Share

Chapter 4

Penulis: Lachikta
last update Terakhir Diperbarui: 2022-01-03 23:50:32

"NURSE, where is Simeon Selim?" Mabilis na pagkakataon ni Reon pagkarating nila sa ospital ng Polangui. Agad rin namang hinanap ng nurse ang pangalan at sumagot. "Okay, salamat."

Hindi na hinintay pa ni Rosalia si Reon, nang agad itong tumakbo patungo sa emergency at doon hinanap sa maraming mga pasyente ng may iniinda. Natanaw niya ang kanyang Inay na nakatayo at ang kanyang Itay sa dulo na siyang walang malay. 

"Itay!" Sigaw ni Rosalia at patakbong pinuntahan ang kanyang Itay na may nakakabit na dextrose. "Bakit?! Bangon Itay! Nakahanap na ako ng trabaho!" Umalingawngaw ang pag-iyak ni Rosalia na siyang tinitingnan na ng iba. 

"Rosalia, anak," Ani ng Inay niya saka hinwakan sa likod at pikalma.

"Kumusta si Itay, Inay?" Tanong ni Reon na puno rin ng pag-aalala. 

"Naging maayos ang kalagayan niya kanina. Kinuhanan na rin siya ng dugo at mamaya naman ay ihi na ang ite-test sa kanya." Saa ng Inay ni Rosalia kay Reon. Napasapo ito sa noo at Napatingin sa kanyang asawa na tulog pa rin. "Hindi ko na ngani aram (Hindi ko na nga alam) kung paano kami makakalabas dito." Namomoblemang sabi nito. 

Nasaktan si Rosalia sa narinig sa kanyang Inay. Hindi niya nagustuhan na magdala ito ng mabigat na problema. Sanay lamang siya sa problema ng pang bukirin na agad rin naman nilang nasusulosyunan. Ngunit ngayon ay iba at ngayon niya lang ito mararanasan. 

Mahimbing na natutulog ang Itay ni Rosalia habang nakayakap ito. Kanina pa siya nagbabantay at hindi iniiwan ang kanyang Itay. Inuwi muna ni Reon ang kanyang Inay at pinabantay muna ito. Ngunit gulat nang makita si Reon na papalapit na sa pwesto niya. 

"Nasaan si Inay?" Mahinahong tanong ni Rosalia ay Reon. Tumingin siya sa pinasukan nito ngunit wala na rin ang kanyang Inay. Takang tiningalaan nang tingin ni Rosalia si Reon. "Sino kasama ni Inay kung narito ka?" May pag-aalala niyang tanong. 

"Hey," hinawakan ni Reon si Rosalia saka ito tipid na ngumiti para pakalmahin si Rosalia. "Okay lang si Inay, kasama niya ngayon si Annie at iba niyo pang mga kapit-bahay."  Nakahanap ng bakanteng siya si Reon at umupo sa harap ni Rosalia. 

"Hindi pa rin na gigising si Itay magmula ng pag-alis niyo ni Inay." Malungkot na tumingin si Rosalia sa kanyang Itay. Napangiwi siya ng may maalala ngunit agd ring nawala. 

"Tito will be ok, Rosalia. Maybe he just needs a break because of your work on the farm." Sabi ni Reon kay Rosalia na nagpaginhawa kahit papaano ng kalooban sa dalaga. 

"Sana nga..." Malalim na huminga si Rosalia saka ito ngumiti at hawakan ng kaliwa niyang kamay ang kamay ni Reon. "Salamat pala, Reon, a? Kung hindi dahil sa 'yo wala akong makasama papunta rito." Muli nang niyakap ni Rosalia ang kanyang Itay. 

Samatalang pilit na itinatago ni Reon ang ngiti niya. Napaubo na lamang siya para pigilan ang pagka-kilig nito sa dalaga. 

"Magiging ayos rin ang lahat, Rosalia. Panigurado ako." Ani pa ni Reon. 

