23

    "NAKO! Muntik ka na masisanti, Rosalia!" Nagpapadyak sa kaba si Lerio dahil sa takot kanina sa nangyari. "Mabuti na lang na pagbigyan ka.""Kaya nga po, Kuya Lerio," sabi ni Rosalia habang nagtitimpla ng kape ng kanyang boss. "Pero kasalanan ko rin po talaga. Hindi ko na po uulitin 'yon. Ang alam ko ay nasa bag ko ang id ko."Mano-manong tinimpla ni Rosalia ang kape gamit ang kutsarang binigay sa kanya ni Mang Lerio. Hindi niya alam kung paano gamitin ang mga kagamitan na pang timpla sa kape. Ang alam niya lang na gamitin ay kutsara. "Siya nga pala, Rosalia. Malapit na kaming ikasal ng asawa ko. Plano sana kitang imbitahan." Sabi ni Mang Lerio. "Ok lang ba sa'yo?" Napatigil si Rosalia nang matapos ito sa pagtimpla. Nilingon niya si Mang Lerio at saglit na nag isip bago mapangiti. "Sino po ba ako para tanggihan ang alok ng una kong naging kaibigan sa kumpanya na 'to." napangiti si Rosalia. Nilapitan at tinapik niya ang balikat ni Mang Lerio. "Congratulations po, Mang Lerio."Napangi

  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 22

    "OPO, Inay! Bukas po ang simula ng trabaho ko." masayang pagbabalita ni Rosalia sa kanyang Inay na katawagan niya sa cp ni Annie. Nabalitaan niya rin sa kanyang Inay na hindi pa rin nagaan ang kalagayan ng kanyang Itay. Kahit na may kabang nararamdaman, wala siyang planong sumuko hanggat hindi niya nakukuha ang pinunta niya sa Maynila para maipagamot ang kanyang Itay. Inay: [Mabuti naman at ok ka diyan, anak! Masaya kami ng Tatay mo para sa trabaho mo! Maipapagamot na natin ang Itay mo.]Napangiti lalo si Rosalia. Hindi man niya nakikita ang kanyang Inay habang kausap niya, alam niyang nakangiti ito at naiiyak sa tuwa."Alam niyo po, Inay... Miss ko na ang Bicol... Kayo po pati na rin po sina Annie at iba pa pong mga kapitbahay natin diyan." sabi ni Rosalia, napabuntong hininga. Inay: [Nako, Rosalia! Kung naririnig mo lang ang mga kapitbahay natin na halos araw-araw ka na nilang kinakamusta sa amin ni Annie.]Sabay silang nagtawanan ng kanyang Inay. Hindi maitatagong talagang na-mi

  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 21

    "SIR, ganito pong palda, pwede na po ba?" nahihiyang tinaas ni Rosalia ang skirt na sa tansya ay hanggang binti niya. "'Yan, ma'am! Ayos na po 'yan!" nakangiting sabi ng sales lady na nasa tabi ni Rosalia."That's ok. But try to find a longer skirt." seryosong sagot ni Lev. Agad niyang kinuha ang cellphone sa bulsa ng pants niya ng tumunog iyon. Tumingin siya kay Rosalia. "I have to take this call, Ms. Selim." sabi ni Lev, na tinanguan naman agad ni Rosalia, sabay talikod nito at umalis. Pinakatitigan ni Rosalia ang skirt na napili niya. Violet skirt iyon na pag sinuot ay fitted at makikita ang hugis ng kanyang hips. Maya-maya ay napangiti siya at naghanap pa ng ibang kulay."Excuse me, ma'am," tawag ng sales lady na kasama ni Roslaia kaya agad niya itong nilingon."B-bakit po?" utal na tanong ni Rosalia. Pinakita niya rin sa sales lady ang napili niyang skirt. "Pangit po ba? Hindi bagay sa akin?""Ay, nako! Nako, ma'am! Bagay po sa inyo! Sobra nga po." natawa ang sales lady sa sina

  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 20

    "PANIGURADONG magagalit sa akin si Sir Lev nito, Annie." Hindi mapakaling napaupo sa kanyang kama si Rosalia habang kausap sa telepono si Annie. Annie: [Malamang 'yan, Rosalia... Sino ba naman kasing mangangako sa kasamahan niya sa apartment na pakikiusapan niya ang kanyang boss na ipasok ang nagngangalang, Trina... Malamang ikaw.] Napasandal sa dingding si Rosalia. Rinig niya ang mahinang tawa ni Annie pero nangingibabaw sa kanya ang kaba. Hindi naman niya sinasadya na mapa-oo na tulungan si Trina, sadyang naawa lang siya dahil sa rason ni Trina para lang makapasok sa Werloz company. Ramdam niya ang kahirapan ni Trina. Hindi lamang sa pangangailangan nitong mag-trabaho, kundi para na rin sa kagustuhan nitong muling makapag-aral. College student na sana si Trina. Kwento pa ni Trina kay Rosalia ay natigil ang kanyang pag-aaral at mapag-pasyahan nilang magkapatid na alisan ang tita nilang inaabuso lamang sila. Wala na pala silang pamilya. Hindi patay, kundi may kani-kanila ng pamil

