"NAKO! Muntik ka na masisanti, Rosalia!" Nagpapadyak sa kaba si Lerio dahil sa takot kanina sa nangyari. "Mabuti na lang na pagbigyan ka.""Kaya nga po, Kuya Lerio," sabi ni Rosalia habang nagtitimpla ng kape ng kanyang boss. "Pero kasalanan ko rin po talaga. Hindi ko na po uulitin 'yon. Ang alam ko ay nasa bag ko ang id ko."Mano-manong tinimpla ni Rosalia ang kape gamit ang kutsarang binigay sa kanya ni Mang Lerio. Hindi niya alam kung paano gamitin ang mga kagamitan na pang timpla sa kape. Ang alam niya lang na gamitin ay kutsara. "Siya nga pala, Rosalia. Malapit na kaming ikasal ng asawa ko. Plano sana kitang imbitahan." Sabi ni Mang Lerio. "Ok lang ba sa'yo?" Napatigil si Rosalia nang matapos ito sa pagtimpla. Nilingon niya si Mang Lerio at saglit na nag isip bago mapangiti. "Sino po ba ako para tanggihan ang alok ng una kong naging kaibigan sa kumpanya na 'to." napangiti si Rosalia. Nilapitan at tinapik niya ang balikat ni Mang Lerio. "Congratulations po, Mang Lerio."Napangi
"PAGTATRABAHO ang inaasahan ko sa unang araw mo sa company ko, Ms. Selim, hindi ang gumawa ng eksena lalo pa't sa Lolo ko!" galit na sigaw ni Lev kay Rosalia, napahimalos pa ito ng kamay sa kanyang mukha. Nanatiling nakatungo ang ulo ni Rosalia. Kanina pa siya nito sinesermonan ng dalhin siya ng kanyang boss sa meeting room. "Patawad po-""Patawad?! Oh, come on, Ms. Selim... Hindi sa lahat ng oras patawad ang nagiging solusyon!" galit na sabi ni Lev na halos pinupuno ang meeting room ng galit. "Matuto ka namang ilugar 'yang katapangan mo."Hindi magawang iangat ni Rosalia ang kanyang mukha para tingnan ang kanyang boss na patuloy sa kanya mag sermon. Hindi naman siya ang mali. Tama lang ang kanyang ginawa. Pero sa isip ni Rosalia ay may mali rin siya.Hindi ko dapat ginawa iyon. Umuwing nanatiling malungkot ang hitsura ni Rosalia. Dahan-dahan niyang binuksan ang gate ng apartment nila. At sa pagkakataon na iyon ay namataan niya sina Tania at Trina na hindi mapakali sa paglalakad.
NAKANGITI habang kumakaway si Rosalia sa kanyang Ama't ina na nagtatanim ng mga palay sa kanilang bukirin. Simple lamang ang kanilang pamumuhay sa kanilang probinsiya sa Albay. Hindi niya akalain na may magmamahal sa kaniya na parang isa siyang tunay na anak ng mga ito."Inay! Itay! Kakain na po!" sigaw ni Rosalia habang inaayos ang mga plato at mga kakainin sa lamesa na nasa kubo.Ampon lamang si Rosalia nina Cerio at Lecia. Hindi niya alam kung sino ang totoo niyang mga magulang, tanging ang necklace na nakaukit ang mayon lamang ang iniwan sa kanya ng totoo niyang mga magulang, na may nakasulat na magayon sa likod nito at ang pangalan niya. Pero kahit na iniwan siya ng totoo niyang mga magulang, ay hindi siya nagsisisi dahil sa mag-asawa na umampon at nagmahal sa kanya ng lubos.Nang matapos si Rosalia sa paga-ayos ng mga plato sa hapag-kainan, tumayo siya at tumingin kung saan naroroon ang kanyang mga magu
"JOKE lang! Ano ka ba naman."Hindi maipinta ang mukha ni Rosalia sa pagtataka nito habang nakatingin kay Reon, na nakahawak sa batok. Dahil sa sinabi kasi nito ay alam niyang niloloko na naman siya nito.Umakbay siya kay Reon, "Alam mo," panimula niya. Napasinghap. "Hindi naman talaga ako maganda... ang tunay na maganda para sa 'kin ang kalooban ko, ang ugali ko."Sandaling napatigil ang dalawa sa pag-uusap. Tanging ang sariwang hangin at ingay ng ibang tao lang ang maririnig."You're beautiful, Rosalia..." Inalis ni Reon ang pagkaka-akbay ni Rosalia sa kanya at humarap nang nakangisi. "Kaya sana kung pwede na akong-""Rosalia! Tawag ka ni Aling Lecia!" sigaw ni Annie na papalapit sa pwesto nila. "K-kailangan raw ng pirma mo sa papel, para sa mga kasamang pumunta r-rito." Hingal na hingal nitong sabi pagka-akyat."Gano'n ba? Sige. Kailangan