"Excuse me,"

Mabilis na napatayo si Rosalia kasunod ni Reon na hinarap ang doctor na biglang dumating. 

"Kayo ba ang pamilya ng pasyente?" Tanong ng doctor sa kanila na nag ngangalang Reyes, na siyang nakasulat sa name tag nito sa d****b.

 "A-anak niya po ako. Ako po si Rosalia," si Rosalia ang sumagot at nagpakilala. Inalalayan siya ni Reon papunta sa harap. Sa hitsura ng doctor ay hindi na nagugusuthan ni Rosalia ang sasabihin ng doctor. "Kumusta po ang Itay ko? Ok na po ba siya? Makaka-alis na naman po kami 'diba?" 

"Ah, no, Rosalia. Hindi pa pwedeng makaalis ang pasyente." Saglit na napatigil ang Doctor at may binigay ang kasamahan nitong nurse na nasa gilid. May kung anong binasa doon ang doctor. "Tatapatin ko na kayo... May cancer sa baga ang iyong tatay, na-test namin ang kanyang dugo."

"C-cancer? Doc, malala na po ba iyon? Paano po nangyari iyon?" Nag-aalala ng tanong ni Rosalia. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ng doctor na nakababa. "May pag-asa po bang gumaling si Itay? Magbabayad po ako ng kahit magkano, pagalingin niyo lang po ang Itay ko tabi! (please!)."

Pinigilan siya ni Reon sa braso para ito'y kumalma. 

"Stage 1 ang Cancer ng Tatay mo, Rosalia. Mas maigi na rin kung maagapan ito sa operasyon o Chemo. dahilan para hindi na rin kumalat ang kanyang sakit sa buong katawan." Paliwanag ng doctor sabay tingin sa Itay ni Rosalia. "Usually, nakukuha ang mga sakit na ito sa mana niya sa pamilya, sa populasyon, at sa paninigarilyo."

Napailing si Rosalia dahil hindi naman naninigarilyo ang kanyang Itay. "Nasa magkano po kaya ang aabutin pag nagpa-chemo?" 

"Malaki-laki ang magagastos niyo... Mga nasa 16 thousands at aabutin pa ng 20 ito para sa pag-chemotherapy ng iyong tatay." Binigay ng doctor sa nurse ang kaninang hawak nito. "Kung may kailangan pa kayong malaman, let me know or contact me, here's my ID." Inabot ng doctor ang isang maliit na card. "Ako ang mag-d-doctor sa Tatay mo. Kung may emergency paki-press na lang ang botton. Maiwan ko muna kayo." Ngumiti sa kanila ang doctor ay nurse bago sila iwan. 

Nasa isang private ospital sila dahil sa biglaang pangyayari. 

Napakapit bigla si Rosalia sa reeling ng hinigigaan ng kanyang Itay. Iniisip niya kung saan siya kukuha ng ganoon kalaking pera. Sapat na pera lamang ang kanilang kinikita sa bukirin at natutustos lang niyon ang mga pangangailangan nila sa bahay, makakain, at pambayad pa sa kanilang kuryente at tubig. Saktong-sakto lamang. 

Hinarap niya si Reon at wala itong nagawa dahil sa panghihina ay bigla siyang yumakap sa binata. "Saan ako kukuha ng ganong kalaking pera, Reon? May nakuha akong trabaho kanina pero hindi ko naman kayang makakita agad ng ganoon kalaking halaga." Nanghihina ng sambit ni Rosalia habang mahigpit na kinusot ang polo ni Reon. 

Bukod pa sa pang chemotherapy ng kanyang Itay ay kina-kailangan niya pang maglaan ng kahit ilang libo pang pera para sa kanilang panggastos at makakain. Nahihiya na rin siyang manghiram sa iba dahil alam niyang puno na sila ng utang sa malapit sa kanila. Isa na doon ay sina Reon at Annie. 