  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 19

    HAPON na nang makauwi si Rosalia sa apartment na tinutulungan niya. Mabuti na lang at pinahatid siya ng kanyang magiging boss kay Lerio at makasalubong si Trina, ang kapatid ni Tania, na sila na ngayong kasama ni Rosalia sa isang tindahan ng ihaw-ihaw malapit sa kanila. Nakikipag-kwentuhan si Trina sa mga kaibigan nitong nakatambay sa loob at kumakain ng ihaw-ihaw."Nako, Rosalia! Muntik na tayo do'n kanina." Salita ni Lerio na siyang may hawak pang isaw. "Mabuti na lang at napag-bigyan tayo!""Mabuti nga po, Kuya Lerio. Hindi ko na po alam kung anong gagawin ko kanina." Ani ni Rosalia bago saglit na lingunin ang nasa likuran niyang black na bmw na sasakyan. "Saka, 'yung mga tingnin ni sir, parang mangangain na." Sinubo ni Rosalia ang natitirang isaw na nasa stick niya bago kunin ang panibagong isaw na nasa gilid ng ihawan.Napatawa naman si Lerio sa sinabi ni Rosalia. "Nako! Ganoon na talaga si sir, Rosalia. Pero ang pinag-tataka ko nga ay bakit hindi naging ma

  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 18

    TAHIMIK na naglalakad si Rosalia kasama ang driver kanina na kausap niya kanina sa labas at ang kanyang magiging boss. Bumalik sa bar si Tefiro dahil kailangan nito ang binigay na trabaho sa kanya ni Lev.Nasa loob na ng building sila Rosalia at kahit na gusto niya mapa-ngiti at pagmasdan ang mga taong busy sa kanilang mga ginagawa sa loob ng office ay hindi niya pa rin magawa dahil sa ka bang narraamdaman.Habang nangunguna sa paglakad si Lev ay Napatingin siya sa katabi niya na nginingitian ang mga nasa loob ng kani-kanilang office."K-kuya ng driver," kinulbit ni Rosalia ang driver dahilan para ito'y mapatingin sa kanya at tumaas ang kilay. "Ano po bang ginagawa ng isang secretary ni sir?" Mahinang tanong ni Rosalia at mapatingin kay Lev na patuloy sa paglalakad."Tawagin mo na lang akong Lerio, Rosalia." Ani nito bago lumapit sa tainga ni Rosalia, "Ang sagot sa tanong mo ay kailangan mo lang na kasabay kay Sir Grayson, lalo na sa mga meeting niya mins

  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 17

    TAHIMIK lamang si Rosalia na nakatitig sa lalaking nasa harap niya na. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang lalaking kanyang ka harap ay ang tumulong sa kanya noong gabing gahasain siya ng kanyang dating boss."I-ikaw y-yung tumulong s-sa akin noong gabi na 'yon." Mahina ng sabi ni Rosalia ngunit nakita niya ang pagkagulat ni Tefiro mula sa gilid niya at makita si Lev na seryoso lang ang mukha."Excuse me? Pardon?" Natatawang tanong ni Lev habang nakatingin kay Rosalia. "Anong gabi na 'yon? What's happening, Tefiro?" Napatingin si Lev kay Tefiro na parang walang alam."Ah, sir, I think nagkakamali po si Rosalia." napatingin si Tefiro kay Rosalia na parang sinenyasan ito na walang alam ang totoong may-ari ng bar sa nangyari noong gabi na iyon.Napakunot ang noo ni Rosalia na binabalik-balik ang tingin sa dalawang lalaki. Alam niya at totoo ang sinasabi niya. Hindi man niya iyon nakilala nang maayos ngunit sa boses pa lang nito ay alam na alam niya na.

  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 16

    "KUMUSTA na po diyan inay? Maayos lang po ba kayo diyan? Kumakain naman po ba kayo sa tamang oras?" Sunod-sunod na tanong ni Rosalia habang namimili ng kanyang masusuot sa pag-punta sa bar. "Kumain po kayo iyan ng marami ha. Ata hindi pa man ngani ako makakapag-padala kwarta sa inyo diyan ni Itay.""Ay, ano ka ba, anak. Kahit na malayo kay ay ganiyan ka parin kung mag tanong sa amin," napatawa ng ginang mula sa kabilang linya. "Saka h'wag kang mag-alala, ok lang kami rito, andito naman si Annie at mga kapitbahay natin na natulog rin."Nakahinga nng maluwag si Rosalia at mapangisi sa narinig. Hindi nito ini-expect na natulong pa rin ang kanilang mga ka-kilala sa kanila. Iba pa rin talaga ang taglay ng pagtutulungan sa kanilang bayan."Balang araw, inay, tayo naman ang tutulong sa kanila. Kahit na maliit lang ang itulong natin basta't may silbi ang lahat ng iyon at bukal sa kalooban." Nakangiting sabi ni Rosalia. Inipit niya sa kanyang balikat at tainga ang

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status