"KUYA!" Patakbong umakayat si Rosalia para puntahan ang lalaking hawak ang kanyang kwintas. Nang unti-unti siyang makalapit sa lalaki ay hinawakan niya ang lalaki sa balikat. "K-kuya! Akin iyang hawak mo." Hingal na hingal niyang sambit habang nakayuko.Importante kay Rosalia ang kwintas. Hindi ito mapapantayan ng kahit anong bagay, kahit na ito'y isang ordinaryong kwintas lamang na nakaukit ang Mayon, na naiwan sa kanya ng tunay niyang magulang... Sa kanya ay hindi. Ito'y isang yaman niya na simula pa pagkabata."Excuse me, Miss?"Inangat niya ang tingin sa lalaki nang mapatulala siya dahil sa ka-gwapuhan ng lalaki na nasa harapan niya."Who are you? What do you need from me?" Tanong sa kanya ng lalaki na takha na siyang tinitingnan.Walang kahit anong salita ang lumabas sa boses ni Rosalia. Nakaharap lang siya sa lalaki at pinag-mamasdan ang ka-gwa
"ITAY... INAY..." Tawag ni Rosalia sa kanyang mga magulang sa kwarto. Kumatok siyang muli.Madaling araw pa lang at hindi pa sikat pa lang ang araw nang mapag-pasyahang maghanap ng pwedeng pagka-kitaan si Rosalia.Bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang Inay niyang kinukusot pa ang mata. "Oh, saan ka ngani pupunta, Rosalia?" Malat na tanong sa kanya ng Inay niya. "Kumain ka na ba? Teka, ipagluluto kita ng umagahan mo."Lalabas na sana ang Inay ni Rosalia sa kwarto ngunit agad niya itong pinigilan sa kamay."Hindi na, Inay, ang totoo saglit lang akong a-lin (aalis) tapos uwi na rin ako. May hahanapin lang po ako." Mahinahong sabi ni Rosalia sa Ina niya para hindi ito mag-alala sa kanya. Sinilip niya ang kwarto. "Gising na po ba si Itay?"Lumingon rin sa loob ng kwarto ang kanyang Inay saka Inayos ang balabal nitong suot. "Ganoon pa rin. Nauubo pa rin ang
"NURSE, where is Simeon Selim?" Mabilis na pagkakataon ni Reon pagkarating nila sa ospital ng Polangui. Agad rin namang hinanap ng nurse ang pangalan at sumagot. "Okay, salamat."Hindi na hinintay pa ni Rosalia si Reon, nang agad itong tumakbo patungo sa emergency at doon hinanap sa maraming mga pasyente ng may iniinda. Natanaw niya ang kanyang Inay na nakatayo at ang kanyang Itay sa dulo na siyang walang malay."Itay!" Sigaw ni Rosalia at patakbong pinuntahan ang kanyang Itay na may nakakabit na dextrose. "Bakit?! Bangon Itay! Nakahanap na ako ng trabaho!" Umalingawngaw ang pag-iyak ni Rosalia na siyang tinitingnan na ng iba."Rosalia, anak," Ani ng Inay niya saka hinwakan sa likod at pikalma."Kumusta si Itay, Inay?" Tanong ni Reon na puno rin ng pag-aalala."Naging maayos ang kalagayan niya kanina. Kinuhanan na rin siya ng dugo at mamaya naman a
"ANNIE, pwede moba akong samahan? Sigee na, wala kasi akong kausap pag naroon na ako." Pagmamakaawa ni Rosalia habang iniimpake ang kanyang mga damit sa bagahe, ka tulong si Annie. "Paano na lang kung hidni ko pala maintindihan kung ano ang mga gagawin doon? Lalo na ang ipapagawa ng Tita mo sa akin.""Rosalia, ano ka ba... Kaya mo 'yan. Saka hindi naman ako pwedeng sumama dahil wala naman akong pera. Kailangan ko ting tulungan dito sila Mama at Papa... Pati na rin mga magulang mo." Mahina Hong sbai ni Annie sa kanya bago ito matapos sa pagtupi ng mga damit ni Rosalia.Ngayon ang alis ni Rosalia paluwas ng Maynila. Door to Door ang tawag sa sasakyan ni Rosalia, na kahulugan sa ating hindi nakakalaam ay isa iyong susundin si Rsoalia sa kanilang prinsya at ihahatid sa kanyang titirhan sa Maynila. Ngunit ang mga ilan lamang ang nakaka-alam nito.Masyadong mahal sa bus kaya sa van na lamang ninais ni