Hinawakan ni Reon sa magkabilang pisngi si Rosalia at hinarap sa kanya ang dalaga. "Kung gusto mo pahiramin kita ulit ng pera?" Tanong niya na ikina-iling ni Rosalia ngunit pinigilan iyon ni Reon. "Hindi mo kailangan mahiya sa akin, Rosalia, kaibigan mo ako. Nasa kalahati lang ang pera ko pero magagawa ko iyon ng paraan."

"Pero, Reon, marami na kaming naging utang sa inyo, sa 'yo. Hindi na namin iyon kayang bayaran-" Napatigil si Rosalia nang marinig niya ang mahinang boses ng kanyang Itay na animo'y na nanaginip. Mabilis niya itong nilapitan. "Itay! Itay narito ako."

"A-ayoko..."

Nakatinginan sila ni Reon nang hindi nauwaan ang sinasabi nito dahil sa sobrang hina at tamlay. Pilit na binubuksan ng kanyang Itay ang mga mata ngunit nanatili na lang iyong nakapikit. Nilapit ni Rosalia ang tainga niya sa bobig ng kanyang Itay at mariing inintindo ang sinasabi nito. 

"A-ay-yoko na rito... U-uwi na tayo..." Habol ang naging paghinga nito sabay ang mahinang pag-ubo. 

Nabahala si Rosalia sa lagay ng kanyang Itay. Matapang niya ng hinarap si Reon nang mawalan na siya ng dahilan upang tanggihan ang alok ni Reon. 

"Patawad, Reon. Pero kailangan ko muna ng pera. Pangako ibibigay ko kaagad sa iyo. Maghahanap ako ng trabaho sa Maynila." Aniya kay Reon. 

Pinahiram siya ni Reon ng pera at tinawagan ang doctor at sabihing makakabayad siya kahit na kalahati pa lang ang pera nito. Isusunod ni Reon ang kalahati at mabilis iyong maibibigay kay Rosalia kinabukasan. 

Hinatid ni Reon si Rosalia sa bahay ng dalaga nang bumisita kinabukasan ang Inay nito at ang matalik na kaibogan ng kanyang Inay, upang magbantay. Ayaw pa man ni Rosalia umuwi ngunit napapayag siya ni Reon dahil sa kawalan ng tulog. 

"Salamat, sa paghatid." Bumaba si Rosalia sa kotse ni Reon. 

Takha pa sila kanina nang huminto ang kotse ni Reon sa bahay nila at makitang may nakaparadang nangingintab na mga sasakyan. Tatlo pa iyon na saktong nasa harap nakaparada. 

"Rosalia!" patakbong umakyat ng kalsada si Annie na kakadating lamang sa kanilang bahay dahil sa hitsura nito na mukhang kakaligo pa lang at nakabihis-pambahay. "Ano? Kumusta na si Itay? Ok ka lang rin ba? Ang itim ng baba ng mata mo."

"Malamang, Annie! Wala siyang tulog sa ospital. Sinong hindi mag-iitim ang baba ng mata!" Pilosopong sabi ni Reon na naabutan pa ni Rosalia na umirap. 

"H'wag kang sumagot, dahil ikaw rin naman. Hindi ka na gwapo! Hindi ka na sasagutin ng gusto mong ligawan!" Bwelta naman agad ni Annie kay Reon, sabay irap nito bago tumingin kay Rosalia ng may ngiti na. 

Napatawa si Rosalia nang mag-sagutan na naman ang dalawa. Nakahawak ang kamay niya kay Annie. "Ok lang ako. Nakatulog naman ako kahit kaunti dahil si Reon rin ang nagbantay. Kakarating mo lang ba? Sinong kasama mo?" Tumingin si Rosalia sa bahay nila na nasa ibaba at magulat ang mga matang may mga kalalakihan roong may kanya-kanyang hawak na bulaklak. 

"Ay! Halika! May kanina pa naghahanap sa 'yo. Mga manliligaw version 2 mo, Rosalia!" Agad na hinatak ni Annie pababa sa kanolang bahay si Rosalia. May kalayuan kasi ang bahay nila sa kalsada at pababa iyon. 

"Hey, Annie! Stop!" Sigaw ni Reon na mukhang galit na. Ngunti walang nagawang sinundan na lang ang dalawa. 

"Hi, Rosalia!"

"Sobrang ganda mo!"

"Pwede ba akong manligaw?"

Kaniya-kanya na ang mga kalalakihang sabi sa kanya. Natutula si Rosalia sa mga lalaki. Umabot sa mgaima ang kanyang nakikita at iyung iba ay mga nakatingin sa kanilang mga kapit-bahay. 

"Rosalia, 'eto si Tae," tinuro ni Annie ang lalaking nasa harap niya. Maputi at mukhang may lahi pa. "si Philip, Drian, Uvi, at si Lewis." Sunod-sunod na itinuro ni Annie ang mga nakahelere na na lalaki. Ang dalawa sa kanila ay may lahi at ang tatlo naman ay mukhang sa lugar lang nila namamalagi. 

"What are you doing here? Rosalia won't like you all, because she can't do that yet. She has a lot of problems." Si Reon na ang biglang nagsalita na nasa likod lamang ni Rosalia. 

"Wait! Sayang ang pinunta namin rito kung wala kaming makukuhang sagot kay Rosalia!" Singhal ng isa sa mga kalalakihan. 

Huminga ng malalim si Rosalia bago tingnan ang lima. "Pasensya na kayo, tama si Reon. Hindi ako natanggap o wala kayong makukuhang magandang sagot sa akin. Masyadong marami akong problema kaya hindi pa ako ready para diyan sa panliligaw na iyan." Mahinahong sabi ni Rosalia. "Sana maintindihan niyo ako." Dagdag niya pa. 

Panay ang reklamo ng karamihan hanggang sa walanv magawang umalis na lang. Hinatid pa sila ni Annie. 

Hinilot ni Rosali ang kanyang sentido nang makaupo sa sofa sa kanilang teris. Nakatayo lang si Reon nang masaktuhan ang pagdating ni Annie. 

"Ang sama talaga nito ni Reon! Hindi naman siya ang kausap!" Nagpapadyak pa sa pagrereklamo si Annie saka umupo sa teris malapit sa sofa na inuupuan ni Rosalia. 

"I'm just saying the truth, Annie. Masyadong maraming problema si Rosalia at wala pa siya sa tamang panahon para magpa-ligaw." Ani ni Reon na sinang-ayunan ni Rosalia nang tumayo ito. 

"May cancer si Itay. Ayokong iasa lang lahat sa mga kakilala namin ang lahat kaya kailangan kong makahanap ng trabaho. Iyung malaki ang kikitain." Napahilot ng sentido si Rosalia at napaupo na lang ulit dahil sa sakit ng ulo. 

"Sigurado ka bang gusto mong mag trabaho? Sa Maynila pa talaga, Rosalia? Alam mo namang mahirap doon. There are many bad people and it is not easy to be trusted. I experienced that there, because I once lived in Manila." Sabi ni Reon na nag-aalala. Napasandal siya sa pader habang nakahalukipkip. "At isa pa, malalayo ka sa pamilya mo."

"Kailangan, Reon. Dahil doon lang may malaking nakikita ang isang tao kahit na mahirap. Alam kong su-swertihin rin ako pag naghanap ako doon ng trabaho... Kailangan ko silang tulungan at nariyan naman kayo para bantayan muna sila kahit saglit." Sabi ni Rosalia bago tingan si Reon. Ngumit siya kahit papaano. 

"Sakto, Rosalia! Kung gusto mong mag trabaho, may alam ako! Si Tita na ang bahala sa iyo para agad kang makapasok!" Biglang sabi ni Annie na nagpatayo muli kay Rosalia at nakangiting hinarap siya. 

"Sasama ako, Annie." Matapang na sagot ni Rosalia. Dahil alam niyang makak atulong iyon para sa kanyang mga magulang kahit na mahirapan pa siya. Basta mabayaran lang niya ang naging utang nilang napapalaki na. 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 24

    "PAGTATRABAHO ang inaasahan ko sa unang araw mo sa company ko, Ms. Selim, hindi ang gumawa ng eksena lalo pa't sa Lolo ko!" galit na sigaw ni Lev kay Rosalia, napahimalos pa ito ng kamay sa kanyang mukha. Nanatiling nakatungo ang ulo ni Rosalia. Kanina pa siya nito sinesermonan ng dalhin siya ng kanyang boss sa meeting room. "Patawad po-""Patawad?! Oh, come on, Ms. Selim... Hindi sa lahat ng oras patawad ang nagiging solusyon!" galit na sabi ni Lev na halos pinupuno ang meeting room ng galit. "Matuto ka namang ilugar 'yang katapangan mo."Hindi magawang iangat ni Rosalia ang kanyang mukha para tingnan ang kanyang boss na patuloy sa kanya mag sermon. Hindi naman siya ang mali. Tama lang ang kanyang ginawa. Pero sa isip ni Rosalia ay may mali rin siya.Hindi ko dapat ginawa iyon. Umuwing nanatiling malungkot ang hitsura ni Rosalia. Dahan-dahan niyang binuksan ang gate ng apartment nila. At sa pagkakataon na iyon ay namataan niya sina Tania at Trina na hindi mapakali sa paglalakad.

  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 23

    "NAKO! Muntik ka na masisanti, Rosalia!" Nagpapadyak sa kaba si Lerio dahil sa takot kanina sa nangyari. "Mabuti na lang na pagbigyan ka.""Kaya nga po, Kuya Lerio," sabi ni Rosalia habang nagtitimpla ng kape ng kanyang boss. "Pero kasalanan ko rin po talaga. Hindi ko na po uulitin 'yon. Ang alam ko ay nasa bag ko ang id ko."Mano-manong tinimpla ni Rosalia ang kape gamit ang kutsarang binigay sa kanya ni Mang Lerio. Hindi niya alam kung paano gamitin ang mga kagamitan na pang timpla sa kape. Ang alam niya lang na gamitin ay kutsara. "Siya nga pala, Rosalia. Malapit na kaming ikasal ng asawa ko. Plano sana kitang imbitahan." Sabi ni Mang Lerio. "Ok lang ba sa'yo?" Napatigil si Rosalia nang matapos ito sa pagtimpla. Nilingon niya si Mang Lerio at saglit na nag isip bago mapangiti. "Sino po ba ako para tanggihan ang alok ng una kong naging kaibigan sa kumpanya na 'to." napangiti si Rosalia. Nilapitan at tinapik niya ang balikat ni Mang Lerio. "Congratulations po, Mang Lerio."Napangi

  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 22

    "OPO, Inay! Bukas po ang simula ng trabaho ko." masayang pagbabalita ni Rosalia sa kanyang Inay na katawagan niya sa cp ni Annie. Nabalitaan niya rin sa kanyang Inay na hindi pa rin nagaan ang kalagayan ng kanyang Itay. Kahit na may kabang nararamdaman, wala siyang planong sumuko hanggat hindi niya nakukuha ang pinunta niya sa Maynila para maipagamot ang kanyang Itay. Inay: [Mabuti naman at ok ka diyan, anak! Masaya kami ng Tatay mo para sa trabaho mo! Maipapagamot na natin ang Itay mo.]Napangiti lalo si Rosalia. Hindi man niya nakikita ang kanyang Inay habang kausap niya, alam niyang nakangiti ito at naiiyak sa tuwa."Alam niyo po, Inay... Miss ko na ang Bicol... Kayo po pati na rin po sina Annie at iba pa pong mga kapitbahay natin diyan." sabi ni Rosalia, napabuntong hininga. Inay: [Nako, Rosalia! Kung naririnig mo lang ang mga kapitbahay natin na halos araw-araw ka na nilang kinakamusta sa amin ni Annie.]Sabay silang nagtawanan ng kanyang Inay. Hindi maitatagong talagang na-mi

  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 21

    "SIR, ganito pong palda, pwede na po ba?" nahihiyang tinaas ni Rosalia ang skirt na sa tansya ay hanggang binti niya. "'Yan, ma'am! Ayos na po 'yan!" nakangiting sabi ng sales lady na nasa tabi ni Rosalia."That's ok. But try to find a longer skirt." seryosong sagot ni Lev. Agad niyang kinuha ang cellphone sa bulsa ng pants niya ng tumunog iyon. Tumingin siya kay Rosalia. "I have to take this call, Ms. Selim." sabi ni Lev, na tinanguan naman agad ni Rosalia, sabay talikod nito at umalis. Pinakatitigan ni Rosalia ang skirt na napili niya. Violet skirt iyon na pag sinuot ay fitted at makikita ang hugis ng kanyang hips. Maya-maya ay napangiti siya at naghanap pa ng ibang kulay."Excuse me, ma'am," tawag ng sales lady na kasama ni Roslaia kaya agad niya itong nilingon."B-bakit po?" utal na tanong ni Rosalia. Pinakita niya rin sa sales lady ang napili niyang skirt. "Pangit po ba? Hindi bagay sa akin?""Ay, nako! Nako, ma'am! Bagay po sa inyo! Sobra nga po." natawa ang sales lady sa sina

  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 20

    "PANIGURADONG magagalit sa akin si Sir Lev nito, Annie." Hindi mapakaling napaupo sa kanyang kama si Rosalia habang kausap sa telepono si Annie. Annie: [Malamang 'yan, Rosalia... Sino ba naman kasing mangangako sa kasamahan niya sa apartment na pakikiusapan niya ang kanyang boss na ipasok ang nagngangalang, Trina... Malamang ikaw.] Napasandal sa dingding si Rosalia. Rinig niya ang mahinang tawa ni Annie pero nangingibabaw sa kanya ang kaba. Hindi naman niya sinasadya na mapa-oo na tulungan si Trina, sadyang naawa lang siya dahil sa rason ni Trina para lang makapasok sa Werloz company. Ramdam niya ang kahirapan ni Trina. Hindi lamang sa pangangailangan nitong mag-trabaho, kundi para na rin sa kagustuhan nitong muling makapag-aral. College student na sana si Trina. Kwento pa ni Trina kay Rosalia ay natigil ang kanyang pag-aaral at mapag-pasyahan nilang magkapatid na alisan ang tita nilang inaabuso lamang sila. Wala na pala silang pamilya. Hindi patay, kundi may kani-kanila ng pamil

  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 19

    HAPON na nang makauwi si Rosalia sa apartment na tinutulungan niya. Mabuti na lang at pinahatid siya ng kanyang magiging boss kay Lerio at makasalubong si Trina, ang kapatid ni Tania, na sila na ngayong kasama ni Rosalia sa isang tindahan ng ihaw-ihaw malapit sa kanila. Nakikipag-kwentuhan si Trina sa mga kaibigan nitong nakatambay sa loob at kumakain ng ihaw-ihaw."Nako, Rosalia! Muntik na tayo do'n kanina." Salita ni Lerio na siyang may hawak pang isaw. "Mabuti na lang at napag-bigyan tayo!""Mabuti nga po, Kuya Lerio. Hindi ko na po alam kung anong gagawin ko kanina." Ani ni Rosalia bago saglit na lingunin ang nasa likuran niyang black na bmw na sasakyan. "Saka, 'yung mga tingnin ni sir, parang mangangain na." Sinubo ni Rosalia ang natitirang isaw na nasa stick niya bago kunin ang panibagong isaw na nasa gilid ng ihawan.Napatawa naman si Lerio sa sinabi ni Rosalia. "Nako! Ganoon na talaga si sir, Rosalia. Pero ang pinag-tataka ko nga ay bakit hindi naging ma

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status